Day 79, Martes
Nag-apply ako ng mga trabaho. Mga. Nag-uumpisa na akong magplano ulit. Dumadaan pa rin ang lungkot sa gabi para sa mga planong natabunan na ng abo ng Taal at nilapa na ng virus, huhukayin ko lang ulit kung puwede pa. Kaso, tinitingnan ko 'yung mga trabaho na homebased, parang ang exploitative nung iba at ang baba ng bayad. As in. Hindi ko alam kung nananamantala ba 'yung mga consolidators ng outsourced tasks o ito lang talaga ang kapasidad ng ekonomiya sa ngayon. Nasa average lang ng Php 200 per hour, hindi pa natin pinag-uusapan ang average qouta. Parang di ko malunok pero sayang din kasi, wala naman akong masyadong bills, ang sarap lang magbayad ng insurance dahil ang bagsak ang stock market. Bagsak nga lang din ang investment capacity ko kung walang papasok kahit maliit, so, lunukin muna ang sariling market value at pumatol sa kung magkano lang para makapag-ipon?
No comments:
Post a Comment