Friday, June 1, 2018

Project PAGbASA Lubi-Lubi Report 2017

Challenges: (1) Inabot kami ng adulting. Ang hirap pagtugmain ang aming mga kalendaryo para sa mga activities. (2) Nakakatamad mag-organize ng pictures at mag-manage ng social media. Nasiraan pa ‘ko ng phone. (3) Wala kaming leave credits, so umikot lang halos sa Batangas ang pamimigay ng Project Pagbasa ng aklat.

Pero nakagalaw pa rin naman ang Project Pagbasa ng 2017:



Push!!! Walang holi-holiday kay Tita Digs

Batangas Earthquake Swarm
Holy Week nang mapadpad kami sa Mabini, Batangas para sa Disaster Response. May dalawa akong nabigyan ng aklat na nakatira sa may bundok at sa may dagat. Isang batang babae at isang batang lalaki. Kanselado ang pasok nila dahil sa lindol. Hindi rin basta makapaglaro sa labas. Isa sa mga kapamilya nung bata ang nagpatuloy sa team nang gabihin kami sa bundok. 


Kasama sina Ara at Ate Tin sa pag-iiwan ng donated books 


Book Stop Project
Nag-iwan kami ng mga aklat-pambata at mga pre-loved books ko na rin sa Book Stop Project sa Intramuros, Maynila.

Kasama ang mga nanay mula sa 4Ps sa story-telling session

Brgy. Quilo-Quilo North, Padre Garcia, Batangas
Story-telling session kasama ng mga nanay at mga kabataan sa baranggay. Ikinuwento ni Ma’am Sol, municipal link ng DSWD, ang kuwentong ‘Ang Batang Ayaw Maligo’ ni Dok Luis Gatmaitan. Medyo hindi kasi hygienic ang pamumuhay sa bahaging ito ng baranggay.

Mahalaga na may takdang oras sa pagsasanay magbasa


Brgy. Tangob, Padre Garcia, Batangas
Marami sa mga nabigyan ng aklat sa Brgy. Tangob ay anak ng mga mananahi. Kasabay ng Bisitahanan ng Sustainable Livelihood Program ang pagbibigay ng mga aklat sa mga nadadatnang mag-aaral sa bahay. May school achievers at meron din namang nagpa-practice pang magbasa.


Nadat'nan ko s'yang nagbabasa ng literary folio ng school pub nila

Brgy. Castillo, Padre Garcia, Batangas
Marami sa nabigyan ng aklat sa Brgy. Castillo ang achievers sa school, may campus journalist pa nga. Ilan sa nabisitang bahay ay may mga nakasabit na mga medalya gaya sa bahay nina Zairus at Jacob, pitong taong gulang at parehong nasa Grade 2. Kasabay din ng Bisitahanan ng Sustainable Livelihood Program ang pagbibigay ng mga aklat.

#

total book distributed: 15 books (hindi kasama ‘yung donated pre-loved books)
total remaining fund: Php 3,000 



Pasasalamat:

Sa Volunteers: kay Mam Sol for story-telling kahit busy-busy, kay Nikabrik for covering our books for story-telling, sa mga bahay na nagpatuloy, nagpa-juice, at nagpatulog kung di na kayang umuwi. 

Kay BOSS: Para sa mga aklat! 

No comments: