Si Cervin at si Sally sa Sta. Maria, Isabela
Si Sally, 11 taong gulang ay anak ng isa sa mga volunteers ng simbahan dito sa Isabela kung saan kami tumutuloy habang tumutulong sa mga taong nasalanta ng bagyong Lawin. Nitong umaga la'ng, bumisita s'ya bago pa man kami umalis ng simbahan. Sa kanyang pagpasok, niyakap n'ya kami isa-isa na parang matagal na n'ya kaming kakilala.
Ang isa sa amin ay tinawag n'yang Papa -- madalas n'ya daw itong tawag kahit kanino. Napalapit ang loob ng lahat kay Sally, isang masiyahin at napakalambing na bata.
Oo, madali mong malalaman na s'ya ay may down syndrome. Pero kapag nakasama mo si Sally kahit ng kalahating araw lamang, tiyak na mawawala ang iyong pagod at makakalimutan mo ang iyong problema. Hindi mo iisiping s'ya ay iba. Bagkos, hahanga ka kung paanong si Sally ay napaka-kakaiba.
Paano nga ba maging si Sally? Paano nga ba ngumiti maghapon? Paano nga ba magbigay ng mahigpit na yakap nang walang pinipiling panahon? Paano nga ba magpasaya ng mga taong 'di mo kakilala? Paano nga ba hindi mapagod sa pagkausap sa iba? Paano nga ba magbigay ng inspirasyon?
Isa lang ang itinuro sa akin ni Sally nang hindi niya nalalaman. Ang maging totoo sa sarili at sa iba. Si Sally ay si Sally. Ako ay ako. Ikaw ay ikaw. #TagalogTalaga #ParaWalaLang #SalamatPanginoon
Cervin Bariso
Oktubre 31, 2016, 9:26pm
Brgy. Lingaling, Sta. Maria, Isabela
No comments:
Post a Comment