Totoong
bertdey na ni E-boy.
Pumunta ko sa kanila, mga bandang pagabi
na. Nasa labas pa sina Bo at Uloy. Inasikaso ko lang ‘yung deadline ko na
essay. Baka sakali. Binuno ko pa ‘yung 500 words na natitira, kinatay ko lang
naman mula sa dati ko nang naisulat.
Wala kaming plano, walang pera e.
Peralyzed. Kaya sa bahay lang kami. Maya-maya’y dumating din sina Uloy. Tuloy
lang ako sa pagkatay at pagbuo ng essay. Si Bo, natulog yata nang saglit. Ta’s,
pinabili na sila ng ulam, litsong manok at pork chop. Natapos ko rin naman ang
essay bago maghapunan.
Nagpasalamat kami. Bumili rin pala si
Babes ng yema cake. Nakauwi ako bandang alas-nuwebe na. Last year, wala akong
maalalang dumaan ang bertdey ni Bo. Hindi ko alam kung nasaan ako. Wala lang,
gusto ko lang i-blog.
#
No comments:
Post a Comment