Habang
abala ako sa pagpapalaba, pag-iisip ng ulam, pag-review sa isag linggong
gastos, at mga gagawin ko pa ngayong Sabado, nakatanggap ako ng 5 missed calls
mula sa unregistered number. Baka naman kaibigan ko lang nangungumusta.
Tinanong ko kung sino, ‘yun pala ay isang participant sa isang proyekto. Sabado na.
Walang
pinipiling oras ‘yang mga ‘yan e. Mapa-dis oras ng gabi, o mapa-Sabado, o
mapa-Linggo; nagte-text o tumatawag para lang magpalista sa isang proyekto o
kaya ay magtanong ano nga ulit ‘yung requirements kahit 15 times ko nang inulit
sa pagpupulong sa baranggay at idinetalye ko na sa text messages bukod pa sa
detalye sa mga pamplet na ipinamahagi ko. Tatawag ng alas-diyes para lang
itanong kung ilang kopya ng police clearance ang ipapaseroks n’ya. Patience is
a virtue ang motto sa trabaho ko pero minsan nakakaasar din.
Akala
yata ng mga tao kapag kawani ng DSWD, ay parang 911 o kaya kwago na dilat kahit
kabilugan ng buwan. Madalas nga naglalamay kami ng mga project proposals pero
utang na loob naman puwede bang isipin n’yong natutulog din kami. Kung
weekends, isipin naman sana na kami’y may pamilya, kaibigan, at lovelife, para
abalahin. Kung Sabado, isipin naman sana na marami rin kaming labahin at
linisin sa bahay. Kung Linggo, maisip din naman sanang kami’y nangingilin. Baka
naman puwedeng ipagpa-Lunes na ang pagtatanong kung ilang kopya ng valid ID ang
ipapaseroks. Sabado na e.
“[nagpakilala
muna s’ya]... follow up qho lng pho ung 2ngkol s wrk n bnbgy nio”
“Sir
wla pho kc ngtxt skn n my meeting kyad pho aqho nkaattend eh pnu qho kya mllman
n my wrk kng d naman pho aqho tntxt”
Balik
tayo kay Ate na taga-Quilo-Quilo South. Hindi raw s’ya nakapunta sa pa-meeting
ko sa isang proyekto dahil wala s’yang natanggapna text. PERO, isang kaibigan
at kabaranggay n’ya ang nakita ko nung araw na’yon at ipinabatid kong meron
ngang pagpupulong. Dalawang araw bago magpulong ay nag-text ako sa 45 na
kalahok ng proyekto. Isang araw bago magpulong ay nagpatext ako sa lahat ng
Pantawid Parent Leaders (PLs) ara magpakalat ng nasabing petsa ng pagpupulong.
Tapos ngayon, Sabado na, sinisisi mo pa ‘ko? E kung nag-follow up ka ng Huwebes
, kinabukasan nung pagpupulong, kung talagang interesado ka? Meron nga du’ng
hindi naka-abot sa pagpupulong at naaksidente ‘yung kapatid pero humabol din
nung kinahapunan kasi baka raw isipin kong hindi s’ya interesado sa proyekto.
Ipinaliwanag
ko pa rin ng may pagpipigil na kasali s’ya at naghihintay lang kami na maibaba
‘yung pondo. Wala e, kailangan responsive ang mga kawani ng gobyerno at modest
at all times. So dapat bang sumagot pa sa tawag o text kahit weekend na? Kung
hindi naman life and death ang kaso? Baka naman puwedeng Lunes na lang, Sabado
na e.
“Eh
sir khya2 man pho eh wala pho aqho nreceive”
Humirit
pa si Ati. E di sisihin mo PL mo. Sisihin mo ang network provider mo kung bakit
wala kang na-recieve. Sisihin mo ang universe at ang mga radio at magnetic
waves sa atmosphere na tumangay ng text message mo! Bakit ako?! Puwede namang
ako pero psuwede bang sa susunod, Lunes na lang ako sisihin? Kahit di ko na
kasalanan, basta ‘wag lang Sabado o Linggo. Alam naman pala na kahiya-hiya e.
‘Tsaka
puwede bang ‘wag jejemon? Buwan na ng wikang pambansa. Wikang Filipino, Wikang
Pangkaunlaran. Kung salat man tayo sa buhay, sana ay hindi tayo salat sa
paggamit ng sariling wika.
No comments:
Post a Comment