Saturday, March 1, 2014

Marvelous Marso!


Pabaduy na ng pabaduy ang mga tema ng blog ko. Malapit na ba tong mamatay? Ilalayo na ma't wag ilalapit. 

Puro tungkol sa tao ang paksa ng blog ko ngayong buwan, mga buhay-buhay, mga trip, mga human interest, at kwentuhan. Mga sanaysay, naratibo, tula, at mga panayam sa mga taong nakakasalamuha ko sa university, sa jeep, sa church, sa mall, sa fastfood, at maging sa mga taong naging kaibigan ko lang sa Facebook. Hindi ba't marvelous 'yon? 

Ito ang medyo iba ngayon: sumali ako ng blog tour para sa isang maikling kwentong pambata. Ang marvelous kaya no'n! 

Yun lang ang meron ngayong buwan. 




Tampok na Alagad ng Sining: 

Si Greys P. ay nakapagtapos sa SLSU-COA ng Bachelor of Science in Agriculture. Naging miyembro ng Ang Binhi (pahayagan ng College of Agriculture) at mahilig siyang sumulat ng tulang may dungis ng spekulatibo at kontemporaryong ugat. Mahilig rin siyang manlibre 'pag nagkikita kami.

No comments: