Sunday, October 2, 2022

1000th post, the point being...

1000th post, the point being...


Sabi ng isang writer noon sa Writers in Talk 2012 sa Alpha Tents, Magallanes, Makati; "gagaling kang magsulat kung magsusulat ka ng sampung taon." Ika-isang dekada ko na sa blogging mas may narating pa si Mocha Uson! Hindi naman ako gumaling magsulat. Budol naman. Kaya ayoko na, stop na 'to. 

At least, sa loob ng isang dekada nagagamit ko na nang wasto ang din-rin at ng-nang. Marahil yung ilan sa mga sinulat ko rito ay di ko na pinanampalatayaan. Malamang mas may iba na kong tinatayaan. Baka hindi na nako tumataya ng shoot pati pato, mas nag-ingat na. Siguro mas nabuo ko 'yung sarili kong mga katotohanan o niligtas ako ng pagsusulat-sulat sa mga pagkabuwang habang ginagalugad ko ang samut-saring mga daigdig. 

Tutukoy pa rin.


Dyord
Oktubre 02, 2022
Dyip San Pablo-Tiaong

#

Sunday, September 18, 2022

kalendaryong karinderya

Puro na mga tao ang kaharap ko buong linggo simula pa Martes. Tinanggap ko naman 'yung work ko kasi akala ko 2x a month lang ako kailangan sa opisina. Pero ayun, need na need din talagang harapin yung mga tao lalo na kung kailangan may pagkasunduan o pagtalunan sa trabaho. 

Tapos, sapin-sapin na ang online meetings habang nasa pila ako sa temporary releasing office ng DFA sa Rob para sa renewal ng passport. Ikinuha ko na nga ng serbisyo sa travel/processing agency kasi nga hindi ko na kaya at masaya naman ako na nakahanda na lahat para sa appointment: may ilang kopya ng resibo, application form, at mga bilin bago pumunta sa date ng appointment. Pagdating naman sa Robinson, malinaw at nakatagalog ang mga paskin ng process flow o steps na susunduan ng nag-aasikaso bukod pa sa mga bilin ng personnel kada station. Mas maluwag na, maayos, mabilis ang DFA kumpara 5 years ago na huli akong kumuha bago pa baguhin ni Du30 ang validity ng passport. Imagine, sa susunod na dekada ko pa ulit makikita yung cute na employee ng DFA. Regular na siguro yun, may pamilya na o kaya may tiyan na rin. Kudos naman sa tanggapan ng gobyerno na nag-iimprove ang serbisyo. 

Habang naglalakad papuntang Step 2 at nakikinig sa meeting sa opisina, bigla akong napatanong, shet tumigil ba ang ikot ng daigdig bakit walang gumagalaw sa mga kliyente, store attendants, empleyado, hanggang naririnig ko na pala ang Lupang Hinirang; napahinto agad ako. Nakakahiya ako lang ang gumagalaw nakailang linya na yung pambansang awit. Nakakaiyak din na lahat naman pala tayo may paggalang pa sa mga simbolo na nagbubuklod satin. Kailangan lang talaga ng passport nung iba para umalis at siguro'y maghanap ng mas maayos na oportunidad sa ibang bansa. 'yung isang nagtitinda nga nakakamay sa dibdib at kumakanta kahit walang watawat. Lahat naman tayo ay hihinto sa unang kumpas pa lang pambansang awit. Hindi na lang ako umiyak kasi baka isipin ng mga tao magsa-Saudi ako at may maiiwan akong pamilya sa Pilipinas.


Pagkatapos, nagmeeting naman ako sa bus, sa gilid bg Katipunan sa tanghaling tapat, sa grab car hanggang habang pumipirma ako sa regsitration ng gallery! May video shoot kasi para sa isang exhibit yata o ano ba ga. Ang awkward ko nga magbasa ng excerpt. Tapos, nagsocial kami ng ilang writers na nakasabay sa shoot kasi syempre have a life din naman. Tumakas na lang din naman kami. Itagay na. Nakauwi ako bandang alas onse ng Quezon. 

Natulog. Gumising. Nag-ulit ng damit kasi hindi na nakalaba. Kumain nagbihis tapos umupo ako at tumulala saglit: pagod na ko. I know pero ginusto ko rin naman lahat ng ito. Isinabog ko ang kalendaryo ko sa madla e. Saan ako papunta? sa isang event ng local artists and musicians sa Lipa  pinili kasi nilang beneficiary ang mga mangingisda thru Sa Ngalan ng Lawa (as conduit). 

Tapos tutulak sa farm sa San Jose para sa ilang kumustahan habang magpapakita rin ako sa dalawang online event tungkol naman sa mga sayaw sa Asya at sa mga dumarayong ibon sa Paliparan ng Timog Asya-Australasiya. Kung anu-ano, may visit pa sa isang spirulina farm. Bakit ako umoo nang umoo? Kahit naman hindi ako gumalaw ngayon sa pagkakaupo ko, matutuloy naman lahat ng event, ang pag-ikot ng daigdig. 

Kahit anong pagpapatas at pagpapaluwag ko sa buhay, mabibigo akong huminto at huminga lang kapag hinayaan kong nakabuyangyang ang kalendaryo sa lahat ng maaaring maganap. 

Mabuti na lang may ganitong mga paghihintay sa palate-late na kaibigan. 

SM Lipa
Sept. 18, 2020

Friday, September 16, 2022

scratch paper ng 'Tao sa Tao'


Maaga pa ko for the program. Sakto lang kahit matrapik. Pwede naman akong mag-work sa bus. 

May mga bagets [naka-pink] na naghihintay din ng bus. Botante na ba to ang babata. Matanda na ba ko? Naluha ako ng onti. Majoha is rising. Pota wala pa, di pa start.

Nang dumaan yung bus, tinapon ng mga bagets yung upos ng yosi nila sa kalye. Pwede pang maayos yun mahalaga muna sa ngayon tama yung pultika nila.

Sa bus, pinag-usapan yung kay Leni. 20,000 boxes daw kada Jollibee sold out mula Tiaong hanggang Sariaya. Kay Marcos, manok na lagunot. Kay Leni, prito. hahaha yung pink people lang talaga na pakalat-kalat no pwedeng mag-umpisa ng diskusyon.

Baka pwedeng umiyak muna ako sa Grand Terminal bago pumunta sa venue ng Quezonduan.

Noong isang araw, nakuwento ni Mama 'yung martsa ng magsasaka ng Sumilao. Late ko na nalaman na nagkaroon sila ng discussion sa bayan namin.

Wala pang 30mins nanlimahid na. Naulanan. Nakisukob ako sa Bumble match kasi iniwan ko fibrella ko. Baka mawala. Fibrella rin payong ng kakampink. Amoy alingahit na kami. 

Extra judicial killings vs. people are shouting suman. A platform for party not for political agenda? Nagpapagaan na yung mga volunteers kasi mamaya concert na.

Sonny Matula, "di masyadong gwapo pero abogado". hahaha. Batuhan ng suman.

Jolina momshie in shining headband. Spongecola Mundong Puno ng Pag-Ibig.

Di ako naihi. Pauwi na. May mga inaakay na strectcher habang kumakanta si Yael. May mga doktor at medic. 










Saturday, September 10, 2022

hindi na ako passionate

hindi na ako passionate.

okay lang naman. sa trabaho, sa pagsusulat, sa kalikasan at sa iba pang bagay; hindi na ako passionate. kinitil ng mga kontrata. kinitil ng kailangang may maipasa. at hinahayaan ko lang naman ding hindi ako passionate. hindi naman s'ya estado ng parusa ang kawalan ng liyab.

minsan mas passionate ako sa pagkukuwento ng gusto kong palaman ngayong linggo na puwedeng iba naman sa susunod na panahon ng groseri. fruit jams ang trip ko lately.

hindi na ako passionate.

minsan, ano bang nakasulat sa kontrata, o ba't naghahanap ka pa ng ekstrang kamay? dalawang kamay lang ang binayaran ng kumpanya - hanggang dito lang ang sabi ng dokumento. iaaabot ko ang ikat'lo at ikaapat na kamay kung kailan ko gusto at kung kanino ko gustong iabot pero walang ekspektasyong lalagpas ako sa nasasaad sa papel. 

hindi na ako passionate.

mas hindi na ako galit at gigil kapag nagpapaliwanag. walang mag-iimbuna sa skincare ng palakunot kong noo. kapag tanga, patawarin, kapag hindi alam, turuan. kapag ayaw makinig, at least sinabi kong may tae at walang sisihan kapag humakbang ka pa rin. 

hindi na ako passionate.

umaayaw ako kahit naka oo na kapag hindi ko talaga kaya. mas kaya ko nang manood ng payapa sa dambuhalang sunog kung walang sirenang rumeresponde. kapag may bumubukol sa daloy ng mga sistema, bubuntong hininga na lang ako at kaya kong maging payapa. 

hindi na ako passionate.

pero lilikha pa rin ako nang mga bagay nang mas mabilis, nang mapagpatawad sa sarili, nang walang silbatong pagpupulis, susulat, didikit, guguhit sana, sasayaw kahit mag-isa, mas hindi ko na hinahanap 

ang pagpapalaki ng liyab 
sa dibdib kundi sa lawig 
ng pahingahang lilim 


Thursday, September 1, 2022

struggle for space.subd.1.4

nag-update ako kanina ng palit-bahay fundraising program, isang excel sheet ng financial targets, tracker at strategy natin paano magtitipid, kikita ng coins, at makaka-avail ng bahay sa subidivision. naglagay ako ng monthly dues na 5K para lang kunwari nagbabayad na ako ng mortgage pero sa stocks pa pumapasok para lang masanay ako at tada 3 months na ako lagging behind that target. tipid na tipid na ko. 2 months lang pala na hindi kumita ng pera at mahihirapan na ko to recover. hindi pala talaga kaya, never enough! sinubukan kong i-project ang income ko until December (kunwari walang life emergencies) hindi aabot sa target ko para makapag-down kunwari ng bahay. mabuti na lang din hindi muna ako kumuha ng bahay. good decision ako ron. pero maygad para need ko na talaga mag-lotto, mage-gets mo rin talaga bakit sumusugal ang mga tao on the hope to beat their projected realities. pagbabaka sakali. tinitingnan ko ang kapatid kong may limang anak, walang inaalala sa buhay ni pag-iisip kung paano itataas ang sweldo sa trabaho walang excel-excel sheet. 

naalala ni Mama ang mga tagaferocaril, hindi na raw gumitaw simula noong eleksyon kahit na panay ang daan ng tren. gagawi palang istasyon ang bahagi ng lugar namin sa Sitio Guinting. 

sabi ko kay Mama, maghotel kami lahat for a night. "para takasan ang buhay sa Guinting for a night?" sabi ni Mama. binanggit ko kay Mama ang pool na pwedeng maglangoy ang pamangkids, baka may discount si Rr sa PWD card, masarap na complementary breakfast. " tapos pag-uwi natin, wala tayong gasul? wala tayong isasaing? balik tayo sa tuyo? at nagbaybay pa s'ya ng maraming kailangan tapos binuksan ang sobre ng Meralco, bayaran mo na lang 'to 450 pesos lang 'yan.

'anla, wala akong pera!'

Wednesday, August 31, 2022

tawid

parang itinatawid ko lang lahat ng mga araw. umuwi na ako sa'min. i think tapos na uli yung mga season na gigising ako ng umaga na may almusal na at babati sakin si Tita Malou. hindi na rin ako nakakasulat, hindi dahil magulo yung lugar kundi dahil sobrang kumportable ko na. hindi talaga ako pwedeng magsulat lang sa maayos na lugar o may nakalaang oras. kailangan talaga panakaw, patago, paagaw. nagpapasalamat ako sa masasarap na luto nina Tita Malou, sa conducive for yoga na lugar ni Rabin, sa mga nasulat at hindi natanggap na works at mga accepted works na naisulat ko sa Berinayan. 

naitawid ko naman ang maluhong pagsusulat. araw-araw na uli akong kakayod sa work, pipila sa dyip kapag paopisina, manonood ng online series kapag hindi mag-oopisina, magkukumahog sa zoom meeting kasi napuyat sa kakanood ng series, tapos malulungkot sa mga dumadaang tula na hindi nauupuan at magbibilang ng mga sana ganito ang ginagawa ko at hindi nagta-tally ng mga resibo. 

pero mahalagang mag-ipon ng pera para sa future na pakiramdam ko may mga susulatin na uli ako o may kailangang-kailangang tumigil para magsulat, may panggastos nga ako. popondohan ko ang sariling residency, para kahit wala akong magawa, eh okay lang kasi ako naman nga ang gumastos. naitawid ko naman, may mga naisulat ako na masaya ako at dapat i-celebrate. hindi na ko nakakapag-celebrate kapag napa-publish or what kasi nga nakatingin na agad ako sa hala parang iba na naman to sa previous works ko wala na akong nabuong body of work na may theme, or anong next neto, dapat ba mas malaki na ganap? puro ganang thoughts deep inside kaya parang sayang naman yung akda hindi ko naitatanghal at least on my own version of festive celebration: like talking about it to a friend or posting it on social media kahit isa lang. ayan our work Sandaang Araw ng Samut-sari will be exhibited sa Ateneo Art Gallery hanggang September 17, baka dumalaw ako to get 2 catalogs (bigyan ko si axel kasi art nya yung nasa sanaysay). huy happy na yun naitawid natin ang pandemic notes into an art gallery. (ayan ha, nag-celebrate na ko inappreciate ko na). parang gusto ko lang tingnan on a gallery tapos mag-iiyak ako ron mag-isa. jowk.

meron ding biocultural festival ang isang youth network ng mga advocates ng biodiveristy at pulpol na pulpol ako na hindi ako alam sino bang gusto kong i-serve sa platform na yun, sarili ko ba na utang uta sa admin tasks, yung ecosystem ba na utang-uta na sa pagiging backdrop or doomsday narrative, o yung mga advocates ba na baka napapagod na ring magalit? basta ang sigurado bukas balik na ako sa pag-aasikaso ng mga admin papers para makalipad ang aming technical team. mag-aaral pa ko ng aking mga mining laws, may quiz yata eeeeeek, magtutulug-tulugan ako sa eroplano para hindi ako ma-quiz ng superiors ko.

Monday, August 29, 2022

Field Notes Pansipit I

 Bumisita kami ng Taal. 'yung bayan hindi yung lawa. Nakagaling na ako dito dati noong nilindol ang Batangas taong 2017. Nasa opisina lang ako ng dswd, nag-eencode ng mga apektadong pamilya. Coffee break sa 7-11. Balik na ulit sa opisina tapos uwi agad. Hindi ko napansin ang mga lumang bahay kahit pa nga yung malaking Basilica. Ngayon na lang.

Siguro dahil hindi na ako nagmamadali ngayon.  O siguro dahil may kaibigan na ako ngayon na nasa conservation work ng mga pamanang kultural. O nakasinghot na ako ng konti pang kultura. Si Archi. Axel ang naging tour guide namin. Naging kaklase ko sya sa isang workshop na may cpd points ng architecture at hindi ko rin alam kung anong ginagawa ko sa workshop na yun. Kapag tinatawag kaming Taal, pareho kaming lumilingon, "Which Taal? 'yung heritage town o yung protected area?" Pareho ng edad, magkaibang mga pangangalaga, at magkadugsong ang mga kasaysayan.

Dumadaan sa bayan ng Taal, 'yung ilog ng Pansipit na bukod tanging labasan ng tubig mula sa lawa ng Taal papunta sa look ng Balayan. Kaya din namin binisita ni Ms. Jane ang Pansipit dahil ito lang ang daanan ng mga isda mula sa tubig-alat papuntang Tabang. Naiga ang malaking bahagi ng Pansipit "nauhaw po ang bulkang Taal" sabi ng naglalarong batang tinanong ko. Nalalakaran ko na ang dating ilog, sanaw-sanaw na lang ang tubig. Mababaw na yung dating halos ampos tao. Puwedeng umangat ang bayan ng Taal o bumaba ang bayan ng Lemery kaya nawalan ng tubig. 

May mga nahuhuling tilapia at dugong sa ilog. Nakita rin namin na maraming kanal mula sa Caysasay at Lemery ay tumatalon sa Pansipit. May mga kabahayan din na deretso ang depostio sa ilog. Malulusog ang mga water lily. May mga napalipat nang residente ng mismong ilog at may mga pag-uusap naman na ililipat rin yung ilang naninirahan pa.

Isa sa mga lumang bahay na malapit lang sa Pansipit ay ang Casa Tirtuga, ayon sa sabi ay sa bahaging ito ng ilog pumapanhik ang mga pawikan para mangitlog. Kaya may mga bahay ng pawikan sa loob ng Casa Turtuga. Marami rin sa loob ng bahay na mga lumang gamit na hindi naman galing sa Taal ayon kay Axel. Sementado na ngayon 'yung malaking bahagi ng gilid ng Pansipit. 


notes on Pansipit walk 2021

Tuesday, August 23, 2022

peste

Pagkatapos ng paraket-raket at walang regular na trabaho simula pandemya ay balik regular na trabaho ako. Regular as in araw-araw pero kontraktwal pa rin -proj based. Di ko naman kailangang araw-araw na sumulpot sa trabaho, dalawang beses lang in a month. Kaya siguro kada punta ko ng uplb (elbi) pagoda ako. Gutom ako lagi pagkababa ng dyip. 

Isa na sigurong pinaka masarap na kain ko ay isang maulang gabi na galing sa serye ng meeting na pwede naman sanang email na lang lahat. Binaon ko pauwi yung bulgogi at orange na rice na food during the meeting. Umorder lang ako ng kape at ube-keso pandesal sa 7-Eleven para makakain doon. Paparating na si bagyong Florita at wala ngang pasok sana kaso nasa elbi na ko eh. Pagsubo ko, ang sarap-sarap, siguro dahil pagod ako buti na lang din isinama ko rito yung rice ng boss ko na ibinawas nya sa servings nya. Tapos, lagok ng kape. Nakikinig ako sa kung anong podcast kahit wala akong naiintindihan na, maulan sa labas. 

May kumalabit sakin. Alis ako ng earphones. May pinaliwanag. Balik uli ako earphones, tapos subo uli. Ang sarap talaga ng baka at omellete yata na kalamares. Kulbit uli si Kuya, may mga nakatingin na maraming lalaki sa'kin. Paliwanag uli s'ya. Magbobomba sila ng peste at lalabas silang lahat. Suot uli ako ng earphones, subo ng isa. Saka ko lang naproseso. Tanggal uli ako earphones at lumingon kay kuya, "kailangan ko na bang lumabas ngayon?" Humingi ng despensa dahil gabi na rin at babagyo pa. Wala pa ko sa kalahati ng take out kong hapunan nang palabasin ako dahil sa mga peste. Wala man lang warning sign na no-store hours from this time to that time. Peste, sarap-sarap ng kain ko e. 

Bare minimum na lang ako sa trabaho ngayon. Di dahil di ako passionate or wala akong gana. Napapagod pa rin naman ako sa mga meetings at learning curve ko pa rin naman. Gusto ko lang tipirin ang energy ko ngayon at 'wag itaya lahat sa nagpapasweldong institusyon. Sideline ko lang ang dayjob ko now. Marami pa akong ibang buhay na ilaglag o alagaan man ng institusyon, hindi na ako hindi ako plakda. May iba pa kong advocacies na sinusutentuhan ng sweldo ko sa dayjob at rakets.

Aabot naman siguro ako sa bahay. Paghahatian pa namin ang mga koreanong ulam. Next time, magdadala na ako ng ziplock para iuwi ang mas maraming di ginagalaw na pagkain mula sa opisina. Ang bago kong advoacy: zero food waste at tipid-pasalubong-tito gang.


Monday, August 22, 2022

pamangkids back-to-school

balik eskwela na ang mga pamangkids sa kabila ng kawalan ng bagong bag. hindi naman masyadong issue ang bagong bag kasi galing sa pandemya at modular na klase na hindi nagba-bag talaga.  nagreklamo pa si Top-top sa kanyang anime-designed na pencil case na may built-in pantasa, "ang bigat na  nga ng bag ko, wala pang libro." Noong panahon namin kapag may two layered kang pencil case nakakariwasa ka na sa buhay. Excited sina Ten-ten at Puti kakabukas-sara ng bag nila bago pumasok. Kinaumagahan ay may sipon kaya hindi muna pwedeng pumasok. Unang test ni top-top, wala syang yellow paper at namburaot na agad sa kaklase sa first day of school. Hindi rin n'ya kinakain ang maluto at mga baong pagkain. Maghapong di kumakain ng recess at lunch. ayaw magsabi kung bakit. ilang araw pa ang nakalipas na magsabi na may nambubully sa kanya. nakailang palit ng face mask dahil nilalagot ng kaklase. ayaw naman nyang patulan. bilang tito na dating kawani ng DSWD, sabi ko ay sapakin mo agad hindi mo naman pupuruhan papalag ka lang. kesa araw-arawin ka, bigyan mo ng isang malakas. may itinulak nga raw yung bully na isang kaklase at todo himas so hilot ang teacher sa likod kasi hindi humihinga ang itinulak. nang kantiin uli s'ya ng bully, ipinagtanggol sya ng nagbigay sa kanya ng pad paper, silang dalawa tuloy ang napagalitan ng teacher at parent needed. si top-top ay hindi deretso uwi lang at di na naabala. nakailang kaso na agad ng pagiging bayolente ang bully isang linggo pa lang, ang naisip agad ni Mama, bilang nasa sektor ng may kapansanan, ay baka kailangang ma-assess ni Mam Chona ang bata (sa Special Education). bilang tito na dating kawani ng DSWD, binabawi ko na, wag mo nang pektusan, umiwas ka na lang muna habang inaayos pa ang kaso. focus ka na lang muna kung ang kamote ba ay "camote or kamote"?

Sunday, August 21, 2022

riles 12

kada umuugong ngayon 'yung tren, kaagad ay palaging hahanapin ang mga bata. palaging sinasabihan na manood lang at wag palaging tumakbo palapit sa rumaragasang mga bagon. ganun din naman kami dati, kada dadaan ang tren, tatakbo sa may riles at papanoorin ang tren na parang laging bago. may mga paliwanagan pa sa mga bata na kahit makita ka ng tren sa riles ay hindi yan hihinto dahil daanan n'ya yan at nakikitira lang kami. kahit ngayon lang uli dumaan ang tren, "kanya" ang riles at nakamungot na pinapakinggan ng mga bata ang paliwanag. nireport naman ni Ten-ten kay Mama na bago ang mga bagon. iba sa nakita na nya.

hindi ugong ng tren ang gumising sakin kaninang umaga kundi mga pukpok ng martilyo. nakakabit na ng dalawang bagong pinto (na galing sa pinagsesekyuang bangko) sa bahay ang anluwage. naghagilap ako ng pandagdag dahil mukhang pansigarilyo lang uli ang iniabot ni Papa.

Saturday, August 13, 2022

espasyo

 Ok. 


Kinakabahan ako. 'yung kaba na alam mong papalpak ka. E mahal pa naman pumalpak. 'yung kaba na di mo alam paano magsisimula dahil alam mo rin namang papalpak at ayaw mong malugi sa panahon pa ng krisis talaga. 

Ok. Okatokat. Magbubukas kasi ng book shop. Kung second hand, brand new, rentals, o reading nook, hindi pa namin alam. Okatokat, book shop talaga sa panahong nagsisipagsara ang mga branches kahit nga sa imperyo ng book store. Kultu-kultura talaga ang papangahasan sa panahon ng krisis. 

Malulugi ako for sure. Palagi akong pamigay - dswd ako. Ayokong tumanggap ng pera sa tao. Ano namang palitan ang magaganap sa espasyo? Ilang palitan ang magaganap para makabayad kami ng renta 13,000 plus kuryente 2,000 plus may mga gamit pa na kailangang bilhin. Magpapasweldo ng tao, ako kaya susuweldo o mapapagod lang. If mapagod lang, anong maipupundar ko sa pag-aabyad ng espasyo? Anong currency o ibang anyo ng ganansya ang makukulimbat ko sa pag-okupa sa espasyo.

Nag-brainstorm kami ni Ipat sa furnitures na binili n'ya from Cebu. If gusto ko raw, dalhin ko sa space 'yung mga rattan na furniture. Cozy naman pero baka 'yun na lang 'yung nailaman sa space. Umupo ako sa malambot na sofa tapos kinuwento ko 'yung nabasa ko tungkol sa isang diwata na piniling maging shop owner sa Makiling at magkaroon ng mga problema ng mga mortal. Pangarap kong maging maliit na shop owner or taga-bantay sa tindahan, magkaroon ng suki at maging manininda. "Maayos naman yung buhay ko, at least ngayon may pinoproblema na ko," sabi ko kay Ipat habang nakakuyumos na ng higa sa malambot na unan ng upuang rattan.

hindi ko pa alam. sobrang gusto ko lang tumalon pero nanghihinayang ako sa pera kasi. haha


Wednesday, August 10, 2022

Zelda & Chill.


isang maulang hapon
gaya lang nang sanlibo
na maalimuom na hapon

nakabulumbon sa lamesa
gamit na face mask, mga libro,
journal, dalawang basong walang laman,
mga guyam, bolpeng di kanya ang takip
Nintendo na naka-pause ang buong Hyrule
ilang araw nang bangkay ang cellphone
                                                                                        (hindi naman huminto ang ulan)


bumagal ang daigdig.                                                 (oo, bumagal)    
tumutugtog ang Ben&Ben
nangalay ang leeg, sumandal
itinaas ang mga paa                                                   
                                                                                        Palangit.
                                                        








#

Setyembre 19, 2020



Friday, August 5, 2022

riles 11

hindi pa pala tapos yung usap tungkol riles.

umatras na nga ang Tsina sa pagpapautang pero tinitingnan namang balikan ang Japan dahil sa mas maliit naman talaga ang patubo nitong interes. mga babaeng senador ang bumuklat sa mas murang option, mas praktikal talaga ang mga nanay lalo na't panahon ng krisis. tapos na yung terrace namin kahit di pa pulido. nakapalit na rin kami ng ilang pirasong yero na bubong. maya-maya kapag tag-ulan na, burado na naman ang sticker ng survey ng perokaril. 

may dumadaan-daan din namang tren. may pailan-ilang sakay. ewan kung makakatuloy 'to in terms of kita, kung ang mga pasahero laang ay 50 pesos mula SPC-Lucena at hindi idederetso yung Maynila-Bikol. excited na rin naman sina Mama, Uwe at Top-top na sumakay ng tren. mas concern nila yung hagdan paakyat-pasakay ng tren. Akala nila may platform or at the very least may de-tiklop na hagdan sa tren tapos bababa yun kapag sasakay ka na. PERO may nakaumang daw na dalawang hakbang na hagdan paakyat sa buntot ng tren na tumigil sa may crossing. walang platform, walang collapsible na hagdan. ang baduy, sabi nina Mama pero kailan daw kaya kami makakasakay?

parang okay na rin na magpautang ng riles ang Tsina kesa dal'hin nila 'yung pera nila sa paglalayag paligid-ligid sa Taiwan. 


Friday, July 29, 2022

Notes fr. Sa Ngalan ng Lawa Incubation

[notes on fellowship in Benilde 2020]

a rapid thinking on examining core values. parang fast talk. 

  
What  do  you  get  from  doing  what  you  do?
Ano nga ba? Parang wala masyado. Sumusweldo naman ako ng kinsenas-katapusan (2018-2019)


Gusto kong ilista lahat ng pakinabang sa pagtatrabaho tungkol sa komunidad at samu't saring-buhay bukod sa suweldo. Pero hindi nga rin ako sinuswelduhan para sa trabahong 'yun e, ni wala kayang biodiversity program ang mini environmental non-profit namin noon. Ako lang 'tong mga may mga paandar. O, anong nakuha ko? Wala rin. haha.
Sa tingin ko 'yung sense na "putik, bakit walang nag-uusap o nagtatrabaho tungkol sa ganitong bagay?" 'yung isa sa mga nakukuha ko. Umaalingawngaw sa'kin 'yung mga "salamat ser, wala na kaming nakakausap na ganyang edad tungkol sa lawa". Tapos, magiliw kang aalukin ng mga tao ng kape o papadalahan ng tuyo, kahit na pakiramdam ko wala naman akong nabago sa mga problema at hinimay ko lang 'yung mga implikasyon ng mga bagay-bagay.

What  do  you  mean  by  that? 
'yung sense na mahalaga 'yung ginagawa mo, na mahalaga 'yung ikinagabi mo ng uwi o iginising mo nang madaling araw. 

What  is  the  personal  thing  you  get  out  of  it? 
Bukod sa suweldo? You get to eat and throw jokes with the people  who share the environmental struggles/challenges that you have, pero ikaw sinuswelduhan to work on those. Pressure, lalo na kapag pinapadalahan ka ng pagkain o kaya ihahatid hanggang sa labasan ng baranggay, pakiramdam ko lagi bukod sa gestures ng pasasalamat, ambag din nila 'yun sa vision at ituloy ang mga tinatrabaho. 

Is  there  something  else  you  get  out  of  it? 
Huyy, may mga oportunidad din akong magsalita sa mga nasa kapangyarihan! Kahit nagba-buckle ako minsan dahil hindi ko sure kung saang provisions 'yun ng batas. Kahit nakakatakot magtanong minsan o sumingit sa usapan ng matatanda o kahit na ba harap-harapang nagbubulungan ang mga tao habang nagsasalita ka. I enjoyed those scary moments.

Why  are  those  things  important  to  you?

'yung suweldo, obvs, 'yun 'yung bumubuhay sa'kin.
Pero 'yung mga hindi-perang pakinabang, kasama na 'yung lahat ng kulay ng pakiramdam, sa tingin ko dahil mas nagiging tao ako? Mas nagiging bulnerable, mas naiintindihan ko 'yung tinatrabaho ko, yung mga katrabaho ko. Hindi naman sa gusto kong magpakahirap sa buhay, it's just that sa'tin wala masyadong pera on biodiveristy work at hindi rin talaga ako entrepreneur at sigurado ako ron. Tipong alam ko kung paano mabuhay ng sakto lang o kinakapos at sobrang luho na 'yung kumonsumo ng/magbigay ng panahon sa kaunting kultura o sining. Maluho na ang magbigay ng oras sa siyensya. At palagiang naghahangad ng pagiging "maigi". 


6a.  Why  is  that  important  to  you?


Unang job ko 'yung nag-expose ng mahalaga para sa'kin mas maging tao. First ko, editorial staff ako sa isang publishing corp sa Maynila. Tapos, ayun inip na inip ako sa cubicle ko. Walang katsismisan. Walang naninira sayo. Boring kasi ang bilis lang ma-deliver ng mga bagay-bagay. Nakakasalimuha lang ako ng tao kapag may beat, nararamdaman ko pa na nag-iiba ang turing sa'kin kapag nalalaman kung saang paper ako galing. Biglang mas naginging warm 'yung pag-usher, o kaya bigla akong oofferan ng work sa company nila. Tas, parang bakit ganun? Bakit naka-depende sa affiliations ko? So, mga sumunod kong trabaho lahat sa labas na ng Maynila at malayo na sa PR-like works! (like Makati lang pala, hahaha) O mga losers lang talaga yung mga nakakausap ko sa events? hahaha


Big deal talaga sa'kin ang pagiging tao bago ang pag-unlad sa anumang larangan.


6b.  Why  is  that  important  to  you?


Kapag nasa ganitong linya ka ng trabaho, mahalaga 'yung laging may feeling of amusement. Laging bumabalik 'yung batang nanonood ng Sineskuwela sa loob ko. Woooooow, kaya pala ng species na 'yan ng ganito? Woooooow kaya nilang magbalanse ng sex ratio nang walang population control program? Ikamamatay ko yata ang trabahong hindi ako pamamaghain on a regular basis. 


6c.  And  why  is  that  so  important  to  you?

Isa s'yang bangko na puwedeng paglagakan ng mga materyal sa pagsusulat o mainam ding pagkuwentuhan sa mga barkada reunions. 
Having  those  things,  what  kind  of  world  will  that  create  for  you?


Hindi ko alam kung mananatili ako sa ganitong klaseng 'mundo', gusto ko lang talagang kalikutin 'yung intrinsic power ng komunidad, ng pagsasama-sama, ng mga ugnayang panlipunan (Mam Galela, I miss you for this term); so baka kapag nagawa ko na 'yung trabahong gusto kong trabahuhin rito, mag-uumpisa na uli ako sa ibang mga komunidad pero ito yung mundong puwedeng kong uwian at magpahinga.


What  kind  of  a  world  will  that  create  for  others? 


Masyadong matapang 'yung salitang world-creation haha, diyos ka ba?! Gusto ko lang magbigay ng ibang lente, maghain ng ibang pagtingin o magpalawak/magpalaki ng pagtingin ng komunidad sa kanyang paligid. Tapos, tingnan natin anong susunod matapos tingnan ang paligid sa iba-ibang anggulo. 


Would  that  make  you  fulfilled? 

Sa tingin ko naman.


Close  your  eyes  and  imagine  what  that  world  would  look  like. Is  that  world  inspiring  to  you?  Why? Do  you  think  it  is  inspiring  to  others?  


Isang daigdig na hindi lang umiikot sa konsepto ng pagkakaroon kundi sa pagiging. 


Why? Write  in  one  short  sentence  what  that  world  looks  like. These  questions  are  meant  to  provoke  and  clarify  your  Purpose.  


Now  finally,  take a  stab  at  writing  down  a  sentence  or  two  about  what  your  Purpose  might  be. Wonderful!  You  should  now  have  discovered  or  moved  closer  to  your  Purpose  and  a picture  of  the  Future  you  want  to  create!
So anong silbi ko? 
Gumawa ng mga huntahan at mag-udyok ng iba't ibang pagtingin, iba-ibang pagsilip.

Who are you and what drives you?
I'm a community worker and learning drives me.
Kung saan ako papunta, I think I'm on indefinitie recess (regarding my Sa Ngalan ng Lawa Initiative) but doing some small steps of connecting to stakeholders and looking out for resources. Medyo malabo pa kung anong future eh, pero tinitingnan ko 'yung malapit na bukas na puwede na uli akong magpalaboy-laboy sa tabing-lawa. Kung sa malayong hinaharap, nakatanaw ako sa komunidad na sensitibo sa samu't saring-buhay na nakapaligid sa kanila at nakikita ang kahalagahan ng lawa liban sa pinagkukunang kabuhayan. 


Values: Bukod sa mahalaga para sa'kin ang anumang uri ng buhay, mahalaga rin para sa'kin ang pagiging samu't sari in different levels.


============================================================================
This  second  Retreat  is  about  identifying  the  NEED  that  is  specific  to  you.  Do  your  best to  answer  as  specifically  and  concisely  as  you  can.  The  more  clear  you  are,  the  easier  it will  be  to  identify  the  NEED  that  is  unique  to  you.  Please  write  answers  to  the  question until  you  can’t  answer  any  more.

Out  of  all  the  things  that  keep  you  busy  or  you  are  working  on,  which  project   are  you  the  most  passionate  about?

Ha? Bakit alam n'yo na may mga niluluto ako/kaming projects? Pinilit ko namang maging bare minimalist, kaya lang talagang ang lakas ng hatak ng gumawa ng iba-iba nang sabay-sabay. Okay, wala akong listahan, dapat siguro nililista ko nga 'yung mga delivered, incubation, at on-going projects. Sa ngayon ha, pinaka passionate ako sa mga initiatives na tungkol sa Lawa.

Why  is  that  important  to  you?

Walang ibang tatrabaho neto, ako lang. haha. Ako nga lang din yata talaga ang may trip neto. Pero pake nila, basta, gawin natin. Naisip ko na e. Pero feeling ko nanggagaling ako doon sa panahon na itinagal ako sa Lawa ng Taal pero wala akong best practice pa na puwede kong sabihing "ayan, okay na ko rito, lilipat na ko", o iba 'yung galawan sa lawa kaysa sa ibang mga projects na hinawakan ko. 'yung complexity ng factors, pakiramdam ko nakakagaling. hahaha.

What  parts  of  this  project  do  you  enjoy  the  most?

Gusto ko 'yung pagpaplano, lahat lang muna sa papel, kunwari lahat ng isusulat ko 'yun yung magaganap. Pero gusto ko lagi 'yung kumakausap na ng stakeholders, lakas makaubos ng energy pero fulfilling kapag nag-eexpress sila ng support. Kapag nakikita ko ring "natatanga" o namamangha sa observations nila 'yung mga tinuruan ko, parang yey bata tayong muli.

What  has  been  the  most  fun  part  of  the  project  from  its  start  until  now

Kanselado e. Iniisip ko pa nga kung paano itutuloy dahil (1) wala na kong organization, (2) wala na ring presence 'yung organization sa Lawa, (3) ang layo ko sa Lawa ngayon (4) may pandemya. Sa tingin ko, wala pa 'yung pinaka masayang bahagi nung project. Ang layo pa. Sa tingin ko ang pinaka nakakatuwa, may mga lumalapit sa'kin na mga tao na gustong mag-ambag sa layunin ng Sa Ngalan ng Lawa.

What  do  you  get  out  of  the  project  personally?

Gastos haha. Dami ko gastos sa hike at meetings ha. Wala kasing project funds ito sa org ko dati at gusto ko lang so, ginagastusan ko. Naisip ko eh, pinag-isipan ko naman, so gagastusan ko. Hindi naman ako masaya lagi. Kahit naman matapos ko 'yung project, feeling ko hindi pa rin ako fulfillment. haha. Basta dadaanan ko lang yung proseso, magdocument ng dinaanang proseso, mag-theorize ng experience, pagkuwentuhan ang ginagawa, okay na ko ron sa ganong form ng pakinabang.

5a.  What  else  do  you  get  out  of  the  project  personally?

Sense of accomplishment (kahit hindi pa man natatapos) kasi tatapusin ko talaga s'ya sa kahit na anong paraan.

5b.  Anything  else  you  get  out  of  the  project  personally?

Ay wait, sa tingin ko na-brand din ako sa biodiversity work which is hindi ko sigurado kung advantegous ba s'ya o hindi, kasi may dagdag kang trabaho, to comment on the ASEAN youth position on 2020-2050 UN Biodiversity targets at hiningian ng ambag sa literature ng peatland anthology na isasama sa policy na ilo-lobby sa EU Parliament on Common Agricultural Policy. Wala namang bayad 'yang mga ganyang ganap pero ewan there's something inside na "sige na gawin mo na rin". Naalala ko 'yung remark ng katrabaho ko dati nang higitin n'ya ko sa isang special assignment: "Di ba yan 'yung gusto mo, na kung aabalahin ka rin lang, e mapakinabangan ka na rin". Natawa ako noon kasi never ko namang vinerbalize 'yun sa kanila. 'yung feeling yata na "I'm needed".

What  do  you  hope  other  people  will  get  out  of  the  project  personally?

Ma-enjoy nila? Or kung sa community organizing terms e i-treat nila 'yung participation sa project as positive experience.

6a.  What  else  would  you  like  them  to  get  out  of  the  project?

New perspectives sa kanilang paligid, na hey may ibang buhay pa bukod sa kagaya mo pero ayokong sabihin 'yun haha.

6b.  What  else  do  you  want  them  to  get  personally?

'yung tumigil sila sa normalidad ng buhay para lang magmasid at magandahan sana sila.

6c.  What  is  the  most  important  thing  you  want  them  to  get  out  of  the project  personally?

Na bahagi sila ng mas malaking bagay o kung maisip nilang bahagi sila ng mas malawak na ugnayan ng mga buhay, aba, ROI na 'yun! Pero kahit na may mga sarili akong gustos sa intensyon ng Sa Ngalan ng Lawa, gusto ko pa ring bigyan ng espasyo 'yung indibidwal para pulutin ang gusto n'yang pulutin. haha.

What  was  a  project  you’ve  completed  in  the  past  year  that  you  were  passionate about?

Ahhh di pa naman complete pero di ko rin alam kelan masasabing complete eh. Project Gifted has been running for 2 years, weekend violin class sya for 15 children from poor household. Di ko nga rin sure hanggang kelan 'yun dahil magdodoktor na yung teacher namen. huhu.

Why  were  you  passionate  about  it?

Huyy mej bad pero parang experimental community work ito e. Nakahanap din naman kami ng mga willing na magulang to enrol their kids. Gusto ko lang din tingnan 'yung kapangyarihan ng access to classical music sa child / personality development and also sa community they are in. T'saka parang ano na rin, democratizing classical music, basagin na pang mayaman lang ang mag-aral ng music.

What  were  you  doing  that  you  enjoyed  the  most  in  that  project?

Though hindi pa man ganun ka komplikado yung piyesa na tinutugtog nila, kahit nga twinkle twinkle variations lang, ROI ko na yun. hahahah

What  did  you  get  from  the  project  personally?

Gastos lang din. hahaha. I've proved na pwede akong mag-community work kahit hindi milyong piso 'yung project cost.

What did you want other people to get from it personally?

Ahhh siguro 'yung more than the discipline, 'yung appreciation, improved self-esteem kung di man posture. T'saka I think it's luxurious for poor communities to give time for classical music. Parang, hey mahirap kami pero puwede rin namang may kultura kami. [Hindi sa sinasabi kong wala kang kultura  kung hindi ka nagka-classical music, hindi 'yung genre yung issue dito, 'yung access]. Di ba 'yung mga ano, mga dancers, wala namang pormal na community organizers marami sa mga yun eh (sayang hindi nati-theorize yung practice), pero pabalik-balik sila, kasehodang gumastos, it's a positive experience, komunidad sila e, magtitipon sila.

Did you want them to get anything else personally?

'yung lalabas sila ng komunidad na bitbit 'yung violins nila, i think sa'kin statement yun sa neighborhood hindi ng nakakaangat na social status, kundi huy puwede tayong umunlad beyond the measure of household income.

What was the most important thing people could get from it?

Sa tingin ko pinaka valid yung isasagot dito ng participants, kung bakit sila nagpapauli-uli for practice.


What are the recurring aspects you want people to get out of the projects you
work on?

"Ahhhh, puwede pala ako at puwede pala 'to" na realization ng participants. 'yung access, 'yung participation, 'yung gathering.

Take a break. Look out the window. Look at the clouds. Let your mind relax...

When you feel ready, reflect: is there something that shows up consistently in
your answers?

'yung sense of community, giving perspectives, participation, new appreciation, ganyan

What are you seeing that drives you?

That participants are amused by the things na puwede pala nilang gawin

How does that inspire you?

O em geee, mag-design pa haha. Andun na 'yung elements eh, kumbaga I just curate sa ref magnets.

Has it always driven you?

Oo nga no? Siguro ngayong ko lang inisip eh. haha

Has this been helpful to you?

Oo naman, in ways, na hindi ko rin kaya i-explain masyado.

Has this gotten you in trouble?

HAHA. *apir

Can you recognize this as your NEED?

Alin 'yung  getting into trouble? Oo. haha.
So anong NEED ko? 'yung palagiang organizing? curating of ref magnets? Or people amused by the discovery that they could do things? Hindi kasi necessarily people learning things e, kasi minsan alam naman na nila yung mga bagay-bagay. Hindi 'yung learning experience ang kinokonsumo ko bilang community spirit monster, ay yung positive experience ng komunidad.


The objective is here for you to really get connected to your NEED. Therefore you need to generate scenarios where the NEED has gotten you in trouble and generate
scenarios where the NEED has been helpful to you. Do this until you feel satisfied that you have arrived at identifying your NEED.

Values: Wonder, Harmony, Beauty, Community

Play & Explore need ni Jord. Creativity.


maayos 'yung buhay ko

unti-unti kong naayos yung buhay ko. hindi naman s'ya kaguluhan, pero alam ko medyo makalat. ang daming plano, mga screenshots at bookmark pages na mga babalikan, mga to-do list sa resibo, mga resibo need i-liquidate at mga report sa project sa pag-aadvocacy, mga iniipon na submission deadlines na ang daming hindi naman napapasahan. kung ano lang ang makayang sulatin. ang daming PDFs na dinownload pero hindi naman binasa, nabasa ko 'yung mga sa tingin ko dapat kong pasadahan. nakapag-asikaso ng rekusitos sa isang full time day job. hindi ko kailangang magkumahog sa araw-araw. paggising ko aalukin ako ng palangiting si Tita Malou ng almusal. tinatanong ako sa trabaho kung anong gusto kong gawin, binigyan ako ng room to play ng supervisor. lumaki mata ko nun, kasi parang bakit n'yo ko pinadisenyo ng buhay ko sa organisasyon. anong ginawa ko at pakiramdam ko ang bait ng diyos, mga diwata, mga musa, at mga bituin sa'kin. ilang resibo na lang yung aayusin ko. 

medyo nakakatakot din kasi parang pakiramdam ko peace before the storm ito, haha tipong hahagupitin ako ng isang malaking problema parang palaging hindi ko deserve ng maayos na buhay pero sinusubukan ko namang tanggapin na hala baka nagbubunga naman yung mga desisyon ko in the past. baka this time, pwede na talaga akong magkaron ng fair, makatao, competitive na career at medyo kinakabahan din ako na hala ang convenient baka careerin ko na 'to talaga, nakakatakot pala na baka malapit na kong matali (hindi roped/chained kundi to settle). baka sa pagkakataong 'to, ako naman. sabi ko nga kay Tita Cars, mag-charity work kaya tayo or magsimba, nag-iisip tuloy ako ngayon ng paano ba ang gesture na magpasalamat 'yung hindi convenient na pipikit ka lang o titingala sa langit and say thank u: gusto kong gumalaw. maayos yung buhay ko. bat pakiramdam ko mamatay na ko haha ang daya no hindi ako sanay. 

nag-iingat din naman ako ngayon, sa bawat hinahawakan dapat iniisip ko na kung saan ko sya ipapatas, kailan s'ya bibitawan, bago hawakan, may paglalagyan ba ko rito? maasikaso ko ba tong kakaangan kong 'to? may say ba ko rito, kung wala naman akong say, edi ibaling na agad ang tingin sa ibang bagay. halos every 2 weeks, tinitingnan ko ang mga gamit ko kung nag-accumulate na ba agad ako ng clutter or data, napansin ko kasi may pagka-hoarder din ako ng mga 'materials' na babalikan ko para gawan ng kung anumang writings hanggang di ko na maalala kung ano ba yung susulatin ko sa screenshot na 'to hanggang matambadakan ako ng gigabytes-bytes ng data na dapat "trabahuhin".  ngayon kung hindi ko kayang sulatan kahit ng draft lang in a week, tapon, delete, hindi naman nakukulong ang musa sa mga digital notes/items o mga resibo kung gusto namang bumalik ng musa babalik yun. ayoko na mag-ipon ng junkshop ng mga sa tingin ko'y may potensyal na maging tula o sanaysay. nakakaabot naman ako sa mga deadlines ngayon. ayoko nang gumising araw-araw na parang laging may listahan ng gagawin. gusto ko na lang maging maayos ang buhay ko. 

maayos ang buhay ko. nasa Coffeebean lang ako ngayon at gamit ko pa rin ang lifetime card na na-acquire ko pa noong 2016 para magtrabaho ng kaunti; gumagayat ng carrot cake at lasang sunog na asukal na bagong drink at nakikinig sa megaremix ng Abba. hinihintay ko si Ms. Ann na sunduin ako, may permaculture class kami sa family farm nila. nakatulala lang ako sa maluwag na daloy ng trapiko sa Jose P. Laurel highway ngayong Biyernes ng hapon. my heart is full, chekka nakakayaman yung statement na yun pero seryoso punumpuno yung puso ko sa pagkakaupo kong nakadekwatro sa sinakop kong pang-apatan na mesa. 


Sunday, July 24, 2022

struggle for space.subd.1.3

nood ako ng isang ads ng isang luxury real estate sa Lipa na bubuuin pa lang. lalong hindi ko naman kakayanin ang monthly mortgage neto, iniisip ko pa lang kung anong klaseng pagsisisrko ang gagawin ko para lang makahulog buwan-buwan. pinanood ko lang. mabagal at malumanay ang pagkukuwento tungkol sa rangya ng puwang, may babaeng nagbabasa sa estetik na kayumanggi na motif na kwarto. satin ang pajama ni ate, earthy colors lahat kumpara sa middle class na housing na masigla ang tunog at makulay ang brand. sunod ay ang rangya ng oras, may babae namang nasa kusina na nagluluto na ang suot ay parang mag-oopisina sa BGC, rangya talaga. kitang kita pa ang kulay ginto na hikaw habang akmang titikman ang sandok. sunod na slide ay rangya ng buhay na mainam (well-lived) hindi ko alam ba't ang dating nito ay himlayan sa'kin pero tungkol ito sa mga espasyo na luntian sa paligid ng properties. ikinakabit pala natin ang lunti sa rangya at marangya na alng ba ang paligid na luntian o baka ang ibig sabihin ay kahit malapit ka sa siyudad ay maraming luntian sa paligid ng properties namin. sana idisenyo na lang ang pag-unlad ng syudad na lunti para may akses lahat. di yang nasa loob ng de bakod na komunidad lang. may lounge, pet park, tennis court at club house na ang paligid ay berdeng mga halamang galing sa abroad. maganda naman kung sa maganda. dumadami na ang house developers sa paligid sa probinsya, umuunlad na nga  siguro tayo. hindi pa nga lang kayang bumili ng bahay.

Friday, July 15, 2022

riles10

 Pababa na ang pangulo, isang araw na lang. Bagong mukha ng pamahalaan na ulit sa isang araw. Isa sa mga huling seremonyas ng pnagulo ay ang inagurasyon ng pagbubukas ng riles ng tren na byaheng San Pablo- Lucena. Literal at metaporikal na nanginginig ang aming bahay kada dadaan ang tren. Pagkauwi ko ay excited na binalita ni Mama na may terrace na kami at ang harapan ng bahay ay sementado na. Kahit sira-sirang plywood lang ang gilid na ding-ding nito. Ilang takbo rin ni Papa ng referee 'yun. Kung kailan napatanggal sa pagiging sekyu dahil may edad na at hindi na matagalan ang erkon sa bangko; saka nagpasemento ng bahay. Kung kelan marami nang sticker ng PNR ang bahay namin dahil sa ilang beses nang assessment, saka nagpasemento ng bahay. Kahit ilang beses tinawanan ng kapit-bahay at sariling pamilya sa pagpapahakot ng buhangin mula sa ilog at inaanod din lang ng ulan dahil natetengga ang pagpapagawa, naituloy din ang pagpapasemento. Hindi naniniwalang papaalisin sa riles. Bahala na. Sa anim na taon ng administrasyon, maiksing bahagi pa lang ng riles ang Laguna at Quezon na biyahe, hindi umabot sa Bikol gaya ng nasa plano. "Pagpasenysahan n'yo na ang nakayanan namin" ang sabi ng pangulong kinabukasan ay bababa na sa puwesto. 

"DOTR Usec para sa mga Riles, iniatras na ng China ang pondo para sa tatlong mahahabang riles ng administrasyon (a. Calamba-Bicol P142B, b. Subic-Clark P51B, c. Tagum, Davao-Digos P83B)" tweet ng isang reporter ng GMA News. 


#

Wednesday, July 13, 2022

tumutula pa rin ako ng reta-retaso

2-12
katabi uli ang lawa
para magpatas ng buhay, maghintay ng hanapbuhay
para pansinin ang walang dulong dapat tapusan
sinilip ni Memeng na turuang tagak,
inakay pa raw nang nakawin sa bulkan,
kaykay nang kaykay sa wala,
tuka nang tuka sa di nakakaing tangkay
itatatas-bibitawan, kakaykay-tatakpan
araw-araw na paghahanap at pagtatakip

4-28
simula't wakas ng kontrata sa lawa
isang banayad na hapon na malapitan
nakipagsundo ng ganun-ganun lang
at sa isang mumukat-mukat na umaga
nag-alsa balutan, pinalikas, binungkal
ang mga alanganin din namang ugat 
mula sa kiming dalaw tungong bulahaw

4-16
hindi gumagalaw ang ibabaw ng lawa
parang gelating may pasas, hindi iniibo
busog yata kalululon ng mga kaluluwa
maramdaman kahit mumunting tilabsik

6-12
Nalapa si Memeng












Tuesday, July 5, 2022

Masteral 6 (Personal Statement)

Kung titingnan ‘yung mga credential at experience ko, restrictively, mas nakalinya sa social development at environment conservation. Chopsuey ang CV. Pinakbet ang experiences. Wala akong sariling libro kahit chapbook na published. Hindi ako galing sa top trifecta ng mga unibersidad sa bansa. Ang dami kong kailangang patunayan sa admission ng unibersidad sa UK kung bakit gusto kong magsulat.


Palaging sideline ang pagsusulat. 

Mag-iisang dekada na ako sa social development sector. Nakapagtrabaho sa parehong pribado at pampublikong sektor, sa lente ng community development, research, disaster response at biodiversity conservation. Ipinangamba ko rin kung bakit haluhalo ang mga naging interest kong trabahuhin. Una, limitado ang trabaho sa development sector sa probinsya kaya kukunin mo lahat ng raket na matututo ka ng iba't ibang bagay para kumita. Pangalawa, hindi ko alam na may social development sector pala na lumililim sa iba't ibang sistema at institusyong pinagtrabahuhan ko. Dati ikinababahala ko na ang chopseuy na field of expertise ko at nito na lang ako napanatag nung ma-konek da dots ang mga sari-sari.


Naging ticket ko ang pagsusulat.


Ang una kong engkwentro sa climate crisis, bukod sa mga sariling karanasan, ay ang post-Yolanda volunteer writing sa Eastern Visayas. Doon ko unang nakita ang ibig sabihin ng climate crisis labas sa mga textbook. Magkakabuhol ang pag-unlad sa kanayunan at pag-unawa sa paligid o planeta. Sa isang field assignment ko bilang isang agri journ, iniinterview ko ang isang nanay kung paano nakatulong ang produkto nila na luya at kalamansi juice sa kani-kanilang buhay. "Hindi ko na kailangang magkatulong sa Maynila kahit andito lang ako sa’min kumikita ako ng kaunti, kasama ko pa ang pamilya ko". Doon ko lalo nalaman kung sino ang gusto kong katrabaho at kausap sa pagsusulat. At hindi ko rin pala gusto sa Maynila.


Pagtatrabaho naman sa komunidad ang nagpakilala sakin ng relasyong tao-kalikasan. Nagtrabaho ako sa isang maliit na environmental non-profit sa mga komunidad sa lawa ng Taal. Mas okay sabihin na tumira ako ron; matagal. Nakipagkomunyon sa mga mangingisda at mga tawilis sa lawa. Nagpaliwanag ng nga implikasyon ng siyensya sa opisina ng pamahalaan at mga paaralan. Tila tagasalin ng teksto para sa iba-ibang tagapakinig. Kapag galing sa research isasalin sa maiintindihan ng komunidad. Kapag galing sa komunidad, isasalin sa anyo na uusad ang hinaing sa mga sistema ng pamahahala. Mas naging matalas ang sensibilidad ko rito sa galaw ng kalikasan na salik din kung paano gumagalaw ang komunidad. Pataasan ng ihi kung sinong mas makapangyarihan pagdating sa pagbabago ng kaligiran, ang mga barangay ba, ang mga businessman, ang gobyerno, ang walang humpay na paghampas ng tubig o ang bulkan.


May ilang tanong din na binuburo kung bakit may degradasyon ng ugnayang kalikasan-komunidad? Ekonomikal na mga siste lang ba ang puno’t ugat ng degredasyon? Dahil ba sa wika ng pagkatuto ng siyensya sa lawa at samut-saring buhay? Dahil sa mga ekonomikal na sistemang kinalalagyan kung paano kakain araw-araw kaya ba luho ang pagmumuni at pagtitimbang tungkol sa relasyon ng sarili, ng komunidad, ng kabuhayan sa kapaligiran? 


Sa mahabang mga taon ‘yung pagsusulat ay sideline.


Hindi masyadong cerebral ang proseso. Nagkukumahog makasali sa kontest. I lack -isms sa pagsusulat. Wala nga akong mababanggit na author sa ecoliterature. Ginagawang pampatulog. O kaya pagsusulat ang pakikipag-usap sa sarili sa mahahabang byahe sa dyip. Dokumentasyon kung ano bang ginagawa ko ngayon. Minsan, paraan ko rin ang pagsusulat para isa-teorya o sipat-sipatin ang mga karanasan sa komunidad. Sideline. Hindi career.  


Kung makapag-aral, hindi ko rin balak maging manunulat pag-uwi. Pero malinaw sakin na kahit pa ehekutibo o polisiya ang maging linya ng trabaho, malinaw kung sino ang gusto kong kausapin. Mas gawing popular ang likas-malay. Patuloy na subukang baluktutin ang wika ng pag-uusap tungkol sa biodiversity at mga ekolohikal na krisis. Buksan ang pagkilala sa kalikasan sa iba pang wika bukod sa krisis, kalamidad at pagiging ‘postcardish’. Iunat ang potensyal ng lokal na wika bilang wika ng pangangalaga ng kalikasan.


Kailangan kong mag-aral. Gaya ng dati may kutob akong kulang, kundi man sa karanasan, sa mga kasangkapan na meron ako para buoin ang mga gustong buoin.


Monday, June 27, 2022

tunganga exercise tayo today

pagkakabilis ng June, kung anong ibinagal ng May. 

umuwi lang ako sa'min tapos natulog, nagpagupit tapos bumalik uli ng Batangas, tatlong araw na agad. tapos, gumising uli ng maaga para magpunta ng travel expo. marami naman akong social energy dahil ang tagal kong nakakulong sa bahay nila. kunwariang marketing officer for a day at nag-aalok ng 40% off sa pinagtatrabahuhang resort ni Rabin. nasa 15 seconds lang spiels ko tapos ipapasa ko na s'ya sa totoong staff kapag nagtanong na about all-in, contracted prices, property management systems, etc. para lang di s'ya umalis. 'yung mga consumers pala minsan nagpapabudol, nagpapakuwento muna. iba-iba rin ang concerns gaya ng mga anak, kaya ba ng commute kasi mahal ang gasolina, pet-friendly ba, kung artista ba ang may-ari ng resort. may ilan-ilang umiiwas sa spiels pero kukuha ng room rates at pipicturan 'yung promo material tapos saka babalik. 'yung magjojowa na kasabay ko sa cafe, may deliberations, talagang isa-isang inaanalyze ang offers at kung ano ang gusto nila pareha. na-realize ko ang hirap ko pala economically na hindi ko afford mag-tavel locally lalo na sa mga jeju-jeju na yan. pero hindi naman ako nalungkot, kasi feeling ko kahit may pera ako hindi ko rin naman gagastusin sa travel at matrabaho ang mag-compute ng mga percent off at mag-isip ng pupuntahan. "yung experience kasi" marami naman ako neto sa resume. haha oh siguro dahil nasa punto lang din yung mga tao na nakauwi na sila, may maayos na silang bahay, kaya gagawa ng mga byahe para lang mas sabihing ang sarap umuwi. ako nagbubuo pa lang ng mauuwian. pakaarte ayaw na lang mamigay ng flyers. habang nasa byahe pauwi iniisip ko kung gusto ko pa bang gawin yung mga dapat gawin kaya ako nakitira kina Rabin, o kung di ko na gustong gawin ay bakit kailangan ko pa ring gawin. ilang araw na naman ng pagtakas sa mga dapat gawin. 

pagkagising ko may itlog at tinapay na sa mesa. binati na ako nina Tita Malou. puwede nang magtimpla ng kape. pansamantala ito muna ang inuuwian ko. 


Monday, June 20, 2022

Nabasa ko ang 'Nakakakita ng Dragon ang Aking Ate'

Tungkol sa Nakakita ng Dragon ang Aking Ate My Big Sister Can See Dragons


Ang My Big Sister Can See Dragons ay akda ni Rocky Sanchez Tirona at sining ni Liza Flores para sa Canvas. Sa loob ng 36 na pahina inilahad ang kuwento tungkol kay Marty, sa Ate n’ya at sa mga dragon. Tungkol ang kuwento sa kung paano, sinu-sino ang bumubuo ng mga kwento at simpleng proseso ng pagbuo ng mga katotohanan.


Nagbukas ang kuwento sa kung gaano kaliit ang tingin ni Marty sa kanyang sarili kumpara sa kanyang Ate. Kesyo mas magaling lumangoy, natatawid ang swimming pool samantalang s’ya ay nakakapit sa Mama nila. Kesyo mas mahabang mga pahinang ang nababasang mga aklat samantalang s’ya ay mga picture books lang. [Kung alam mo lang Marty pagtanda mo babalik ka uli sa picture book phase]. Mas magandang mag-drawing ng aso, alam agad kung German Shepherd o Poodle, samantalang ang sa kanyang aso ay napagkamalang hotdog. Nakalagay ang Ate sa pedestal o baka bangkito lang pala - mas mataas, mas makapangyarihan; mas magaling kaysa kay Marty. Nakatingala si Marty sa Ate.


Matitisod ang brilyante ng kwento sa isa pang kakayahan ni Ate, nakakakita si Gabby ng mga dragon! Baka hindi ka maniwala kaya sabi ni Marty sa puting pahina 12 “Totoo nga!” (It’s true!”). Minsan ituturo ng ate n’ya kung nasaan ang dragon, anong mga kulay nito at ang ‘ritwal’ o mga hakbang para makita ito. Kailangan may ‘ispesyal’ na mga mata. Nanakit na ang mga mata ni Marty kakapilit na makakita ng mga dragon at parang may kung anong puti nga s’yang naaaninag. Parang makikita na rin n’ya ang mga dragon at parang magiging ispesyal na rin si Marty. Nag-organisa pa sila ng dragon party kahit di naman n’ya nakikita talaga ang iba’t ibang dragon na sinasabi ng ate n’ya. Mga detalyeng mas nagpapabuo sa paniniwala sa galing ng Ate n’ya at sa galaw ng mga hirayang dragon. Naniniwala si Marty sa Ate n’ya, kaya naniniwala s’ya sa mga dragon. 


Hanggang sa ikinuwento ng Ate n’ya ang tungkol sa mga dragong itim. Dito na napraning si Marty. Naghalughog siya ng mga sulok-sulok para siguraduhing walang itim na dragon. Hindi makatulog si Marty dahil sa banta ng dragong itim. Nagsimula s’yang magtanong hindi kung totoo ang dragon kundi kung paano s’ya lalaban kung di naman n’ya nakikita? Hanggang lalo s’yang natakot sa mga kaluskos. Yinugyog at sinigawan na ni Marty ang ate para lang magising at isumbong ngang may dragon. Hanggang umamin na si ate na hindi naman s’ya nakakakita ng dragon “gawa-gawa ko lang”, peke, huwad, di totoo. Tinapos na ang paglalaro.


Natanggal sa bangkito ang ate. Baka hindi rin pala ispesyal ang ate. Baka kaya nya ring languyin ang swimming pool. Baka kaya ring magbasa ng mahahabang libro. At baka lang naman, baka kaya ring makakita ng mga dragon. Totoo pa rin para kay Marty ang mga dragon, di n’ya lang nakikita.


Pinakita nina Marty, Gaby at ng mga dragon ang gahiblang pagitan ng imahinasyon at katotohanan na madali lang natapilok para itawid ang ‘gawa-gawa’ sa ‘totoong-totoo’. Pinakita rin ng mga dragon ang risk o panganib ng mga laro ng imahinasyon na walang intensyong magsinungaling at maaaring magsilang ng mga maling paniniwala. Kahit sa simpleng mga bagay ‘yung hindi pantay na kapangyarihan, abilidad, pribilehiyo pala ay maaaring magdikta kung alin ang totoo at hindi basta-basta nababali ang mga isinilang ng persepsyon. Sa takbo ng kwento, may suhestiyon na may pangangailangan ng bakod sa paglalaro gaya nang pagiging responsable ng nagkukuwento lalo na’t pahat o bata pa ang kamalayan ng nakikinig. Hindi kailangang pedestal ang tungtungan para mag-umpisang maging responsable sa pagbubuo ng katotohanan, kahit nasa bangkito lang gaya ng ate ni Marty.



Libreng i-download ang ‘My Big Sister Can See Dragons’ sa Canvas.ph








Sunday, June 19, 2022

tags

Habang nagliliparan ang mga gamu-gamo
sa ilaw ng puyat na fastfood na may sinaunang harapan 
Nakatingin ang di na mamukhaang siyudad sa labi ng lawa
Na ipinagpalit ang halumigmig sa mga gusali, ang mga everlasting
sa mga resto, ang de salaming mga tindahan ay naghilamos na 
at kinumutan ng dilim, bituin ang mga bintana
ng matatayog na tirahang nagsisilbing alahas
Tapos na ang dinastiya ng pinya sa mga talampas
Minamata ang lawang nagpapaluwal ng tawilis sa mga bisita
Gamu-gamo rin ang mga empleyado sa init ng paresan
Punuan na ang mga dyip ng mga hihilata na lang pag-uwi
Habang pumipikit ang siyudad, babagong tumatalsik ang mga tansan
Naghilerang mga kotse na di rin natutulog, ganito na ang siyudad 
sa mataas na lupa, hindi na makilala ng tinatanaw n'yang salamin.

Friday, June 17, 2022

Hanggang Matali

Sana humihiga 
Sa ibang latag


Katabi ang kawalan
Ihele ng laong lumbay

Sindihan-kit'lin ang liwanag
Isumpa ang guni-guning kuliglig

Lumangitngit ang katre
Sa di mapakaling likod

Hanggang sa tumalilis pauwi
Sinupin ang tinatawag na sarili

Hanggang magnasa muling:
Sana nahihiga sa ibang papag

Hiling ang himbing
Madala't matigil

Hanggang sa matali

Wednesday, June 15, 2022

isang gabi ng world news

tumingin ako ng stock market, duguan ang mga tinaya ko. hindi pa tapos ang pandemya may mga banta pa ng panibagong virus. apektado rin ang maraming mga bansa ng Russian war. hindi pa pala tapos lampas sandaang araw na. nanood ako ng world news, para silipin lang yung nangyayari sa ibang bahagi ng daigdig. 

marami nang bahagi ng Ukraine ang nakubkob na. Nagbanta ang UN sa global food crisis dahil naipit ang mga butil sa Ukraine, hindi makalabas sa Black Sea, may mga pantalang di na nagagamit. May mga pagkilos sa Cuba at Ecquador dahil sa mga epekto ng ekonomikal na polisiya lalo na't may kalabsaw sa ekonomiya ng daigdig ang digmaan ni Putin. Nagmamahal ang presyo ng langis sa Pakistan pero bakit tumataas pa rin ang utang nila. Wala pang masilip na liwanag sa takbo ng mga pangyayari sa mundo maliban sa mga scientist ng Gaia Probe 13 na literal na sumisilip ng liwanag. Gamit ang "state-of-the-art optical technology" ay nakapagmapa ng 2 bilyong bituin sa Milky Way. Sino ang nagku-curate ng balita? bakit ganito ang pagkakapatas ng balita may sinadyang existential drama, parang mala tula/komentaryo rin ang paghahanay. 

nagtimpla ko ng kape.
nagpalaman ng akala ko strawberry
pero raspberry pala sa lumang pandesal.

Nagpalayas ng refugees ang UK pero smuggled diumano ang mga ito at ibinalik sa Rwanda. nagpiket ang mga tao laban sa deportation ng mga refugees.May pagpapahinto ng bersyon ng "kontraktwalisasyon" sa Spain. Apektado ang mga industriya pero pabor sa health care workers. 'yung doktor sari-sari na ang trabaho sa ospital, sampung taon nang kontraktwal. napansin ko yung mga journalist nila ambaba ng energy, mukhang pagod. malumanay. antok. kumpara sa mga journalist natin sa Pilipinas, yung energy parang fiesta. parang may pinatutunayan. nagmamadali parang ang mahal ng airtime, maiksi para sa mga nagyari. gusto ko yung lente ng balita sa nagkakaykay sa isang farm or parke yata, baka farm lang sa Spain na maganda kaya mukhang farm. 6months-6months lang daw yung kontrata nya tapos wala na. nagsarado ang balita sa pananaw ng babae farmworker sa reporma sa job market policy, "I can see light now, I can raise a family." walang tele-telescope pero nakakita ng liwanag ang manggagawa.

binasag ulit ang mga balita ng showbiz news, Buzz Lightyear hindi ipapalabas sa mahigit 14 na mga bansa dahil lang may fraction of a second na dalawang babaeng naghalikan. 

sabi ng mga scientists ng Gaia Probe 13, kakaunti pa ang 2 bilyong bituin nasa 99% pa ng ating kalawakan ang hindi pa namamapa. 

Tuesday, June 14, 2022

tunganga

nagising ako nang maaga. may kapeng barako na. may biskwit na thai ang sulat sa pabalat na lasang maalat na fita na pinalamanan ng peanut butter. gustong-gusto ko yung ganitong pakiramdam na hindi ako malungkot at hindi ako masaya. hindi rin naman ako ganado at hindi rin tinatamad. wala akong gustong sundin sa to-do-list na sinulat ko para ngayong araw. ang tagal kong patunga-tunganga sa bintana; basta bangla. hindi lahat may ganitong oras sa kamay nila. wala rin naman akong pera sa pagbangla pero hindi ko pa nararamdaman yung takot na hindi ako de-metrong taxi ngayong mga linggo. walang tanikala ng kontrata, walang dapat ipasa o ipakitang natapos. kaya siguro pinipilit ng isip at katawan kong bumangla, tumulala lang sa lawa. ang tining ng lawa. mukhang yelo sa ilalim ng santing na araw, akala mo'y puwedeng tapakan. nakakarinig ako ng mga pagkayas ng walis ting-ting sa lupa at mga tilaok ng manok. may mga tinanghali pang kuliglig. may dimension akong napipisil, ito yata yung tinatawag nating hawak ang oras. wala namang punong inuuga ang sariling mga tuyong dahon. wala namang dagat na sinusundo ang tubig tabang. panatag ang kapatagan sa katotohanang ang ulan ang papatak. hindi kailangang humiyaw ng bundok para abutin ang alapaap. version ko ba ito ng que sera sera? ano kayang tatapusin ko ngayong araw? wala akong gustong mangyari ngayon. gusto ko lang pakiramdaman ang sariling daloy kung wala, hayaang tining. bibihira ang ganitong mga araw, paaabutin ko pa ng ilang linggo o baka ng isang buwan pa. ano nga ulit yung buhay na dapat ayusin? 

Friday, June 10, 2022

tanaua

galing kami ni Rabin sa Tanauan. may dental appointment s'ya at dahil maaga pa pinuntahan namin yung installation ng Art in the Lake sa harapan ng dating munisipyo ng Tanauan. may bangka na may kung anu-anong balabwit. may higanteng antler na may tila kakaining 'sacred heart'. may bakunawang gawa ang katawan sa hinilerang kalasag ng pulisya. sari-sari sa harap ng dating munisipyo walang bakas ng digma. may mga nag-i-skateboard sa harap ng mga art installations. 

nasa tabing lawa ang trabaho ng Eskinita Art Farm at may pailaw kung gabi. para sa mga di pamilyar, may baybayin ang Tanauan sa lawa ng Taal. para sa mga nakakalimot, malaki man ang industriyal na pisngi ng Tanauan, nakasawsaw pa rin ang paa nito sa lawa. malaki pa ring pisngi ay agrikultural ayon din sa mga datos na nakuha ko sa munisipyo dati sa isang research gig. maya-maya may kausap na si Rabin, si Junix isang local artist na taga-Eskinita at may appointment s'ya sa community affairs. parang nasa iisang daloy ang appoinments namin. at dahil mga kaBatang, nailatag agad ang mga kanya-kanyang 'kagamitan' at kung paano matutulungan ang isa't isa kahit wala pang sampung minutong pagkakakilala.

sa loob ng dating munisipyo nakausap ko si Mam Annie na nagpakilala na heritage museum pala ang gusali. dating ospital. pinagtaguan ng mga hapon. nabomba na dati ng mga kano. naging opisina ng DECS, telegrama, agrarian, NSO, kalihim, agrikultura, silid-aklatan atbp. sabik si Mam Annie sa bisita kaya itinour nya kami paikot dahil turo ako nang turo. bilang dating kawani rin ng gobyerno, nakita ko ang mga dating dokumento sa munisipyo. ang listahan ng mga bahay na sinunog digmaan, halagang 1000 -3,000 pesos ang mga perwisyos; database ng pangalan mga may bahay at damage report. 

kita rin ang mga muebles, mga woodworks na kaugnay ng paglulupa gaya ng paggawa ng karitela, lubid, at mga pambayo ng mga butil (grains). na marami ngayon ay de makina na, binura ng pag-unlad. hindi kalakihan ang gallery pero 'yung kasaysayang lokal, iba yung pakilasa. ganito pala yung Tanauan noong di nalalayong ilang daang taon at may ilan pa na andito pa rin gaya ng ilang paraan ng pangingisda. opkors ang tawilis at maliputo na sisinghap-singhap na ang populasyon at nagbabanyuhay na rin ang panghuhuli na may kabit ng makina at mga pailaw. "nawala na nga yung ibang guno at dangat," dagdag ni Ms Annie, gusto ko sanang sabihin na may scientific interests on goby species na 1927 pa na-observe pero nawawala na nga, pero hindi ko na s'ya kinuwento para hindi masalungat ang daloy ni Ms. Annie.

may mga buslo rin ng mga baranggay kung saan pwede mong ipasok ang kamay para kapain ang produkto o mga ani sa baranggay mo sa tanuanan. kung sa perspektibo ko parang agri-commodity map. makakapa mo rin ang ginagawa at hilatsa ng mga komunidad. may malaki ring sakop ang industrial park na tumatagos yata sa Calamba o Sto Tomas. pisngi ng mga hapon sa Tanauan.

hanggang sa paglabas napansin ko ang punu-punuan na display. "ano po to?!" na parang estudyante nasa field trip. nagkuwento si Mam Annie, dati raw parang nabinat s'ya, may tipos s'ya nang magpadoktor pero hindi nawawala kahit anong igamot hanggang sa pinainom na sya ng dahon ng Anonang o Tanaua. "marami sa'tin n'yan" sabi ni Mam Annie. 

akala ko dati dahil natatanaw ang lumang Tanauang lumubog sa bahaging Laurel-Talisay kay Tanauan. may pisngi pala ng kuwentong sa puno galing ang bayan gaya ng Lipa, Balete, Mataasnakahoy at (baka na rin) Alitagtag. 

na-late si Rabin sa appointment n'ya.

Tuesday, June 7, 2022

struggle for [personal] space.residences

hindi ko pala talaga kayang magkabahay sa subdivision. 

yung nasa palatastas nila ay click bait lang, 'yung hulog from 12k sa ads ay 22k sa actual na hulugan para sa dalawang dekadang terms. olats. Parang sumpa yung utang kapag di ka kikita ng 3 milyon sa loob ng 3 taon to fully pay the house. Naisip ko yung panahon na kailangang ikayod sa pagtatrabaho 'yun. Wala ka na talagang buhay kundi magtrabaho pambayad ng bahay. Kakalat paa ko nun talaga kung mawalan bigla ng trabaho. So, negats. Cancel muna.

Naalala ko offer ni mareng Ashley na pwede raw akong magsulat sa bagong bahay nila. May townhouse sila sa gilid ng malawak na maisan. Dito lang sa'min sa Tiaong. Di raw nila ako papakielaman. Binalikan ko sya sa offer nya dahil tatapusin ko yung isasalang ko sa Palanca. Kung kailan ka kasi may deadline saka may nagpupokpok sa bahay. Dalawang araw at isang gabi akong nagsulat sa kanila, doon ko lang binuo yung 10-page na sanaysay. jusq panget, panget na panget rin ako sa natrabaho ko. Ipinagluto nila ko tapos pinaghugas ko naman sila. Nag-yoga kami ni Mareng Ashley, nanood pa ng Kdrama. Inumaga na sa sala. Nilatag ko lang yung yoga mat ko sa sala nila tapos nahiga na ko. Pagkagising, kape lang deretso edit na uli. Wala akong iisiping gawaing bahay. Hindi ko iisipin ang uulamin ko. Kumain kami ng marinated fried chicken, ginisang kalabasa, tocino, kape at crepe. May kasabay akong kumain. Pribilehiyo na makapagsulat lang. Salamuch!




Gumising ako kena Rabin, Berinayan, Laurel, Batangas. Katabi ng lawa yung bahay nila. Naka-plano rin akong mag-overstay naman dito para magsulat. Iniisip ko magsulat at mag-asikaso ng mga rekusitos para sa Masteral. Gusto kong kumuha ng kurso sa ecoliterature sa England noon pang 2017 kaya rin siguro kumuha ako ng trabaho sa conservation dati. Sa ngayon, iniisa-isa ko lahat ng dapat isulat habang nandito kena Rabin. Hindi ko rin iniisip ang pagkain ko rito o gawaing bahay. Pasasalamat sa pribilehiyong makasulat nang malapit sa lawa. Hindi ko to nagawa dati noong nagtatrabaho ako sa conservation center. Nagpahinga lang ako. At mukhang magpapahinga lang uli ako rito ngayon. Inaantok na naman ako. Ilang araw na kong natutulog ng tanghali. Wala yata lalo akong matatapos dito. 

Thursday, May 26, 2022

pariwara.jpeg

parang pariwara na ko te. oo, te pariwara as in failure as a person, a professional. kung ano-ano lang ginagawa ko as someone approaching trenta. wala naman akong masisi. haha. parang laging ito na ba yun ang lahat-lahat? prang kaya ko pang i-push ng konti pa to change the track ng timeline ko, para laging hindi pa ito 'yun. may igaganda pa 'to. kaya siguro ang dami kong biglang-liko. tapos puro deadend. nauubos na yata ang gasolina ko para hanapan ng ibang daan yung mga nasasalubong na deadend. hindi naman ako malungkot. naiinip lang, buryong na buryong sa kawalan ng kaganapan. naghihintay na may magbukas ng oportunidad ng trabaho, tapos nang mag-callback tatanggihan. naghahanap ng trabaho kapag inalok ng recommendation sa maayos namang sweldo, iisnobin. anong trip ko? may mas deserve ka pa ganun, so ano ngang deserve mo aber? default ko na yata ang di mataeng pusa. 

inaabot uli ako ng madaling araw, actually umaga na ang 6am na tulog. kahapon para akong nag-motel dahil 3 hours lang ang tulog ko. hindi ako natatakot o nalulungkot, sobrang ikinaiinip ko ang buong gabi. pakiramdam ko nasasayang ang oras sa pagtulog. kagaguhan phase ko yata. pakiramdam ko gumigising ako sa maling lugar. hindi ako dapat andito. gsuto kong umalis. shet. gets ko na yung kantang gusto kong matutong mag-drive. umandar lang. umusad. kahit san. 

sa umaga naghahagilap naman ako ng gana magsulat o tapusin ang mga proyekto. nag-iipon lang ako ng mga simulang gagawin. ililista. kakalimutan. babalikan. ililista. kakalimutan. at may panibago na namang gustong gawin. akala ko naakap ko na ang sarili kong pagkaligalig pero naiinis pa rin pala ko na hindi ako umaandar sa mahabang expressway na dere-deretso; akala ko ayos na ang usap na maraming stop over. maiinip din pala ako sa sariling andar. 

anong puwedeng gawin kapag magte-trenta anyos ka na tapos pakiramdam mo walang nangyayari sa buhay mo. yung alam mong wala kang disiplinang mamuhunan sa sarili noon pa at alam mong pinanganak kang walang talent pero gusto mong maka-tsamba bago mag-trenta: (a) pwede kang mag-asikaso ng masteral kahit di mo rin alam anong sunod after, (b) sumali sa Palanca kahit limang araw na lang bago ang deadline, (c) mag-dating app tapos i-unmatch lahat ng matches mo matapos ang isa-dalawang gabing bolahan, (d) isipin bakit mas excited ang gobyernong buwisan ang mga propesyunal (middle income class) kaysa mga bilyonaryo at huling baraha pa ang carbon tax para may maipambayad ang Pilipinas sa mga utang o kaya taasan pa ang buwis ng salary grade 22 pataas sa kongreso bilang role model at paglilingkod sa bayan, (e) mag-window shopping ng townhouses at furnitures kahit parang kaya mo na hindi ang monthly amoritzation;

di ako nagmamadali. di ako pariwara. pakiramdam ko lang hindi naman ako pariwara. kulang lang ako sa tubig. kinatatatakutan ko pala talaga ang buryong at inip. at least marami namang gagawin, hindi lang maupuan ang mga dapat nang tinatapos. akala ko hindi na ako magrereklamo at mas magiging pasensyoso ako sa sariling usad. e sa naiinip na ko. literal na nagsesend ako ng chats sa mga kaibigan na NAIINIP! ako in all caps w/ exclamation point. hindi ko na alam siguro kakain na lang muna ako ng almusal bago matulog.

sweet dreams!


bago ako tuluyang nakatulog, hinagip ko pa yung cellphone ko dahil may line na pumasok pa sa utak ko: "hindi ka naman mabubuo bago sumapit ang umaga. hindi ka manananggal, matulog ka na."