Monday, March 3, 2014

Prowsen

Si Jeuel talaga ang abang ng abang sa Disney Princess Movie na'to na malayo sa kultura at klimang Pinoy. Una akong nakakuha ng soft copy pero nauna pa rin siyang nakapanood. Viral na ang mga humor videos bago ko napanood. 

Ok naman, namiss ng buong mundo ang musicality ng mga Disney films, kaya nga pinalamig daw ng Frozen ang Catching Fire sa takilya. Nasabi ko pa nga, kung alam ko lang na musical ang Frozen, e ito na lang sana ang pinanood namin. Pero kabaligtaran naman ang sasabihin kung Catching Fire naman ang huling napanood. 

Wala talagang tatalo sa humor at creativity ng Noypi. Biruin mo yung hit na Let it Go ay nasalin na sa Tagalog at Beki-version. Kembot na. 

Yung isa pang hit na Do You Want to build a Snowman ay naisalin na rin sa Tagalog at Conyo-Fil Version. Ang complicated at creative na ng Filipino language itself di ba. 


Akala ko wala nang hahabol, pero meron pa. Meron pang nagpamalas ng pagkamalikhain. Si Jeuel na nagsasabing may nasusulat daw sa kantang Frozen. Hinimay niya ang liriko ng kantang Let it Go. 

Conceal. 
Don't feel. 
(Put on a show.) 
Don't let them know. 
[kapag nakakaramdam ka raw ng tawag ng kalikasan.] 



[Kapag nasa loob ka na at nakaupo sa trono] 

Let it go! 
Let it go! 
Can't hold back anymore. 

Let it go! 
Let it go! 
Turn away and slam the door! 



Parang nag-guest post si Jeuel sa blog ko, at ambaho ng post na'to. 

Trivia: Kayang magpigil ni Jeuel ng galit pero hindi ng [insert yucky here.]

Kudos para sa Fil-Am na nagcompose dahil miyembro na siya ng EGOT sa pagkakapanalo niya ng Oscars.

No comments: