Tula ni : Greys P.
Sa bawat salita
Sa bawat ingay
Tila isang bulahaw
Na sa tenga ay umaalingaw ngaw
Diwang natutulog
Na biglang mabubulabog
Sa bawat tawa
Na tila di magpapatulog
Mata ay luok na
Eyebag ay malaki na
Tagihawat sa mukha
Tila dumarami na
Sa bawat gabi
Na di makatulog
Isa na tong sumpa
Sa bungangang nkakaiyamot
Utak ay nakikiusap
Pinipigil ang yamot
Sa babaeng may katawagan
Na walang pakundangan sa tulog
Pakiusap naman
Boses ay hinaan
Kung wala kang pakialam
Ay lumabas ka na lamang
Hayop talaga!
Ang boses mong malakas
Nagmumukha na kaming zombie
Kahit naka make up
No comments:
Post a Comment