Para sumahin ang buong linggo, hihiramin ko muna ang linya sa lyrics ng kantang Usok ng Asin (o ni Lolita Carbon); "...bigyan mo ng puwang ang puso mong nalulumbay". Sa tingin ko, 'yung buong kanta 'yung nagpapaliwanag ng vulnerability at limitations ko/natin bilang mortal na umiiral sa pagitan ng mga panahon ng pandiwa: sa nakaraan, sa ngayon, at sa "bukas na darating pa". Kung maaari nga lang sana maglaho muna at umiral na lang ulit sa pagdating ng bukas.
No comments:
Post a Comment