Nakahawak ka lang
Hindi mo na kami kilala
Nakabiste ka lang
Ngunit batid ka pa rin namin
Pinahiram ka lang
Ng kakaunti pang kapangyarihan
Ano 'to't nagdidiyos-diyosan?!
Akala namin bantayan
Ano 'to't may pinalulusot?
Akala namin tanggulan
Ano 'to't kailangan magbakwit?
Akala namin tulungan
Ano 'to't may itim sa ilog?
Ano 'to't naparam ang luntian?
Ano 'to't may dumanak na pula?
Sa sariling lupang nilinang
Noon pa, maidad higit sa batas
Akala namin bayanihan
Ano 'to? Namatay lang
Sa mga maling akala? Dili!
Kundi sa maling pakana!
Pila na nga bay?
Usa, duha, tulo...
Daghan na bay
68 na bagong nadagdag
Kayraming nagkamaling akala
44 na liga ng bakwit
200 mahigit ang pinasaan at piniit
Sa hawla ng takot at gaba
Oo, totoo...
Kaya naming bumilang
Lampas man ng sampu
Sina Samarca, Sinzo, at Campos
Romulo, Jimmy, Butsoy, at Jara
Hindi sila mga piyesa sa dama
Na walang ngalan at pamilya
Puwedeng itumba at ikipkip
Ang kapalit na nikel na barya
Sa mga usbaw na wak-wak
Na nagbibihis bagani
Nakahawak ka lang
Ng bakal na pinag-ambagan
Akala mo sa'mi'y baboy ramo
Tigilan na ang bugnos na bayanihan
No comments:
Post a Comment