Pompyang Dos
Madaling araw pa lang gising na'ko para pumunta sa interbyu sa Alabang. Kailangan nang magbanat-banat ng buto dahil hindi na ako bumabata. Bente dos na ko ngayong Bente dos, pompyang kung sa jueteng.
Tila sugal na naman ang gagawin kong aplikasyon. Itataya ang ilang daang piso at matatalo kung hindi matutuloy sa pagtatrabaho dahil sasablay ang mga kinakailangan ng trabaho sa itinakda kong "never-again-in-my-career rules". Sana ito na.
Inabot din ako nang maghapon sa paunang panayam. Takipsilim na nang dumating ako kena Ebs. Umub-ob lang ako sa mesa sa opis ni Pastor Abner habang siya ay nagla-laptop. Kuwento-kuwento ng mga naganap sa maghapon, na maganda yung HR, na nakakaat-at tuloy, na para akong hayskul na nagre-recitation; pero hindi pa rin niya naalala.
Oks lang naman. Nakakatawa lang dahil sobrang "siya" lang e. Parang ganito ang takbo ng utak ni Ebs: Ordinaryong araw. Andito si Kuya Jord sa'min. Mang-aasar. Makikikain. Nood movie mamaya....(napatingin sa date sa laptop: December 22). Saka lang siya natawa at naalalang bumati. "...bertdey mo ngayon". Grammatically, hindi talaga siya bumati e.
Maraming bumati. Hindi ko pa rin ma-gets kung gaano kahalaga yung pagbati o pag-alala sa kaarawan lalo na ngayong pinapaalalahanan na tayo ng FB na may bertdey ang kaibigan mo at nakalimutan mo dahil marami kang problema sa trabaho, lablayf, pamilya, pag-iisip, at kalimutan mo muna ang sarili at magpasaya o umalala sa kaarawan niya. Pero nag-enjoy din naman ako sa pagbabasa ng mga pagbating may mini-sanaysay pa.
Ang mga iniirog, tinatangi, pinaka, kaut-utang dila, inaagawan ng pagkain, na kaibigan kasi ay hindi talaga bumabati sa social media kapag kaarawan mo. Sila yung bumibili ng regalo kahit di maibigay sa'yo dahil malayo sila. Sila yung presence of mind at audience impact ang nireregalo, maliit na porsyento lang pero panalo! Minsan kahit wala silang gawin, sabihin, o ibigay, yung fact lang na kaibigan mo sila, mapapapasalamat ka na pinanganak ka isang araw at naranasan ang buhay.
Salamat Po.
December, 2015
Thursday, December 31, 2015
Tuesday, December 29, 2015
Disyembre 18-20, 2015
Disyembre 18, 2015
Dipres na dipres ako. Ilang araw na. Naghahabol sa tulog. Sa tulog naghahabol. Hindi makapokus sa inaaral. Sa inaaral, di makapokus. Walang kuwenta lumalabas sa bolpen ko.
Nag-pm sa'kin ang organizer ng Saranggola Blog Awards (SBA) dahil finalist daw ang entry ko. Seen lang dahil wala akong pamasahe papunta, tsaka baka ek-ek lang para marami pumunta sa event. Nag-text din pala sa'kin. Finalist nga raw.
Punta ko sa puwesto sa palengke.
"Ma, finalist raw ang entry ko sa Saranggola". Siyempre, ineksplika ko pa kung ano ang isinusulong ng Saranggola Blog Awards blah blah blah. "So anong kailangan mo"? Tanong ni Mama.
Pamasahe papuntang Boni. Pero walang kasiguraduhang mananalo ako ng cash prize, 1st prize lang kasi ang may cash doon. At nagtapos kami sa hindi raw n'ya ko mabibigyan dahil may ahente raw siya ng kape na darating. Kesyo andami pa n'yang hulugan. Kaya inabutan na lang n'ya ko ng 32 pesos pampaload.
Umuwi na lang ulit ako bitbit ang kalahating boteng langis, kape, at ang saranggolang hindi maiitalang dahil mahina ang ihip ng hangin.
Disyembre 19, 2015
Alas-onse ng tanghali na pala ako nagising. Alas-dos na kasi ako nakatulog. Naghahabol pa rin. Bilis-bagal ang tibok ng puso.
Habang nagtitimpla ako ng kape ay may tumawag sa selpon ko na numero lang. Si Sir Bernard daw siya ng SBA. Ayun, dalawang entries ko pala ang pasok sa finals. Aaaay...sayang kasi hindi talaga ko makakapunta sa event. Sabi ko si Ate Bebang lang ang kakilala ko na pupunta. May binanggit yata si Sir Bernard na shirt na ipapadala. Matapos ibaba ang tawag, nanghinayang ako kasi di ko man lang nasuportahan ang isang event na nagsusulong ng pagba-blog sa Filipino. Next year talaga. Igop kape.
Pero punta ulit ako ng puwesto sa palengke. Nangulit kay Mama. Baka naman. Pero wala raw talaga. Wala pa namang masyadong benta dahil nag-uuulan ng mga nakalipas na araw, walang gustong lumabas at mamalengke. So, hindi na talaga. Paghahandaan ko na next year. Kung magpipiso-piso ako simula ngayon, next year may pamasahe ako sa SBA.
Pinabalot ko na lang kay Mama ang isang gel pen at parang mantel na de-zipper na pencil case; pang-exchange gift ko kako sa Christmas party sa mga bata sa outreach class ni Mil. Kaso, di rin natuloy dahil maulan.
Nagtext si Ate Bebang na may entry daw pala ko sa SBA. Kung makakapunta raw ba ko? For the Nth time, paghahandaan ko na neks yir.
Disyembre 20, 2015
Linggo ng Hapon
Naglalakad ako papuntang simbahan nang maglakas loob akong magtanong kay Sir Bernard tungkol sa SBA. Pinalad maka-ikatlong puwesto sa pagsulat ng Diona at manalo sa panukalang papel.
Nanalo ang Project PAG-bASA!
Salamat Hesus na unang nagbigay ng aklat sa'ting lahat!

Mga etiketa:
aklat,
Boss,
entry sa patimpalak,
pasasalamat
Friday, December 18, 2015
Pasko; Pansol
Pasko, Pansol
Nag-impke ako.
Tinatamad maligo.
Simoy ng hangin
Ilong ng pusa
Pusong nag-iisa
P're-p'rehong yelo
Kailangang lumabas
Kailangang mailabas
Nag-asikaso ng pamalit
Sa tubig baka saglit maakit
Nagpabaon si Lola Nits
Ng ingat at tsinelas pamalit
Bakit na naman tumutugma
Ang bintana ng sasakyan't pait
Gusto kong sirain ang ritmo
Ang tugmang hindi ko gusto
Kumagat ang Disyembreng dilim
Naaaninag ko pa rin naman
Ang maiilaw na resorts na korean
Nasusuka ako sa paikot-ikot
Na nagsesebong pakiramdam
May bumubukal na di ko alam
Baka sakaling madaan sa kain
O di kaya'y baduy pero masaya
Na larong paulit-ulit lang pati tao
Naakit nga ako sa usok ng tubig
Hindi lang ito ang hangganan
May daan sa bawat kalabsaw
Daan para matunaw ang sebo
Na nabuuo sa ritwal na ehersisyo
Tunawin mo,
Sa bawat kampay,
Sa bawat subo ng litson,
Sa bawat talon,
Sa bawat igop ng kape,
Sa bawat sisid,
Hanggang sa mapagod na lang
Malunod sa antok, ihele ng tulog
Bumangon sa hamog ng umaga
Makinig sa mainit na musika
Handang bumuo ulit ng sebo
Na babalot sa buhay at tutunawing muli.
Nag-impke ako.
Tinatamad maligo.
Simoy ng hangin
Ilong ng pusa
Pusong nag-iisa
P're-p'rehong yelo
Kailangang lumabas
Kailangang mailabas
Nag-asikaso ng pamalit
Sa tubig baka saglit maakit
Nagpabaon si Lola Nits
Ng ingat at tsinelas pamalit
Bakit na naman tumutugma
Ang bintana ng sasakyan't pait
Gusto kong sirain ang ritmo
Ang tugmang hindi ko gusto
Kumagat ang Disyembreng dilim
Naaaninag ko pa rin naman
Ang maiilaw na resorts na korean
Nasusuka ako sa paikot-ikot
Na nagsesebong pakiramdam
May bumubukal na di ko alam
Baka sakaling madaan sa kain
O di kaya'y baduy pero masaya
Na larong paulit-ulit lang pati tao
Naakit nga ako sa usok ng tubig
Hindi lang ito ang hangganan
May daan sa bawat kalabsaw
Daan para matunaw ang sebo
Na nabuuo sa ritwal na ehersisyo
Tunawin mo,
Sa bawat kampay,
Sa bawat subo ng litson,
Sa bawat talon,
Sa bawat igop ng kape,
Sa bawat sisid,
Hanggang sa mapagod na lang
Malunod sa antok, ihele ng tulog
Bumangon sa hamog ng umaga
Makinig sa mainit na musika
Handang bumuo ulit ng sebo
Na babalot sa buhay at tutunawing muli.
Jingle Bills
Pang-exchange gift - P 15
Dinner fee sa Banquet - P 100(x2)
Dishwashing - P 45
Retreat - P 300
Fortress Shirt - P 180
LTO - P (TBA)
Sabihin mo sa'king hindi pera ang diwa ng Pasko at i-e-enumerate ko sa'yo ang mga dapat bayaran o gastusan. Saang sabsaban ko kaya matatagpuan ang ipupuno ko sa mga pangangailangang ito?
Ang problema sa 'tin mahilig tayo sa Christmas cliche gaya ng pagkahilig natin sa bibingka. "Ang diwa ng Pasko ay pagbibigayan", tapos ngunguto-nguto tayo kapag nakatanggap ng picture frame. "Ang diwa ng Pasko ay pagmamahalan", tapos nalulungkot tayo kapag walang famas. "Ang Pasko ay hindi tungkol sa bagong damit, keso de bola't hamon, kundi tungkol kay Kristo", tapos nakikipagsiksikan tayo sa mall dahil sale, nagkukumahog tayong mamalengke, nagmumurahan tayo sa tindi ng traffic, at naghahaba ang mukha kapag maliit ang bonus. Walang masama sa paghahanda, pagsasaya, pagbibigay luho sa sarili minsan sa isang taon, pero 'wag ko nang marinig-rinig na ang Pasko ay hindi tungkol sa pera dahil nakaka-Paksiw ng mukha. Minsan in denial talaga tayo sa katotohanan ng komersiyalismo; tuloy nagiging pseudo-anti-materialistic tayo.
Tanggapin na natin na ang pera ay bahagi ng Pasko gaya ng bahagi ito ng araw-araw na pamumuhay.
Nangangarap ako ng isang Pasko na hawig ng sa mga pastol sa parang. Kasama ang mga kaibigan, malayo sa ingay ng pamilihan, nakapalibot sa naglalagablab na bonfire, naririnig ang mga gitak ng nasusunog na kahoy, at nakatingin sa mga tala. Walang pera. Walang stress. Walang rush.
Sa dumatal noong Pasko;
Iligtas N'yo po kami sa apoy ng komersyalismo.
Tumawag sa'kin ang DSWD para sa aplikasyon ko sa kanila, may exam date na 'ko sa Alabang sa Disyembre 22. Kaya may humabol pa sa listahan:
Pamasahe - P 200
Tanghalian - P 70
Pagupit - P 45
Pang-ahit - P 30
Lahat-lahat: P 1085 + TBA

Sunday, December 13, 2015
Nakakabundok
Isang umaga nakatanggap ako ng text mula kay Roy, nangangailangan daw si Pastor Paul ng encoder. Bale iri-refer pala ni Pastor Paul ang aplikante sa SLSU admin. Rush yata dahil may tatlong miskol na sa selpon ko na number lang. Sinabi ko kagad kay Mama, alam ko kasing wala kaming pera at hindi pa man siya nakakasagot kung kakagatin ko ba ang trabaho, ay nag-ring na ulit ang selpon ko. Di ko sinagot, pinatay ko.
Bakit daw di ko sinagot? E wala kasing pera; ang hirap pumorma ng apply. Nag-isip-isip siya, kami pala. Kung encoding o clerical ang trabaho baka nasa max na ng 8K ang suweldo. Gagastos ako ng nasa 4K sa isang buwan. Pero kung 5K lang din daw ang suswelduhin, e maglaba na lang daw ako sa bahay.
Dumayal-dial ang nanay ko. Naghahanap ng mauutangan. Malamang 5-6 na naman. Kailangan ko ng pamasahe papuntang Lucban para iabot ang papeles ko na kailangan ko pang ipa-print. Uuna na raw siya sa palengke at ite-text na lang ako kapag me pera na.
Maya-maya ay tumawag ulit si Pastor Paul. Kahapon pa raw n'ya ko tinatawagan pero wala raw sagot. Tinanong na'ko kung interesado ako sa trabaho, sabi ko ay opo kaya lang baka puwedeng biyernrs na dalhin yung paper dahil wala pa kaming pera. Sabi ni Pastor baka raw pwedeng gawan muna ng paraan para ma-isked na raw agad ang interbyu at eksam. Sige po na lang ang nasagot ko.
Medyo hapon na dumaying ang pera. Bandang alas-dos na rin ako nakapagpa-print kena E-boy. Di na aabot kung pupunta pa kong Lucban. Bukas na lang ng umaga sabi ko kay Pastor Paul sa afreesms.com. Nag-merienda na lang kami ni E-boy sa palengke, "ikain na lang natin 'tong pera ko 'bo" sabi ko.
Kinabukasan, pinilit kong gumising ng umaga. Maligo ng umaga kahit mahirap. Bumiyahe papuntang Lucban ng maaga. Nag-log in sa dalawang asul ma log book. Pagdating ko sa HR ay ipipinasa ang papel at binanggit si Pastor Paul. Napa-"aah" ang babae. Tiningnan ang CV ko. "Tiaong", banggit n"ya. "Galing ka pang Tiaong n'yan?" Opo, kako.
"Sana ini-e-mail mo na lang".
Nang maka ikatlong araw ay nagteks sila kung puwedeng mag-exam ako sa makalawa. Hindi na ko nag-reply. Hindi na ko bumalik. Kailan-kailan man.

Friday, December 11, 2015
Mocking Mockingjay (Part 2)
Mocking Mockingjay (Part 2)
Ilang linggo bago mag-showing ang Mockingjay Part 2, e paulit-ulit na itong ipinapatalastas sa TV. Paulit-ulit din akong minumulto. "Walang kang pera" sabi ng multo.
Kaya hindi ako excited nang magyaya si Alfie sa Nob. 18 daw ay manonood kami kasi malaking chance na di ako makasama. Biro pa nga ni E-boy, iwan ka na naman. Na naman - ibig sabihin naiwan na'ko rati sa panonood dahil wala kong pera. Ayoko na sanang ma-miss ang huling installment ng Mockingjay, ito na kasi ang magsasara sa una kong nobela na na-enjoy at nagbukas sa'kin na bigyan ng chance ang mga nobelang Ingles. Tsaka, huling hirit na 'to e.
Pero bago pa man ako maiwan na mag-uli ay nagkaro'n ako ng munting pera pero kabyos sa P 175 na ticket at pamasahe, e pangkain pa? Buti na lang to the rescue si E-boy at s'ya na raw bahala sa kulang ko, sumuweldo raw kasi siya sa tutorials n'ya. Yoooown! Kaya ikinandado na namin ang boy's night out.
Apat lang kami ngayon. Ako, si E-boy, si Alfie, at si Alvin. Yung mga kasama namin dati sa Catching Fire at Mockingjay (Part 1) ay may kanya-kanya nang kaabalahan. Sina Roy at Alquin ay may trabaho na sa Batangas at Cavite. Sina Joshee at Jomai ay nasa Laguna at Majayjay. Si Jet-jet naman ay nasa planta at may production. Sabi ni Lola Nitz bakit daw hindi ako nakabihis samantalang sina Ebs ay bisteng-biste. Naka-jogging pants na green at t-shirt na pambahay na orange lang ako, mga paboritong kulay ni Katniss at Peeta. Tsaka, mamamaluktot ako sa sinehan at mahirap mamaluktot kapag nakaporma.
Meron lang isang batas sa panlilibre ni Ebs: Bawal siyang asarin tungkol sa lablayf. Oh men! Masarap pa namang mang-asar pag may kakampi kaya lang nagbabanta si E-boy na hanggang labas lang ako ng sinehan kapag pinush ko pa ang pang-aasar. Paano naman nagkuwento si Pastor Pampolina na papunta rim daw sa SM yung kaibigan namin na dinubbed ni Pastor na "gelpren ni E-boy". # Alam na this.
Instant asar material na agad! Hawakan daw si Ebs bago pumasok sa sinehan at baka biglang mawala. O kaya ay baka magpatay malisya ito; "aba! Andito ka rin pala!" O kaya ginamit lang kami ni E-boy para makalabas siya sa bahay, minaskarahan ng barkada bonding ang isang date. Torture na torture si Ebs sa ganitong asaran; tuwang-tuwa naman ako. Hanggang sa bus ay humarang na si E-boy sa'min ni Alfie dahil napapraning na baka raw pag-usapan namin s'ya.
Sa bus, inalala namin yung mga panahong naghahabol kami sa oras ng showing dahil sa mga nagsangahang iskedyul. Inalala ang Doctors' Hospital kung saan i-cinonfine si E-boy nang mabangga. Kung saan kami kumain nina Alvin nang madalaing araw na 'yon. Inalala rin namin sina Alquin at Roy na marahil ay pagod na sa maghapong trabaho ngayon. Masarap pa lang umaalala kapag hindi mo inaalala ang lumilipas na oras.
7: 30 ang showtime na nakuha namin. Me oras pa para kumain. Tas nagtoss coin pa kung AlDub o Jadine ba ang kakainan namin. Pati ba naman pagkain ngayon ay kailangan pang i-market o bihisan bilang loveteam para bumenta? Sinakto naming 15 mins bago ipalabas ay nakahanap na kami ng magandang puwesto. Kailangan mapanood namin ang mga trailers.
Napanood Namin Yung Mockingjay (Part 2). Konti lang ang komento ko:
1. Konti ng exposure ni Johanna Mason. Ang tagal ko pa naman siyang hinintay pero sa konti n'yang linya ay hindi naman ako nabigong napaligaya.
2. Nakakagulat na scenes. Grabe! Napapapikit ako. Akala ko ba sci-fi 'to? Bakit suspense na?! O nasobrahan na'ko sa kape.
3. Kulang yung scenes na nag-aala "mutt" si Peeta at pipigilan naman ito ni Katniss. Pero oks lang dahil mababawasan ang honesty to their characters kung ginawa yun sa movie adaptation.
4. Kulang sa'kin yung acting ni Gale. Parang di naman s'ya nasaktan e.
5. Kulang din yung scene na nagbotohan sa 76th Hunger Games. Kulang sa emosyon yung botohan. Kulang sa fierceness. Ganern.
Pero kung susumahin, sapat na sapat ang pagsasara ng Hunger Games Trilogy. Sulit ang paghihintay at bayad. Paglabas namin ng sinehan, galit kami sa anumang mukha ng opresyon, pananamantala, at pagkaganid sa kapangyarihan at nasa panig ng pagkakaisa, hustisya, at pag-ibig.
Sa dyip pauwi, iniisip namin ni E-boy kung ano-anong mga Filipinong akda ang magandang bigyan din ng pagkakataong maisa-pelikula kasi may asim din naman. Handa na ulit bumalik sa trabaho si Alfie kinabukasan matapos saluhin lahat ng nag-aalab na pana ni Katniss. Si Alvin, hindi naman napanood yung Catching Fire o nabasa man lang; kaya pala explain ng explain si E-boy habang nanonood kami. Naaliw din naman siya, pero higit sa pelikula, sumama talaga si Alvin para sa isang solidarity night sa mga kuya n'yang nerdy.

kabataan,
kalye,
pagkakaibigan,
pasasalamat,
rebyu
Kalamig ng Gabi sa Calaca
Kalamig ng Gabi sa Calaca
Sinama ako ni Mrs. P sa pupuntahan nila sa Batangas. Nahilingan kasi si Pastor P na magsalita sa lamayan ng isang sumaPanginoon nang Pastor sa Calaca. Joyride papuntang lamayan.
Bumili ako ng isang mahabang tinapay na ang palaman ay keso at binudburan ng asukal at limang tinapay na bilog na napapalamanan naman ng keso at gatas d'yan sa panederia sa may overpass. Tapos, bumili ako ng isang judge na babolgam at apat na Alibaba na sitserya. Supplies para sa mahabang lakbayin.
Umalis kami ng bandang alas-kuwatro. Maayos naman ang kalsada papuntang Batangas at magandang matamaan ng kahel na sinag ng lumulubog na araw. Medyo natrapik lang ng kaunti sa Lipa. Tapos, maluwag na ulit papuntang Cuenca. Nasa Lipa pa lang kami pero ubos na ang supplies ko ng tinapay at sitserya at wala pa raw kami sa kalahati ng lalakbayin namin sabi ni Pastor.
Hanggang Cuenca lang ang naabot kong pinaka malayong bayan ng Batangas. Medyo iniisip ko na rin kung anong magiging buhay ko rito kung matuloy akong magtrabaho sa DSWD dahil Batangas ang magiging destino ko. At parang himala na nasa puso ng tao, nakatanggap ako ng text message mula sa DSWD na maghanda raw sa mabusising pagtanggap/pagpili ng kawani ng kagawaran.
Pagkalagpas namin ng liko-likong daan sa bondoc-like Cuenca, nagulat ako dahil may mall akong nakita. Taray! Nasa Lemery na raw kami. Tapos, nakadaan sa malaking-malaking simbahan at malawak-na-puwedeng-mag-field-demo na munisipyo ng Alitagtag, Batangas. Tapos, bukid-bukid ulit ang dinaanan namin at naka-aninag naman ako ng malaking gusali na maraming ilaw, "Ano 'yon? Condo?", sabi ko. Sabi ni Pastor ay lutuan daw yun ng mga bakal-bakal. Parang industrial park ganun kalawak. At napahanga naman kami sa maganda't makabagong arkitektura ng munisipyo ng Calaca, na may malaking LED screen sa harapan kung saan may pagbati sa isang inhenyero na kapapasa lang sa board exam. Sosyal pala sila rito sa Batangas.
Bandang Alas-otso pasado ay nakarating kami sa isang fundamental baptist church na pinagpastoran ng mayapa sa loob ng 24 na taon. Agad nag-umpisa ang programa matapos magkamustahan sila Pastor at mga lumang kaibigang matagal nang di nakita. Napagkamalan pa kong anak. Parang anak lang dahil parang kapatid ko na si E-boy. Parang anak dahil laging pinapakain at pinapatulog sa kanilang bahay.
Erkon ang simbahan. Sana pala ay nagdala ako ng panlamig. Maganda ang curtain rods pati na kurtina nila. Masaya ang kantahan parang piyesta at walang patay. Probinsya ang ritmo ng kwerdas ng gitara at tiklada sa lumang piyano, parang pista ng bayan ang dating. Kinanta namin ang Kahit na Kubo (Mansion Over a Hilltop) at Bayang Kay Saya (Sweet By and By) na paboritong mga awitin ng namayapa.
Naghatid si Pastor Abner ng mensahe sa mga nakilamay. Walang lamang sisidlan na kasi ang nasa ataol kaya lahat ng bibigkasin ay hindi para sa patay kundi para sa mga nagluluksa at nakikiramay. Pasasalamat na rin sa pahiram na buhay na nagamit ng husto. Paalala na sa bawat sitas ng buhay ay dapat ipinaglilingkod at ipinagpapasalamat. Paalala rin na hindi nagtatapos sa Calaca ang buhay ng mayapa kundi magpapatuloy sa dakong marilag.
Maya-maya ay nanawagan na para sa mga nais magbahagi ng paggunita at pagpapasalamat sa buhay ng sumaPanginoon. Nagpasalamat ang isang lalaki sa pagtiyatiyaga ng namayapa sa pagbibisita sa kanilang barrio na kailangang lakarin ng higit sa tatlong oras dahil hindi pa noon naabot ng sasakyan. Sarado-kandado raw sila dati at mabuti na lang at may nagmalasakit sa kanila. Kapag sumisimba nga raw sila ay nagdadala na sila ng mga itlog ng manok na tagalog na lulutuin ng maybahay ng pastor para sabay-sabay na silang mag-agahan bago sumimba.
Isa namang nanay ang nagpatotoo na isa raw "icon" ang namayapang pastor sa kanilang tahanan bilang pastor at ama. Huwaran daw ito dahil hindi lang ito basta nagmamando. Noong ginagawa raw ang gusali nila, kaliit-liit daw na tao ay nangungunang nag-aakyat baba sa bubong. Nang ginagawa rin daw ang gusali ay natulog daw ang mag-anak ng pastor na 'to sa kubol para mas malapit sa gawain. Servant leadership daw ang istilo ng pamumuno nito.
Isa namang lalaki ang nagpasalamat din sa ma sakripisyo ng pastor at pamilya nito dahil minsan isusubo na lang ng pamilya ay ibabahagi pa sa kanila.
Ang sarap pakinggan ng mga pasasalamat ng mga kapatiran, mas nakakagising kaysa sa amoy ng kapeng barako. Hindi ko naman kilala yung namayapa o kung sino man sa kanila pero pakiramdam ko matapos lahat ng nagsalita at pasasalamat ng anak ng mayapa sa puntong Batanguenyo, ay kapamilya ako. Lalo na nang kamayan ako ng matandang nanay na asawa pala ng sumaPanginoong pastor. Napakasimple lang nung matanda. Walang bakas ng pagkagarbo.
Bago umuwi ay pinakain muna kami ng hapunan. Afritadang manok na manamisnamis. Alam ko na walang naiabot na sobre kay Pastor Abner kahit pang-gasolina man lang. Sakripisyo talaga ang ibig sabihin ng paglilingkod at kapatiran. Habang pauwi si Pastor pa rin ang nag-drive. Sabi ko dapat mag-aral na kaming mag-drive kaya lang si E-boy ay antukin sobra, ako naman ay tarantahin, e kung si Mrs. P kaya? Nerbiyosin naman daw.
Pag-uwi, malamig ang hangin pero may init sa'ming kaluluwa.

Tuesday, December 8, 2015
Anong Nation Natin 'te?
Anong Nation Natin? Yung totoo lang.
Ewan ko kung minsan gusto mo ring mainis kaya maghahanap ka ng tao o bagay na iinis sa'yo. Sa kaso ko, nagbabasa ako ng comments section ng mga link post ng mga news articles at mapa-foreign o local media man, hindi ako nabibigo dahil nakakainis ang mga comments (kung hindi man ang mga pananaw) ng mga netizens. Yung kabobohan ng humanity, minsan nakakainis.
Ito yung headline:
Nanay ni Pastillas Girl, Patay Matapos Barilin sa Ulo!
Binuklat ko na nga yung comment section at may ilang common comments na cinompile co casi cacasura:
1. AlDumbs. "AlDub fan here, my condolences to Pastillas" at "I'm AlDub fan pero nakikimaray ako", ito yung mga comments nila. Kailangan pang i-mention na AlDub fan ka? ANO 'TO?! Dahil rival sila sa ratings dati at ang laking sakripisyo para sa isang AlDub fan na makiramay sa dating katunggali. So kapag namatay si Vilma, dapat may magcomment na "Noranian here pero nakikiramay po ako". Anak ng kalamay naman, di ba nakakainis?!
2. Dumbsels in Distress. "Yan! Kapag si Duterte na ang presidente, bubulagta rin mga yan!", "Go Duterte sa 2016", "ibalik ang mga Marcos!" Parang mga taong sumisigaw habang nalalaglag sa bunganga ng Bakunawa at nangangailangan ng Captain Barbel na magliligtas ang commenters na 'to. Ginawang campaign platform ang kalunos-lunos na balita, ang polite naman sobra. So ano? Our nation needs a superhero na? Gano'n?
3. Tuwid na Dumb-an. "Ito ba ang sinasabi n'yong tuwid na daan? At itutuloy n'yo pa?" Miyembro ng oposisyon ang nag-comment nito na gumamit lang ng dummy account. Merong punto naman, isipin mo nga na public safety is also an issue of public trust, kaya lang mas matimbang ang isyu ng moralidad na personal nating obligasyon sa sarili e. At dahil siguro oposisyon nga ang nag-comment kaya politikal ang kiling ng komento.
4. Dumber Boy o Dumbohalang tsimosito. "I heard kabit daw at ayaw makipaghiwalay ng lalake? Malapit lang sa'min yung barbecuehan", parang ganan yung comment nung isa. Koya naman parang awa mo na, parang awa mo na, please lang puwede bang mag-holiday ka rin sa pag-isplok ng chika. Iilan lang ang kumukita sa pagtsitsismis dito sa Pilipinas.
Dahil qouta na ko sa pagkasura ko, e itinigil ko na ang pagbabasa ng comments. Pero sagad to the bones talaga yung inis ko sa mga komentarista, imbes na dun sa killer.
P.S.
AlDub fan ako.
Mali-mali ang mga bantas ko.
Marami rin akong kabobohan.
Mag-isip bago mag-comment.
Magbasa ng comments section ng mga news articles kapag bored.
Matalino yung gumawa ng headline. Andun na agad yung laman ng balita at alam n'yang hahatak ito ng traffic.
Sa TV5 na page ko pala nabasa yung comments section.

badtrip,
balita,
humanitarian crisis,
kalye,
opinyon
Dalawang Digri
Dalawang Digri
Utang na loob naman
Hindi po ito galunggong
Kaya wag n'yong Divisoriahin
Wag nang palagpasin
May utang pa nga kayo
Andami n'yong siyentipiko,
Dagat ng eksperto, talino n'yo e
Alam n'yo naman ang epekto
Saksi ang Artex Compound sa Malabon
Sa mga sala set meron na ngang isda
Sakit pa'y mabilis dumaluyong
Kaya wag n'yo na kaming baratin
Buoin ang mga bitak na lupa
Bawasan ang pagbubuga
Gumawa lang ng sasapat
Bumili lang paminsan-minsan
Kaya wag n'yo na hong tawaran
Kundi'y lulubog na kami sa mapa
Magiging asul ang ibang bahagi sa globo
Tataas pa ang bilang ng krimen ng pag-unlad
Ang sakripisyo ng yamang huwad
Kaya parang awa n'yo na ho
Pawisan na ang itim na kili-kili
Inabot na naman ng biglang ulan
Kaaapela at kakalako
Kunin n'yo na yan
Panahon na
Dali!
Dyord
December 06, 2015

Disyembre 05, 2015
December 05, 2015
Nagta-type ako sa selpon ko ngayon. Ngayon pa lang ulit ako nakasulat at baka malipasan pa ng ilang araw bago ko ma-post sa blog 'to.
Tinatamad na naman akong mag-blog o magsulat man lang. Gusto ko pa namang gumawa ng tula, kaya lang parang wala akong panlasang humawak ng bolpen.
Gusto ko sanang i-blog yung Mockingjay-watching namin nina E-boy, Alfie, at Alvin. Kahit na hindi kinakatigan ng simbahang Baptista ang pagbi-big screen. Kaya lang wala akong gana. Sobrang saya lang dahil natapos na yung buong movie adaptation pero sobrang lungkot din na natapos na.
Gusto ko sanang ikuwento na galing kami nina E-boy kasama sina Babes, Pastor at Mrs. P sa Calaca, Batangas. Joy-ride at internalization na rin ng Batangas dahil nagtext na ang DSWD, at puwedeng isa sa mga dinaanan naming bayan ang maging destino ko. Kaya lang tinatamad naman akong magsulat.
Gusto ko sanang ikuwento na nagkaroon ako ng pagkakataong mag-apply ulit sa SLSU Lucban bilang encoder-assistant. Tinatamad naman akong magsulat kaya ayokong ikuwento.
Gusto ko sanang isulat at magpasalamat na rin sa Diyos para sa pagkakapasa ko sa Civil Service Exam. Puwede na 'kong maglingkod sa bayan kahit hindi naman ako politiko. Gusto ko sanang ikuwento ang himalang pagkakapasa ko, kaya lang tinatamad akong magsulat. Siguro dahil nakakalungkot dahil hindi nakapasa si E-boy. Sad face.
Gusto ko sana... Actually, na-type ko na yung mga mensahe na inihatid nina Pastor, Kuya Unjun, at Mils noong ika-24th year anniversary ng Tiaong Baptist Church; kaya lang tinamad na kong tapusin yung dokumentasyon. Parang nawalan ako ng panlasa talaga. Siguro dahil wala akong naisamang bisita noon kaya wala akong ganang isulat yung mga naganap.
Andami kong naiisip isulat pero hanggang isip lang. Nakaka-frustrate para sa sinasabing manunulat pero ipinapagpabukas ang pagsusulat. O hindi talaga nagsusulat at all. Hindi ito block e. Siguro dahil depressed ako? O parang naiwala ko yung tangan kong layunin kung bakit ba 'ko nagsusulat. Anong problema ko't napaka-eng-eng ng kamay ko? Pakiramdam ko napakarumi ko para magsulat at hindi ko deserve magsulat. Aywan!
Buti na lang gumagana pa pala ang panulat ko.

Friday, November 20, 2015
Nega-Starry Night
"A merry heart doeth good like a medicine: but a broken spirit drieth the bones." -Proverb 17 : 22
Hindi ako makatulog kagabi dahil parang naka-graveyard shift ang mga brain cells at endocrine system ko. Isip ako nang isip ng mga di naman produktibong bagay. Isip nang isip ng bagay na malungkot. Tinamaan na naman ako. Hindi ng pana ni kupido kundi ng sibat ng depression.
Sobrang naiinis ako. Sabi ko kasi yung buong huwebes ay magsusulat lang ako. Sa digital notes, sa journal, sa scratch, sa legs ko, basta ilalaan ko lang ang araw para pagurin ang sarili s pagsulat. Sabi ko lang pala 'yon dahil paggising ko ng huwebes I was so depressed. Buooooong maghapon...kahit nakapanood pa ko ng Kimmy Dora at AlDub, 'la talab. Mas tumindi pa ang depression ko nung gabi. Wala ko masulat. Iniiiiiis!
Alam ko naman. It's all in the state of mind, kako. Hapi tots lang sabi nga ng isang college friend. Hapi tots. Hapi tots. Hapi tots. Pero utot, walang pagbabago sa aking inner state of being. Pakiramdam ko sa loob may nagmimina. May minerong walang benefits o insurance man lang. Pakiramdam ko may mga inaaping mamayan sa loob ko.
Oo. Kahit parang ang unfair sa Diyos, babanggitin ko na rito, baka kako mawala kung anoman 'tong nasa loob ko kapag nagbasa ko ng Bibliya at nanalangin. Kailangan ko na pong makatulog ng maaga dahil lalabas po kami bukas, kailangang well-rested ako. Sori din po Lord kung ginagawa ko kayong Lithium para gamutin ang depression ko ngayon. At tada! Alang nabawas, pero alam ko na 'to e, at least nakapagbasa ako. Kailangan ko talagang tiisin yung di maipaliwanag na kaguluhang panloob at walang instant homeostasis.
Parang ang haba ng gabi. Ambagal ng oras. Ambilis ng isip ko. Bakit ba ko na-depress? Dahil ba wala kong nasulat? Dahil ba natapos ko na yung isang aklat at matatapos yung isa pa bukas? Namimiss ko na ba agad yung aklat? Dahil ba ampangit ng hand writing ko? Dahil ba wala akong makakuwentuhan? Dahil ba walang nag-like ng post ko sa FB? Dahil ba walang salin sa Filipino ang depressed (dahil masayahin abg kultura natin)? Puwede bang malaman kung bakeeeeeeet?
"A sound life is the life of the flesh; but envy is the rotteness of bones." -Proverb 14 : 30
Parang nadudurog ang buto ko at walang gana. Kahit yata may lumitaw na bagong panganak na polar bear sa harap ko ay di ako sasaya. Minsan hindi ko na lang sinasabi na malungkot o depress ako sa iba dahil baka mahawa sila at hindi pa ko nakatulong. Sinabi ko pa rin sa ilang malapit na kaibigan. Hindi ako umasa ng kahit anong comforting words, basta kailangan ko lang ipaalam na malungkot ako. Parang pinasingaw ko lang yung pressure sa loob ng rib cage ko. Sobrang tagal na nang huli akong magka-garne at may mga dahilan pa 'yun, this time parang wala naman.
Parang wala. Walang dahilan o in denial? Baka naman may inggit at ayoko lang aminin. Inggit sa atensyon na nakukuha ng ilan. In denial na naghahanap din ako ng atensyon mula sa iba at binibihisan ko lang 'to ng pagiging selfless kuno. Kuno ay inuuna ko ang kapakanan ng kaibigan pero para talaga 'to sa sarili kong kapakanan. O takot sa maaring mangyari bukas. Mga pag-asang mauupos hanggang ubod. O mga murang dahon ng ligayang mauubos ng uod. Ang arte ko.
Kung nakikita ko kaya ang bituin ngayong gabi at kung hindi lang sana nasasanggahan ng bubong na makalawang ang langit; mapapansin ko pa kaya ang sarili?
Dyord
Nobyembre 19, 2015

Nobyembre 18, 2015
Nagising ako kena E-boy. Niyugyog ko pa siya at gisingin ko raw siya at magbabasketbol kami ng maaga. Mga magse-seven ng gisingin ko siya, bumangon, kinuha ang unan, at lumipat sa kuwarto at natulog ulit. Niligpit ko na lang ang latag n'ya at kutson ko. Tapos, nagwalis-walis sa sala. Tapos, hinugasan ang mga pinagkapihan kagabi. Pero sinong papawisan sa kaunting gawain?
Kaya winalisan ko at nilampaso ang auditorium nila Ebs. Pinatas ang mga upuan. Iginilid ang mga stacks ng silya. Nag-ayos ng mga extension wires. Naglinis-linis din ako sa harap ng simbahan nila kung san nakutaptapan ko naman ang aking amiga- ang nanay ni Alquin. Nagkamustahan kami at 'yun nga mabagal pa rin daw gumawa ng report si Alquin. Hindi na raw sana ito pipirma sa kung anomang kontrata pero baka raw hindi ibigay ang 13th month kaya pumirma na siya. Gusto raw lumipat na ng trabaho ang kaibigan kong si Uloy. Sabi ko ay sana po'y nag-iipon para makakuha kami ng LEA. Mas maganda kasi ang mga opurtunidad kapag lisensyado na. Tapos, nagpaalaman na kami.
Pasok ulit ako loob at naglampaso at nagpiga-piga ng lampaso at naglampaso ulit. Maya-maya nang magtatapon ako ng mga nakolekta ko pang mga gabok sa labas, nakasalubong ko na namang pabalik ang aking amiga. Bitbit ang pinamili, ibabalik daw n'ya sa LTQ ang pinamili dahil di raw manok ang pinahabilin n'ya ron kundi karneng baboy. Kung kanino man daw yung nadampot n'ya ay di n'ya natid. "Ay s'ya luge pa ho kayo", kako sabay pasok na sa loob. Na-achieve ko naman ang nais ko, ang mapawisan at ma-jebs. Naje-jebs na ko sa wakas.
Pagkatapos jumebs ay balik kusina na ulet ako gising na si Ebs at Babes at nag-almusal na kami ng lucky me spicy labuyo. Tas kinuwento ko kay Ebs na nakasalubong ko ang aking amiga. Haha. Magpapraktis lang ako ng violin tapos sila ng gitara ni Babes para mamaya sa prayer meeting, tapos, manonood na kami ng San Andreas. Movie! Movie! Nagpatuyo na lang ako ng pawis at tinamad akong maligo.
Napanood namin 'yung San Andreas
Parang end of the world ang peg ng pelikula pero San Andreas lang yung scope. Maganda yung umpisa pa lang dahil trahedya na agad at intense na rescue action. The Rock ba naman e. Ambilis ng rescue sa ibang bansa, kung sa Pilipinas nahulog/sumabit yung kotse sa bangin, aabutin ka na ng renew ng rehistro at hindi ka pa nare-rescue.
Disaster Response. Nakakatuwa at nakakainggit makita na ang astig ng disaster response sa ibang bansa. Kahit na medyo kaunti lang ang exposure ng DR Team nila, hagip agad na ang response team doon ay may mistulang military base para sa mga rescue choppers at iba pang equipments. At ambilis nila rumesponde.
"Sayang yung laptop" sabi ni E-boy.
Disaster Preparedness. Super vital nito para maka-survive sa lindol at iba pang kalamidad. Kasama rito ang impormasyon at paghahanda sa sarili sa anomang sakuna. Nakita kasi namin yung isang bata na hindi alam ang gagawin kaya umiyak na lang sa sulok. Dapat talaga ay ihinahanda ang lahat sa mga ganitong ibang klaseng pangyayari. Dapat laging alisto para maiwasan ang casualties. Pero siyempre sa pinakitang lindol sa pelikula at bilis ng pag-angat sa paggalaw ng magnitude ay wala talagang sasapat na paghahanda. Napaka-unpredictable ng paggalaw ng lupa.
"Sayang yung tv (flat screen)", sabi ni E-boy.
Ito lang ang nakita naming medyo kulang:
a. Paano yung mga hayop kapag oras na ng ganitong mga kalamidad?
b. Kulang sa instructions para sa survival. Sana may scene na may educational sa mga bata o mga offices. O pinakita lang ng pelikula na tine-take for granted natin ang mga drills at ganitong impormasyon kasi lovely day naman at walang bakas ng lindol and everythin'.
c. "Whom do we call" sabi noong isang staff o student sa propesor matapos malamang ganoon ka-intense at kalawak ang sakop ng lindol na phenomenal. Ibig sabihin, walang ahensya talaga na nakatalaga para sa malalaking humanitarian crisis o kung meron man, hindi natin pinopondohan much.
Ito naman ang nakita naming OA. Bukod sa OA na lindol, tinanggap na namin yun e, entertainment kasi yata talaga sa humanity ang destruction o devastation; e may ilan pang na-OA-yan kami:
a. Yung suot nung anak na babae. Kailangan talaga may pagka-sexy? Kailangan talaga kita ang cleavage? So ang purpose talaga kung bakit nasugatan yung engineer ay para mahubad ang polo-vest at makita ang figure nung babae? Enebeyen!
b. Yung love team element. Talagang kasama mo sa humanitarian crisis ay hot and witty engineer with European-roots? Pinag-usapan pa namin ni E-boy na wala pang isang oras na magkakilala tapos ibubuwis ang buhay sa pagrescue? Ano 'to?! Avengers? So parang ang lesson, sa paglandi n'ya ang reward ay na-rescue s'ya sa pagkakaipit sa malaking tipak ng semento? Ganun BA?!!! HAAA?!!!
c. Yung pagsalubong ni The Rock at ng asawa niya sa tsunami. Parang ganito yung sinabi sa'kin noong scene: "Tsunami ka lang, The Rock ako"!
OA talaaaaagaaaa!!!!
Ok! Sige, ito ay fictional at commercial, Dyord ha. Hindi talaga mapoportray ng makatotohanan at pilit hahabulin ang marketability. Punta na lang tayo sa reflective-positive side.
Sayang nang sayang si Ebs. Pero sayang naman talaga lahat ng pinundar ng humanity, sa isang iglap lang, nawala ring lahat. So ano ba talagang mahalaga? Ano ba ang buhay itself? Is it our job? Our office? Our future? Na puwedeng wakasan sa pagkakabagsak sa'yo ng isang ga-kotseng concrete wall. Sa pelikulang ito, ito ang mahalaga ay ang pamilya.
Tungkol ito sa pamilyang nilindol ng problema. Nagkalamat ang pamilya dahil sa hindi na-rescue ni The Rock ang sariling anak sa kabila ng 600+ na rescue records. Alam mo yung joke ng life-work balance. Win some lose some, ang peg. Maayos mang nagagampanan ang tungkulin, e nagkamali o nagkulang naman sa pamilya. Parang this time, irerescue ko naman ang pamilya ko sabi ni The Rock kahit medyo nakulangan din pala ako sa acting ni The Rock. Ang bato lang. Haha.
Pagkatapos manood ay umuwi na ko sa bahay. Inaantok kasi ako talaga. Parang na-drain ang energy ko. May prayer meeting pa ng alas-sais. Alas-dos pasado ay nasa bahay na'ko. Mga alas-kuwatro ay natulog na'ko. Nagising ng ala-singko. Nagkape. Nagsaing. Naligo. Ta's, larga na pa-simbahan. Madilim-dilim na agad kahit wala pang alas-sais trenta.
Pagdating ko sa simbahan, naabutan ko ang mga nagpapasalamat sa Diyos. Salamat sa natapos na semester. Salamat sa maayos na kalusugan. Salamat sa nabayarang tuition. Salamat sa maayos na hanap-buhay.
Hmmm. Ano nga bang dapat ipagpasalamat ko? Salamat dahil matiyaga ang Diyos at di pa tayo nasa-San Andreas. Salamat din sa Diyos dahil sa pamilya, biological, spiritual, at iba pang form nito.
Dyord
Nobyembre, 2015

Tuesday, November 17, 2015
Minsan na nga lang, Gadingan
Wala si Mama. Nasa puwesto.
Wala si Papa. Nasa trabaho.
May bisita. Wala kaming uleym.
Hum-beym!
Linggo, Oktubre 15, dumating si Kuya Dudong mula Cabuyao, pinsan namin siya sa side ni Papa. Manganganak kasi ang asawa n'ya sa Lucena kaya para makatipid sa pauli-uli ay sa bahay muna siya natulog. Oks lang, weekends naman walang trabaho si Papa kaya siya ang taga-abyad sa bumisitang kamag-anak.
Hindi ako ano sa bisita, yum' bang magiliw sa pagtanggap pero kung anong meron, e di 'yun ang ipapakain ko. 'Tsaka magulo sa bahay kasi. Sobrang 3rd world ang setting. Pang indie-film ang ambiance. Parang kuta ng child porno ang dating. Parang bahay ng mangkukulam. Kaya di ako maaya o pala-kumbida sa bahay namin at hindi rin naman kami nagpapa-okasyon masyado.
Nakakahiya nga minsan dahil gustong pumunta ng marami kong kaibigan sa bahay. Yung iba hindi naniniwala sa pamamahay ko kapag nilalarawan ko. Ayaw nilang maniwalang home along the riles kami. Kapag ako nga ang bisita ay nakakatanggap ako ng magiliw na pagtanggap sa mga kaibigan, kung ako kaya ang bibisitahin, makakasukli ba ako ng magiliw na pagtanggap? Parang indi. Hindi ko nga rin maaya si E-boy sa bahay kahit na matagal ko nang bespren 'to at matagal na 'kong b(w)isita sa bahay nila. Kasi nga hindi ko maa-accomodate ng maayos.
Lunes, Oktubre 16, dumating si Tito Felix at Ate Leoni mula Cabuyao, mga tiyuhin ko; magulang ni Kuya Dudong. Pupuntahan yata nila yung bagong silang na apo pero dumaan muna rito sa'min para mag-almusal at makabisita na rin. "Anak ng langaw talaga!", sa isip-isip ko. Walang lalangawin sa bahay dahil wala naman kaming ulam. Kape nga lang inalmusal ko. Wala si Mama dahil nasa palengke na. Wala na si Papa dahil nasa bangko na. At wala man lang naka-isip na mag-iwan ng pambili ng ulam, e alam pala nilang may bisita? Mga anak ng langaw talaga, anong ipapakain ko sa mga 'to? Kasi sanay naman sina Mama na nabubuhay ako kahit walang tanghalian, ako nang bahalang dumiskarte para mabuhay. Pero iba 'to e, bisita, kamag-anak, at mega-giga minsan lang mapadpad at makabisita sa tila di nakakaalalang kamag-anak.
Pinatuloy ko ang mga kamag-anak na di na ko namukhaan. Hindi puwedeng nga-nga na lang, isip-isip ko. Dahil wala naman akong kapera-pera ay nangutang ako sa kapit-bahay ng isang corn beef at agad kong iginisa. Pero walang bawang at sibuyas, kaya n'yo yun? Wala pala kaming mga pampalasa. Nang makaluto ay sa sala ko na sila hinainan dahil madilim at mabanas pala sa kusina namin. Napansin ko pa, wala pala kaming mga kobyertos at pinggan para sa bisita. Wala pala kaming maayos na lamesita para mapatungan ng pagkain kaya sa mahabang libaging plastik na upuan ko na rin ihinain ang pagkain nila. "Wala po kaming elektrik pan, sira!", kaya mabanas kako.
"Naku! Wala po kaming ulam. Wala si Mama. Wala si Papa.", kako matapos ihain ang umuusok pang kanin at nagmamantikang carne norte. At hindi pala kumakain ng corn beef si Tito Felix. Nagpabili na raw ito ng uulamin kay Kuya Dong kasama ng kapatid kong si RR sa palengke. Anak ng pusang taga-BGC, kelan pa naging shala ang lahing Gadingan? Akala ko nga ang Ate Leoni ang pihikan dahil ito ang masarap magluto talaga. Kapag namemiyesta si Papa sa Cabuyao ng Mayo Uno, palagi kong inaabangan ang uwi nitong mga putahe na luto ng Ate Leoni. "Anong iniinom n'yo rito? Mineral"? Tanong ni Tito Felix. Sabi ko, minsan po. Minsan mineral, minsan poso, minsan bukal. "Maarte sa tubig 'yang Tiyo Felix mo", dagdag ng Ate Leoni habang sumusubo na ng kanin. Nahiya siguro na hindi kumain sa hinain ko. Maya-maya'y pumasok ito sa kusina-kwarto para uminom ng tubig. Hindi pala ako nakapaghain ng tubig.
Nang dumating sina Kuya Dong dala ang plastik ng bangus ay nagluto na siya. Malay ko magpaksiw ng bangus. Kaso nga walang pampalasa at panggisa man lang. Kaya bumili rin sila pati na ng kangkong. Tapos, wala ring palang mapag-lutuan. Matagal na pala kaming walang kaserola. Kawali at takure na lang ang lutuan namin. Ngayon ko lang naalala na palagi na pala kaming bumibili ng lutong ulam. 'Yun ngang tulyasi namin ay mas malimit nang magamit ng kapit-bahay. Ito na yata ang alamat ng walang-wala.
Maya-maya ay naglaba na ako. Yung mga pinsan ko raw sa Cabuyao, hindi naglalaba. Sumilip pa ang Ate Leoni sa ilog para makita kung malinaw ba ang tubig. Wahi-wahi lang po at malinaw na yan. "Dito pa kayo naliligo?", tanong ni Tito Felix. Hindi na po, sa CR na, nag-iigib na lang ng tubig sa poso.
Kuskos. Bras. Sabon. Ang init pala sa puwesto ko dahil sa sikat ng araw pero keri pa naman ng tuwalyang nasa ulo ko na sanggahin ang init. Kaya pa naman ng balat ko ang sikat na tumatama. Nahiya naman ako sa balat ko dahil hindi ko alam paano aabyarin ang bisitang nagkusa nang bumili at magluto ng ulam. Hindi na nga kami nakakabisita sa Cabuyao, tapos nang kami ang bisitahin ay wala pang maayos na pag-aabyad at wala pa silang maka-usap. Lagi kaming niyayaya ni Papa na dumalaw naman daw sa Cabuyao kapag Mayo Uno dahil piyesta roon. Wala kaming gana sumama kaya minsan ay nasabi ng tatay ko na kapag pupunta sa kamag-anak ng nanay ko, ambilis namin pero 'pag sa kamag-anak n'ya wala kaming gana. Nadala siguro kami. Huling dalaw namin doon ay bata pa ako at inabot kami ng malakas na bagyo. Parang signal number 3. Ang tanda ko ay ang lamok-lamok pa kena Tito Felix at hindi ko gusto ang punda nila noon. Tapos, kinailangan naming lumipat ng bahay dahil tumataas na ang tubig at pumapasok na sa bahay nila. Binuhat ako ng tatay ko palabas at kitang-kita ko ang dating malawak na kaparangan na tinatakbu-takbuhan namin ng mga pinsan ko ay isa nang dagat. Dagat na brown. Basang-basa ako sa ulan at ang lamig ng hangin. Halong excitement at takot ang naramdaman ko sa pagbisita namin noon kahit na alalang-alala pa si Mama dahil inaapoy ng lagnat si Vernon noon. May nasilungan naman kami at walang natangay sa pamilya maliban sa tsinelas ko.
Ang tsinelas ko ;(
Maya-maya pa ay inabala ako ni Tito Felix sa paglalaba at pagfa-flashback. Inaabot sa akin ang isang daan; dalawang Roxas. Para saan kaya? Naawa kaya si Tito Felix sa amin? O natuwa lang dahil sa matagal nang di nakitang pamangkin? Tinanong kung marunong bang mag-pera si RR dahil binigyan daw rin n'ya ng pera. Tinanggap ko na rin kahit nakakahiya. Aalis na rin daw sila at pupunta pang Lucena.
Pumasok muna ako para ilagay ang sandaang piso sa damitan ko at napansing may softdrinks pa sa upuan.

Mocking J.
Mocking J.
Huhu. Hindi ako makakasama sa annual ritwal ng gang. Wala kasing pera. Erk! Minsan naniniwala na nga ako na kailangan natin ng pera para maging masaya. Kahit ayokong maniwala talaga.
Edi abangan mo na lang sa star movies? Or i-torrent kaya? Hindi yung visual entertainment ang ma-mimiss ko e, kundi yung tradisyon. Tradisyon na namin 'to e. May nereserba naman akong pera kaya lang may kinailangan akong unahing abyarin. Ayoko namang manghinayang dahil ginasta ko yung naging pera ko sa mga dapat talagang unahin. Pero win some, lose some ba talaga lagi? Kada naalala kong hindi ako makakasama ay mas depressing pa kaysa sa depressed areas sa Maynila. Wala pa man ang nasabing araw ng tradisyon.
"Sa Biyernes pa naman, malayo pa", sabi ni Alpi. Marami nga namang puwedeng mangyari sa apat na araw bago ang tradisyon pero wala akong ideya kung saang bunganga ni Smaug ko huhugutin. Kapirasong ginto lang naman ang kailangan ko. Kapiraso laaaang. Minumulto nga ako ng naging desisyon ko, may kung anong boses na nagsasabing "kumpara sa suweldo mo dati, anliit ng P 175". Pero winawaksi ko na agad kapag ganito ang naririnig ko sa isip ko dahil tama ang desisyon kong umalis sa trabaho at hinanda ko na ang sarili ko sa ganitong senaryo. Biyernes pa naman, kaya pa yan. Kaya. Pa. Yan.
"Iwan ka na naman" sabi naman ni E-boy na lalong nagpapalamukot ng pag-asa ko. Kahit na anong paghahanda pala sa sarili sa masakit na bagay, e may kirot pa rin. Mas nagpapakirot pa rito ay ang pariralang "na naman."
Na naman.
Na naman.
Awooo.
Na naman.
Nobyembre 15, 2015

Friday, November 13, 2015
Muni-muni sa Pagtitimbang sa Hanapbuhay-Buhay-hanap
Parang Poverty Porn (Muni-muni on Work-Life Balance)
Naisip ko na ang paghihirap na dadanasin ko nang
mag-resign ako sa trabaho ko sa Maynila. Naubos na ang aking badyet sa
pagpapahinalay. Biro ko pa nga ay isang taon akong magpapahinga bago ulit
magtrabaho. Ulit ng apat na buwan.
Hindi pa naman ako umaabot sa desperasyong
makapagtrabaho muli. Marami naman akong inaplayan dito sa'min kaya lang mailap
talaga ang trabaho sa gaya kong wala masyadong papel o credentials. Ayoko
namang bumalik sa siyudad, supah ayaw. Super apaw na rin kasi ang mga tao ro'n.
Kaya tinitiis ko ang hirap. Minsan iniisip ko nga kung naaawa na ba ako sa
sarili ko. Ilan sa mga sumusunod ay mga nagpapaalala sa'kin na magtrabaho na o
kauntiang nagbibigay awa sa sarili:
1. Wala pa rin akong balat na sapatos. Hindi ako maka-awit sa choir
dahil nasunog nga ang black shoes ko ng pesteng katol. Akala ko pamatay peste
lang ang katol. Puwede rin naman pala itong maging peste. Hindi naman dahil sa
"God hates sneakers" kaya hindi ako puwedeng kumanta muna sa
simbahan, kundi fashion norms na sa sangkatauhan na decent (kung hindi man
holy) ang pagba-black shoes. Kaya lay-off muna sa choir, pa-miss muna kumbaga.
2. Nagyaya si Ate Tin na kakain daw kami ng sisig sa San Juan,
Batangas. Sagot daw n'ya basta pumunta lang ako kaya lang wala naman akong
pamasahe kaya absent muna sa happy-nings kasama ang college dabarkads.
3. Nagyaya si Ate Tin sa bertdey ni Osang noong Nob. 08 kaya lang
wala ulit akong pamasahe dahil mahalang talaga ang papunta sa San Francisco.
Tiaong lang din at hindi California. So absentee na naman sa pagkikita ng
college friendships.
4. Kapag may nagpapalibre at nanlilibre sa'kin. Yung nagpapalibre
ay palaging sori ang sagot ko. Yung nanlilibre ay salamat ang sagot siempre!
Siyempre, naka-look forward ako na ako naman ang sasagot neks taym!
5. Hindi ko ma-update ang aking pledges sa simbahan. Blessed naman
ako kaya lang hindi pa sa pinansyal na aspeto. hehe
6. Hindi ako makabili ng ulam sa bahay. Salamat naman at
nagpapautang si Ate Edith ng pancit canton at itlog.
7. Binilhan ako ng tsinelas ng nanay ko. At last! Unang tsinelas
ko ngayong taon! Noong me trabaho pa ko, hinayang na hinayang ako sa paggasta
kaya di ako nabili ng tsinelas, lagi rij naman kasi akong nakasapatos noon.
Naawa yata ang nanay ko sa'kin ng dumating ako minsan sa bahay mula sa talk at
nalaman n'yang wala akong pa-haves. Ganyan talaga 'ma basta nakapagturo ka ng
pagsusulat oks na 'yun.
8. Minsan wala ako kahit ipamasahe man lang papunta kena E-boy o
sa Kubo kapag may bible study with Kuya Joey. Lalo na para dumalaw kay
Charmaine na taga-Sariaya pa.
9. Marami akong gustong regaluhan. "Ay parang magandang
regalo to kay ano, neks taym pag may pera na", parating ganan muna.
Nakakakain pa naman ako. Minsan nga 4-5 beses pa kada
araw. Nakakapag-siomai pa minsan. Nakakabili pa ng rolibs minsan. Madalas
talaga ay liberty lang sa'kin kaya salamat sa inyong dampi ng pagmamahal.
Ang pinaka matindi at nakakatulala minsan ay ang
pang-top 10: "Ano ganyan ka na lang habang buhay?" Na nanggagaling sa
Famas-hall-of-famer-sana-kung-artista kong tatay. So mapapatanong ka talaga
trabaho/suweldo = life?
Kasi kung at nung may trabaho ako, may pera nga ako
pero lagi naman akong naghahabol sa panahon. Parang joke talaga minsan ang
prinsipyo ng work-life balance.
Thursday, November 12, 2015
Nabasa Ko Yung 'Looking Back'
Ang 'Looking Back' (Anvil Publishing) ay kalipunan ng mga kolum ni Ser Ambeth Ocampo sa Philippine Daily Inquirer.
Throwback
Tungkol ang mga sulatin ni Ser Ambeth sa pagtingin sa kasaysayan ng (P/F)ilipinas, mga Filipino, mga banyaga, mga bagay, at kahit pa nga ng mga monai. Mula sa mga bayani hanggang sa mga bakery natin ay may itinuturo (pala) tungkol sa ating nakaraan; tungkol sa'ting kasaysayan. Hindi ako mahilig sa kasaysayan dahil puro ito mga pangalan at mga dates na andali lang kalimutan lalo na kung hindi naman regular holiday. Pero ngayon, I'm a believer at naniniwalang may kasiya-siya pala sa salitang kasaysayan.
Historical Garbages
Ganito raw ang hinahalungkat ni Ser Ambeth sa'ting nakaraan. Mga tila hindi naman mahalaga; mga burloloy lang ng kasaysayan kumbaga. Ito ay ang mga detalye ng kasaysayan na hindi na inilalagay sa textbooks dahil nga parang hindi naman big deal ang mga nasabing burloloy. Pero aminin natin, mahilig at naiintriga tayo sa mga borloloy. Halimbawa ng sinasabing burloloy ay ang mga nakitang 84 draft ng love letters kay Heneral Gregorio del Pilar, ang pagmumura ni Pres. Quezon, at ang diumanoy sinumpang obra ni Juan Luna na kung sinomang nagmamay-ari ay dinadatnan ng kamalasan. Kasama rin sa kintab ng koleksiyon ay ang mga tanong na 'paano-kung' sa ating kasaysayan. Ang mga basura kung tutuosin ay maraming sinasabi tungkol sa kung sinong nagtapon.
Looking Forward
Kung ganito lang sana ipinakita ang kasaysayan noong basic education hanggang college, nagustuhan ko sana ang social sciences at mas mataas sana ang naging grado ko. Ang maganda sa kalipunan na ito ay bite-size lang ang mga sanaysay/salaysay ni Ser Ambeth, hindi nakakapagod basahin para sa mga tulad kong maiksi lang ang attention-span. Hahawakan ka naman talaga ng bawat pagtanaw ni Ser Ambeth, sa leeg, hanggang matapos mo hanggang dulo ang maigsing sanaysay. Mapapa-'woooo' at mapapa-'waaaa' ka sa mga malalaman, sukdulang isipin mong your childhood heroes were all lies! "Niloko ako ng Sibika teacher ko!". "Ginoyo ako ng Araling Panlipunan teachers ko"! Nakaligtaan kasi nating pag-usapan yung human-side ng mga magigiting nating mga bayani.
Kaya naman naglu-look forward ako sa iba pang gawa ni Ser Ambeth. May nakapagsabing hinahabi lang ni Ser Ambeth ang mga kasaysayan, sino nga bang makapagkukuwento ng kasaysayan in 3D? Walang katapusang pagtatalo ang kasaysayan. Walang hanggang pagkakalkal ng archives. Kung hindi man mahusay na historyador, sigurado akong mahusay na kuwentista si Ser Ambeth.
Basahin n'yo rin at mag-look back, look back, and shake, shake, shake!

Wednesday, November 11, 2015
Always Believing......Gold!
Oh, Gold. Ano? Kamusta?
Sige na babati na ko sa bertdey mo. Kahit na nagkuwento ka ng Magandang Gabi Bayan stories, masaya pa rin naman akong umuwi. May halo nga lang na kaba kada naririnig ko ang mga kaluskos sa damuhan at dumadampi ang malamig na hangin. Parang lumakas yung senses ko nung gabing 'yun. Nakakainis lang dahil alam mo na agad na ayoko ng horror movies at stories. O ayan, nagkuwento na naman ako tungkol sa sarili ko. Bertdey ko ba?
Pumayag lang ako sa trip mo dahil bertdey mo (at patay-gutom ako). Wala nang biglaang lakad neks taym. Dapat nakaplano na ang lahat. Lugar na pupuntahan, kakainan, pagkukuwentuhan, at oras ng uwi. Pero dahil bertdey mo, sumama pa rin ako. Ako na nga ililibre, ako pa maarte! Pasensya ka na ha.
Pasensya ka na nga rin pala kung: 1. Self-centered, 2. Ma-pride, 3. Cold ako paminsan-minsan. May tatlong dahilan ka na kung bakit hindi ako huwarang kristiyano. Mahaba pa ang listahan ko ng kahinaan habang mas nahuhubaran ang aking pagkatao. Makikita mo sa loob, hayop-hayop pala ako. Salamat na rin sa pang-unawa in advance.
Nakikita na kita noon sa prayer meeting at para regularly na dumalo sa prayer meeting, alam ko na genuine ang pagkakakilala mo sa Diyos. Kaya lang siyempre, kailangan talaga ng panahon para mahubog ang pagkakaibigan. (Erk... ang cheesy nung huling phrase)
Matapos kong kainin ang AlDub meal, fries, at sundae, e sasabihin kong nakakahiya naman na ikaw pa ang gumastos para pagdiriwang ng bertdey mo. Para sabihin ko sa'yo, kahit na hindi mo ko ilibre, e kakaibiganin pa rin naman kita basta matiyaga ka lang. Unang bertdey mo na christian ka na by experience, at nakaka-experience ka na rin ng mga struggles at issues sa 'yong pamumuhay; ibig sabihin lang n'yan ay umaantas ka na. Mga pagsubok lamang 'yan, wag mong itigil ang laban! Nananana yeeeah...
Puwede humingi ulit ng pasensya? Sa pagiging ano ko naman, aaah pa-low prof? O pa-safe? Sana ay 'wag mong limitahan ang mga puwede mong magawa dahil lang sa pagdududa sa sarili. Palagi namang may kuwarto para sa pagkakamali at pagtutuwid. Sana ay hindi kita maimpluwensiyahan. Pasensya ka na rin kung walang bible verse ang sulat ko. Magbasa ka na lang. Kusa-kusa rin naman.
Newbie guide para sa'yo Gold:
1. Wag kang Nega Star!
2. Kung kailangan mo ng makakausap, and'yan si Juding.
3. Past is past pero masarap ang pasta!
4. Wala kang maasahan sa'kin.
Hanggang dito na lang muna Gold, muli ay haberdey sa'yo. Salamat sa paghahatid at pabaong oreo.
Hindi sanay na may katabi sa simbahan,

personaliti,
self-help,
sulat
Monday, November 9, 2015
Mga Tula Mula sa TintaCon 2.0 (cont.)
Ang mga sumusunod na tula ay kasama pa rin sa mga outputs mula sa TintaCon 2 sa Southern Luzon State University - Tiaong, Quezon noong Okt. 25, 2015 sa pangunguna ng The Traviesa Publications at Campus Journ students. Mga tula sa tugmaang malakas na katinig:
Halimaw sa Banga
Nagmula sa isang kutob
Na parang batang mabilis umos-os
Kumalat ang balitang parang isang utot
Ang paligid ay nabalot ng uod
Na makikita mula sa aming bintanang bubog
Ang halimaw ay nakawala nang dahil sa suntok
Nanganganib tuloy baka ang dugo ay masupsop
-June Bayta, DPCNHS
Sa trabaho ko'y kailangan ng bilis
Di dapat umatungal ang biik
Na sa kural ay na-bilibid
Porket ako'y lagi lang sa bukambibig
Kaya wala kayong bilib
Teka, suot ko yata'y masyadong sikip
Kailangan nang gumarahe na't kamutin ang singit.
-Dyord, blogger hehe
Lahat ng patay ay nagkakutob
Sumulyap ang manananggal sabay suntok
Iba't ibang mga bangkay ay inuuod
Pati kapre nakaapak ng bubog
Mga tiktik nasa bubong at sumusopsop
Kasama ang aswang na umos-os
Na nadaganan ng tiyanak na supot.
-John Lloyd Bukid, LNHS
Puting Babae
Ganda n'ya'y nag-aalab
Siya'y amoy bulaklak
Di makita ng bulag
Kaya naman hindi patas
White lady na nasa alapaap
Damit nya sa lupa ay sadsad
Takot sa mukha ko'y bakat.
-Ednalyn Mendoza, SLSU-TC
Mga paa sa sementeryo umus-os
Lumukob sa kalamna'y kutob
Sariling mga bisig ay sinuntok
Nagulantang sa mamang mukhang uod
Mga bibig nya'y may lamang bubog
Dugo nya'y kanyang sinupsop
Sa takot ko'y biglang napautot.
-Erwin Caponpon, call center agent :)
Mga tao sa'min, sa'ki'y walang bilib
Na ang magandang dilag kung gabi ay biik
Minsan nakita ko s'ya sa may Bilibid
Ang aking puso tila nagsisikip
Tibok ng puso ay anong bilis
Sa umaga't, sa gabi, siya'y bukambibig.
-Razzel John Baronia, SLSU-TC
Pati-anak
Sindak ang pintig mula sa tinging nag-aalab
Hikahos sa pagkakasadsad
Magbigay takot ay tanging alapaap
Dalang amoy ay sa bulaklak
Palit anyong nakakabulag
Masamang karimlan ay nakakabulag
Dalang lagim hindi patas.
-Veronica Lorico, SLSU-TC
#

Mga Tula Mula sa TintaCon 2.0
Ang mga sumusunod na tula ay kasama pa rin sa mga outputs mula sa TintaCon 2 sa Southern Luzon State University - Tiaong, Quezon noong Okt. 25, 2015 sa pangunguna ng The Traviesa Publications at Campus Journ students. Mga tula sa tugmaang malakas na katinig:
Kita sa kanyang mata ang alab
Na nasa isang bulaklak
Siya ay sumadsad
Sa kanyang mata ay bakat
Abot man ang alapaap
Siya pala ay bulag
At ang laban ay di patas
-Di kilala
Aswang na Biik
Sa isang lugar na masikip
Animo'y may sumisingit
Para akong nasa bilibid
Walang lumabas sa bibig
Tibok ng puso'y mabilis
Talaga nga namang nakakabilib
Aswang na nag-aanyong biik
-June Carlo Marquez, LNHS
Tila mundo sa'ki'y di patas
Kaya't gusto kong maging bulag
Kahit na di makita ang bulaklak
Sa aking pagtakbo, paa'y sumadsad
Takot sa mata ay mababakat
Dahil sa pagtingin sa alapaap
Nakikita'y sigarilyo ng kapre na nag-aalab
-Van Teope, SLSU-TC
Sa umaga, ganda niya'y tila bulaklak
Puso mo sa kanya mag-aalab
Ngunit pagsapit ng gabi ika'y magiging bulag
Maiisip mo kung ito ba'y patas
Dahil makikita mo lang siya sa alapaap
Kanyang mga pakpak sa dilim ay bakat
Biglang sa'yo ay kakagat
Matapos sa tabi mo'y sumadsad
-Cyrill Arevalo, LNHS
Nang Matakot ang Nuno
Tinumbok ng takot, kaba at kutob,
Lumunok ng bato, natisod ng bubog.
Naglaho ang galing, tinablan ng suntok.
Nagtago sa dilim, natakot sa uod.
Buhok ay nanindig, daliri'y sinupsop,
Tumakbo at nagtago, sa dilim ay nautot.
-Javier, Angelika Mae, SLSU-TC
Ang mga aswang ay nakakabilib
Lahat sila'y natatakot maging biik
Dapat sila'y kinukulong sa bilibid
Dahil lahat sila ang bukambibig
'Pag sila'y dumating, mga tao'y nagsisiksikan kahit sikip
Kaya 'pag hinabol, tumakbo ng mabilis
Tatayo ang mga balahibo hanggang singit.
-Escleto, Kriz Jean, DPCNHS

estudyante,
kabataan,
panitikan,
siminars,
tula
Si Mam Lamlam at ang aking DepEd Experience
Galing ako sa DepEd Quezon. Nasa Fori, Talipan, Pagbilao ito dahil ang opisina pala ng DepEd sa Lucena ay namamahala lang sa mga paaralan sa siyudad. Ang sadya ko ro'n ay magpasa ng aplikasyon para maging part-time senior high school teacher.
Wala akong balak na magturo sa hayskul. Noon pa ay niyaya akong magturo sa sekondarya pero laging wala, wala, at wala akong interes. Mahigit 30, 000 teachers daw ang kailangan ng DepEd sa pagpapatupad ng K-12 program at nagbukas nga sila ng panawagan sa mga interesadong magturo. Sa panawagan nakasaad ang mga rekusitos at ang hindi-puwedeng-hindi-mapansing 19-29K na maaring suwelduhin. Ang akala kong lang wala pero meron, meron, meron pala akong interes nang malamang may part-time sa Grade 11 at 12. Muli akong nag-baka sakali at nagpasa nga ng kakaunti namang rekusitos:
1. Letter of Intent. Pagpapahayag ito ng interes na magturo at pumili kung part-time o full-time, strand o yung para course na gustong ituro, at kung saang school nais magturo.
2. CSC Form 212. Mada-download lang ito sa website ng Civil Service Commision. Kalakip nito ang passport-size picture at cedula number.
3. Certified Copy of Voter's I.D. or any proof of residency. Self-explanatory na 'to.
4. NBI Clearance. Buti sa Nobyembre pa ang expire ng clearance ko at salamat naman at wala akong kaso.
5. Certified copies of relevant certificates of trainings/courses. Kopya ito ng mga sertipiko ng mga seminar at training na may kinalaman sa inaaplayang strand/course. Sa wakas, may paggagamitan pala ako ng mga certificates na nakalap sa pagsusulat at nadiskubre kong naiwala ko pala ang marami nito.
6. Omnibus Certificate of Autheticity and Veracity of Documents. Dito ako nagulantang, sa Mars ba ini-issue ito? Sobrang alien ng papel na ito sa bokabularyo ko. Ginoogle ko at salamat nama't nakakuha ako ng kopya na babaguhin ko na lang ng kauntian.
Nakatanggap din ako ng mga tanong mula kay Mam Athens tungkol sa mga rekusitos. Ayaw n'yang magkaproblema sa rekusitos dahil "they are not kind daw" ayon sa chat ni Mam Athens sa akin. Hindi naman kasi talaga detalyado ang mga rekusitos sa site ng DepEd. Kagaya na lang ng CSC Form 212 na may cedula number pala at passport-size pic, siyempre may kaakibat 'yun na gastusin. Hindi rin malinaw na nasa Pagbilao pala ang Division Office at hindi sa Lucena, kaya may mga naligaw sa tanggapan sa Lucena, sayang ang pamasahe, oras, at effort ng mga nagkamaling aplikante. Ang panawagan ng DepEd ay hindi newbie-friendly at ang newbie na tinutukoy ko ay yung mga kagaya kong walang karanasan sa pag-aapply sa DepEd at hindi naman talaga Education ang kinuhang kurso. Inaasahan kasi na ang magtuturo sa senior high bukod sa mga 'totoong' teachers ay mga practitioners at professionals sa bawat strand/course. At anong malay nila sa DepEd thingies? At kamusta ang impormasyon na dapat sana'y gagabay sa mga aplikante?
Kung kelan ako may aasikasuhin, saka naman ako may sakit. Sipong-sipon akong naghalwat ng mga gabukin ko nang files. Nagpa-picture at kumuha pa ko ng cedula. Hilo-hilo pa kaya nagtanghalian ako kena Ebs para na rin makatipid sa gastos at makapahinga pa. Bandang ala-una ako pumunta sa Talipan via DLTB-SM Lucena, tapos sumakay ng traysikel papuntang DepEd sa Fori; P 74 ang one-way.
Pagdating ko ro'n, parang ghost town. May holiday ba ng Oktubre 29? Baka haloween-inspired? Wala kasing katao-tao, pati na sa help desk. Alas-dos naman na at hindi na lunch break. Sa guard ako nagtanong kung saan nagpapasa ng sa senior high, itinuro ako sa isang malamlam na building na may malamlam na matandang reciever ng mga papel. Nakita ko ro'n ang ilang aplikante at isang kakilala na mag-aapply din sa Senior High.
Si Mam Kea, na matamis ang pagbati, ay kakambal ng kaklase ko na si Ate Vea. Nagtuturo siya ngayon sa kolehiyo sa Lagalag. Wala nga raw may alam na nag-apply siya ngayon at ang kanilang certificate of employment ay tila hino-hold ng unibersidad dahil nakakahalata nang liipat sila ng secondary-level. Kung competitive lang din sana ang suweldo sa higher education, wala naman sigurong lipatang magaganap. Bitbit ni Mam Kea ang listahan ng pagkakasunod-sunod ng mga rekusitos.
Kami namang mga nasa labas ay nagsipatas ng kani-kanyang folders ng rekusitos. Nilibre pa kami ng potokapi ni Mam Kea ng form na nasa unahan. Sabay-sabay na raw kami magsumite dahil kinakabahan daw siya. The feeling is mutual, lahat kami kinakabahan dahil baka mali ang rekusitos. At si Mam Kea nga lang ang naka-perfect at nakapagpasa, kaming tatlo ay dadaan muna sa adventures ng kuwentuhan tungkol sa AlDub, at DepEd.
Nagkaproblema ako sa Omnibus. Sabi kasi sa mga nakita kong Omnibus ay sariling pirma lang o di kaya ay pirma ng principal kung nagpapa-endorse ka sa pinagtatrabahuhang eskuwelahan. Walang naglagay man lang na dapat ay NOTARIZED. Ang mahal kaya ng pa-notaryo 150-200 pesos, nakapagdadalwang-isip tuloy kung itutuloy ko pa ang aplikasyon. Pero desidido yung dalawa kong kasama, isang nasa 20s at isang nasa 30s. Andito na lang din ako, e di shoot na ang natitira kong tatlong daan. Akala ko talaga 100+ lang ang magagastos ko rito, hindi ako handa sa mga ganitong gastusan dahil nga hindi maayos ang impormasyon.
Si Ate 20s ang magsisilbing guide sa Pagbilao sa pagpapanotaryo, si Ate 30s ang magsisilbing kuwentista-komentarista, at ako ang taga-tawa at taga-gatong. Sabi ko, hindi malinaw ang impormasyon ng DepEd sa call for interested teachers nila. Sabi pa ni Ate 30s ay sa Lucena nga raw siya nagpunta. Hindi raw doon. Kinabukasan pa nga siya bumalik sa Talipan. Tinatawagan n'ya raw ang DepEd Quezon pero hindi sumasagot sa cellphone man o landline number. Sabi ko, nagpadala rin ako ng e-mail, pero waley pa ring sagot. Snob! Bagsak ang DepEd Quezon pagdating sa responsiveness to the public na ethical standards bilang public office na nakasaad sa R.A. 6713.
Nakita naman namin agad ang pa-notaryohan sa pagtatanong sa mga manong pulis. Salamat naman at 150 pesos lang ang pa-notaryo! Nalaman kong si Ate 20s pala ay LET passer na at pinsan ng jowa ng adviser ko sa campus paper noong college. Sabay sabi ng "ismol world". Si Ate 30s naman ay isang millenial mom na CPA pero nag-CTP para nga raw sa K-12 program. Gusto n'ya ring mag-part time lang para makapag-spend pa ng quality time sa kanyang kids gaya ni Mam Athens na titser ko noon sa kolehiyo. Sabi n'ya mag-CTP din daw ako kung gusto ko ng career sa pagtuturo.
Susubukan ko lang kako. Iba kasi yung 'mahika' ng pagtuturo at isa-isa kaming nagbigay ng kanya-kanyang karanasan kung bakit kami nahalina at susubok maging guro. Pero tila kailangan din namin ng magic para makalusot sa mga rekusitos ng DepEd.
Pagbalik namin sa DepEd, muli naming hinarap si Mam Lamlam, na parang zombie na nawalan ng prostetiks. Nagpasa na si Ate 30s at minamasdan ko ang itsura ni Mam Lamlam at parang di s'ya kumbinsido. Ako na ang sumunod at hinanapan n'ya ko ng "Certified" na potokapi ng Voter's I.D. Sabi ko hindi po pala certified yung pinasa ko? Pano po pala magpa-certify? Kasi ko po yung nakita ko ay certified by school dean o principal, e pano naman kaming wala po sa school nagtatrabaho, sino ang magse-certify? "Ewan" sabi ni Mam Lamlam.
Hinanapan niya rin ako ng TOR, Diploma, at kahit anong PRC license. Sabi ko wala po dahil sa part-time lang ako at wala pa akong PRC license at kung magkameron man, hindi relevant sa pagtuturo sa pagsulat dahil License for Agriculturist ang makukuha ko sa hinaharap. "Ano bang natapos mo?", tanong ng energetic na si Mam Lamlam. "Agri.tech po, pero sa journalism po ako nakapagtrabaho," kako. "Ano bang ina-applyan mo?", tanong ulit ni Mam Lamlam habang tinataas ang papel ko. Nakita n'ya na Core-curriculum at Humanities. Ngumiti siya ng ngiting pang-uyam at itinuro sa'kin kung saan magpapatatak ng recieved. Ipinatatak ko at ipinasa na nang matapos na ang haloween adventure na'to.
Sabi ni Ate 30s, nangangapa raw ang department kung ilang LET passers ang mag-aapply sa kanila, kung kulang pa sila e saka raw kami iko-consider na mga 'hindi totoong' teachers. Sa 2016 na ang umpisa ng senior high, gagawa pa sila ng items para sa teachers, at paano nila io-orient ang 30, 000 na guro sa pagtuturo ng kanilang curriculum at strand; susot na ang oras. Magkakasundo naman kami na maganda ang K-12 base sa pagkakabasa namin ng ilan sa mga curriculum, pero yung paghahanda ng sangka-basic education-an sa K-12, e di kami masyadong kumbinsido.
Umuwi na si Ate 20s pa-Pagbilao. Kami ni Ate 30s ang pa-Lucena. Si Ate 30s ay dadaan pa raw sa SM para magbayad ng kuryente at maghanap ng Yes! Magazine o kaya Preview na cover ang AlDub; nanay at fan-girl roles aniya. Kita-kits na lang daw sa Recto, kung saan kami nag-apply nina Mam Kea.
Kung saka-sakali, umpisa pa lang ito ng horror na aplikasyon. Hindi pa ito ang pormal na aplikasyon. Baka makita ko pa si Mam Lamlam. Mas malaki pa siguro sa 500 piso ang magagastos ko. Ang grado ng DepEd-experience na 'to: 74!
Other title: Road to Turo-turo (Part 4)

kayod kronikels,
opinyon,
sanaysay,
self-help
Monday, November 2, 2015
Pambansang Bae
Pambansang Bae
Liham na walumpo't apat
Iba-ibang panyo at samyo
Alamat sa pananapat
'Dalinay' ni Hen'ral Goyo
Liham na walumpo't apat
Iba-ibang panyo at samyo
Alamat sa pananapat
'Dalinay' ni Hen'ral Goyo
Saturday, October 31, 2015
Project PAGbASA
Manunulat at mambabasa ang proponent na si
Jord Earving Gadingan. Naninirahan sa Tiaong, Quezon at mas mataas lagi ang
marka niya sa Ingles kaysa Filipino mula kinder hanggang kolehiyo.
Nakapagtrabaho na bilang research assistant at editorial staff. At kasalukuyang
part-time na campus journ trainer, music tutor,
at bespren kay E-boy.
Kung may
makakasamang organisasyon, bigyan ng maikling pagpapakilala ang organisasyon sa
proyektong ito
May ilang grupo/organisasyon na maaring makatulong sa Project PAGbASA:
Operation Blessing Philippines - isang humanitarian org.
na tumutulong sa mga nangangailangang Filipino sa kanilang kalusugan,
edukasyon, hanap-buhay, at iba pang pangunahing pangangailangan kasama na ang
ispiritwal na pag-unlad ng isang komunidad.
Pangalan ng
Proyekto (Talakayin ang konsepto ng proyekto)
Pag-asa mula sa pagbabasa ang kaluluwa ng proyekto.
Layunin ng Project PAGbASA na
bigyang pag-asa at inspirasyon ang mga kabataang Pinoy na may magagawa sila
para sa bayan sa kabila ng hinaharap nilang kahinaan, kaibahan o personal na
suliranin.
Para kanino ang
Proyekto?
Ang Project
PAGbASA ay nagnanais na matulungan ang mga mambabasang kabataan at
komunidad.
Differently-abled. Gaya ng may mga polio, club foot,
cerebral palsy, at iba pang may kinakaharap na problema sa pagkilos o mobility.
Mentally-challenged. (Hindi ko sigurado kung ito pa nga
ga ang akmang termino) Kasama rito ang mga kabataang may Down's syndrome,
speech-impaired, at iba't iba pang uri ng autisms.
Slow-readers na may masidhing interes para matuto pero
may kakulangan sa kapasidad na makabili ng aklat.
Sa mga guro at magulang. Sila kasi ang magiging gabay ng
mga bata kung nahihirapan sa pagbabasa.
Sa pampublikong silid-aklatan dahil naglalayon din ang Project PAGbASA na magsagawa ng
workshop sa pagsulat ng tula at makapag-ambag sa mga aklatan.
Ipaliwanag kung
bakit sila ang napili mong tatanggap ng proyekto. Paano mo sila nakilala? Ano ang naging bahagi mo sa kanilang buhay?
Naisip ko ang Project
PAGbASA noon pang 2014 nang manggaling ako sa Masbate para sa Free Wheelchair
Mission at Operation Blessing. Ilan sa mga tumanggap ng wheelchairs ay kabatang
may polio, club foot at cerebral palsy; mga nasa elementary. Oo, nag-aaral sa
kabila ng kahirapang pinansiyal at pisikal. Hindi ko naisip na puwede nga
palang lumpo ang isang bata, ang saklap kasing isipin.
Isa si Clyde,
Grade 2 noon, may club foot, sa mga nakatanggap ng libreng wheel chair.
Binubuhat siya ng kanyang nanay papunta sa iskul bago magtinda sa palengke,
tapos sinusundo n'ya ulit ang anak kapag awasan na. Minsan nga raw napapaaga
ang awasan, dinadaanan s'ya ng mga kaklase ni Clyde para sabihing umiiyak na
si Clyde dahil wala pa ang sundo n'ya. Agad namang magpupunta ang nanay sa
iskul kahit walang maiiwan sa puwesto sa palengke.
Naisip ko, paano kaya kung nabasa ni Clyde yung kuwentong
pambata na Bakit Wala pa ang Sundo Ko?; siguro
hindi na siya iiyak. E kung magkaroon ng book giving sa mga batang kagaya ng
kalagayan ni Clyde para hindi man sila makapaglaro-laro sa labas ay
makakarating sila sa iba't ibang lugar kapag nagbabasa? O magbigay ng aklat
tungkol sa mga bayani para maituon ang sarili sa pagtulong sa bayan imbes na sa
kahinaan? Kaya naman namina ko sa Masbate ang Project PAGbASA at ngayon lang napakintab dahil sa Saranggola.
Ano ang layunin ng
proyekto?
Ang layunin ng Project
PAGbASA ay:
1. Makapagbigay pag-asa sa kabataan mula sa inspirasyon
mula sa pagbabasa.
2. Dalhin ang mga kabataang limitado ang nararating, sa
iba't-ibang lugar at panahon sa pamamagitan ng pagbabasa.
3. Maiangat ang literacy level ng mga mga kabataan.
4. Pukawin ang damdamin ng mga batang mambabasa na maari
pa rin silang maging bayani at maging kapakipakinabang sa bayan sa kabila ng
limitasyon at kahinaan.
Talakayin ang
magiging panahon o pagkakasunod-sunod ng pagsasakatuparan ng proyekto
(Timeline)
2016
Enero - mag-uumpisa ang paghahanap o pag-iidentify ng mga
recepients na mga kabataan at aklatan. Dudulog na rin sa mga publishers na
bibilhan ng aklat at ilulunsad ang panawagan para sa tulong para sa proyekto.
Uumpisahan na
ring makipag-ugnayan sa lokal na DSWD at Fortress para sa mga maaring
matulungan.
Pebrero - Marso -
sisimulan ang pagtanggap at paghahanda sa mga aklat. Makikipag-ugnayan din sa
Operation Blessing kung maaring ma-cover ang istorya ng mga potensyal na
kabataan.
Abril-Mayo - Maipamigay ang mga aklat kasama ang
Operation Blessing. Makatulong din sa The Fortress sa kanilang mga visual
materials at summer activities sa mga depressed areas sa bayan ng Tiaong.
Sa panahong ding
ito ay tinatarget na makapagsagawa ng summer workshop para sa pagsulat ng tula
sa mga kabataang Tiaongin. Ang magiging output ay titipunin sa isang antolohiya
at ipi-print kahit low quality at ipamimigay sa mga pampaaralan at pampublikong
aklatan.
Hunyo - Maipamigay na lahat ng aklat.
Hulyo - Agosto Makapagslabas ng PAGbASA report na maglalaman ng kabuuang ulat ng ginastos, mga
larawan ng proyekto, at mga istorya ng mga natulungan ng proyekto.
Sinu-sino ang
makakatulong sa iyo sa proyektong ito maliban sa SBA?
Department of Social Welfare and Development - isang
sangay ng gobyerno na makakatulong na mag-identify ng mga kabataang differently abled o may pinagdadaanang
kahirapan.
Mga kaibigang guro na maaring magmungkahi ng mga
mag-aaral nila na kinakikitaan ng hilig sa pagbabasa at tiyaga na matuto (kahit
nahihirapan) ngunit salat sa buhay.
Mga interesadong indibidwal/grupo (bookstores at
publishers) na nais mag-donate ng aklat o magbigay ng diskuwento sa pagbili ng
aklat na ipapamahagi sa Project PAGbASA.
Paano mo masusukat
ang resulta o tagumpay ng iyong layunin?
Naku! Hindi ko masusukat ng quantitative (o kahit
qualitative) ang tagumpay ng proyekto dahil hindi rin natin masasabi ang
mararating ng aklat sa kamay ng mambabasa pati na rin ng mismong mambabasa.
Yung ma-empower ang mga maabot na kabataan, 'yun ang tagumpay ng Project PAGbASA!
Anu – ano ang mga posibleng maging pagsubok
sa proyektong ito at paano mo ito iniisip na bigyan ng solusyon?
Pagpapadala ng aklat - marahil maging mahal ang
pagpapadala ng mga donasyong aklat, kung mahihilingan ang bibilhang publishers
na magbigay sana ng diskuwento para ang matitipid ay ipambabayad na lang sa
pagpapadala. Travelling expense kung saan man mamimigay ng aklat, pero kung may
sasagot sa pamasahe ay mas mainam.
Sa iyong palagay,
bakit ikaw o bakit ang iyong proyekto ang dapat mapili para sa kategoryang ito?
Ang Project
PAG-bASA kasi ay hindi lang tungkol sa literacy. Tungkol ito sa panitikan,
kabataan, at pag-asa ng bayan. Dahil puhunan natin ang kaisipan ng mga
kabataang ito, na magdedesisyon para sa bansa sa mga susunod na dekada, dapat
lang na maitanim sa puso at kokote nilang mag-ambag sa pag-unlad.
Magandang
mabigyang pansin ang pagpapalakas ng kamalayan ng kabataan sa panitikan at
pagiging makabayan.
Listahan ng
Gawain
/ Aytem
|
Bilang
|
Halaga ng bawat
isa
|
Kabuuang Halaga
|
Aklat Pambata
|
target: 99
|
75
|
6, 800
|
Shipping
|
400
|
||
Travels
|
600
|
||
Workshop:
|
|||
Ispiker
(Kung puwede sanang pamasahe at pakain lang)
|
700
|
||
Materyales
(papel, lapis, visual aids)
|
100
|
||
Meryenda
|
400
|
||
Output
|
20 kopya
|
700
|
|
Fortress Visual Aids
(Cartolina, Folders, Art Papers, etc.)
|
300
|
Mga etiketa:
aklat,
direksyon,
entry sa patimpalak,
estudyante,
guro,
humanitarian crisis,
kabataan,
opinyon,
pag-ibig,
panitikan
Subscribe to:
Posts (Atom)