Papunta
ako sa Lusacan, kena Bo.
Hapon na ‘ko nakalabas ng bahay. Galing
ako ng palengke, dumaan ako sa tindahan at humungi ng pampagupit kay Mama. Mula
palengke, nadaanan ko ‘yung isang tindahan ng tubig na madaming tao. Naghabaan
ang li-eg ng mga kasuno ko sa dyip. Lutang na lutang ang pagkadilaw ng police
line sa asul na pader ng tubigan.
“May pinatay d’yan kaninang umaga,” sabi
ng isang ale. “Nilooban ta’s pinatay.”
Lalong nag-ung-ungan ang mga ulo sa
bintana at binagalan pa ni manong ang takbo ng dyip.
“Ang hirap namang magtinda ng tubig at
ang daming kalaban,” simpatya ng isa pang ale.
“Baka nanlaban,” dagdag pa ng isa,
“sana’y ninakawan na lang hindi na binaril.”
“Para na rin ‘tong Maynila”...
#
No comments:
Post a Comment