Wednesday, October 14, 2015

Oktubre 12, 2015

Oktubre 12, 2015
   Bruuuuhh. ; l
   Medyo pagod ako sa maghapon. Galing kasi kami ni E-boy kena Ate Anj sa Candelaria. Halos bimonthly kami kung bumisita. Ako ang nauna kena Ate Anj ngayong Lunes ng tanghali. Wala sina Ate Anj at ang kapatid niyang si Daniel ang sumalubong sa'kin. Hihintayin ko na lang si Ate Anj dahil kailangan ko talaga itong makausap para sa aking operation: balik-kayod.
   Kailangan kong kumpirmahin ang kumakalat na rumors na magtuturo raw ako sa isang institute sa bayan ng Candelaria. Mas updated pa ang mga kaibigan ko kesa sa'kin pagdating sa career.
   Akala ko hindi na pupunta si Ebs. Sabi ko baka hilo sa biyahe sa Lucban paghahatid ke Babes. O masama ang pakiramdam. Mamaya ay tumawag at susunod daw siya at may bibilhin din para sa Pastors' day.
   Naglaro ako ng selpown. Nagduyan. Nagtatalon. Nag-badminton with Chinee (batang chinese na kasama nina Ate Anj sa bahay). Tulog na kasi si Daniel sa loob. Pero wala pa rin si Ebs. Sa sobrang lakas ng ulan ay parang di na darating, pero makalipas ang dalawang oras ay dumating din.
   Nagtulog-tulogan ako sa teresa nang makita ko ang kahel na polo shirt ni Ebs. Hinayaan ko lang siyang tumawag sa may gate habang umuulan. Nakapayong naman. Hindi ko lang natiis na di tumawa kaya binuksan ko rin. Pinagpahinga ko lang si Ebs tapos lumakad na kami pa'bayan. Babal'kan na lang namin si Ate Anj mamaya.
   Pumunta kami ng mga tindahan ng sari-saring paninda, school supplies, at gift items pero wala kaming nakitang planner. Planner daw kasi taon-taon ang regalo nila kay Pastor Abner. Sinisingitan nila (sampo ng kanyang mga kabata) mga encouraging at pasasalamat notes. Kaya lang puro hannah montana at mickey mouse na diary notes lang ang nakita namin. Bigo.
   Kaya kumain na lang kami ng may suka. Bituka, kalamares, lumpia, at dynamite ang nilantakan namin. At dahil hindi pa kami kumakain ng tanghalian, e inilibre niya ko sa McDo ng AlDub meal. At dahil siya ang gumastos, 'matik na ako ang magpepray bago kumain. Hindi ko alam kung premyo ko ba 'to dahil nag-comment ako sa pic nila ni Nanes para mapansin ito ng marami. hihi
   Naghubad na ko ng sandalyas sa loob ng McDo dahil nirarayuma ata ako. Kolehiyo pa yata ako ng huling sumakit ang binti ko. Kung nabasa, nalamigan, o napagod sa kakalakad, hindi ko alam. Bago kami umalis sabi ko kay Ebs dapat pinaconvert na lang niya ang coke namin sa float, tutal bumili rin naman siya ng sundae. Kaya lang, huli na ang lahat.
   Pero hindi pa huli ang lahat. Itinaob ko ang sundae sa coke at tada! Na-convert na ito sa float! Saka kami bumalik kena Ate Anj. Nakasalubong pa pala namin si Jem-jem dahil nainip na pala ito kakahintay sa'min.
   Pagdating kena Ate Anj, nagkuwentuhan kami ng future trabaho. Pinag-usapan din namin posibilidad na lumabas at magpahinga sa mga kaabalahan. Ng mga politikal na isyu. Ng lablayf at buhay may asawa. At marami pang iba. Nakumpirma ko rin na mag-uumpisa na nga ako ng second sem sa pagtuturo. Sila kasi ang nakikipag-usap sa isang nagngangalang Kuya Mark na nagtuturo sa institute at nag-aasikaso ng aplikasyon ko. Ako, nagpasa lang ng resume.
   Nakailang tawag na pala si Mrs. P at hinahanap na si Ebs. Nasa kanila na raw ang tutee niyang si Gabby. Kaya umuwi na kami ng bandang alas-singko.
   ...
   ...
   Ang tagal ng bus. Marami namang dumaan kaya lang erkon. Nakasakay kami ng bus pero halos nasa pinto na kami. Nachachansingan na kami ng mga kasakay naming chix. Kaya pagdating sa bayan ng Candelaria , bumaba na kami. Mag-dyip na lang tayo, pagtapat sa sakayan ng dyip, bumaba na tayo. Hindi pa kasi kami natitiketan dahil di makagalaw ang konduktor sa dami ng pasahero. "Pwede ga 'yun?" alinlangan ni Ebs. E sila ang pasakay ng pasakay, e apaw na pala.
   Pagtigil ng bus sa may bayan, agad kaming bumaba ni Ebs. Malaki rin ang natipid namin sa lakarin kubg tutuusin. "Nakagawa na tayo ng krimen", sabi ni Ebs nang may pagmamadali sa paglalakad. "Tinatawag tayo" haluscination niya pa. Basta wag kang lilingon. Mabuti na 'to kaysa sumakay tayo ron na ang isang paa nasa hukay o nasa labas na ng bus.

No comments: