Ang ganda ng mga guhit ni CJ Silva, ang kulay-kulay!
Dumagdag pa sa tingkad ng larawan ang pagtatampok ng mga lugar sa Baguio at mga kung anong maaaring gawin dito mula sa perspektiba ni Ikaklit - ang bata sa kuwento. Parang muli kong nakita ang mga bulaklak doon na sa dami ay hindi ko na makilala lahat. Muli ko ring nadama ang lamig ng Cordillera. At isa pang nagdulot sakin ng kakaibang ginaw ay ang tema ng aklat. May dalawang nanay kasi si Ikaklit, salamin ng mga modernong pamilyang may pares na kasarian ang mga magulang. Tinignan ko ang pabalat at maikling kwentong pambata talaga ang nakalagay. Alam kong matagal nang takbo ito ng lipunan pero ngayon ako namulat na sumusunod na rin dito ang agos ng panitikang pambata.
Ang pakahulugang ang pamilya ay binubuo ng ama, ina, at mga anak ay hindi tradisyunal na depinisyon bagkos ito ay ang orihinal na disenyo. Sa pag-usbong ng punla, esensyal ang lupa, hangin, tubig, liwanag ng araw at pagkalinga; na kailangan maging sa maayos nitong pagyabong. Gaya nito may mga esensyal at disenyong itinakda ang Hardinero para sa maayos na buhay, lalaki at babae. Totoo na mahalaga ang pagmamahalan at pagkalinga, pero isaalang-alang din ang iba pang salik ng pagpapamilyang moral. Kaya nga ang kuwento ni Ikaklit ay hamon sa mga pamilyang nasa orihinal na disenyo na pag-ibayuhin ang pagkalinga sa mga buhay na ipinagkatiwala sa kanila.
2022 update: changed my mind, ipabasa na sa mga bata, nagpapapanood nga tayo ng mga barilan sa TV
2022 update: hindi na ito modernong pamilya, ito ay pamilya rin
Hindi ko ito nirerekomendang mabasa ng mga bata dahil sa kaselanan ng tema nito. Mainam ang kuwento sa mga magulang na makapagbibigay ng kaliwanagan at patnubay sa mga anak kung paanong makikitungo ang mga ito sa mga kalaro o ka-eskwela nilang nasa kaparis na kalagayan ni Ikaklit. Sa mga guro rin, nang mas maunawan nila kung paano pakikitunguhan at matutulungan ang mga "Ikaklit" sa kanilang klase. Nakakapagpamulat ang akdang ito ni Bernadette Silva ukol sa modernong kalagayan ng pamilya at mga kaakibat na sitwasyon.
Isa pa sa mga natutunan ko ay may lokal pala na salin para sa Sunflower, ito nga ang Ikaklit na salitang Bontoc.
2022 update: changed my mind, ipabasa na sa mga bata, nagpapapanood nga tayo ng mga barilan sa TV.
Sa baba ang tungkol sa awtor, gumuhit, nagsalin, at naglay-out;
Tungkol
sa mga Manlilikha
NAGSULAT
Nagtapos ng MA Filipino: Malikhaing Pagsulat si Bernadette Villanueva Neri sa UP
Diliman at BA Mass Communication major in Journalism sa UP Baguio. Kumakatha
siya ng mga kuwentong pambata, sanaysay, dula, at maikling kuwentong lesbiyana
(na binansagan niyang “naratibô” o naratibo ng mga tibô). Kasalukuyan siyang
nagtuturo sa UP Diliman, kasabay ng pagkuha ng duktorado sa Malikhaing Pagsulat
sa parehong paaralan. Kasama niya ngayon sa bahay ang limang muning na tulad
niya’y mahilig din sa ikaklit at iba pang mga halaman.
GUMUHIT
Si CJ de Silva ay
nakilala bilang Promil Kid sa mga commercial nito noong 90s. Ngayon, si CJ
naman ang gumagawa ng mga patalastas bilang Art Director sa isang advertising
agency. Hilig pa rin niya ang magpinta at gumuhit.
NAGSALIN SA
INGLES
Nanay ng dalawang munting binibi si Jennifer del Rosario-Malonzo. Siya ay
isang manunulat, editor, mananaliksik, at aktibista. Nag-aral siya ng
peryodismo sa Unibersidad ng Pilipinas at kasalukuyang nagtatrabaho sa isang
internasyunal na organisasyon. Mahilig siya sa tula at potograpiya, at nait
matutong maggitara.
NAG-LAYOUT
Si Jennifer T.
Padilla-Quintos ay nanay ng dalawang masayahing batang sina Gaby at
Joaquin. Isa siyang graphic artist, art teacher at manggagawang pangkultura. Nagtapos
siya ng Fine Arts sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman.
No comments:
Post a Comment