ni: Greys P.
Isang kolorete
Na ipinipinta
Sa malambot na labi
Ng isang dalaga
Kulay mong mapula
Na bumibighani sa iba
At nagpapatapang
Sa maamo mong itsura
Malayo pa lamang
Tingkad nitoy tanaw na
Pansin na pansin
Sa sino mang mkakakita
Mangaagaw atensyon
Damdamin at reaksyon
Na umuusbong sa sino mang makasalubong
Damdaming mapusok
Ang pumapaibabaw
Sa bawat paghagod
Sa labing walang malay
Unti unting naalis
Nawawalan na ng saysay
Ang dating mapula
Ngayon ay maputla na
Tingkad na kulay moy
Ngayon ay ubos na
Ngunit itoy nagmarka
Sa bawat kalsada
No comments:
Post a Comment