Saturday, April 16, 2016

Mamuch!

Ang daming puwedeng ipagpasalamat ngayon. Sa kabila ng krisis na tila nagpapadalawa at tatlong isip sa atin kung sino ang ihahalal natin sa Mayo. Sa kabila ng mahirap pa rin ang buhay sa Pinas. Sa kabila ng mahal pa rin ang bigas. Marami pa rin ang dapat ipagpasalamat.

Akala kasi ng climate change na yan mapagrereklamo n'ya lang ako sa sobrang banas.

Ngayong linggong nagdaan nagpapasalamat ako sa masasarap na ulam na niluto ni Pastor P at Lola Nits kapag tanghalian. Nagpapasalamat ako't oks naman ang check up nina Lola Nits at Tay Noli, uric acid lang ang medyo mataas kay Lola Nits. Nagpapasalamat din ako nung Biyernes ng umaga, sa almusal na niluto ni Mrs. P. Maganda rin yung sikat ng araw nang Biyernes na 'yon. Salamat din sa pamilya ko na marami naman kaming ulam medyo nawalan nga lang ng bigas. Salamat dahil walang may sakit sa'min. Salamat di dahil negatibo ang resulta sa medikal ko bagaman delayed pa rin akong makakaumpisa sa trabaho.

Salamat dahil sa mga nasulat ako ngayong linggo. Nakapagblog ulit. Nakapagbasa ng marami-rami. Nalaman ko rin na may sanaysay akong napasama sa free e-book na proyekto ng OMF Lit. Haaaays....sa dinami-dami ng sinalihan ko sa OMF Lit na mga proyekto na na-reject ako. Gusto kong humiyawwwwwww. Waaaaaarggg!!!!

Hehe. Salamat din kay E-boy. Na palaging nagpapahieam ng laptop. Taga-print pag kailangan. Taga-e-mail kapag madalian.  Salamat din dahil dumating na ang iskolarsyip 'ya mula sa CHED. salamat sa libreng siomai at tropicana.

Salamat sa mga gawaing natapos. Salamat sa mga gagawin pa lang. Salamat sa mga kaibigan, kapit-bahay, at magtitinda.

Salamat sa buhay. Haaaaay....

No comments: