Monday, October 5, 2015

Oktubre 4, 2015


Linggo na naman. Umaga; simba. Hapon; simba. Pagabi; kape at aklat. 

Wearing:
Smart casual lang. Nasunog kasi ang itim kong sapatos. Kaya hindi rin muna ko makakanta (sa choir) at makakatugtog (sa congregational singing). Sa bahay, green na short at pulang t-shirt. Pasko lang.

Watching:
Ritwal ko nang manood ng KMJS (Kapuso Mo Jessica Soho) kapag Linggo kung nasa bahay ako para makita ang takbo ng pop culture. Maganda at magaling naman ang staffs lalo na sa video editing.

Listening/Singing:
Come and Dine, Everyday I'm Amazed, at iba pang hymns. Akalain mo, folk songs pala ito para sa iba?

Thinking:
Madami-dami e: mga gagawin next week at kung saan papunta ang blog post na 'to.

Eating:
Itlog at kanin. Ewan ko lang sa hapunan. Presto Creams Peanut Butter din pala kaninang meryenda.

Reading:
Kakatapos ko lang ng War of the Worlds (WotW) ni H.G. Wells. Tyinaga ko lang talaga. Inabot ako ng isang buwan siguro dahil 1898 pa ito nailimbag at kailangan ko pang mag-download ng dictionary app. Ito ang mga napulot ko:

1. Kakalaya pa lang natin noon sa Espanyol, nakatingin na ang mga kanluranin sa extra-terrestrial invasion. Kumbaga tao vs. ibang species na sila; tayo Filipino vs. Filipino naman.

2. Wala pa kasing masyadong knowledge noon tungkol sa Mars kaya hindi accurate ang mga description. Hindi mo naman puwedeng sabihing "mali" dahil fiction nga yun at hindi scientific paper. hehe

3. Yung mga babae rito ay mahihina. Yung dalawang Londoners ay ipinagtanggol sa mga mapanamantala. Yung asawa noong bida ay lumabas lang ulit sa nobela noong tapos na ang kaguluhan. Parang sinasabing hindi kakayanin ng kababaihan ang gan'tong krisis at dapat silang itago na lang. Hindi rin naman lalaki ang nakalutas ng suliranin. Kundi...

4. ... Divine intervention ang pagkakaligtas ng daigdig. Sa umpisa parang anti-religion ang bida dahil sa pagkairita nito sa curate o taong simbahan na kasama niya. Pero hindi, dahil inacknowledge niya na ang Diyos ang naglagay ng bacteria na pumatay sa mga Martian. Kumbaga ang maliliit na buhay na ito ang tumapos sa kapangyarihang lagpas sa talino ng sangkatauhan. Napapadalangin nga ang bida bunsod ng matinding takot, tuwa, at pasasalamat.

5. Pinakita ng WotW na ang pananampalataya sa Diyos ay hindi dapat superficial na pinapatay ang common sense lalo na sa oras ng matinding krisis. Hindi dapat ngumanga lang at hintayin ang salvation of the Lord. Paalala ito sa mga mapagwika tungkol sa kanilang pananalig sa Diyos pero pinanawan ng bait nang maliglig at maalis sa katayuan sa simbahan.

6. Pinakita rin ng WotW na kapag umaantas ang kaalaman at kapangyarihan natin, kasabay ng pag-antas ng pangangailangan, ay nagiging invasive tayo sa mga inferior o mas mababang antas na mga nilalang.

   Ang pormat ng blog ko ngayon ay hango sa pormat ng blog ni Maine Mendoza na binasa ko kamakailan lang. *pabebe reads!

No comments: