Wednesday, June 6, 2018

Nabasa ko ‘yung ‘Ako ang Daigdig’



     Ang ‘Ako ang Daigdig’ ay isang sikat na tula ni Alejandro G. Abdadilla (AGA). Nadaanan namin ‘o sa Filipino noong hayskul,  kung kailan itinuturo ang tula bilang sauluhin at bilang akdang pine-perform sa unahan. Kaya ayoko noon ng tula, nito ko na lang sinusubukang kaibiganin ang tula.

     Ilang buwan ko nang inuulit-ulit basahin ang ‘Ako ang Daigdig’ bago ang iba pang tula na nasa koleksiyon. Hindi ko pa rin s’ya gets na gets pero malamig na tubig ang tulang ito kapag ako’y tag-araw at uhaw na uhaw. Pakiramdam kong tubig ang tula at ako’y isang basag na sisidlan at pilit pinapabagal ang pagtagas ng salita sa bawat pagbasa. Binibigyan ako ng tula ng kaibigang tapik sa balikat na “okay lang na may lamat o kaya’y bingaw”.

    Ipinapaalala sa’kin ng tula na ang dami kong kuwento sa loob ko; mahahabang sanaysay, may malalim, may mababaw. Nakakaramdam ako na mahalaga pala ang sarili na may kapangyarihan ang patuloy na pag-unawa sa sarili. Na bago ako magpakalunod sa mundong nasa labas ko, dapat ginalugad at nalunod na ako sa malalawak ding mga mundo sa loob ko. Ang lakas maka-zen mode ng ‘Ako ang Daigdig’.

    
    

No comments: