Tuesday, May 6, 2014

Kapeng Barako sa Tanghaling Tapat

Natapos na ang gabundok na labahin, 
Nakapaghugas na ng pinggan habang nag-i-in-in. 
Walang itlog. Walang canton. 
Mainit na kanin lang talaga ang meron. 

Ilong, 
Pinagpapawisa't namamasa 
Sapagkat kahit tuyo ay wala. 
Kapeng barako sa tanghaling tapat 
Ang magpapatahimik sa 
Nagwawalang sikmura. 

Iadyo N'yo po kami 
Sa buong maghapo't darating pang mga araw. 
Nawa'y maligtas sa pangil 
Ng kawalan ng baon kapag bakasyon.

No comments: