Kanina
sa aming monthly provincial meeting, ang dami ng dagdag sa trabaho at ‘yung
pagkaantala ng pondo para sa mga implementasyon ng proyekto, ay sobrang
nakakawalang gana. Parang lalong nakakabigat. Hindi nakaka-boost ng morale, ika
nga.
Pero
kanina pagpasok ko nakita kog marami na kaming nakatambak na office supplies.
Tinanong ko si Ate Lorie, “may pondo na?” Wala pa rin daw. Pero ang magandang
balita ay meron namang pa-supplies! Tamang-tama dahil muntikan na ulit akong
mapabili ng mga karagdagang folders at supplies dun sa April 14, isang tindahan
ng school supplies sa Padre Garcia. Kamakailan nga narinig kong si Ate Diane ay
bumili ng sariling printer.
Kahapon
lang ay pinag-uusapan namin ni ‘Tol Alvin na ibang-iba talaga sa corporate
world na hindi ka na naghahagilap ng papel, paper clip, printer (na mabilis),
folder, envelope, working table, office chair, drawer, at higit sa lahat
working space. Oo, marami sa’min ang nakikipagsiksikan lamang sa mga lokal na
kagawaran. Kaya laking tuwa na namin sa natanggap na supplies.
1
malaking Scotch Tape – tamang tama kapag nagpapaskil ako ng visuals sa
baranggay
1
maliit na kahon ng paper clips – para sa mga proposals na di pa finalized,
iso-sort lang
2
asul na sign pen
1
stamp pad – hindi ko pa alam san ko gagamitin
1
correction tape
6
na expandable envelops –para sa mga documents ng mga kalahok
Excited
na’kong magsa-ayos muli ng mga kapapelan sa opisina na minsa’y inaabot talaga
ako ng maghapon. Nakakatamad rin namang magtrabaho nang magulo ang mesa. Meron
pa palang isang mahalagang office equipment akong natanggap with strict
orientation: Stapler.
Kino-consider
na office equipment ang stapler dahil hindi naman ito consumables gaya ng papel
at clips. Bawal itong maiwala dahil sakaling mag-resign kami o hindi na
mag-renew ng contract ay hihingin ito sa clearance. Kapag nawala ang stapler ay
hindi mabibigyan ng clearance o kaya ay maho-hold ang suweldo.
Kung
masisira ay siguraduhing may serial number pa rin o natatandaan ang serial
number dahil kailangan ito sa pagbabalik. Ok lang naman daw na masira
kagagamit. Pero siyempre, kasama sa nire-recite naming ‘Panunumpa ng Kawani ng
Gobyerno’ na “pangangalagaan ko ang mga kasangkapan ng pamahalaan.”
Nabanggit
din na baka sa isang taon, dahil sa mga isyu sa pag-e-encode namin sa
information system, ay magkaroon na kami ng bagong laptop. Kung kailan tapos ko
nang bayaran ang aking inutang na laptop.
Ang
amin nga palang core value of the month ay ‘pagmamalasakit’.
Pero
mukhang hindi ganito sa mga kinakaltasan sa SSS pero nalaman nila kaninang
hindi pala nahuhulugan ng HR for quite a time; or for the longest time. Move on
na lang daw at magpasa na lang ulit ng E4 form kasi parang naiwala na rin ang
mga ipinasa namin. So, paano kung hindi na naman mahulugan ng bagong HR?
Move
on na lang ulit?
Salamat
sa supplies pero hindi nito mai-stapler ang mga saloobin.
No comments:
Post a Comment