Monday, October 5, 2015

Pito: Pito (Pitong Diona: Pitong Danas)



















Kuha sa Monumento ni Balagtas sa Pandacan
Kuha ni: Dyord


I.
IPIT...
Nanlalagkit sa EDSA
Pasalubong tunaw na
Himbing na ang pamilya...

II.
PIIT?
Lunes hanggang Sabado
Hala! Kayod-kabayo
Pipintig pa ang puso?

III.
INIT!
Nagbabagong panahon
Keber at nililimot
Gaba ay iniipon!

IV.
TINGI.
Dal'wang gatang lang muna
Pinipigil ang luha
Tinik ay di nawala.

V.
NGITI?!
Biloy ay palubugin
Eat Bulaga at kanin
Saglitang prablem-solbing?!

VI.
GIPIT,
Patalim ang kapitan
Utang na di mapatay
Hukay na walang 'ganan

VII.
TIP:
Kay Kanlaon pumunta
Siya raw ang bahala
'Wag ka lang manghinawa ( :








Ito ay lahok sa Saranggola Blog Awards




Post a Comment