God Gave Me Matatamis na Kendi
Oktubre 15, 2015. Sa ika-29th na taon ng 1986 PH Consititution, bukod sa tinatamasa nating demokrasya ay tumatamasa tayo ng marami pang pagpapala. Ngayong araw ay gumising kami ni E-boy para sa maghapong feels ng blessings. Yung palang paggising ay blessing na agad.
Nagrebyu kasi kami ng Consti para sa nalalapit naming Civil Service Exam, kaya 3-day camping na naman ako kena Ebs. Masarap yung mga inulam namin gaya ng sariwang pako (fern hindi nail) na may sariwang itlog at tuna flakes na maanghang; tapos masarap din yung parang adobo flakes na may siling jango. Marami na namang nakonsumong bigas. Salamat dahil merong ekstensyon ang aming kusina at aking kuwarto kena Ebs.
Maaga kaming pumunta sa Kubo sa university para sa bible study with Kuya Joey. "'Bo! Ligo na at nasa biyahe na si Kuya Joey"! Ang aga-aga pa naman nun bumiyahe tapos pagdating n'ya, wala s'yang nadadatnan. Nakakadiskurahe kaya 'yun. Kung ako lang mag-isa ay andun na 'ko ng alas-otso pero dahil kasama ko si Ebs ay alas-nuwebe na kami nakarating pero abot pa naman dahil kakasimula lang. Tungkol sa prayer o pananalangin ang pinag-aralan namin.
Pagkatapos ng BS, pupunta si Ebs sa San Pablo para bumili ng regalo kay Pastor Abner. Magpa-Pastor's Appreciation Day nga raw kasi sa Linggo. Galing na kami ng Candelaria, pero wala kaming makitang planner dun. Sabi ni Alvin (Richards) ay ano raw plano para kay Kuya Joey? Bertdey na ba ulit ni Kuya Joey, kako. Hindi, Pastors' Appreaciation Day sa Linggo ah. Nakalimutan ko na pastor na nga pala si Kuya Joey, pero hindi kasi ito nagpapatawag ng pastor kaya hindi ko tuloy naalala. Pero na-appreciate naman namin siya. Kaya sasama na si Alvin sa San Pablo para sa paghahanap ng regalo para kay Kuya Joey. Sasama na rin ako dahil iliibre na raw ako ni Ebs ng pamasahe papunta dun.
...
Bago kami umalis ay dinaanan muna ni Ebs ang kanyang grad pic sa may cashier/registrar. Pailang balik na namin 'to at for the Nth time ay hindi pa rin n'ya nakuha kahit may dala siyang resibo at lahat ng cards niya. Dapat daw kasi ay clearance talaga ang ipepresent kaya lang, wala naman yung kukuhanan ng clearance. Hindi na naman umubra ang charm niya. Haha. Ang siste kasi gustong masigurado ng iskul na wala nang bayarin si Ebs na tatakbuhan sakaling makuha na niya ang grad pic. E kamusta naman yung 20K pa dapat na recievable mula sa university para sa kanilang insurance noong nabangga siya?!
...
Habang nasa bus ay nag-iisip kami ng panregalo kay Kuya Joey. Ito mga naisip ko:
(1) Alcohol -dahil mahilig sa alcohol si Kuya Joey. Yung rubbing alcohol ha. Pero baka marami pa siyang supply.
(2) Tsani -dahil hilig niyang kutuhan si Kubo (yung aso sa Kubo).
Ito naman ang naisip ni Alvin: Aklat kaya? Aba! Maganda yan at bakit hindi ko naisip yan? Sige, daan tayo ng Booksale mamaya. Si Ebs naman ay sa NBS bibili ng planner. Habang nasa bus ay inalala namin ang mga kapatid naming nagtatrabaho sa malayong lupalop gaya ni Roy sa kantang "Glory of Love" at Alfie (Richards) sa kantang "God Gave Me You" na tinatanong niya dati kung Christian song daw.
Bo, isipin mo kasal mo, tapos habang kumakanta ka ng "God gave me you" kay _________ ay umiiyak-iyak ka at nagpapasalamat sa kanya. Sasabihin mo "_________, Salamat sa lahat". "Asa" tapos NGUSO lang ang isinagot ni Ebs. Hindi ko alam kung iniimadyin niya rin ang kiss the bride portion ng kasal sa pagnguso n'ya. Itinigil ko rin ang pang-aasar dahil baka hindi ako makakain ng tanghalian at makauwi. Sasagutin niya raw ang tanghalian e.
Medyo nagtagal kami sa pamimili ng planner at box na packaging dahil siguro malayo pa naman ang Pasko kaya wala pa masyadong pagpipilian. 'Tsaka di pa naman kasing sikat ng Araw ng mga Nanay at Tatay ang Araw ng mga Pastor, kaya hindi pa ito masyadong kinokomersyo. Wala pang mga sales kapag Pastors' Day. Isang brand lang ng planner ang nasa buong Mall ngayon.Ang mahal-mahal kahit manipis naman. No to monopoly! (Yung market, hindi yung game)
Nagtagal din kami sa pamimili ng aklat para kay Kuya Joey. Ito ang mga picks: Book of Prayers ni John McArthur na mga set ng prayers (no comment, sabi ko lang 'wag 'to), What Ministers Wish Members Do Know (self-explanatory), Flirting with Faith na tungkol sa isang taong halos pinasok lahat ng ideolohiya, pilosopiya, at paniniwala sa Diyos; ang hinahanap namin ay yung makakatulong kay Kuya Joey sa kanyang pagtuturo at pagpapayo. May itinuro si Ebs na title: A Girlfriend's Guidebook.
Ang nanalo sa aming pagpili base sa blurb, cover design, tema, at presyo ay ang Wednesdays Becoming More Ordinary. Ito kasi ang subtitle sa cover: "About a boy, cancer, and God". Wala pang 200 ang presyo nito. Ayan! Makakatulong 'to kay Kuya Joey to emphatize sa mga dinadalaw n'yang may malulubhang sakit gaya ng mga cancer patients.
Pero paglabas namin ng Booksale ay may dalawa pang titles akong napili para naman sa akin, isa ay Soul of a Lion; kuwento ng isang babaeng nagrescue ng halos 400 wildlife animals sa Africa, at A Woman Among Warlords; tungkol naman sa isang babaeng nanindigan para sa edukasyon ng kababaihan sa Afghanistan. Puro women writings at lahat yan sa halagang bente pesos. Saan aabot ang bente pesos mo? Edi sa Afghanistan at Africa.
Matapos mabili ang dapat mabili ay tanghalian na at taya si Ebs. Nakakahiya na nga dahil pinaghirapan n'ya 'to sa pagtu-tutor kay Gabby na minsan hyper-active at minsan ay hypo-active. Mahiya na kesa magutom di ba? Bukal naman sa loob niya ang panlilibre. Sabi ko kay Alvin s'ya na ang manalangin para sa pagkain naming umuusok pa ang kanin. Praktis na rin ng itinuro ni Kuya Joey. Siya na rin muna kako ang magbayad ng pamasahe ko pauwi dahil bumili ako ng aklat.
Pakiramdam ko tuloy e ang yaman-yaman ko dahil nakapag-mall ako at nakabili ng aklat. Mayaman naman pala talaga ako dahil meron akong mga pastor at mga kaibigan. 'Tsaka mga aklat ulit.
Pasasalamat:
Kay BOSS, kahit na matigas ang ulo ko sa maraming pagkakataon, binibigyan mo pa rin ako ng matatamis na kendi. :)
Sa mga matatamis na kendi, salamat dahil alam na alam n'yo pag walang wala akong pera at gustong gusto ko ng aklat. Sa pagpapatuloy kapag wala akong masilungan at ma-wi-fi-an, sa palaging pagsama at pakiinig sa pagmo-monologue ko at sa palagian (sanang) pananalangin. Sana'y hindi tayo langgamin. God gave me you. Naks!
No comments:
Post a Comment