Saturday, October 17, 2015

Oktubre 16, 2015

Oktubre 16, 2015
   Hindi ko alam kung bakit gumising ako na parang nakabulumbon sa'kin ang demonyo ng katamaran. Kung kelan may pupuntahan at may mga kailangang basahin, isulat at ipasa ka saka sikal ang katamaran. Pagkatapos kong magkape, magbasa ng digital reads, at isipin ang mga bagay na dapat tapusin, saka ka parang tinatamad at walang gana.
   Hindi ko alam kung pagod ba ko sa mga pinaggagagawa ko nitong mga nakaraang araw. Baka kulang na ako sa pahinga. Baka naman nanghihimagod ako sa dami kong gustong gawin, e hindi ko matatapos lahat. Baka wala lang akong motibasyon. Baka tinatamad nga lang ako. Puro baka, baka, baka sana naman maging 'sing sipag ako ng kalabaw pagkatapos ko sa blog post na 'to.
   Maghuhugas lang ako ng pinggan, baka pagkatapos nun sipagin na ko.

No comments: