Day 5
Namahagi kami sa 8
baranggay ng solar lamps at kumot. Marami akong naging kaibigang bata.
Marami-rami ring nabahaginan ng aklat
mula sa Project PAGbASA. Nakakatuwa na sa simpleng aklat ay masayang-masaya na
sila. Sayang lang at hindi sapat ang bilang para ipamahagi sa lahat. Maraming
magagandang kwento pa rin ang kusang lumutang na lang sa pagsusugod-baranggay
namin.
Nakilala namin si
Sally. :)
Mas sobrang
nakakapagod pero nakatapos pa ako sa pagsulat ng dalawang kuwento. Sana
ma-publish kahit isa man lang. Nahihiya naman ako kay Cervin na ang taas ng
standard sa pagsusulat ng istorya. Pero may nadiskubre ako: ayaw n’ya ng
pinupuri o kino-commend s’ya. <*evil grin>
#
Day 6
Nagbyahe na kami mula
Isabela papuntang Kalinga para doon naman mamahagi ng tulong. Maikling oras
lang naman ang biniyahe pero inantok talaga ako. Namigay na lang kami ng tubig
ngayong hapon sa isang baranggay na nilulumot na ang paligid ng bukal nila. At
di ko akalaing makikilala ko doon ang lider ng rebolusyon na si Katniss. Akala
ko kapangalan lang talaga ng 1 & 8 months old na bata yung paborito kong
fiction character pero cinonfirm ng nanay n’ya na sa Hunger Games nga ‘to
kinuha.
Nagplannning lang kami
ng halos buong araw.
Nagtampo pa ako kay
Cervin. Mahabang kuwento e, baka sa ibang post ko na lang ilagay. O baka di ko
na rin ma-post pagbalik dahil sa dami ng trabaho.
Ok na naman ako.
Tinanggap ko na lang. Haha
#
No comments:
Post a Comment