Minsan nag-volunteer ako na sumama sa pagtuturo nina Ate Anj at Pastor Kris ng mga bata sa Candelaria. Kasama namin ang dalawang MJ - si MJ girl at si MJ boy. Baka kasi hindi nako makasama sa kanila kapag nagtrabaho na ulit ako.
Hindi ako nagtuturo sa mga bata kaya pansining volunteer taga-sama lang ako. Nag-obserba lang ako sa kanila. Tuwang-tuwa ang mga bata sa pa-kanta ni Ate MJ na paglubog ng arko ni Noe. Mas natuwa naman ang mga bata sa palaro ni Kuya MJ na lulubog ang arko ni Noe. Mekaniks: magsasama-sama ang mga bata sa bilang na sasabihin ni Kuya MJ. Parang group yourselves. Nabubuhay na talaga tayo sa kultura ng kalamidad at hindi magandang disaster response ang dibisyon at pagkakanya-kanya.
Tinuro ni Ate Anj ang classic na Tore ni Babel- ang government project na di natapos. Pano naman kasi yung mga politiko nun, nagyayabang na kaagad nang wala pang natatapos. Hindi rin nagkaintindihan ang mga tao noon. Nagkaroon din ng group yourselves; ng dibisyon. Parang hindi pa rin tayo natututo mula sa kuwento ng Tore ni Babel.
Maya-maya pa ay nagtanong na si Ate Anj. Napatawa at nagulat ako kay Ate Anj. Ito ang tanong n'ya: "Minsan naisip mo na ba kung bakit ka isinilang sa mundong ito?" Existential naman masyado kako para sa mga batang nasa edad na 5-8 years old. "Alam kong masyadong malalim pa ang tanong para sa inyo", bawi ni Ate Anj na tatawa-tawa rin.
"Purpose-Driven Life" sabi ng isang bata. Nawala ang pagtatawa ko. At bago ko pa matanong kung bata ba talaga si Bradley ay sumagot ulit siya. "Para sa layunin ng Diyos." Hindi ko pa nga nababasa ang totoong aklat ni Rick Warren na 'Purpose-Driven Life'; yung parang summary book lang nito ang nabasa ko. Super iksi lang. Nagulantang ako dahil parang noong walong taong gulang pa lang ako, ni wala pa yata akong common sense, samantalang si Bradley may nalalaman nang sense of purpose. Palabasa at palaging nasa honor roll pala si Bradley.
Ano bang layunin ko sa mga ginagawa ko? Kung hindi kasi layunin ng Diyos ang mga toreng tinatayo ko; e kahit anong pukpok ko hindi rin ako makatatapos.
Salamat Brad sa pagpapaalala!
Tuesday, April 26, 2016
Perpos -Driben
Mga etiketa:
aklat,
boluntir's kronikels,
direksyon,
estudyante
Saturday, April 23, 2016
Uhm Bakit?
Miyerkules ng gabi. Sa burol ng mga pinsan ni E-boy. Sa dami ng tao, hindi mo maiiwasang mag-people watching. Minsan mainam din 'tong panlaban sa antok.
Antok na antok na kami ni E-boy. Habang siya ay nagpipilit paring maglaro ng Pokemon, nakatingin naman ako sa isang kahina-hinalang lalaki. Napansin din pala ito ni Ebs. Kinabukasan na namin siya napagkuwentuhan.
Nagsasalin siya ng malamig na tubig sa mga plastic cups tapos ilalagay nya isang plastic plate. May mga late 30s to early 40d ang edad at nakasombrero. Tapos, bubuhatin n'ya ang plastic plates kung san nakapatong ang mga halos puno ng tubig na mga cups. Parang wala s'yang sense of balance. Hindi nya naisip na baka mayupi yung plate sa bigat ng mga cups na may tubig. Natural, nangatumba ang mga cups ng mayupi ang plates. Nanghinayang ako sa malamig na tubig na nagsibuhos sa sementong sahig. El Nino kaya ngayon.
Weird. Sabi ko kay E-boy: San naman n'ya dadalhin yung malamig na tubig, e mag-aalas dose na? Baka walang tubig sa kanila kaya hinahakot nya yung tubig sa lamay, sabi ni Ebs. Huh? Bakit? Gusto nya nga raw sundan yung lalaki kung san nya dadalhin yung tubig. Dahil bumalik pa ito ng isa pang round at nagsalin naman ng tubig sa mga paper cups.
Kung dadalhin nya sa labas ang tubig, kelan pa nagserve ng tubig sa patay sa ganitong oras? Di ba dapat ay kape? Gaya ng nangyari sa plastic cups, nangatumba ang mga paper cups. Shocks, El Nino nga ngayon Kuya!
Umalis na kami ng walang nakuhang sagot kung bakit. Ginising lang n'ya ang inaantol na naming diwa sa pagtatanong ng bakit. Gaya ng maraming tanong, pinaka maraming walang makuhang sagot mga bakit natin sa buhay.
Gusto kong magpalamih ng ulo.

Friday, April 22, 2016
Burol Scenes
Kasama na ko ngayong ikatlong araw ng lamay. Tanghali pa lang nagpunta na kami kasama ang pamilya ni E-boy. Maliban nga lang kay Jet na may work at kay Babes na may pasok.
EXT. Bahay ng Lola ni E-boy. Alaminos.
Nakaupo kami ni E-boy sa pasemano. Sa may pinto.
Tita ni E-boy: Ang saya lang natin sa Lobo, ano?
Ako: Nagulat nga po ako e nang malaman ko kay E-boy.
Nakita ko kagad sa may sala ang ate ng magkakapatid na nakaligtas. May semento yata ang paa. Nakabenda kasi. Medyo pugto ang mata. Katabi sa kama ang mga pinsan. Dito rin sa kamang ito nakaupo sina Mrs. P at dito rin ako papaupoin kapagarami nang tao.
INT. Bahay ng Lola ni E-boy. Alaminos.
Ako: Bo, battle tayo.
Bo: Ayoko, tinatamad ako. Nagte-train pa ko.
As usual sa lahat yata ng burulan, hindi mawawala ang paulit-ulit na mga nagtatanong ng anong nangyari. Kahit na yung iba napanood naman ang balita. Kahit yung iba alam na ang buod ng kuwento. Gusto natin palagi na inuulit-ulit at alamin ang kahindik-hindik na mga detalye. Dapat pala sa burol, kundi man recorded audio ay may storytelling booth kung paano namatay ang nakaburol. Ganun naman kasi talaga ang itsura, parang storytelling session; ang kaanak ang storytellers at ang mga nakikilamay ang mga attentive na mga bata.
INT. Bahay ng Lola ni E-boy. Alaminos.
Medyo ngingiti lang ng konti ang ale sa mga nakaupo.
Ale: S'ya, isasabay ko na ang pangangampanya.
Sabay abot isa-isa ng isang kandidatong gobernador ng Laguna.
Maya-maya pa'y nalaman ko kay Mrs. P na may dalawa na palang persons of interest na inimbitahan na para sa interogasyon. Pinakita ang retrato sa ateng nakaligtas. Pinag-drug test. Umuusad na ang imbestigasyon.
INT. Bahay ng Lola ni E-boy. Kusina.
Ale 1: ...ay dumating si Noli De Castro... Para yata sa KSP (Kabayan Special Report sa TV Patrol)
Ale 2: ay sana'y sinabi mo sa'kin agad para di muna ako nakauwi
Ale 1: ay bukas yata ay si Ping Lacson ang darating
Maya-maya ay may mga nagsidatingan. Mga co-teachers ni Ferdinand at kung kapatid ko raw si Ferdinand. Tatanong ko sana kung Pampolina ba o Magellan, kaya lang wala sa lugar mag-joke. Mga kaklase yata ni Biboy, yung bunso sa magkakapatid; yung maraming kabataang sumilip sa kabaong. Nakita ko nga yung Ate ni Biboy sa kama, tinitingnan yung graduation picture ni Biboy. Graduation pala dapat kanina ni Biboy bilang medical assistant.
EXT. Bahay ng Lola ni E-boy. Iskinita.
Habang itinataas yung "justice tarpaulin, rumorolyo ang kamera, at nagsisitinginan ang mga sakay ng bus na napapadaan;
Ako: Bo, kamukha mo dun si Biboy oh.
Bo: Hindi a.
Ako: Oo man. Yung mata at ilong o. Ang hindi nya lang nakuha ay yung feature mo na (*sabay guhit ng facial line sa pisngi ko)
Bo: Sya baka akalain ng mga kakilala ko pag nakita yung picture, ako yung patay.
Ako: Pero yung nasa kaliwa (si Ferdinand) ay kuha yung (*guhit na naman ako ng facial lines) at maumbok na cheeks gaya ng sa'yo at kay Babes.
Bo: Yung kay Babes naman (na maumbok na pisngi) ay dahil sa katabaan e.
Ako: Grabe ka naman kay Babes.
Biglang may tumawag sa Tita ni E-boy. Pinapunta kami sa kusina para mag-abot ng kendi, biskwit, at sitserya sa mga nakikiramay. Yung plato ng sitserya at kendi sa may iskinita, minsan napapansin ko na kumukuha yung mga dumadaan kahit di naman nakilamay. Nakidaan lang. Pero ang medyo nagpa-aba-teka sa mga nasa iskinita ay yung dumaan na naka-helmet. No helmet policy zone pala ang lugar nila.
EXT. Bahay ng Lola ni E-boy. Tereys.
May kumanta ng Agos ng Batis. May kumanta ng No More Night. May nangaral ng Salita ng Diyos.
Pastor 1: Gagamitin ko pa rin po ang magandang gabi...sabi nga po sa Romans 8:28; all things work together for good...
Pastor 2: Lahat naman po ng bagay na nangyayari sa atin ay may layunin ang Diyos.
Isang kape lang amg ininom ko. Umuwi rin kami ng mag-aalas dose na ng hating-gabi. Lasing na ko sa antok.
Monday, April 18, 2016
Abril Baril
Nagcha-chat pa kami ni E-boy ng bandang alas-nuebe kagabi. Sabi ko bukas, punta lang ako ng ospital para sa medikal tas punta na ko sa kanila. Nood movie. Laban Pokemon. Kain streetfoods.
Kanina, mga mag-aalas nuebe chinat ko ulit si E-boy na dapat tulog pa sa mga oras na'to.
Jord Earving
Almusalna. Pakipray makikiusap nako sa doktor ngayon
9 (na) oras ang nakalipas
Jeuel Jeaner Pampolina
wala ako sa amin ngayon
9 (na) oras ang nakalipas · Ipinadala mula sa Web
Jeuel Jeaner Pampolina
papunta kami ng alaminos
9 (na) oras ang nakalipas · Ipinadala mula sa Web
Jord Earving
Hmm sina lola nits? Matgal kayo ron?
9 (na) oras ang nakalipas
Jeuel Jeaner Pampolina
oo bka maghapon papray nadin sa mga kamag anak ko dun
pinasok sila ng mga magnanakaw kagabi
9 (na) oras ang nakalipas · Ipinadala mula sa Web
Jord Earving
Yung kasama natin sa lobo?
9 (na) oras ang nakalipas
Jeuel Jeaner Pampolina
hindi yung isa lang dun
tatlong pinsan ko ang patay
9 (na) oras ang nakalipas · Ipinadala mula sa Web
Mukhang wala na munang movie. Nabigatan ako kahit hindi ko naman kamag-anak. Naisip ko kaagad si E-boy dahil medyo malapit silang magkakamag-anak. Kahit medyo wapakels 'yun, minsan nag-aalala pa rin 'yun. Nakasama pa nga raw namin yung isa sa mga nabaril sa Lobo, Batangas nito lang Marso nang mag-family outing sila (sabit kami) pero di ko masyadong alam kung alin dun dahil medyo marami sila. Naisip ko na si Pastor at Mrs. P na puyat at pagod na naman sa pag-aabyad. Hindi pa yun mararamdaman sa ngayon dahil sa adrenaline kapag emergency. Masikip sa dibdib. Masikip din sa utak dahil nag-uunahan na naman ang mga "bakit" sa loob.
Pagdating ko. Sabi agad sa'kin ni Lola Nits at Tay Noli na wala nga sina E-boy. Nasa Alaminos daw. Na-massacre ang tatlong pamangkin ni E-boy sabi ni Lola Nits. Ulo daw ang tama lahat sabi naman ni Tay Noli. Parang sumikip lalo ang dibdib ko. Massacre. Headshot. Parang sumikip pa lalo ang ulo ko. Humiga lang ako sa malamig na sahig. Nagbasa-basa, nag-aliw-aliw, nagtanong-tanong, nag-isip-isip, hanggang sa nahilo-hilo.
Maya-maya pa'y dumating na sina E-boy kasama si Jet-jet. Wala pa sina Pastor at Mrs. P. Baka mamaya pa raw madaling araw. Inaasikaso raw ng mga tiyo't tiya nila ang ospital, purenarya, pulis, at media. Nakaligtas ang tiyahin n'ya pero nasa ICU dahil may bala pa sa ulo. Mamaya na raw ooperahan. Kinamusta ko yung tiyo n'ya. Hindi raw makausap. Hindi ko na kayang idetalye pa dahil parang hindi na kasya sa masikip ko nang dibdib yung ibang detalye. Mabigat pala ang trabaho ng mga taga-SOCO.
Sabi ni E-boy, nagising daw siya ng madaling araw kanina sa sigaw ni Babes. Nalaman n'ya na nilooban pala ang mga pinsan n'ya habang nanonood ng Binibining Pilipinas 2016. Nalaman n'yang tatlong pinsan n'ya na ang patay. Hindi na s'ya nakatulog halos sa nalaman. Parang napapanood lang daw n'ya ito palagi pero walang epekto. Parang sanay na nga raw s'ya sa ganoong senaryo kapapanood n'ya ng gore na mga anime. Parang nasa Psycho Pass nga raw s'ya kanina. Yung salitang massacre na palagian na lang dumadaan sa mga balita at pelikula, puwede palang mangyari sa malapit lang sa'yo. Puwede ring mangyari sa'tin, kako.
Parang may kinatay daw na baboy sa crime scene sabi ni Jet-jet. Parang may blowfish sa lungs ko. Parang di raw tao ang gumawa. Lumaki pa lalo ang blowfish. Hinahaya pa sa'kin ang mga pics na kinuha n'ya sa scene of the crime. Hindi ko kayang tingnan kako. Baka pumutok na yung blowsfish sa lungs ko.
Sabi ni E-boy, may itinuturo raw sa pamilya nila. Sabi ko ang hirap namang lesson nito. Patay na yung mga estudyante. Sa crime scene at mga social injustices ang hirap sabihing "God is sovereign" lalo na kung may tatlong kabaong kang nakahilera. Lumolobo na naman ang blowfish. Nakailang buntong hininga na ko.
Maya-maya pa'y nagyaya nang manood ng movie si E-boy at Jet-jet. Nagpalit lang ako ng shorts at dito na ko matutulog kako. Nagpalit lang din ng damit si E-boy. Nagpalit naman ng profile pic si Jet-jet. Pitch black daw ang profile pic nilang magpipinsan. Nanood na kami ng Deadpool.
Habang naka-elektrik fan at ngumunguya ng Cheeze-It, pinapanood namin yung mga action scenes. Baril dito. Baril doon. Headshot. Multiple headshot. Astig!
Ang dali lang panoorin no 'Bo?

Saturday, April 16, 2016
Mamuch!
Ang daming puwedeng ipagpasalamat ngayon. Sa kabila ng krisis na tila nagpapadalawa at tatlong isip sa atin kung sino ang ihahalal natin sa Mayo. Sa kabila ng mahirap pa rin ang buhay sa Pinas. Sa kabila ng mahal pa rin ang bigas. Marami pa rin ang dapat ipagpasalamat.
Akala kasi ng climate change na yan mapagrereklamo n'ya lang ako sa sobrang banas.
Ngayong linggong nagdaan nagpapasalamat ako sa masasarap na ulam na niluto ni Pastor P at Lola Nits kapag tanghalian. Nagpapasalamat ako't oks naman ang check up nina Lola Nits at Tay Noli, uric acid lang ang medyo mataas kay Lola Nits. Nagpapasalamat din ako nung Biyernes ng umaga, sa almusal na niluto ni Mrs. P. Maganda rin yung sikat ng araw nang Biyernes na 'yon. Salamat din sa pamilya ko na marami naman kaming ulam medyo nawalan nga lang ng bigas. Salamat dahil walang may sakit sa'min. Salamat di dahil negatibo ang resulta sa medikal ko bagaman delayed pa rin akong makakaumpisa sa trabaho.
Salamat dahil sa mga nasulat ako ngayong linggo. Nakapagblog ulit. Nakapagbasa ng marami-rami. Nalaman ko rin na may sanaysay akong napasama sa free e-book na proyekto ng OMF Lit. Haaaays....sa dinami-dami ng sinalihan ko sa OMF Lit na mga proyekto na na-reject ako. Gusto kong humiyawwwwwww. Waaaaaarggg!!!!
Hehe. Salamat din kay E-boy. Na palaging nagpapahieam ng laptop. Taga-print pag kailangan. Taga-e-mail kapag madalian. Salamat din dahil dumating na ang iskolarsyip 'ya mula sa CHED. salamat sa libreng siomai at tropicana.
Salamat sa mga gawaing natapos. Salamat sa mga gagawin pa lang. Salamat sa mga kaibigan, kapit-bahay, at magtitinda.
Salamat sa buhay. Haaaaay....

Nabasa ko 'yung 'The White Shoes'
Mula sa panulat ni Lola Grace Chong at iginuhit ni Sir Sergio Bumatay III ang 'The White Shoes'. Nabili ko ito ng may diskuwento sa OMF Lit -Hiyas para kasi ito sa Project PAGbASA.
Ang kuwento ay tungkol sa maputing sikreto ni Mrs. Eva Cruz. Kung bakit palaging sapatos ang ipinangreregalo n'ya sa mga bata. Parang sa Rated K pero hindi tsinelas, kundi palaging sapatos.
(Spoiler Alert!)
Mahirap pala noon sina Eva. Tipikal na pamilyang pinoy na dukha: di nakapag-aral ang magulang, may sakit ang tatay, ekstra-kayod ang nanay, at bonus na nga na masipag mag-aral ang mga anak. Parang MMK-rags-to-riches story sa isip-isip ko habang nag-uumpisa.
Pero para sa'kin palaging may lugar sa mga kuwento ng paglaban sa kahirapan at pagsusumikap sa buhay lalo na ngayon na maraming kabataan (at katandaan na rin) na ginagawang instant noodles lahat ng bagay. Marami, ayaw magtiyaga at gusto'y kara-karaka.
Karanasan ko rin noon ang pinagdaanan ni Eva. Mas mapalad nga lang ako ng higit kay Eva. Kapag may mga okasyon sa school, sa simbahan, sa kung saan-saan pa ay palagi kong problema ang susuotin lalo na ang sapatos. Kahit na hindi sukatan ng pagkatao ang sapatos at suot, hindi ito abot ng batang pahat pa ang kaisipan. Ang pananamit at sapatos ay di lang usapin ng pagiging presentable kundi rin ng dignidad at kumpiyansa sa sarili. Kaya gaya ng guhit ni Ser Serg kay Eva, palagi rin akong nakatungo noon -mahiyain ng sobra.
Kaya maganda ang kuwento ni Eva dahil hindi siya nagpagapi sa hiya at hirap. Kumupas man ang kulay ng sapatos n'ya sa ulan, kinapos man ang bestidang suot n'ya, e hindi naman kinapos at kumupas ang pagmamahal at pag-agapay ng pamilya n'ya. Kuhang-kuha ng nanay ni Eva ang maraming Pinanay na nanghihiram ng damit sa lahat ng kakilala para lang maka-isputing sa mahalagang okasyon.
Ipinakita rin sa sapatos ni Eva ang pagiging maparaan ng pamilyang Pinoy. Hindi tayo tumitigil, kahit sumuot pa kung sa'n-sa'n para lang makahanap ng solusyon sa mga suliranin natin. Ang maganda sa mga suliranin, palaging hindi tayo nag-iisa sa pagsosolb. Kaya sa tagumpay, marami tayong nakikisaya lalo na kung may bahagi tayong tulong.
"Kung pinaghusay mo ang mga bagay na ipinagkatiwala sa iyo at ipinagpasalamat mo ang mga ito, 'yun ang tunay na diwa ng tagumpay," ang aral na pinabaon ng tatay ni Eva na dinala n'ya hanggang sa kung nasaan na siya ngayon. Maging kuntento sa kung anong meron ngayon pero magsikap at mangarap para sa magandang bukas. Kaya nakakahanga ang batang si Eva na lumaking nagsisikap para sa pangarap.
Sa huling pahina ng aklat, marami nang nakakalat na sapatos sa paligid ni Mrs. Eva Cruz na ngayo'y mahaba na ang suot na bestida at nakaputing sapatos. Hindi lang nanatiling hanggang bibig ang pasasalamat ni Mrs. Eva Cruz kundi hanggang kamay na mapagbigay ng sapatos. Ngayon sa pagiging masikap at mapagpasalamat, hindi na siya ang batang Eva na laging nakayuko at nahihiya. Sa huling pahina, makikita si Mrs. Eva na nakatingin sa taas at nakangiti.
Salamat Lola Grace, Ser Serg, at Hiyas, para sa isang magandang aklat!
Trip to Tiaong: Si Millenial Boy
Kakaligo ko lang pero hindi ko alam kung anong umaagos sa noo ko,kung tubig ba o pawis na agad. Sinuong ko ang tanghaling tapat na walang payong o balabal man lang. Wala pang tatlong minuto at parang binlower ang buhok ko dahil natuyo agad. Wala pang limang minuto at bagong ligo na ulit ako. Sa pawis.
Papunta akong Prayer Force sa Lusacan. Ang hirap namang manalangin ng ganitong kainit at kabanas! Paano kung matanda na kong taasin na ang presyon? Paano kung me sanggol akong biyabit? Paano kung hikain pala ko? Hindi na ko makakapunta sa mga pagtitipon para manalangin. Napansin kong wala palang pag-aaral na ginagawa ang simbahan sa epekto ng climate change sa ispiritwal na buhay. Sinong may ispirito pang gumawa ng makalangit na bagay sa mala-impyernong init?
Pagsakay ko sa dyip may nagrorosaryo. Hindi madre. Hindi sister. Hindi rin padre. Nakaitim na three-fourths na "black army" at may disenyong bungo. Naka' digital watch na pamporma sa kaliwa. Naka' dalawang buddha beads na bracelets na may krus sa kanan. Naka' rubber shoes. Naka' salamin. Maputi. May itsura. Hindi itsurang sakristan. Parang may aura o kaya date.
Nakita ko kasi siya ng malapitan. Umalis siya sa may likuran ng drayber. Lumipat sa harapan kong nasa may puwitan ng dyip. Nahiya rin naman akong abalahin siya sa pagrorosaryo para ipakisuyo ang bayad. Umupo siya sa may tapat ko at bumubulong-bulong. Nasa ika-lima o apat na misteryo na yata siya. Hindi ko sure, excuse ako sa religion class dati. Sa kaliwa n'ya ginagalaw ang rosaryo. Sa kanan naman ang smartphone. Tumunog ang android. FB Messenger 'yun alam ko. Tsinek n'ya lang ng mabilis tas dasal na ulit.
Pumipikit talaga siya. Minsan, mulat. Minsan, pikit. Salitan yata kada lipat n'ya sa butil ng rosaryong puti. Mas madalas nga lang na pikit. Maya-maya may sumakay na mga bata. Nakatingin din sa kanya habang nagdadasal. Maya-maya, sa may lumang palengke, may sumakay ding matandang may dalang pinamili. Napatingin din sa kanyang tuloy pa rin na nagdarasal.
Wala siyang nakitang may kailangan ng tulong dahil nagdadasal siya. Kung may nakita man s'yang aalalayan sa mga dala-dala, aling kamay ang iaabot n'ya? Bibitiwan ba ang rosaryo o ang smartphone? O baka ipinagdadasal n'ya naman ang mga nahihirapang umakyat sa dyip at ang drayber na gabayan ang pagmamaneho. Iboboto n'ya kaya si Alma Moreno na nagsabing "dasal lang, dasal lang talaga"?
Bumaba na siya sa Alaala Park.
Bumaba naman ako sa kanto ng simbahan sa Lusacan. Pawis na pawis pa rin pero natuyo rin ng erkon ng simbahan nina E-boy. Nagdasal din kami para sa pamilya, simbahan, at bayan.
Ano kaya ang hawak namin sa magkabilang kamay?
Friday, April 15, 2016
Aklatin 2015
Noong 2015 marami akong naging aklat. Alam ko kasing hindi ako tatagal sa trabaho ko. Alam kong aayawan ko rin ang buhay Maynila kaya para akong langgam na nag-ipon ng pagkain para sa tag-ulan sa pagbili ng mga aklat. Pinaghandaan ko ang darating na panahong wala akong trabaho at walang pambili ng aklat. Dapat may mahugot akong aklat kapag salat na salat.
Sa halagang P 2, 610 ay nakabili ako ng 31 na mga aklat. Yung iba sa bukstor pero marami ay sa bangketa sa Maynila. Madalas akong bumili sa Lagusnilad, sa Books from the Underground, sa may underpass. Kada uuwi ako ng Quezon noon, 2-7 titles ang nauuwi ko parang pinaka fruit of my labor ko na. Nanalo rin ako ng 4 na aklat mula sa online raffles. Medyo nalungkot lang ako na 19 pa lang sa 35 na aklat ang nabasa ko as of now. Nakapagbasa rin pala ako ng 9 na hiniram at pilit ipinahiram sa'kin.
Tantiya ko ay talagang aabutin ako ng dalawang taon na hindi bibili muli ng aklat (sana). May makakapal kasi na aklat at may mga titles na hindi talaga ako interesado basahin. Kumbaga pan-challenge ko lang na lawakan ang aking reading diet. Ang naging problema ko lang ay ang kakulangan sa oras at kasobrahan ng katamaran para magbasa.
Salamat sa May Akda ng buhay at ng aking hanap buhay sa pagbibigay ng maraming lakas (para bumili ng aklat?) sa kabila ng marami kong kamangmangan. Kaya nga siguro ako binibigyan ng aklat.

Friday, April 8, 2016
Buks at Buko Salad
Isang mainit na hapon, nakilala namin sina Arjay (13) at Robert (10) sa university. Paanong hindi sila mapapansin, may dala silang pampahupa ng banas - malamig na buko salad. Tigsasampum piso ang buko salad na inilalako nila. Tinanong ko kung bakit wala sila sa iskul ngayon, bakasyon na pala ngayon sa elementarya.
Grade 5 na raw si Arjay. Nagtaka kami kay Arjay dahil trese na siya pero nasa Grade 5 pa rin. Napatigil daw pala s'ya sa pag-aaral at siyam pala silang magkakapatid kaya madalas ay kinakapos. Minsan, kapag hapon o pa-gabi na, naglalako pa rin daw s'ya ng balut.
Si Robert naman ay pangalawa sa apat na magkakapatid. Nasa Grade 5 din s'ya at kaklase n'ya si Arjay, tandem sila sa paglalako ng buko salad. Nakuha raw nila itong raket sa kaibigan ng nanay n'ya at kumikita naman hanggang 150 pesos sa isang araw. Ibinibigay daw nila ang kita sa nanay nila para maipambiling gamit sa iskul. Lobat ang tawag ni Arjhay kay Robert. Nang tanungin ko kung bakit Lobat, "lagi po kasi akong nadadapa." Sabi ni Robert ng nakangisi pa.
Natanggap ni Robert ang A Flood of Kindness (OMF Lit) at White Shoes (OMF Lit) naman ang aklat na napunta kay Arjay.
Ginanyak namin silang palagiang magbasa. Pinaalalahanan din namin silang ibahagi ang aklat sa mga kapatid at kaibigan nila. Kasintamis ng buko salad ang mga ngisi nila sa natanggap na mga bagong aklat.
Thursday, April 7, 2016
Sunday School o Meeting de Avance?
Naligaw ako sa Sunday School ng matatanda nitong Linggo lang. Mga nanay, tatay, at parang gusto ko nang samahan ng tinapay dahil mahaba-habang usapin; maganda yung topic ni Pastor: Separation of Church and State.
Ano ga ang Separation of Church and State?
Tamang-tama malapit na naman ang eleksyon. Napag-usapan ang pagkakakulong ng mga "taong simbahan" sa simbahan at ang tuloy hindi pakikisali ng mga 'to sa estado. Nakalimutan nating di lang tayo bahagi ng katawan ni Kristo kundi rin ng lipunan. Naging mali ang pagkakaintindi natin sa Separation of Church and State.
Ano nga ga ang ibig sabihin ng Separation of Church and State?
Naging isyu kung dapat nga ba na humangad ang isang pastor ng opisyo sa pamahalaan. Nararapat ba raw na may dalawa itong pinangangasiwaang opisyo? Dati ay sang-ayon ako rito sa maraming dahilan pero nang minsang marinig ko na ang isang pastor na kongresista ay naglagay ng kanyang pork barrel sa pagsuportang pinansyal sa mga "nakakaawang" pastor, lubos na hindi na ko sang-ayon. Ang dapat daw ay umusbong sa mga "taong simbahan" ang pagmamahal sa bayan at sila ang humangad sa puwesto para hindi na ang mga lider ng simbahan ang sumawsaw, sabi ni Pastor. Mag-raise daw tayo ng state men and women.
Ano nga ga ang ibig sabihin ng Separation of Church and State?
Maya-maya pa ay napunta na si Pastor sa mga tumatakbong presidente. Muntik na kong mapa-antanda. Hindi raw marapat na babae ang mamahala sa bayan. Tumingin sa'kin at tumawa pa ang nanay ko. Hindi ako makahinga ng maayos, siguro dahil marami kaming botante sa loob. I mean estudyante. Estudyante kami at pag-aaralan namin kung;
Ano nga ga ang ibig sabihin ng Separation of Church and State?
Hindi raw nangangampanya si Pastor. Hindi nya raw iboboto si Binay. Si Duterte daw ay... "womanizer" sagot agad ng isang nanay na miyembro ...may problema sa imoralidad. Si Roxas sabit naman daw sa diyos-diyosan. Mas puwede daw ayusin ang imoralidad. Mas mabigat na kasalanan daw idolatry kaysa immorality. Kahit na ang kasalanan ay kasalanan. Wala na raw kasing sumi-sino sa batas ngayon. Tinanggal daw ang capital punishment sa panahon ni Cory. Noong panahon daw ni Marcos, wala masyadong krimen. May hapon pa nga raw na drug lord na finiring squad. May halos 10, 000 rin na nalabag ang karapatang pantao, sa isip-isip ko. Propesiya raw ni Pastor ay si Bong-bong ang mananalo dahil mahahati sa Bicol ang boto ni Chiz at Robredo. Pumili raw si Pastor mula sa kanyang konsensiya, kung ano raw ang bulong ng Espiritu. Siyempre, ginagalang namin ang pagpili ni Pastor. Siyempre, hindi kami makikipagtalo sa Pastor. Pumili rin daw kami.
Natapos na ang Sunday School pero parang hindi ko nasagot kung ano nga ga ang ibig sabihin ng Separation of Church and State?
Saturday, April 2, 2016
Abril 01, 2016
Nabanggit ni E-boy na niyaya raw siya ni Alquin na pupunta sila kena Ate Anj sa Biyernes. Bakit kako. Anibersari daw nina Ate Anj at Pastor Kris.
Ikaw ga?
Hindi ko alam kung ano yung "ikaw ga"? Ikaw ga imbitado ka? O Ikaw ga gusto mong sumama kahit di ka imbitado? Kung alinman hindi ko alam. Oks lang naman dumating ako ron ng walang imbitasyon, hindi naman ako iba sa kanila. Oks lang din sa'kin kung di ako naimbita. Kinakapa ko rin kasi baka konti lang yung handa at yung pinaka malapit lang talaga ang inaasahan nilang dumating. Parang tunog-tampo ako.
Inulit ulit ni E-boy sa'kin kahapon. Niyaya rin daw kasi siya ni Van. Niyaya daw siya ni Alquin. Sabay bilang ng isang daliri. Niyaya daw siya ni Van. Sabay uslit ulit ng isang daliri pa. Dalawa na raw kaya pupunta na siya. Ikaw ga?
Hindi ko alam kung ano yung "ikaw ga". Ikaw ga ilan na ang nagkumbida sa'yo? O ikaw ga sasama ka kahit wala man lang ni isang nagkumbida sa'yo? Kung alinman hindi ko alam.
Minsan si E-boy para talagang bato.
Sabi naman n'ya, parang pinadaan na kay Alquin yung imbitasyon sa'min. Parang kasama na ko ron. Parang bukas naman sa lahat yung imbitasyon. Sabi ko pa rin hindi ako pupunta.
Sabi ko nakakahiya naman dahil wala man lang ako panregalo. Sabi ni E-boy, hindi naman yun umaasang magreregalo pa kami dahil tag-gipit naman. Sabi ni Nikabrik, kung wala raw ba ko naiisip ipang-regalo. Sabi ko maraming puwedeng iregalo, wala akong pambili. Sabi ni Ebs, puwede raw siya mag-ambag kahit 50 pesos. Makikikain na naman ako ron dahil wala man lang akong mabitbit, nakakahiya.
Wala akong pamasahe. Para kikinse? Magsusulat ako. Di ako mahilig sa okasyon. Nagkaron ako ng bargain sale ng mga dahilan. Baka pati para sa core group lang yun nina Ate Anj; nakakahiya. Ikaw ga? Tanong na naman ni E-boy.
"Ang arte mo ngayon," sabi ni Nikabrik.
Sinapian nga siguro ako ng musa ng kaartehan at overthinking pero hindi ako mapipilit sumama. Hindi rin ako nagpapapilit. Masaya nga na andun sina Alquin, Alfie, at E-boy. Kaya lang baka pupunta lang ako dun dahil masayang kasama ang mga kaibigan. Kung hindi ba pupunta si Alquin? Kung hindi sasama si E-boy? Sa tingin ko hindi rin ako pupunta. Ibig sabihin hindi talaga ako pupunta dahil masaya ako sa anibersari nina Ate, pupunta lang ako dahil masaya yung paligid. May pagkakataong magsaya ako. Hindi talaga para kena Ate Anj.
At dahil mahalaga sa'kin ang mahalagang araw para kena Ate Anj, hindi ako pupunta. Hindi ko alam kung tama ako, o tama si Nikabrik na nag-iinarte ako.
Abril 1, 2014
Dyord

Friday, April 1, 2016
Ang Pagbabasa ay Pagbubuhat
Nag-chat sa’kin si Ate Bebang.
May isang publishing company ang maglilinis daw ng kanilang bodega. Kaya para
tulungan silang maglinis ng bodega ay hihingin na namin ang mga magazines nila
kesa naman mapatapon. Puwede pa nga namang makatulong ang mga magazines sa kung
sinomang akmang makakabasa nito, basta ‘yung educational lang kako ang kukunin
ko. Meron din daw kaming susuguring bahay na naglilinis ng library at may mga
ipinamimigay na mga aklat.
Sabi ni Ate Bebs, siya na lang
daw ang kukuha ng mga magz sa bodega ng nasabing pub corp. Tapos, daanan ko na
lang daw sa bahay nila kapag paluwas ako ng Kamaynilaan para tipid sa pasahe.
Kailangan ko rin daw maasistehan sa pagdadala dahil may kabigatan ang mga magz.
Tamang-tama dahil paluwas ako noon para naman asistehan si Kuya Caloy pa’ Daet,
may seminar kasi siya. Bale, puwede kong katulungin si Jem-jem dahil kasama rin
siya sa Daet.
Dahil wala akong kuwentang
magselpown, hindi ko nakontak si Jem at mag-isa akong nakaluwas ng Maynila.
Miyerkules ng gabi ako dumating kahit tanghali pa lang ay lumuwas na’ko. Wrong
move ang pagpasok ko ng EDSA, isang sakay lang kasi ‘yun kaysa mag-Buendia ako
na tatlong sakay papasok ng Maynila. Chinat ako ni Ate Bebs tungkol sa nakuha
na n’yang mga magazines na pang-nanay. Hindi man mga Ka-Nanayan ang layon ng
Project PAGbASA ay puwede na ring ipamahagi sa mga makakasalamuhang mga nanay
ang mga magasin. Kunin ko na kaya ngayong gabi? Nagtanong-tanong lang ako ng
kaunti, kay Kuya Caloy, sa Google Map, at kay Ate Bebs kung paano matutunton
ang kanyang bahay sa QC at lumarga na ‘ko dala ang malaki kong bag. Si Jem-jem
ay paluwas pa lamang din ng mga oras na ‘to mula sa’min sa Tiaong.
Sumakay ako ng LRT(?) at bumaba
sa Anonas. Mga 20% na lang ang baterya ko, hindi ako puwedeng maligaw. Baba ako
at sumakay ng dyip tas baba ulit sa may Mercury Drug sa station 7. Sabi ni Ate
Bebs isa lang daw ang Mercury Drug na madadaanan, dalawa pala at naliligaw pala
ako kahit feeling ko e sure na sure ako sa lugar. Sakay ulit pa-balik, ayun na
natanaw ko na ang isa pang Mercury Drug at ang totong presinto 7. Nag-aabang
sa’kin si Sean, si Kuya Poy, at ang-gabi-na-ay-nasa-labas-pa na si Baby Dagat.
Ankyyyyyut….at wala man lang akong pasalubong.
Pagdating ko ay inilagay ko na
ang sampung pirasong magasin sa bag ko. Kumalkal din ako ng ilang libro na
pinapamigay nina Kuya Poy. Sinubukan kong i-angat ang bag ko at merong
nakalambitin sa balikat ko.
Maya-maya pa’y nagpaunlak na nga
rin si Mam Divine. Kailangan din naming tumungo sa tahanan n’ya at mamili sa
mga ipinamimigay na libro. Pero bago raw kami umalis, kumain daw muna ako ng
tinolang baka, hindi raw kami aalis kapag hindi ako kumain. Kahit kumain na ko
kena Kuya Caloy, e kumain pa rin ako, sayang naman yung mga aklat kapag hindi
kami tumuloy. Habang nakikipagbuno ako sa baka, at ninanamnam ang patis, ay
ginugugel map nina Kuya Poy at Ate Bebs ang lugar nina Mam Divine. Maya-maya
pa’y nagsikuha na ng mga bag si Kuya Poy at Sean. Nagpa-piktyur ako sa munting
payapa na Dagat na maiiwan kay Ateng nag-aalaga. Medyo nakakahiya nga lang
dahil bandang alas-nuebe na at bertdey pa naman ni Mam Divine, pero oks lang
daw dahil di raw siya matutulog muna. Gumaod na kami.
Mga bandang alas-diyes, pumasok
kami sa isang yayamaning compound. Kumatok si Ate Bebs, tumahol ang aso, at
bumukas na ang pinto. Konting pakilala lang kay Mam Divine, tas umatak na kami
sa kahong-kahong mga aklat sa garahe. Weeeee… daming mga aklat. Marami ring
magagabok na kahon na halos hindi ko nga mabuhat. Buti na lang at kasama si
Sean na medyo malakas naman, siya ang bumubuhat kapag hindi ko kaya kahit
naka-super saiyan mode na ‘ko.
May nakuha akong magagandang
non-fic, gaya ng isang Robert Fulghum’s ‘Uh-Oh’ at isang Fitzgerald na nobela.
Maganda rin sana yung mga volumes ng mga speech ni Marcos kaya lang hindi ko na
kayang iuwi lahat kaya isang aklat lang na speech ni Marcos ang kinuha ko.
Hindi ko idolo si Marcos pero interesado akong making naman sa kanya o sa ghost
writers n’ya. “Ang konti naman ng nakuha mo” sabi ni Ate Bebs, gusto ko pa nga
sana kaya lang baka hindi ko na maiuwi sa Tiaong. Pupunta pa kami ng Daet. Baka
mabali na ang gulugod ko dahil sa bigat ng mga aklat.
Bago umuwi ay pinapasok muna kami
ni Mam Divine sa kanyang bahay at pinag-calamansi juice. Habang
nagj=kukuwentuhan sila ni Ate Bebang ng mga writing-bookish stuff ay naghugas
ako ng maitim ko nang kamay at luminga-linga ako sa bahay. Nakita ko ang isang
Stephen King na aklat at nakakatuwa ang bookmark ni Mam, isang forbidden
monster card (Magician of Faith) na Yu-Gi-Oh. Nerdy…. Sa isip-isip ko.
Nakakatuwa na nalaman kong ayaw lang n’yang basta i-donate ang mga aklat tapos
ay itatambak lang din, gusto n’ya raw na ipamigay sa may mga gusto para
talagang babasahin. Creative writing pala ang kurso ni Mam Divine at hulog talaga
siya ng langit sa komunidad dahil nagturo raw siya ng pagsusulat sa kanilang
lugar pero mga tatlo lang dawn a mga bata ang sumali at talagang basic lang daw
ang naituro n’ya. Nag-retrica muna kami bago kami umalis at nagpasalamat sa
maasim na calamansi juice at matamis na mga aklat.
Super bigat ng bag ko. Super
pagod na ko. Sana kasama ko si Jem-jem. Salamat naman at bago mag-alas dose ay
nakauwi ako sa Maynila. Dyip lang sa may Aurora Boulevard. Pagdating ko ay
halos kakadating lang din daw ni Jem-jem.
Kinabukasan, nakabawi na ko ng
lakas kahit papaano. Bubuhatin naman namin ang mga ipamimigay na mga damit ni
Kuya Caloy sa Daet. Bubuhatin din namin ang kahong-kahong mga aklat at ilang
reading materials para sa mga Pastor. Nakasabit pa sa bag ko ang mga magasin at
mga kinuha ko ring mga aklat kagabi. Hinati ko na yung iba sa bag ni Jem-jem. Tatawa-tawa
ang maliit na si Ate Badz dahil ampapayat dawn g assistants ni Kuya Caloy.
“Kala ko dati, vanity lang ang
pagpapalaki ng katawan” kako.
Mabigat naman talaga ang
hinihingi ng pagbabasa.
Mga etiketa:
direksyon,
maka-enrty lang,
pagkakaibigan,
sanaysay
Subscribe to:
Posts (Atom)