Wednesday, October 28, 2015

TintaCon 2.0

TintaCon 2.0

   Oktubre 25- Southern Luzon State University-Tiaong. Muling ginanap ang palihan ng mga kabataang manunulat/ campus journs, mula sa kolehiyo at hayskul sa pangunguna ng The Traviesa Publications at BEED III students. Umabot ang bilang ng mga delegado sa 220!

   Binuksan ni Pusa a.k.a. Cyrelle Bello ang seminar tungkol sa alegorya ng pagsusulat at pag-ibig. Inspirado raw. Sinundan ito ni Kirby na tumalakay sa lay-outing; kung paano ihinahanay at inaayos ang teksto at mga larawan sa papel. Sunod namang nagsalita si Top 10 a.k.a. Erwin Caponpon tungkol sa madugong news writing, copy reading, at headline writing. Madugo dahil umaapaw ito sa teknikalidad.

   Dumating sina Ate Bebang at Kuya Poy ng saktong tanghalian at as promised, dala niya ang ipapahiram n'ya sa'king mga aklat ni Ser Ambeth. Nagtanghalian lang kami at ako na ang susunod na sasalang sa mapanuring tingin ng mga delegado. Para kasing ang awkward lang. Marami sa campus journ students ay kilala ko sa maraming kalokohan; mga ka-chokaran kumbaga. Tapos, ngayon magto-talk ako sa DevCom? Parang out of character.

   Nang tumayo ako sa unahan, nakakatawa ang itsura ng audience. Nakatitig sila. Parang ini-scan ang buo kong pagkatao. Ipinaliwanag ko ang depinisyon, saklaw, at mga anyo ng DevCom sa campus journalism. Ipinaliwanag ko rin kung ano ang mga bagay na dapat ma-develop sa DevCom pages. Natapos naman ako ng malualhati.

   Si Kuya Poy naman ang nagsalita tungkol sa book design at kaunting magazine page design. Ipinaliwanag ni Kuya Poy na ang mga elemento sa book covers ay dapat nagre-represent sa kung ano ang nasasaloob ng aklat. Trivia: 'Yung babae sa It's a Mens World ay hindi raw nila kilala. Akala ko nga si Sean 'yun pero nang malaman kong lalaki pala ang anak ni Ate Bebs, akala ko naman si Ate Bebs 'yun; pero hindi rin pala. Sabi ni Ate Bebs, hinahanap nga raw nila kung sino yung babae sa cover. Hindi man lang n'ya alam na cover girl na pala s'ya at wala s'yang royalties o naging TF man lang. hehe.

   Dahil pa-butt in -butt in si Ate Bebs sa talk ni Kuya Poy, siya naman ang pinakinggan tungkol sa Top Ten Tips sa Tula na wala akong na-take note dahil tumawa lang ako nang tumawa. Isa sa natandaan ko ay bawasan ang "Ako" sa tula. Magsulat din ng tula maliban sa paksa ng pag-ibig, kalikasan, at ka-emohan. Pagkatapos ni Ate Bebs magturo ng Diona, Dalit, at Tanaga, pati na ng tugmaan sa tulang Filipino; ay workshop time na!

   Hiningan kami ni Ate Bebs ng mga salita na may malakas na a, e-i, at o-u. Tapos, sa mga natipong salita sa bawat kolum, kailangang gumawa kami ng tula na ilalagay sa dulo ang mga natipong salita. Wala munang sukat dahil baka abutin kami ng alas-dose. Ang tula ay tungkol sa mga Philippine Lower Myths. Ito ang ilan sa mga outputs:

May biglang umus-os
Sa bintanang bubog
Isang mahabang bagay na animo'y uod
Nagkaro'n ako ng kutob
Sa takot, biglang napautot!
Napasuntok!
Lintik na tiktik, tiyan kong bilog,
Gustong masupsop!
-RJM, SLSU - TC

Sa aswang ako'y nabulag
Akala ko'y bulaklak
Ngunit sa mga mata'y nag-aalab
Ang kagustuhan sa batang sa tiyan ay bakat
Sa tiyan, kamay ay sumadsad
Ang pakiramdam na nasa alapaap
Parang niyog na pinatas
-Corderias, Aya Mellise, SLSU - TC

Di maiwasang bumilib
Mukhang aswang - biik
Bumuka ang bibig
Paghinga ay nagsikip
Tumakbo ng mabilis
Mukhang maitim na singit
Kawangis ng adik sa bilibid
-Jerome Martinez, SLSU - TC

Mananaggal
Ang manananggal ay itim na bulaklak
Kung magalit ay nag-aalab
Sa kanyang paglipad ay nasadsad
Sa bahay ni Mang Pepeng bulag
Ang kanyang paglipad ay abot sa alapaap
Na sa ibong lumilipad ay patas
Ngunit ang kanyang dibdib ay bakat
-Jonnel Manalo, LNHS

Tiyanak
Sa mundong katotohana'y bulag
Isang nilalang ay bumakat
Kanyang ngipin ay sumadsad
Sa bahaging alapaap
Munting puso niya'y nag-aalab
Dito sa mundong di patas
Siya'y muling magbabalik at mamumulaklak
-Francesca Leycano, LNHS

   Siyempre may mga munting awards ang mga namukod tanging mga aswa.. Akda! At bago pa man magsidating ang mga sinulat naming nilalang ay nag-uwian na kami!



Pasasalamat:

Kay BOSS: Sa natapos na event at pagkakataong makapagturo sa mga kapwa kabataang manunulat at campus journs. Nostalgic din ang reunion ng mga dating staffers ng Traviesa.

Kay Trav: Mula kay eic, assoc, at lahat ng staffers na nag-asikaso. Salamat sa pagpapatuloy ng nasimulan ng Traviesa! We connect. We communicate. We change!

Kay delegados: Sa mga campus journ at hindi campus journ students, at mga hayskul na nagsi-attend sana ay sa uulitin. Salamat sa pagsusulat! Tandaan na ang pagsusulat ay hindi pampapogi! Ito ay pampabago!

Kay friendships: Kay Nikabrik na nakapula sa tanggaling tapat at kay Ebs na tumulong magpuyat para sa powerpoint ko, salamuch kapatirs!

Kay Kuya Poy at Ate Bebs: Sa pagiging all-out supportive sa ikalawa naming TintaCon. Sa pagkakaroon ng mini-book fair. Sa pagbabahagi ng kaalaman. Sa masayang pag-aaral panitikan!

No comments: