Nakakatuwa.
Pasado Alas-nuebe na ng umaga kami nagising nina Roy, Alquin, Jeuel, at Alvin. Tama ka, nanulugan na naman kami kena Jeuel. Walang hila-hilamos, walang ligpit-ligpit, wala pang mumog-mumog, ay lumabas kami para abangan ang parada.
Wow! Parada! Ang tagal ko nang di nakakakita ng parada. Mga sampung taon? O baka higit pa. Magpipiyesta ang bayan namin kaya may corn float parade. Wala naman akong interes sa piyesta pero nakakagulat na hindi na pala Lubid-lubid/Cow Festival ang ipinagdiriwang ng Tiaong. Binago ng kasalukuyang administrasyon.
Sa aming kadugyutan hinintay namin ang parada sa kahabaan ng Maharlika Highway sa lilim ng 9m-worth na overpass ng DPWH.
Nasa unahan ang mga pulis, tapos bikers club, tapos mga lgu, tapos mga float establishment, tapos may kanya-kanyang paandar.
Nakakatawa.
Yung float ng Kambingan, isang kilalang panaderia sa aming bayan ay nagsabog ng tinapay. Nakakuha kami ni Alquin ng tig-isa. Yey! May almusal na.
Yung float ng water district, bukod sa kendi ay nagpasirit pa ng tubig.
Yung isang genetic farm, parang may mutant na nakasakay. Parang taong-kabayo, hindi Centaur, mas mukhang tikbalang. Ewan, mumukat-mukat pa kasi kami nun.
May napansin kaming mabagal na float, yun pala sa senior citizen. Nagbiro pa nga si Jet-jet na ito raw ang mga tipo ni Jeuel. May mga naka-gown kasi na mga thunders sa float. Nakakatuwa dahil binibigyang pansin sila, empowerment para sa mga nakatatandang miyembro ng lipunan.
Yung float ng mga bangko, hinintay naming magsabog ng barya, pero wala naman.
May naghagis ng Boy Bawang, napa-isip tuloy ako. Bakit nga ga Boy Bawang ang tawag dine ay mas marami naman ang mais?
May magagandang float at may chaka rin naman. Isa lang ang nakita kong mensahe ng float parade, ang paghihikayat sa mga mamumuhunang magtayo ng mga negosyo. Maganda naman dahil magkakaron din ng trabaho at karagdagang buwis sa aming bayan.
Andami naming napulot na kendi, ibinalik kami sa pagkabata. Throwback!
Nakakalungkot.
Ang pangit lang ay nabatid ko na kinelaim (inako) daw ng Tiaong ang pinakamataas na produksyon ng mais sa Pilipinas. Apat na taon kaming naglagalag sa mga taniman at kumausap ng mga magsasaka sa bayan namin at pamilyar kami sa mga itinatanim ng mga Tiaonging magsasaka. Ilan lang ang magmamais.
Nabalitaan ko pa ang naganap na car show sa bayan kasi nga corn festival. Corn festival. Car show. Marami bang car enthusiast sa bayan namin at di lang ako na-inform? Baka naman parte pala ang kotse ng kultura ng aming nagsasakang bayan? O may mangangapital para sa isang car dealing hub dito sa aming bayan. Walang ganito, kaya hindi ko rin madefine ang essence ng car show. Ang mahalaga may napanuod ang mga mamamayan.
Hindi ko alam ang motibo sa pagpapalit ng piyesta. Uulitin ko, wala akong interes sa piyestahan, pero sa cultural heritage at historical roots preservation, meron. Parang walang ginawang konsultasyon upang malinang ang sining, kultura, at kasaysayan ng Tiaong.
Hindi ako historian, hindi rin artist, pero alam ko na dapat linangin ito pati na ang wika at panitikan ng ating bayan. Ito kasi ang magsasabi kung sino tayo bilang mga Tiaongin.
Hindi dapat kalimutan ang Lubid-lubid na nagpapabatid na makakamit ang pag-unlad sa pagkakaisa. Sa ispirito ng bayanihan. Mukhang matatabunan na rin ang bulong ng kwento ni Donya Tating (Tiya) at ang unga ng kanyang baka. Matatakpan na ang mensahe ng pagtulong ng mga rakrakan at baklaan.
Malamang hindi ito naikonsulta at napag-aralan ng mga nag-organisa kaya di sinasadyang pinapatay ang pamanang kasaysayan at kultura ng mga sinaunang Tiaongin.
Friday, June 27, 2014
Corn-y Festival
Babay Buknoy!
Nasa simbahan ako nang malaman ko ang balita, humihingi ako ng pambili ng burger kay Mudra; patay na raw si Buknoy.
"Ha? Sinong Buknoy?" tanong ko kahit iisang Buknoy lang ang kakilala ko.
Si Buknoy ay kapit-bahay namin, isang bahay lang ang pagitan. Pren-pren to ng kapatid ko, kasamang magbasketbol at kasamang magbulakbol. Sanggang putik sila kahit na may mga ilang beses silang nagpanuntok. Kaya hindi rin nga makapaniwala ang kapatid kong si Bernunang. Ninong pa siya ng anak ni Bernunang. Magkasama pa nga raw sila kagabi sa palabas sa bayan.
Tinatayang alas-tres ng madaling araw namatay si Buknoy. Aksidente sa motorsiklo ang dahilan.Bumangga sa kotse. Bukas ang bungo. Walang lisensya, walang helmet, walang ligtas. Sa edad na 18, deadz. Pati ang ka-angkas na babae.
Wala atang balita na namatay na hindi kagulat-gulat. Palaging pinapa-ulit kung sinung namatay sa pagbabaka sakaling mali ang dinig at di kilala ang namatay. Yung may sakit kasi may clue ka na na pwedeng isang araw ma-deadz pero kapag aksidente palaging shocking.
Mabilis daw talaga magpatakbo ng motor si Buknoy. Nakasakay na rin ako minsan. Sabi ni Pudra mabait daw si Buknoy sa kanya. Sabi nh Mudra, nakakuwentuhan pa raw niya ito kahapon sa may ilog kung saan kami naglalaba. Nakita ko pa ngang nililinisan niya ang magdadala sa kanya sa kabilang buhay. Lahat kami wala sa hinagap ng diwa naming made-deadz siya kinabukasan. Ang buhay nga naman, asan na kaya si Buknoy? Nasa kabilang buhay nga ba siya?
Pag-uwi ko, doon ako dumaan sa likod ng bahay nina Buknoy. Dama mo agad ang ispirito ng dalamhati. Nasalubong ako ni Beybi, ang bunsong kapatid ni Buknoy.
"Kuya Jors, nasa ospital si Kuya Uknoy, nabalita mo?" masaya pa si Beybi. Buong akala niya huhugasan na lang daw ng paa si Buknoy at uuwi na sa kanila ito.

Bertdey Boy: E-Boy
Bertdey ni E-boy noong ika-14 ng Hunyo at labing-siyam na taong gulang na siya. Single; ang alam namin. Kaya naman sa bertdey niya wala siyang ka-date kundi kami. Nina Alquin, Roy, Ako, at si Alvin. Umaura kami buong araw.
Noong gabi ng ika-13 ng Hunyo, Biyernes, galing pa kami sa funeral service para kay Nanay Gaya, kaya gabi na kami naka-uwi. Naka-uwi sa kanila. Sinamahan namin si Jeuel na salubungin ang kaniyang bertdey. Nag-alarm pa ako ng recorded song na "hapi bertdey Jeuel" pero hindi ko naman narinig. Wala rin.
Ang plano talaga ay magsisine ng How to train your Dragon 2. Inaabangan kasi talaga ni Jeuel ito. Astig na astig siya kay Toothless, isang dragon na may lightning speed at retractable teeth. Hindi ko masyadong bet yung pelikula dahil sa mga misconceptions nito ukol sa mga Vikings. Ito ang ilan:
a. Hindi sungayan ang kanilang mga helmet. Plain lang ang mga ito at may face covering pa. Late 19th Century na ng lumabas ang image ng Vikings na may horned helmets. Parang nalalaos na artistang bigla na lang nagpaseksi; repackaging.
b. Hindi sila matatabang mandirigma. Lumulusob sila ng mga nayon-nayon tapos mga matataba sila? Sabi ng mga historians mas malaki ang posibilidad na slim ang kanilang pangangatawan dahil kapos sila sa pagkain. Mahaba ang tag-yelo sa northern hemisphere kaya kaunti lang ang oras para magtanim ng kakanin. Wala pang hydroponics at greenhouse technology noon. Kaya nga sa panahon ng tag-araw, lumulusob sila sa iba't-ibang nayon, kadalasan sa mga coastal areas, para manguha ng pagkain, kayamanan, at mga alipin. Kulang sila sa pagkain, tapos i-po-portray na obese? Lokohan.
c. Sa HTTYD 1, ang mga Vikings ang biktima ng paninira at pagnanakaw ng mga dragon. Ano na lang ang pakiramdam ng mga kaanak ng mga kanununuang mga biniktima ng mga Vikings ngayon?
Sa bagay, fiction nga di ga? Walang maling fiction. Kaya lang hindi naman nagsusuri ang maraming manunood, kaya nagkakaroon ng mga buktot na konsepto. Anong problema ko? Bertdey ko ga? HTTYD2 ang gusto ng bertdey boy.
Ang bertdey boy ang makapangyarihan. Siya ang nasusunod. Siya ang Alpha.Kaya lang nang tignan namin ang presyo ng tiket, Php 220. Hindi namin afford lahat. May hindi makakasama, pag may naiwan, hindi na masaya.
Kaya binago ang plano: Sampalok lake na lang ang aura. Viking pa rin naman, yung de pedal. Tapos manghuhuli kami ng tutubi; How to train your dragon -fly. Papangalanan din namin, dahil tagalog version, si Toothless ay si Bungal. Masaya rin naman ang magbisikleta sa Sampalok lake at matagal na rin ng huli naming magawa 'yon.
Dahil may mga gawain pa kami bago ang pagdiriwang, nag-almusal lang kami kena Jeuel, tapos kanya-kanyang aktibiti muna. Sina Alquin at Roy, may praktis tapos ako mag-assist pa ng pagtuturo sa mga bata. Alas-dose ang tagpuan sa SM, Booksale muna bago mag-Sampalok lake.
Nag-imbentaryo lang kami sa Booksale, wala kaming binili. Pero halos isang oras din kaming nagtingin-tingin ng mga rolibs. Therapy na sa mga pagod namin katawan. Tapos nagkayayaang silipin ang presyo ng HTTYD2. Sisilipin lang? Paano kung Php 150 lang? Gora na? Basta silipin lang, ang request ng bertdey boy. Pagdating namin sa may ticketbooth. Php 155 - HTTYD2 sabi ng overhead monitor.
Nagkaroon pa ng mumunting deliberasyon, pero gaano man kahaba ang prusisyon, sa sinehan pa rin ang tuloy. Naabutan pa namin ang mga trailers.
Maganda yung atake ng pelikula. May ilang eksenang talagang pumukaw ng damdamin ko. Ito ang ilang spoiler points:
a. Yung pagtatagpo ni Hiccup at ng Mama niya. Na kahit sanggol pa lang si Hiccup ng makuha ng dragon ang nanay niya ay nakilala pa rin niya ito. Lukso ng dugo, parang pinoy teleserya sa dreamworks.
b. Yung adbokasiya ng Nanay ni Hiccup na pangalagaan at pag-aralan ang mga dragon sa isang safe sanctuary ng nilikha ng Alpha; ang punong dragon. Kaya hindi na ito bumalik sa nayon nila dahil walang naniniwala sa teorya niyang may isip at napapaamo ang mga dragon. Si Hiccup kasi ipinaglaban niya ang teorya niya, youth angst ang drive nung part 1 e, at maganda ang resulta.
c. Yung nagtagpong muli yung nanay at tatay ni Hiccup sa safe sanctuary. Andami-dami pang sinasabi ng nanay ni Hiccup kung bakit hindi na siya bumalik, hindi na nagpakita pero pinatahimik siya ng isang halik ng pagtanggap at pangungulila. Sa lumipas ng 20 taon ay maganda pa rin daw ito. Nakakaiyak itong parteng ito grabe. Love conquers all. hart. hart.
d. Yung namatay ang tatay ni Hiccup at binigyan ito ng nordic chief's burial. Napakarangal na libing. At kailangang saluhin ni Hiccup ang responsibilidad ng isang chief. Nahaharap pa naman sila sa isang krisis dahil kinuha lahat sa kanila ang kanilang dragon at may nakakakontrol sa isang itim na Alpha.
Ayoko nang i-spoil pa ang mga ibang eksena. Puso ang atake ng pelikula at kung paanong kailangang hanapin ang sarili at harapin ang responsibilidad na kabalikat ng mga pagtuklas.
Ang alam ko napaiyak si Jeuel. Inspiring at makabagbag damdamin naman talaga, pusong bato lang talaga ang hindi maluluha.
Lumabas kami ng masaya at gutom. Pasal na pasal na. Kumain kami sa bayan ng San Pablo sa isang maliit at tagong kainan. Masarap kasi talaga ang siomai nila rito. Tapos naglakad patungong Sampalok Lake, nagkwek-kwek at pinagsayaw sa ibabaw ng upuan si Alvin. Para sa ikakasiya ng may bertdey.
Naglakad papuntang bayan. Para sa banchetta, andami-daming pagkain sa night food market. Tapos naglakad na papuntang terminal ng dyip pauwi.
Ramdam na namin na halos kalos na kalos na ang aming mga katawan. Tinanong namin si Jeuel kung masaya ito.
Tumango siya.
Mga etiketa:
kabataan,
maka-enrty lang,
naratibo?,
okasyon,
pagkakaibigan,
sanaysay
Kalayaaaaan!!!
Hunyo 12, 2014. Ang ika-isangdaa't labing-anim na taon ng kasarinlan ng Pilipinas. Pero National Eternity Friendship Day namin nina Alquin, Roy, at Jeuel. Si Jeuel ang organizer ng nasabing holiday. Emphasis on: "Si Jeuel ang organizer..."
Pagdating ko kena Jeuel, hinintay ko muna silang matapos mag-advance wars ni Alquin. Pinapasali nila ko pero ang pangit kasi ng graphics at design, maganda naman ang gameplay. Sakupan ng base gamit ang limitadong resources. Enebenemen! Araw ng Kalayaan at ganito yung nilalaro nila, kaya hindi ako sumali.
Matapos ang pagkatalo ni Alquin, wala pa rin si Roy. Niyaya ko silang mag-kompyuter sa labas. Kailangan kong magpasa ng term report at feature story tungkol pa rin sa ginawa ko sa Eastern Visayas, na dalawang linggo nang umaalipin sakin. Wala kasing deadline. Sinama ko sila para may taga-cheer. At pagkatapos ng isang oras, naramdaman ko ang kalayaan. Ang maluwag na paghinga ng kasarinlan.
Pero wala pa rin si Roy.
Pumunta kami ng palengke para bumili ng pang-ulam. Wala sina Pastor at Mrs. P, walang uulamin sina Jet-jet pati na rin kami. At dahil wala nga sina Mrs. P, sinamantala ni Jeuel ang pagkakataon para bumili ng delata. Bumili naman ako ng na-miss kong siomai. Tapos, umuwi agad para mananghalian dahil alas-dos na. Pero wala pa rin si Roy.
Kumain na nga kami. Binuksan ang isang de lata, grabe! Ito ang laman ng bente pesos na de lata? Kapirasong isda. As in parang hinlalaki ko lang at da rest ay dagat ng sarsa. Ito ang kinakain ng maraming Pilipino. Wooo! Kalayaaaan!!!
Dumating si Roy sa wakas. Tumugtog kami ng ilang saglit, mga limang kanta lang. Tapos natulog. Dahil antok na antok si Jeuel. Natulog kami sa kwarto niya at sa kama niyang may pink na bed sheet. May puso-pusong disenyo pa. Sa saliw ng pagtugtog ni Roy, at hangin ng bentilador, nakatulog kami hanggang pasado alas-singko. Masarap naman ang tulog namin.
Paglabas namin ng kwarto nina Jeuel, nasa kusina na sina Pastor, Misis, at si Lola Nitz, pinag-usapan ang inabyad nilang patay. Namatay si Nanay Ligaya. Matapat na kapatiran sa simbahan ni Jeuel. Kasabayan ng Lola Nitz nang nag-uumpisa pa lang ang kanilang simbahan.
Wala nakong matandaan sa ginawa namin nang gabing iyon bukod sa mga kwentuhan. Mga rebelasyon ni Babes sa lovelife ng Kuya Jeuel niya. Ihinatid namin si Roy at bumili ng kape. Walang kakaiba. Walang kaprodu-produktibong gawain.
Maya-maya pa. Natulog na ulit kami. Oo, hindi ako umuwi at wala akong dalang toothbrush.
Ang alam ko si Kim Jong-il ay nag-gawad ng Eternal Friendship sa isang basketbolista sa NBA. Kung tutuusin kami talaga ang may eternal friendship at sa lugar kung nasaan naroon na rin ang Nanay Gaya, hindi na kami matutulog.
Ito ang aming National Etertnity Friendship Day.

estudyante,
kabataan,
okasyon,
pagkakaibigan,
sanaysay
Tuesday, June 10, 2014
Si LEA at Si Leo
Kasamahan ito ng Si LEA at ang Pangil ng mga Dragons, Si LEA at ang mga Multo ng Kahapon, na mga series of posts patungkol sa Licensure Examination for Agriculturists (LEA).
Hindi masyadong pinapansin ang LEA kumpara sa BAR Exams at Nurses Licensure Exams, ang result ng LEA, di gaya ng mga nabanggit ay walang tv broadcast. Kadalasan sa Manila Bulletin lang ang public notice mula sa PRC. Pero ngayon, nakita ko na siya maging sa Rappler.
Meron akong dalawang dahilan kung bakit hindi pa rin ako kumuha ngayong taon ng lisensya:
Una, wit pa need. Magsusulat ako ngayong taon para mabuhay at hindi ko naman kailangan ng lisensya.
Pangalawa, gusto kong mag-top. Gusto ko lang, masama? Wala pa ako sa studying attitude. Nakakalungkot, hindi ako ganun katalino para maka-top at ang mas nakakalungkot, hindi ako ganun kasipag at katiyaga para magrebyu. Ang pag-asa ko lang para maka-top ay isang malaking HIMALA. Merong HIMALAAA!!! MERON! MERON! MERON!
Sino si Leo? Isang naghimala. Magnacumlaude siya ng batch 2014 ng Agri.Tech students. Naging kaklase ko siya, matatandaang umulit ako ng isang subject, at hinihingian ko siya ng papel kapag may quiz, through Ate Key.
"Ate Key pengeng papel"
sasagot si Ate K:
"Wala akong papel, Leo penge raw papel si Dyord"
Sasagot si Leo:
"O."
Ganito ang role ko sa klase nila, tagahingi ng papel. Nakapasa si Leo Paolo Ramos ng LEA ngayong taon at nag-top pa. Top 5. Boom! Powerhouse naman talaga si Leo sa batch nila. Kahit nung hayskul nasa honor roll ito. Naging chairman ng isang academic org. Madalas maka-top ng exam. At higit sa lahat namimigay ng papel.
Inspiring at challenge. Inspiring dahil nakaka-inspire, nakikilinya na ang alma mater namin kasama ang UPLB, MSU, at CLSU, mga prominenteng unibersidad pagdating sa larangan ng agham. Challenging in a sense na kung may nakagawa nang makapasok sa top ten, kaya rin namin. Namin? Alam ko hindi lang ako ang naghahangad maka-top sa licensure exam. Gumawa si Leo ng kasaysayan ngayong araw para sa maliit naming satellite university. Pressure rin e.
Tinanong ko siya kung anung tip ang mabibigay niya, normal na rebyu lang daw ang ginawa niya. Nag-enroll sa review center, primarily para sa subject na extension na wala sa curiculum namin. Pero pinakamatindi raw na kailangan ay ang: "Manalig". :)
Nakakatuwa. Nakapasa rin si Ate Key. Yey! Si Ate Key ay kaklase ko nung Grade 6, 2nd year at 3rd year hayskul. Source ko ito ng assignment nung magkaiba pa kami ng section nung 1st year hayskul. Naging ka-"trabaho" ko rin sa research team para sa tesis ni Mam Mabel. At pinsan ng ka-bradee ko na si Alquin.
Kay Leo, salamat muli sa inspirasyon, hamon, at mga papel kapag may quiz.
Sa mga iba pang nakapasa, at hindi nakapasa, hanapin nyo ang lugar ninyo sa industriya. Pagyamanin ang kaalaman at ang bayan.
P.S.
Wag akong tularan, isa akong "underemployed". bruhahaha
Para sa mga Links:
www.localpulse.net
http://idyordnal.blogspot.com/2013/08/si-lea-at-ang-mga-pangil-ng-dragon.html
http://idyordnal.blogspot.com/2013/08/si-lea-at-ang-mga-multo-ng-kahapon.html
Tinuhog
Si Ate Balma, isa sa mga nanay na nakilala ko sa pagbisita ko sa Guiuan, Eastern Samar. Halos dulo na ng Samar ang bayan nila. At halos dulo na rin ng Guiuan ang Brgy. Pagnamitan kung saan sila nakatira. Ito ang unang landfall ng World's Strongest Typhoon - Yolanda mula sa Pacific Ocean.
Bago pa man humagupit ang Yolanda, ay dalawang taon ng pumanaw ang kanyang asawa. Sakit sa puso raw. At naiwan siyang mag-isang nagtataguyod ng walong anak. Na-Yolanda pa sila.
Si Nikki, yung kasama kong volunteer writer ang naka-pick-up ng story niya during the medical mission. Sumama lang ako sa follow-up, para makalubog na rin sa komunidad. Habang kinakausap namin siya tungkol sa pinagdaanan nila ay nakangiti siya at walang nang bakas ng awa sa sarili o takot dulot ng dilubyo. Para lang kaming nangangahanggan kung sa termino samin sa katagalugan.
Gaya ng madaming kwento, giniba ni Yolanda ang bahay nila. Nagpulot nga raw sila ng mapuputik na damit may maipampalit lang. At nakipagsapalaran sa reliefs. Buhay pa rin siya pati walo niyang anak. Isa sa mga pinagpapasalamat niya.
Sa ngayon, meron siyang maayos naman na nasisilungan. Nadatnan namin siyang may kinukutkot, tinuhog o shell crafts ang tawag nila dito. Pinuri ko siya dahil masining at matiyaga ang pagtuhog-tuhog ng mga maliliit na shells gamit ang nylon na pisi, yung ibang kwintas may mga scallops din na kasama. Ito raw ang isa sa mga ikinabubuhay niya noon pa bago pa man mag-Yolanda.
Naibebenta ang mga tinuhog ng Php 45 kada dosena sa bayan. Yung mga materyales gaya ng nylon ay mura lang na nabibili at yung mga shells pwedeng pulutin sa may dalampasigan. Namulot nga ako kahapon doon. Pagtutuhog din daw ang kabuhayan ng mga kananayan sa Pagnamitan.
Nagtatanim-tanim din siya ng mga gulay-gulay sa kanilang paligid. Nakakatulong rin ang pagpipinta ng kanyang anak sa kanilang mga gastusin. Napansin kong mahusay ang mga pinta sa kanilang ding-ding.
Bago kami umalis, inabutan kami ni Ate Balma ng tatlong dosenang tinuhog. Sa amin na raw, pero siempre binayaran namin bilang tulong na rin sa kanyang pagsisimulang muli.
Bago kami umalis, ipinalangin namin ang kanyang kabuhayan at pagbangon.
Kahanga-hanga si Ate Balma dahil kahit tinuhog sila ng mga delubyo ay hindi siya nawawalan ng pag-asa sa buhay.
Kahit sunod sunod pang matuhog ng mga dilubyo ng buhay, sa huli ay lalabas tayong isang obra.
...
Bago kami ulit tumulak pabalik ng Tacloban, nakasalubong namin si Ate Balma. Galing daw siya ng meeting at nakasama sa housing grant ng isang humanitarian arm.
Yip-yip!

Makakapagtanong ka nga sa sarili, paano kung sakin nangyari 'yun? Magsimulang muli mula sa suot kong damit ngayon? Grabe. Ang alwan-alwan ng buhay ko ngayon, gigising s umaga, magkakape, magbabasa, magsusulat, kakain, and repeat from the start. All is well.
Kahit sunod sunod pang matuhog ng mga dilubyo ng buhay, sa huli ay lalabas tayong isang obra.
...
Bago kami ulit tumulak pabalik ng Tacloban, nakasalubong namin si Ate Balma. Galing daw siya ng meeting at nakasama sa housing grant ng isang humanitarian arm.
Yip-yip!
Wednesday, June 4, 2014
Ipu-ipong Walang Hanggan
Maruming kadustaan,
Kasamaan ng budhi,
Mabahong nakaraan,
Sumama ka sa ipu-ipong walang hanggan,
Lunurin sa madilim na kalaliman.
Tunay na katipiran
Ang inidoro naming may kalumaan.
Sapagkat higop lahat
Sa isang buhos lang.
Kasamaan ng budhi,
Mabahong nakaraan,
Sumama ka sa ipu-ipong walang hanggan,
Lunurin sa madilim na kalaliman.
Tunay na katipiran
Ang inidoro naming may kalumaan.
Sapagkat higop lahat
Sa isang buhos lang.
Pauwi na!,Day 14
Day 14
Pauwi nako, mamayang 1:20pm ang flight ko. Baka ito na ang huli kong blog post. 'Wag naman, susulat pako ng libro in the future, o kung ito na nga ang huli, paki-compile na lang ng mga tula at sanaysay ko rito para sa isang post-humous book release. Ahhh, hindi ko na mapipirmahan 'yun. hahah
Anyways,ito na naman ang sakit ko. Tinatamad akong mag-impake. Maligo at mag-ayos.
Sa susunod na pagboboluntir ko, alam ko na ang mga dadalhin. Ang isusuot. Ang iaasal. Mga ganan.
Sa pag-uwi ko may mga dala akong sigay, labahin, buhangin (kung makalusot), at siempre pa mga kwento. Andami-daming kwento.
May mga assignment pa nga pala akong stories, maglalaba, magpapaligo ng aso dahil I bet hindi yun napapaliguan nung wala ako.
At sana hindi nga ito ang huli kong post dahil ang pangit-pangit. Wala man lang pasasalamat o pagkilala.
Maupay han Ginoo sa akung kinabuhi. Malipay man 'ko. :)
Tacloban City,
10:44 am
June 04,2014

Tuesday, June 3, 2014
Pa-pres, Day 13
Day 13
Umaga, sa Brgy. Sto. Nino, Tacloban kami nag-devotion kasama ng mga karpintero. Ayun, ayos na halos ang isang daang bahay sa loob lang ng isang daang araw, express. Transitional houses ito na titirhan muna ng mga beneficiary ng housing project ng GMA Kapuso Foundation.
Matapos noon, bumalik, natulog hanggang mag-lunch. Akalako pag gising ko hapon na, naiinip kasi talaga ako, tapos alas-dose pa lang. Nangangati ang aking kapaahan ng gagawin o pupuntahan.
Hindi naman ako pakialamin sa mga nag-iinventory sa meds dahil baka daw ma-toxic ang baby nila. So, nag-lunch na muna ako, patabaing biik nako dito.
Nag-alok si Ate Maris na sumama sa Brgy.89 sa San Jose, imi-meet yung mga farmers. Go!
Pagdating namin dun naging ka-workmate namin si Ate Janet Lunzaga, maganda naman siya at mabait, staff siya ng Kabalikat sa Magandang Bukas, Inc. parang ganan ata. Micro-finance something ata sila.
Tumakbo ang pagpupulong. Maya-maya pa ay nakita ko na ang "attitude" ng mga magsasaka sa baranggay na ito. Ganito rin ang ugali at pananaw ng marami sa Quezon, pero hindi naman ako nag-gegeneralize.
Namomroblema kasi yung isang magsasaka/negosyante sa tao. Wala raw siyang makuhang tao. Sabi niya kay Ate Janet dapat daw i-provide din ng NGO ang mga trabahador maliban sa mga binhi,kagamitan, at kapital. Kasi raw ang mga tao parang tinatamad dahil may napipilahan pang mga relief distributions at may cash for work pa. Sa madaling sabi, gusto niya ay hihiga na lang siya at ibigay ng NGO ang lahat ng pangangailangan ng sakahan niya. Ang patient pa ring sumagot ni Ate Janet. Hindi lahat kayang ibigay ng NGO, at walang NGO ang may kaya noon. "Poproblemahin po naminyung pwede namin itulong sa inyo, kayo na po ang poproblema kung paano kayo makakapagtanim" medyo may tapang na sagot ni Ate Janet though polite pa rin naman. Ako napipikon nako kahit naka-upo lang.
After ng pagpupulong, sinaluduhan ko si Ate Janet sa kanyang katiyagaan at kahinahunan sa pakikipagtalastasan sa mga magsasaka. Hindi naman sila lahat ganun yung attitude, siguro dahil na rin sa tagal na walang umaalalay sa kanila matapos ang trahedya ni Yolanda. Marami na raw kasi ang pumunta roon pero hanggang pa-fill-up lang ng mga forms at walang aksyon.
Mag-iisang taon pa lang daw si Ate Janet sa field, nakikipag-ugnayan sa farmers. Marami raw talaga gusto isubo lahat. Kapag ibinigay mo yung isa mong kamay, gusto kunin pati braso mo. Kapag hindi mo raw kasi tinapangan ng kaunti ang sagot mo, lalamunin ka ng kanilang mga reklamo at demands, na kung tutuusin wala naman sa lugar. Hindi naman talaga dapat ang NGO ang may pangunahing concern sa kanila, dapat gobyerno.
Maya-maya pa, tinanong niya ko kung nagulat ba raw ako sa kalakaran sa field. Sabi ko hindi naman, kahit bagong graduate lang ako, narinig na namin ang mga ganitong reklamo sa mga survey sa school.
Maganda siguro kung bigyan na lang natin sila ng mga halamang namumunga na, yung mga kamatis na mahihinog na lang. Yun yata yung gusto nila. Pero hindi pwedeng laging isusubo na lang. Ayos lang na inaalalayan tayo s amuling pagbangon, pero yung susubuan ka na lang habang buhay; nakakawala na ng dignidad 'yun. Dapat nga bilang naaping sektor ng lipunan, dinadala natin ang pagigng magsasaka ng may dignidad man lang.
Stress talaga.
Sa dyip, tinananong ako ni Ate kung sang school daw ako, sabi ko sa SLSU. Sabi nya kung may campus ministry ba raw ako roon. Sabi ko na-involve naman ako kahit papaano. Kilala ko ba raw si Kuya Caloy, oo naman! Yun pala ay kilala niya rin dahil si Kuya Caloy ang ministeryo sa kanila sa UP Dorm. Grabe! Hanggang dito ba naman may nakakakilala pa rin kay Kuya Caloy? Small world talaga. Ikamusta ko raw siya. Sabi ko sure,no frog.
Bumaba na siya bago mag-downtown.
Kami ni Ate Maris, nag-stress debriefing sa downtown. Naghalo-halo sa Felisia's Cafe na since 1940s yata. Masarap naman ang halo-halo nila, survivor maging ang recipe. Tapos, para kumpleto ang pag-aalis ng stress, nag-ukay kami at nakakuha ako ng isang magandang sweater, paghahanda sa rainy days. hehe. I deserve.
Pers day of skul kahapon, sa dyip mula Tacloban downtown, nakita ko yung Grade 8 students may mga hawak na libro, yung isa SDTG, yung isa Panitikang Pilipino. Parehas kong ininterbyu, mas responsive at interactive yung may hawak ng Panitikang Pilipino. Yung si ateng SDTG, shy-shy siya.
O baka nagulat lang na bigla ko siyang pinagtatatanong sa loob ng puj. O strict ang parents at hindi nakikipag-converses sa fc na stranger.
Well, unang araw pa lang ng pasukan.Pero I bet mas malawak ang matutunan nung batang may hawak na Pan.Pil. May ganun na palang aklat ngayon sa hayskul?!
Yun lang today, malapit nakong umuwi.
June 3, 2014
Tacloban City
Monday, June 2, 2014
Botsi pa rin ang Tuwid na Daan
Botsi.
Iginulong sa arina
Ang liku-likong bituka
Ng manok na sisirin
Ang kumukulong mantika
Botsi.
Mahalang na sukang sawsawan
Kapirasong kawayan na hawakan
Naluto at pinalutong
Sa kumukulong mantikang ulit-ulit nang pinagpritusan.
Botsi.
"Bili na kayong botsi!" malaki pa ang kailangan.
Pangkain lang ng mga sikmurang kumakalam.
Sumapit nga ang dilim, kakabawi pa lang.
Pang-gastos para bukas: pagkasyahin ang sandaan.
Lublob at pinalutong na ng mantika ng karukhaan.

Sunday, June 1, 2014
Isang Linggo Na Ko!, Day6-8
Day 6
Pagkagising ko, namiss ko ang tilaok ng manok. Walamasyadong
manok dito, mga tatlo lang siguro sa buong baranggay,tapos hindi pa tmutilaok.
Matapos ang breakfast at devotion,itinapon ulit kami sa
dalawang komunidad. May isang misyon lang ngayong araw, ang pagkalap muli ng
istorya mula sa mga nakatanggap ng rubber slip-ons mula sa Soles 4 the Souls at
kamustahin ang kalagayan ng mga bata ng Brgy. Cantahay.
Isa lang ang ka-team up naming ni Nikz, si Rufel. Inabot
kami ng matinding init sa Cantahay. Ang ku-kyut ng mga bata rito. Yung mga
tsinelas nila halos bago pa dahilhindipa masyado ginagamit, sa pasukan pa raw
sa June 2.
Nagtatayuan pa lang din sila ng bahay dito. Mga tagpi-tagping yero at plywood.Parang
bahay lang namin. Tapos may na-interview din kami na pamilya na nangangailangan
pa ng mga materyales, hindi raw sila napapansin ng gobyerno at ibang NGO. Sa
ibang lugar daw kasi ay sumusobra-sobra na ang mga materyales tapos ang
ginagawang mga tao ay ipinagbibili.
Habang ini-interbyu siya ni Nikz, nilalaro ko yung pusa
nilang natutulog. Tapos napansin ko yung buntis na aso. So sumingit akong
tanong kung anung pangalan, Mighty raw.At Mighty nga dahil survivor itong
Yolanda. Hindi nila alam kung saan ito
sumuot ng nagbagyuhan na, pati mga kalapati nila hindi nila alam kung saan
sumuot. Pagkatapos na lang daw ng bagyo ng bumalik silaaynakita na nilang
naglulundag sa pananabik ang kanilang si Mighty. Buhay din ang kanilang pusa at
mga kalapati.
Meron din ditong ginagawang ospital. Joint project daw ito ng
WHO, Medicin San Frontieres yung pangalan. European ata yung ospital, imbes daw
kasi na ipagkatiwala sa gobyerno yung pondoe yung mga stakeholders na mismo ang
nagpagawa. Sa umpisa raw mga foreigners ang personnel tapos ite-turn over na
lang sa local government. Kahit wag na.
Nagmumukhang mga rants sa gobyerno ang daily journal
ko. Wala kasi akong makita na rehab
program ng gobyerno. Sah-ry.
Kalahating araw lang kami ngayon,pag-uwi ng bahay
nagpahinga. Nagbasa. Tapos nagkape habang nanonood ng Battle Los Angeles, medyo
na-uplift naman ang imahe ng US Navy sa palabas na ‘yon. At saka makikita mo
dun yung gaano ka-vital ang impormasyon lalo na sa alien invasion. Haha
Noong gabi ay pnilantsa na naming ang pagpunta ng Homomhon.
May 26, 2014
Day 7
Dapat sana historical-economical-rants ang post na ito
kayadi muna ako magkukwento kung anung mga nakita ko sa islang ito. Dito talaga
ako nakakuha ng magandang kuwento ng paglaban sa buhay.
Magre-research pako.
Halos malunod ang puso ko ng arawna ito.
May 27, 2014
Day 8
Wala masyadong produktibong aktibidad ng araw na ito.
Bumiyahe kami mula Guiuan, Eastern Samar pabalik ng Tacloban City para sa
pagpapatuloy ng misyon. Pagdating nagpahinga at kumain. Tapos, natulog lang.
Apat na oras din yung byahe naming. Muli nasilayan ko ang San Juanico Bridge.
Nag-planning ng gagawin kinabukasan. Pupunta akong Matag-ob
at Palompon,Northern Leyte para kapanayamin ang mga recipient ng Watts of Love.
Alamin ang mga pangangailangan pa ng kanilang komunidad. Isulat ang kanilang
kwento.
Bago ako natulog, naalala ko na isang linggo nap ala ako
rito sa Eastern Visayas, nakaramdam ako ng miss.
Nakakainis!
May 28, 2014
Mga etiketa:
boluntir's kronikels,
kabataan,
pagkakaibigan
Nakaka-huhu, Day 10
Day 10
Gumising ako ng masakit pa rin ang kasu-kasu-an. May tuyong
laway. Nakakapagod kaya yung byahe kahapon. Lagare, lagaring bakal pa nga.
Parang gusto kong mag-day-off. Pero may dapat akong gawin
ngayong araw at ito nga ang pagpunta sa Palo, Leyte. Nag-almusal muna ako at
humabol sa devotion.
Si Pastor Paj ang nagbahagi ng salita ngayong umaga, tungkol
sa parable of the sower pero focus yung lupa. Yung puso ng mga tagapakinig.
Tamang-tama raw dahil agriculture ang course ko, mag-usap daw kami mamaya.
Mukhang alam ko na.
Si Pastor Paj ang kasama ko sa sasakyan, nakapagkwento siya
tungkol sa kanyang buhay. Na ginginology ang minajor niya sa Agricultural Engr.
Na pariwara bago makakilala sa Lord. Ganan. Tapos siya raw ang may hawak ng
ministerial at livelihood (including agricultural) kaya naghahanap daw ang
foundation ng staff na maghahandle sa livelihood. Kung gusto ko raw …
Nakikita ko ang ginagawa ni Ate Malou sa Guiuan, grabe!
Hindi kaya ng pasensya ko, napaka-baby ko pa sa ganung responsibilidad.
Nadaanan namin ang McArthur’s Park, ditto pala siya nag-“I
shall return”. Pangitang-pangita na ang hina ng history ko.
Pupunta kami kasama ni Mariz sa Brgy. Cogon, Palo,Leyte para
mag-turn over ng mga bangka. Doon ko nakilala si Kuya Globert, isa sa mga
nakatanggap ng bangka. Namatay ang asawa niyang si Wilma nang humagupit ang
Yolanda. Dere-deretso pa naman ako sa pagtatanong, kuya ano pong edad niyo,
pangalan po ng asawa, edad po, “patay na, nung Yolanda”. Ang hirap magpatuloy
ng tanong.
Biglang sulpot pa ng dalawang anak niya sa tabi ko. Tapos
nalaman kong mga honour student pala yung mga bata. Isang Grade 5 at Grade 2.
Tinanong ko ang mga pangarap ng mga bata, tapos sabi ni Kuya Globert; “Antaas
nga ng pangarap ng mga ‘yan,saying namatayna ang Mama nila”.
“Shiiiik” parang may napipilas sa puso ko. Basahin nyo na
lang ang article tungkol sa kanila. Ayoko ng ituloy ang entry na ‘to.
May 30, 2014
Days-Off, Day11-12
Day 11
Pres na pres pa’ko galing ng pagligo.
Relak-relak lang today dahil walang “trabaho” kasi Sabado
na. Grinab ko na ang pagkakataon para magsulat ng magsulat ng articles at
mag-update ng blog. Hindi ko man natapos lahat, at least may nagawa ako ngayong
araw at may gagawin pa ako sa mga darating na bukas.
Hunyo nap ala bukas? Kalahating taon na, pero ang plans ko
for 2k14 ay wala pa rin sa kalahati ang accomplishments. Oks lang, mahaba pa
ang taon, marami pang pwedeng mapangyari at mangyari.
Kanina pumunta ako ng downtown para hanapin yung New Life
Baptist Church. Nadatnan ko ay dalawang bata at dalawang aso, siempre sa bata
ako nagtanong kung anung oras ng pagtitipon bukas. Alas-nuebe raw pero
pumuntana raw ako ng 8:30, alam niya ata na palagi akong late.
Kaya matutulog na ako para maaga kinabukasan.
Tacloban City, Leyte
May 31, 2014
Day 12
Maaga akong nagising at alam ko kung bakit.
Tinapay na may itlog ang almusal bago tumulak ng pagsimba.
Pagdating ko sa New Life ay nakakwentuhan ko ang isang nanay (na naman) tungkol
sa kalagayan nila nung Yolanda. Wala rin daw napinsala sa kanilang kapatiran
kundi mga bahay lang. Nagkwento pa siya tungkol sa mga iba pa niyang
ka-miyembro ng mga pinagdaanan nila. Maya-maya pa worship na. Ok naman, wala
naming mga nagtutumbahan dito.
Nalaman ko rin na Millionaire’s Village ang tawag sa
kinalalagyan ng office-housenamin. Kaya pala mahal sumingil ang mga
trike-draybers samin.
Kaya bumalik ako nung hapon.
Bago ako dumeretso ng church, nag-ihaw-ihaw muna ako. Hindi ko exactly nalaman kung anung tawag dun sa kinain ko pero alam ko na taba iyon. Na malambot talaga at makunat. Tapos para siyang mabuhangin, hindi ko alam kung asin at asukal ba yung nalalasahan kong mga yamugmog sa taba. Ansarap pa ng suka, tamang anghang at init. Ganun din ang kanilang prinitong bituka na ginulong muna sa harina, ang lutong na malasa. Ssshhirrp!
Sa church, may naging kaibigan ako si Nice at si Lyka, isang golden retreiver at labrador. Ang saya lang ng bonding namin dun sa may bandang likod. Bigla ko ring na-miss sina prick-prick, tsaw-tsaw, at dash-dash.

June 1, 2014
Subscribe to:
Posts (Atom)