Nagkita kami ni titashie sa Victory. Titashie na lang, hindi ko na papangalanan ang katrabaho sa dating workplace. Hangga’t maari, pinipilit naming maging maaga kesa sa 2pm schedule. Gusto naming maabutan ‘yung 5 mins countdown bago mag-umpisa ‘yung church service. Doon din kami nagtuturbo ng kuwentuhan. Ewan ko, puwede namang after ng service pero gusto naming magchikahan under pressure.
“…kelan ulit ang provincial meeting n’yo? May ipapadala akong letters tinatapos ko lang.”
“Bilisan mo kasi baka hanggang June 30 na lang ako. Baka hindi na ako mag-renew.”
“Lagi nating sinasabi yan besh. Hahaha”
4:24
4:24
“Nakausap ko na si Mayor!” sabay kaming tumawa. “Congrats!” tumawa ulit kami kasi parang accomplishment na ang makausap ang mayor ng bayan na ‘yon. “After two years of service” sa local government n’ya nakausap mo rin. Kailangan n’ya kasing papirmahan ‘yung BRM, MOA, SIA atbp abbrvs. bago pa i-defense sa panel ang livelihood project proposal. Kailangang approved muna ni Mayor.
3:40
“O anong sabi?” usisa ko.
“Puwede bang sa ibang baranggay na lang?” sabi ni Mayor. As good as, hindi pinirmahan. Ayos naman ‘yung proposal pero hindi ayos kay mayor ‘yung target na baranggay. Porque’t may issue s’ya sa baranggay captain doon, hindi na n’ya lalagyan ng project? E kung ima-mapa natin ‘yung livelihood projects sa bayan n’ya, makikita n’yang kasama ‘yun sa mga baranggay na hindi pa nabibigyan ng projects. E marami rin namang Pantawid pamilya doon. Hindi lang halata na mataas ang poverty incidence doon kasi magagarang bahay ang nasa tabing-highway pero pasukin n’ya ‘yung mga kantuhan para makita n’ya ‘yung mga barong-barong, ‘yung mga nakikipisan, nangungupahan, at meron pa ngang kural ng baboy na tinagpian lang ng lawanet para lang maging bahay! Sobrang layo sa elegante n’yang opisina sa munisipyo!

3:12
“Anong sabi ng MSWDO?” usisa ko ulit baka sakaling mahihilot ang desisyon.
“Wala tayong magagawa, ganyan talaga dito,” ang sabi. There was an instance pa nga, dahil may issue nga s’ya sa baranggay captain doon hindi n’ya pinahakutan ng basura for 2 weeks! Walang magawa ang MENRO dahil LCE ang Mayor. Local chief executive, o lokal na punong tagapagpatupad sa Filipino, intimidating sa kahit na anong wika. Baka mawalan sila ng trabaho.
Dati naman hindi na kailangan ng pirmadong dokumento ang proposals lalo na kung hindi naman idadaan sa lokal na pamahalaan ang pondo. Lately lang, sa bagong process, ni-require ang approval ng mayor. Kuwestiyonable tuloy ngayon ang dalawang naalala kong priniciples ng Program na people empowerment at people-centered. Kaya nga mula na sa national agencies ang gumagawa ng targetting, gumamit na nga ng stats mula sa PSA, kasi nga sobrang makulay sa lokal, tapos at the end of the day, sa basbas pa rin ni Mayor kung matitikman nila ang biyaya from the national government. Mayor-empowerment na. I heyt…

2:23
Naalala ko tuloy ‘yung kuwentuha namin ni Uloy kahapon habang nag-aabang ng dyip pauwi kagabi lang. Sabi ko kasi nami-miss ko 'yung sakit sa ulo ng project management. Mag-explain sa local government ng process na hindi ko rin sure kung hanggang kailan applicable. Minsan nga napapaisip ka na ng “Aba Mayor sabay-sabay din sa road-widening ang pang-unawa, ang lagay kalsada lang ang lumalawak?”
1: 54
“Sayang naman ang pinaghirapan ko,” sabi ni titashie. Naiyak nga raw s’ya. Kasi hindi naman basta-basta puwede maglipat ng project. May mahabang proseso. Bago pa n’ya na-groundwork ‘yun. Nag-market study rin naman s’ya: inalaman saan may pinaka murang ‘water refilling station installment’, sa kabilang bayan pa nga kumukuha ng tubig ang mga taga-roon, may catering services, farm schools and resorts malapit, at magkakaroon pa ng community college at hospital; may potential naman ‘yung livelihood kumbaga. Nagtrabaho pa s’ya ng weekends. Nabigong maisalin lahat ng talino’t pagkalinga tungo sa isang hakbang ng sana’y pag-unlad ng komunidad. I so know the pain.
1:07
“’tsaka anong sasabihin ko sa mga tao? Hindi ko naman puwedeng sabihing ayaw ni mayor.” So true, kung ayaw mong maputulan ng wi-fi o mawalan ng table sa opisina. Hindi puwedeng mabahiran ang imahen ni mayor na 'sing puti ng barong n'ya kapag flag ceremony. Pero umasa na 'yung mga tao. Kumbaga naparikit mo na 'yung apoy na kagustuhang umahon, na baka nga sa livelihood project nilang sisimulan aangat silang kahit pipti pesos per capita sa poverty threshold, na baka iba nga ito sa iba pang government projects kasi kinonsulta mo sila, binahay-bahay mo, baka iba. Kaya lang, 'yun nga, nakulayan sila.
Bago maubos ang oras sa projected screen. Gusto ko munang hiramin ‘yung narinig kong dasal sa simabahang katolika: “Panginoon, patatagin mo ang aming pananampalataya, upang ang mga nanunugkulan sa pamahalaan ay pag-usbong ng pag-unlad ng mamayan sa lahat ng larangang pagkatao. Panginoon, patatagin mo ang aming panalangin.”

P.S.
“Mayor, mayor, ambait mo naman sana kunin ka na ni Lord.”
#
No comments:
Post a Comment