Dahil nga bahagi na ng aking Liwayway Protocols at Guidelines sa Gabi ang paglalakad, nakita ko last week ang kilometer reached ko via Pokemon Go - 38 kms! Wala pa d'yan 'yung mga lakad ko na wala akong dalang kahit aonong devices. Minsan bigla na lang akong maglalakad sa ulanan o tanghaling tapat, dahil hindi ako makapagsulat nang maayos. Mahigit isang buwan ko na s'yang nagagawa. Wala lang, sa tingin ko napupunan n'ya 'yung paghahangad ko ng malayong marating.
No comments:
Post a Comment