Saturday, June 23, 2018

Camping Uliiiiiit!!!


Kena E-boy ulit ako natulog, isang gabi lang.

Isang gabi lang ang plano. Pero nauwi sa tatlong araw at dalawang gabi; camping lang. Just like the old times. Nanood ng Hayao Miyazaki film. Tinawagan si Roy na nasa Kagawa, Japan. Kulitan at asaran, hanggang dis oras ng gabi. Kunwari, walang obligasyon. Kunwari, naglalaro-laro lang. Kinunsinte ng mga masasarap na luto ni Lola Nitz.

May isang meme na palaisipan na hindi namin tinigilan hangga’t hindi nakukuha ang tamang sagot: “Ang nanay mo ay kaisa-isang anak ng nanay ko. Kaano-ano kita?”

Inuulit-ulit namin ang tanong. Kunwari si Uloy ang nanay ko, tapos si E-boy ang anak ko. Tapos, uulitin namin ang tanong. “Lola!” “Kapatid!” “Pamangkin!” Tapos, kapag inanalisa namin ‘yung what is given, may sabit sa mga sagot namin. Nakakabano nga. Lalo na kapag inulit-ulit ‘yung tanong na hindi pala nakakatulong sa pag-iisip namin. Sabi ko, wag na ‘yan, gabi na at masakit sa ulo. “Okay, next meme na.” Pero inuulit pa rin nila ‘yung tanong kaya naisip ko nang paghanapin si E-boy ng papel at bolpen.

Gumawa na kami ng data visualization kung sino ang nagsasalita, ang mga nanay, anak, at kinakausap sa palaisipan. Ito ang viz na nabuo namin, mas akyureyt ang sagot namin at mabilis maekisan ang imposibleng sagot kapag nakikita ang mga datos!



Ang data viz na nabuo namin


Pero hindi ko rin sasabihin ang sagot.

#

No comments: