Monday, April 18, 2016

Abril Baril

Nagcha-chat pa kami ni E-boy ng bandang alas-nuebe kagabi. Sabi ko bukas, punta lang ako ng ospital para sa medikal tas punta na ko sa kanila. Nood movie. Laban Pokemon. Kain streetfoods.
Kanina, mga mag-aalas nuebe chinat ko ulit si E-boy na dapat tulog pa sa mga oras na'to.

Jord Earving
Almusalna. Pakipray makikiusap nako sa doktor ngayon
9 (na) oras ang nakalipas

Jeuel Jeaner Pampolina
wala ako sa amin ngayon
9 (na) oras ang nakalipas · Ipinadala mula sa Web

Jeuel Jeaner Pampolina
papunta kami ng alaminos
9 (na) oras ang nakalipas · Ipinadala mula sa Web

Jord Earving
Hmm sina lola nits? Matgal kayo ron?
9 (na) oras ang nakalipas

Jeuel Jeaner Pampolina
oo bka maghapon papray nadin sa mga kamag anak ko dun
pinasok sila ng mga magnanakaw kagabi
9 (na) oras ang nakalipas · Ipinadala mula sa Web

Jord Earving
Yung kasama natin sa lobo?
9 (na) oras ang nakalipas

Jeuel Jeaner Pampolina
hindi yung isa lang dun
tatlong pinsan ko ang patay
9 (na) oras ang nakalipas · Ipinadala mula sa Web

Mukhang wala na munang movie. Nabigatan ako kahit hindi ko naman kamag-anak. Naisip ko kaagad si E-boy dahil medyo malapit silang magkakamag-anak. Kahit medyo wapakels 'yun, minsan nag-aalala pa rin 'yun. Nakasama pa nga raw namin yung isa sa mga nabaril sa Lobo, Batangas nito lang Marso nang mag-family outing sila (sabit kami) pero di ko masyadong alam kung alin dun dahil medyo marami sila. Naisip ko na si Pastor at Mrs. P na puyat at pagod na naman sa pag-aabyad. Hindi pa yun mararamdaman sa ngayon dahil sa adrenaline kapag emergency. Masikip sa dibdib. Masikip din sa utak dahil nag-uunahan na naman ang mga "bakit" sa loob.

Pagdating ko. Sabi agad sa'kin ni Lola Nits at Tay Noli na wala nga sina E-boy. Nasa Alaminos daw. Na-massacre ang tatlong pamangkin ni E-boy sabi ni Lola Nits. Ulo daw ang tama lahat sabi naman ni Tay Noli. Parang sumikip lalo ang dibdib ko. Massacre. Headshot. Parang sumikip pa lalo ang ulo ko. Humiga lang ako sa malamig na sahig. Nagbasa-basa, nag-aliw-aliw, nagtanong-tanong, nag-isip-isip, hanggang sa nahilo-hilo.

Maya-maya pa'y dumating na sina E-boy kasama si Jet-jet. Wala pa sina Pastor at Mrs. P. Baka mamaya pa raw madaling araw. Inaasikaso raw ng mga tiyo't tiya nila ang ospital, purenarya, pulis, at media. Nakaligtas ang tiyahin n'ya pero nasa ICU dahil may bala pa sa ulo. Mamaya na raw ooperahan. Kinamusta ko yung tiyo n'ya. Hindi raw makausap. Hindi ko na kayang idetalye pa dahil parang hindi na kasya sa masikip ko nang dibdib yung ibang detalye. Mabigat pala ang trabaho ng mga taga-SOCO.

Sabi ni E-boy, nagising daw siya ng madaling araw kanina sa sigaw ni Babes. Nalaman n'ya na nilooban pala ang mga pinsan n'ya habang nanonood ng Binibining Pilipinas 2016. Nalaman n'yang tatlong pinsan n'ya na ang patay. Hindi na s'ya nakatulog halos sa nalaman. Parang napapanood lang daw n'ya ito palagi pero walang epekto. Parang sanay na nga raw s'ya sa ganoong senaryo kapapanood n'ya ng gore na mga anime. Parang nasa Psycho Pass nga raw s'ya kanina. Yung salitang massacre na palagian na lang dumadaan sa mga balita at pelikula, puwede palang mangyari sa malapit lang sa'yo. Puwede ring mangyari sa'tin, kako.

Parang may kinatay daw na baboy sa crime scene sabi ni Jet-jet. Parang may blowfish sa lungs ko. Parang di raw tao ang gumawa. Lumaki pa lalo ang blowfish. Hinahaya pa sa'kin ang mga pics na kinuha n'ya sa scene of the crime. Hindi ko kayang tingnan kako. Baka pumutok na yung blowsfish sa lungs ko.

Sabi ni E-boy, may itinuturo raw sa pamilya nila. Sabi ko ang hirap namang lesson nito. Patay na yung mga estudyante. Sa crime scene at mga social injustices ang hirap sabihing "God is sovereign" lalo na kung may tatlong kabaong kang nakahilera. Lumolobo na naman ang blowfish. Nakailang buntong hininga na ko.

Maya-maya pa'y nagyaya nang manood ng movie si E-boy at Jet-jet. Nagpalit lang ako ng shorts at dito na ko matutulog kako. Nagpalit lang din ng damit si E-boy. Nagpalit naman ng profile pic si Jet-jet. Pitch black daw ang profile pic nilang magpipinsan. Nanood na kami ng Deadpool.
Habang naka-elektrik fan at ngumunguya ng Cheeze-It, pinapanood namin yung mga action scenes. Baril dito. Baril doon. Headshot. Multiple headshot. Astig!


Ang dali lang panoorin no 'Bo?

No comments: