Nalingat ako sa puwang sa pagitan ng ding-ding at bubong ng bahay namin, kitang-kita ko ang malaking nag-aapoy na usok mula sa bulkan. May kausap pa si Mama sa phone, samantalang ako nagkukumahog nang magsalampak ng damit sa bag at abala na sa paghahanap ng camera ko. Sinigawan ko si Mama at saka pa lang din n'ya napansin. Pupunta kami sa bayan kahit di pa sigurado kung hindi aabot doon. Ang bilis, ang taas agad ng usok, ni hindi kami nakarinig ng pagburog ng lupa. Ngayon na lang habang nakikitang umaapoy 'yung ibang bahagi pa ng bundok at nagluluwa na ng nagbabagang mga bato. Sa bayan, umakyat ako sa isang mataas na burol, hindi ko na alam saan na napunta sina Mama. Nasa leeg ko lang 'yung camera, sisiguraduhin kong makaka-compose ako ng maayos na shots. Kinakabahan din kapag nakikitang bumabagsak yung malalaking bato mula sa langit at kumakalat 'yung usok at abo, wala kaming facemasks, pero kailangan kong makapitik kahit ilan lang. Teka, bakit may nagla-live commentary sa pagsabog ng bulkan? Bakit ngayon pa may call for disaster readiness? Saan ko naririnig 'yung podcast, e wala akong suot na earphones?
Ayun, nagising na ako.
No comments:
Post a Comment