Sumakit ang ulo ko kakahalungkat sa jobstreet ng trabahong malapit lang sa'min. Para akong fresh grad uli na hindi malaman kung saan susuot. Palipat-lipat ako ng category sa search filter. Bigla lang umiim sa'kin na Sabado na pala, akala ko Miyerkules lang, na parang bumilis ang oras. Wala, natakot lang ako na baka lumilipas 'yung panahon at natengga lang ako. Parang nakaramdam na uli ako ng dapat magmadali. Siguro kasama sa overthinking ko ng sitwasyon namin ay 'yung background ko sa social welfare, alam ko kung kailan sasabihing mahirap ang isang pamilya at kung paano nababawasan o nadadagdagan ang vulnerability ng isang mahirap na pamilya. I could do the social welfare math in my mind for our case at 'yun 'yung nakakapagpaisip nang malala. Mas humirap kami ngayong may pandemya. At nakakainis pa 'yung portion ng sarili ko na non-conformist, na hindi magpapakulong sa ayaw na trabaho at kung bakit may ganito akong sense of self. haha. Sinusubukan kong kumalma, hilutin ang sentido, at paniwalain ang sarili na hindi ako nasira, na gumagana pa rin ako. Kaunting hintay pa, kalma.
[Kailangan ko nang matulog] 'yung mga ilaw bukas pa, anong oras na, sabi ni Mama at Php 1,600+ nga naman ang kuryente namin bukod pa sa nakabinbing bill noong mga buwan ng umpisa ng quarantine.
2 comments:
Hays. Buti ka pa may lakas na ng loob para sumilip-silip sa Jobstreet. Ako, di pa rin alam kung anong career ang bagong papasukin (at pag-aaksayahan na naman ng ilang taon? =/) Dami ring bills, mukhang kelangan ko na rin maghanap ng hiring. 😑
Huyy! Friend, naghirap tayo ng husto hahaha cheers!
Post a Comment