Nakilala ko si Ate Anj nito lang Disyembre, taong 2012. Pumasok ako noon ng kubo sa aming university. May nag-udyok sakin at si Ate Anj ang bumungad sakin.
Siya pala ang campus worker doon. Taliwas sa mga missionary na kilala ko, hindi siya naka-formal. Nakapantalon, imbes na palda at simpleng damit lang. Tamang ayos na parang may bibilhin lang sa bayan. Casual.
Ang magara kay Ate Anj ay ang kanyan Mindorensis accent. Kung una mo siyang marinig, matawa at maga-isip ka talaga kung bakit ganon siya magsalita.
May mga pinagkaiba man kami ng mga tinatayuang paniniwala, may iisa namang ispiritong nag-uugnay samin. Siguro dahil Ate's boy din ako kaya madali ko siyang nakafren-fren.
Nang mga panahong iyon, siya ang nakaka-alam ng mga pressures ko sa buhay. Pati mga takot ko, kinukwento ko sa kanya. Iba rin yung may prayer partner, nakaka-encourage lalo.
Kasa-kasama namin (nina Roy, Alquin, Jeuel, Jem-jem, Alvin, atbp.) si Ate Anj sa mga paghayo-hayo, pagbibisita, at panginginainan sa mga ka-bradees na may bertdey. Isang bakasyon, sama-sama rin kaming nagugutom pero minsan lang 'yon. Sama-samang nagka-camp, nagdadasal, nagmo-malling, nagpapalaganap, nagkwe-kwek-kwek, nagpapagal, nagreretreat, at nagpapahinga. Ginagawa namin ang ginagawa niya at ginagawa niya ang ginagawa namin. Give and take.
Silently, nalaman kong mas madali pa lang maglingkod kapag sama-sama.
Sama-sama rin sa paglalaro ng Monopoly, Uno, at Samson-Delilah. Kasa-kasali sa patintero, bato-bol, at balibol. Walang misyo-misyonero kapag nasa court at kalaban si Ate. Palaging tandaan na battle field ang bawat lugar at maraming babato.
Sama-sama rin kami sa dagat. Magkasama sa mga ilog at lawa. Magkabalaybay-bunga sa mga bundok at patag na tubigan. Para tuloy 10 taon na kaming magkakasama.
Kaya abot-abot ang pagpapa-alala niya tungkol sa kanyang kasal. Dapat doon sama-sama rin kami. Minsan nagkuwento si Ate Anj na nagising daw siya ng hating-gabi dahil napapanaginipan niyang nagkakagulo sa mismong araw ng kasal niya. Prior to this, ilang gabi na rin siyang lucresia sa pag-aalala para sa kasal niya. Gawa ng kaaway, we uttered in almost chorus.
Inunahan ko na siya sa pagmomonolouge, "Naku! Wala pa silang ipon (totoo naman), hindi ka mahalaga para sa kanila (false). Yan ang binubulong sayo no?". Sabi nga raw nila, nakakapraning ang paglapit ng araw ng kasal.
At isa lang ang palagi naming sagot sa bagay na labas na saming kontrol: "Ipag-pray natin". Isang buwan bago ang araw ng kanyang kasal ay umuwi na siya para sa preparasyon at abot-abot pa rin ang kanyang pagpapaalala via texts.
Dumating ang araw ng kasal, sina Roy, Alquin, at Joshee lang ang nakapunta sa amin. Naka-huhu na araw. Sa amin. Sa kanya.
Malamang magkita pa rin naman kami. Baka hindi na kami makapagbato-bol dahil naging pastor's wife na siya. May kaakibat na dignification ang pagiging asawa ng pastor.
Kung meron mang ganung word. :))
Mas magiging kagamit-gamit si Ate Anj ngayong asawa na niya si Pastor Kris. Kahit naman yung kasal niya ay for kingdom purposes.
Sa mga panahong kasama namin si Ate, marami kaming natutunan mula sa kahinaan ng bawat isa. Pero kahit ang kaninaang yon ay for kingdom purposes. Para sa kalualhatian. Lahat pala tayo ay missionaries at may mga mission quests.
Hindi isyu ay kung user ang Diyos, kundi ay kung useful ka ba?
Ate Anj, hanggang sa muli nating pagtutuos. Isang bola ka lang!
Mas magiging kagamit-gamit si Ate Anj ngayong asawa na niya si Pastor Kris. Kahit naman yung kasal niya ay for kingdom purposes.
Sa mga panahong kasama namin si Ate, marami kaming natutunan mula sa kahinaan ng bawat isa. Pero kahit ang kaninaang yon ay for kingdom purposes. Para sa kalualhatian. Lahat pala tayo ay missionaries at may mga mission quests.
Hindi isyu ay kung user ang Diyos, kundi ay kung useful ka ba?
Ate Anj, hanggang sa muli nating pagtutuos. Isang bola ka lang!
No comments:
Post a Comment