Day 4
Palaging nag-uumpisa sa paggising ang
journal entry ko. Hindi ko na maalala dahil Day 5 ko na isinusulat yung
nangyari noong Day 4. Kahit antok na antok na ako at 9: 48 na kailangan kong isulat ang ginawa
ko. Ang lamok-lamok, ang baba ng lipad nila dahil paa ko ang tinutusok nila at
pagkakakati-kati ng tusok nila.
Gumising. Nag-devotion. Si Pastor Paj ang
nag-lead ng devotion ng umagang iyon. Sa Psalms 27,tungkol sa waiting upon the
Lord. Iyon rin ang pinanganan ko nang mapatengga ako san g anim na buwan na
hindi masyadong naglalakbay. Shaping ba.
Kumain. Ang alat pa rin ng iskrmabold egg.
Maluwag ang sched naming ngayon, sumama
lang kami kay Kuya Cyril, isa ring writer ng org., para sa katuparan ng kanyang
report sa mga boat recepients. Katabing baranggay lang ng Pagnamitan ang
Taytay. Ganun din ang kalagayan nila, mga nag-uumpisa pa lang ulit at karamihan
nga ay nagadadagat.
Nag-interbyu ri ako para sa nakatoka sa
akin. Na-explain ko na ba kung anung nakatoka saking assignment? Dili pa no?
Yung mga naipamigay na solar lamps ng team
ay gagawan ko ng terminal report, parang status-progress report. Ganan. Tapos,
kailangan ko ring pumick-up ng mga magaganda at “compelling” na istorya para sa
mga feature stories, parang dokyu. Howie Severino-Reyes, ganyan. Kailangan ko
rin kasing makakuha ng kwento para sa blog ko.
Sumama ako dahil halos parehas ang
recipients ng banca at solar lamps e. Pero nakakailang bahay pa lang kami
biglang bumuhos ang malakas na ulan. Lurok. May kasama pang hangin. Mukhang
bumabalik kami sa nakaraan dahil lumalabo ang paligid, nagiging 10% visibility
na lang. Zero-visibilty daw nung Yolanda.
Sabi ni Ate Joan, isang Local Partner
Relations (LPR), ay normal lang daw ang ganung ulan dito sa may coastal area ng
Guiuan. Bale kasama ko rin si Nikki, at apat kaming magkakasamang nabasa kahit
nakasilong kami sa ginagawang bahay.
Pag-uwi, nagmais-con-yelo-con-mango kami. O
di ba? ‘Yon ang pamerienda sa base camp. Tapos pumuta ako sa may veranda ng
nagha-house sa amin at nahiga sa duyan. Nakatulog lang ako bago mananghalian.
Maghapon akong inaantok at natulog. Hindi
na ulit kami nakalabas. Siguro dahil apat na araw na akong walang kape-kape.
Kaya bumili ako, hindi ng kape kundi ng Tablia
na tag-tris piso (3 Php). Nabuhay muli ang dugo ko.
Dumating si Ate Grace, isa ring LPR, dapat
kasi may lakad pa sila sa Brgy. Taytay ulit para sa pagpapatuloy ng pagkalap ni
Nikki ng mga istorya sa pinamigay naman na slip-ons. Pero dahil umulan, tengga
kami sa base. Nalaman ko na team Mindanao pala siya at sa Davao ang base niya
ng org. Marunong din pala siyang mag-gitara kaya nagrequest ako ng bisaya na
kanta. Astig!
Tinuruan niya pa ako ng Waray na kanta,
Maupay han Diyos ha Akun ang title. At may action pa gani.
Napapadyak ako hindi sa mga kanta kundi sa
mga istorya niya ng epic fails sa mga lyrics. Kung alam mo yung kanta at tamang
lyrics, sigurado matatawa ka rin.
Ito ang ilan: Ang mga salitang nasa loob ng
panaklong ang tamang bigkas at lyrics ng mga kanta.
Nag-song lead daw ang tatay niya:
Song: This is the Day
“This is the di (day), This is the di (day)
That the Lord has men (made),
We will rejoice, and be glad, amen (in
it).”
With matching pikit-pikit at taas kamay pa,
nag-song lead naman daw ang ka-churchmate niya:
Song: Still
“When the ocean rise and thunders
stooorm..”
May nag-special number daw sa church nila
sa Cagayan, birit-birit pa giyapon:
Song: How Great Thou Art
“Then sings my song (soul),
My Savior far awi (God to thee)
How green thine eyes, (great thou art)
How green thine eyes, (great thou art)…”
Laugh trip talaga lalo na habang kinakanta
ni Ate Grace. Isa talaga siyang kuwentista ug kasing-kasing.
Nagdedicate kami ng bagong gawang center ng
kinagabihan. Nag-boodle fight. Nilamok.
Natulog ng may ngiti sa labi.
This
the di,
Jord Earving [G.]
May 24, 2014
Brgy. Pagnamitan, Guiuan, Eastern Samar
No comments:
Post a Comment