Saturday, April 23, 2016

Uhm Bakit?

Miyerkules ng gabi. Sa burol ng mga pinsan ni E-boy. Sa dami ng tao, hindi mo maiiwasang mag-people watching. Minsan mainam din 'tong panlaban sa antok.

Antok na antok na kami ni E-boy. Habang siya ay nagpipilit paring maglaro ng Pokemon, nakatingin naman ako sa isang kahina-hinalang lalaki. Napansin din pala ito ni Ebs. Kinabukasan na namin siya napagkuwentuhan.

Nagsasalin siya ng malamig na tubig sa mga plastic cups tapos ilalagay nya isang plastic plate. May mga late 30s to early 40d ang edad at nakasombrero. Tapos, bubuhatin n'ya ang plastic plates kung san nakapatong ang mga halos puno ng tubig na mga cups. Parang wala s'yang sense of balance. Hindi nya naisip na baka mayupi yung plate sa bigat ng mga cups na may tubig. Natural, nangatumba ang mga cups ng mayupi ang plates. Nanghinayang ako sa malamig na tubig na nagsibuhos sa sementong sahig. El Nino kaya ngayon.

Weird. Sabi ko kay E-boy: San naman n'ya dadalhin yung malamig na tubig, e mag-aalas dose na? Baka walang tubig sa kanila kaya hinahakot nya yung tubig sa lamay, sabi ni Ebs. Huh? Bakit? Gusto nya nga raw sundan yung lalaki kung san nya dadalhin yung tubig. Dahil bumalik pa ito ng isa pang round at nagsalin naman ng tubig sa mga paper cups.

Kung dadalhin nya sa labas ang tubig, kelan pa nagserve ng tubig sa patay sa ganitong oras? Di ba dapat ay kape? Gaya ng nangyari sa plastic cups, nangatumba ang mga paper cups. Shocks, El Nino nga ngayon Kuya!

Umalis na kami ng walang nakuhang sagot kung bakit. Ginising lang n'ya ang inaantol na naming diwa sa pagtatanong ng bakit. Gaya ng maraming tanong, pinaka maraming walang makuhang sagot mga bakit natin sa buhay.


Gusto kong magpalamih ng ulo.

No comments: