Noong 2015 marami akong naging aklat. Alam ko kasing hindi ako tatagal sa trabaho ko. Alam kong aayawan ko rin ang buhay Maynila kaya para akong langgam na nag-ipon ng pagkain para sa tag-ulan sa pagbili ng mga aklat. Pinaghandaan ko ang darating na panahong wala akong trabaho at walang pambili ng aklat. Dapat may mahugot akong aklat kapag salat na salat.
Sa halagang P 2, 610 ay nakabili ako ng 31 na mga aklat. Yung iba sa bukstor pero marami ay sa bangketa sa Maynila. Madalas akong bumili sa Lagusnilad, sa Books from the Underground, sa may underpass. Kada uuwi ako ng Quezon noon, 2-7 titles ang nauuwi ko parang pinaka fruit of my labor ko na. Nanalo rin ako ng 4 na aklat mula sa online raffles. Medyo nalungkot lang ako na 19 pa lang sa 35 na aklat ang nabasa ko as of now. Nakapagbasa rin pala ako ng 9 na hiniram at pilit ipinahiram sa'kin.
Tantiya ko ay talagang aabutin ako ng dalawang taon na hindi bibili muli ng aklat (sana). May makakapal kasi na aklat at may mga titles na hindi talaga ako interesado basahin. Kumbaga pan-challenge ko lang na lawakan ang aking reading diet. Ang naging problema ko lang ay ang kakulangan sa oras at kasobrahan ng katamaran para magbasa.
Salamat sa May Akda ng buhay at ng aking hanap buhay sa pagbibigay ng maraming lakas (para bumili ng aklat?) sa kabila ng marami kong kamangmangan. Kaya nga siguro ako binibigyan ng aklat.
No comments:
Post a Comment