Monday, March 30, 2015

Toyo x Kanin x Tah!

 Ang morning talk show ay nagaganap ng 6:15-6:45 am sa kusina sa 'kumbento' (parsonage) kung saan kami nanunuluyan. Ito ay isang motivational talk kung saan nagkukwentuhan kami ng mga kung anek-anekdota sa trabaho, sa pagsakay papuntang trabaho, at sa mga tinatrabaho, bago kami pumunta sa aming mga trabaho.

Cast:
Ako
Bun - isang 2 yr old na batang viet.

Extra:
Mama Mary -nanay ni Bun.
Parang ako lang noong bata pa 'ko


Ako: Bun! Good morning! Magandang umaga! Almusal!
         Sabi ni Kuya Philip hindi naman daw ako maiintindihan nina Mama Mary. Una, gusto kong marinig nila ang wikang Filipino kasi nasa Filipinas sila. Pangalawa, maiintindihan ako ni Mama Mary kasi bumati ako ng kakagising lang nila, malamang "Good morning" 'yun maiisip niya. Tapos, nasa hapag kainan pa ako at inviting ang intonasyon ko, so malamang nag-aalok akong mag-breakfast. Kaya tinatagalog ko pa rin sila most of the time.
         Umupo na si Bun at nilagyan na siya ni Mama Mary ng almusal niya. Tinaktakan niya ito ng toyo.
Bun: [alburuto]
Ako: Why? Bakit?
Bun: [inaabot 'yung toyo]
Ako: You want more? That's too salty. Not good for you.
         Tinaktakan ulit siya ni Mama Mary
Bun: [Inaabot pa rin ang toyo] + [iyak-iyak pa rin]
Ako: Ahh... He wants to do it by himself!
         Inabot ni Mama Mary ang toyo kay Bun
Ako: Just a lil' more beybiiii.
Bun: [tak..tak..tak...]
        Tumigil na siya sa pag-aalburuto
Ako: Ok now? Sabay aprub!
Bun: Tah!
          Akmang ginagaya ang aprub ko

Ako: What do you mean by "tah!"
         Tinanong ko si Mama Mary para may lines naman siya
Mama Mary: He said "ok!".
Ako: woooo.. Tah?

Kumain na si Bun!

Si Bun ang stress-reliever namin pagdating ng umaga, at kung gising na siya ng umaga ay siya naman ang aming energizer bago siya maglaptop at manood ng cars. Two years old naglalap-top?

WerkWerkWerkWerkWerkWerkWerkWerkWerkWerkWerkWerkWerkWerk... 

Ang larawan ay kuha ni: Dyord

Friday, March 27, 2015

9: 02


9:02. 'Yan yung log-in ko kanina. Hindi lang late kundi supah late na. Lagpas-lagpasan na sa grace period na 15 mins. Para talagang hinahamon ko na ang HR na sendan ako ng memo na hinding hindi ko pa nakukuha kahit marami na akong late. Alam ko lagpas na ang late ko sa 60 mins grace period kada buwan. Bakit binabawi ko kaya sa hapon, minsan 5:20 o 5:15 ako nag-a-out. Kahit na hindi ko naman na makakaltasan pa rin ako. Oks lang.

Lately, nakakita nga ako ng shortcut route di ba? Kaya lang sinarhan ang Ayala Bridge. Bawal na ring tumawid ang mga pedestrian sa bridge kasi nga delikado na. Last time noong tumawid ako 'ron, para naman talagang nakakabagabag nang maglakad doon habang dukdukang-dukdukan yung mga drills. Kapag bumagsak ang Ayala ay maiipit ako sa mabahong Ilog Pasig. Stinky death. Baka hindi pa nabubulok ang bangkay ko ay amoy zombie na 'ko. Kaya buti na lang sinarhan siya. 

'Yun nga lang. Ayoko nang bumalik sa route ko na Quiapo to Intramuros via Quezon Bridge. Malayo at matagal. Tapos, kanina suot ko 'yung bago kong sapatos Combers, binili ko sa DV ng 350 pesos (from P 480 'yun), hindi ako sanay. Nanibago ako. Feeling ko parte na ng paa ko yung luma kong sapatos na nabili sa ukay for 210 pesos (from P 300 'yun). At dahil tingin ako ng tingin sa sapatos ko na kakaiba ang feels, e maling dyip ang nasakyan ko. Sumakay ako mula sa may Nagtahan, pagbaba ko ay Baste. Sumakay uli ako, pag baba ko ay sa may Nagtahan. Bumalik lang ako. Parang ni-rewind. E mag-aalas-otso na. Sakay uli.

Baste ulit ako bumaba. Tapos, hindi ko na pinapansin ang sapatos ko kaya nakasakay na 'ko ng tamang dyip, yung papuntang SM City Hall. Hindi siya nag-Quezon Bridge pero dumaan pa rin ng Quiapo sa may palengke tapos may inikutang rotonda. Si Manong naman hindi huminto sa may Intramuros, hindi dumaan doon sa may Lagusnilad underpass. Umikot pa tuloy ako ng City Hall at bumaba sa may SM. Sayang ang mahigit limang minuto. Pero hindi ako mababad trip. Hindi nito masisira ang araw ko kahit na nanakawan ako ng hundreds dahil sa kaltas nito sa sweldo ko.

Salamat pa rin dahil nagising ako noong umaga. May alamusal kami. May mga kaibigan ako sa Tiaong. May pamilya ako sa church at sa iba pang bahay. May savings ako sa banko. May mga aso ako. May nagpapahiram ng aso nila. May mga libro akong babasahin. May blog entry pa 'ko. At may bukas pa naman para makabawi. Lahat 'to ay ipinagpapasalamat ko. Hindi ako mababad trip ng dahil lang isinara ang Ayala Bridge at nadisrupt ang daily routine ko. No way, kokey!

Isa pa, Biyernes na! TGIF! Thank God It's Friday! Kahit na may pasok pa 'ko bukas. So, bukas, Thank God it's Saturday naman!

Thursday, March 26, 2015

That Thing Called Writing (Dakdak ni Dyord para sa Effective Writing ng BAT-3)

Pre-Event

G
aling ako ng aking Alma Mater, sa SLSU-Tiaong nito lang Sabado, Mar 21,  para sa isang Effective Writing Talk. Oo, naimbitahan ako para sa isang writing talk o talk about writing. Resource speaker na wala namang resources.  Si Joshee (na kasama ko sa Kubo) ang unang nag-pitch sa’kin ng imbitasyon, “anong sasabihin ko ‘ron” kako. Akala ko kasi about Agriculture ang topic dahil agri students sila, kaya malamang inassume kong tungkol doon ang seminar. Tapos, si Mica (kasama ko rin sa Kubo) ang naglinaw na mag-talk daw ako tungkol sa Effective Writing para sa kanilang subject na Effective Writing. Final requirement daw nila yung pag-oorganisa ng seminar. “Pagpray mo, I’ll consider.. alam mo naman sa opis,” sabi ko pero deep inside halo-halo ang emosyon ko ng pagkasabik at pag-aalinlangan.
   
Ang gara pala, nag-aral kaya ako ng apat na taon, e lima pala, ng kursong Agriculture pero hindi ako confident na mag-talk tungkol doon. Mas malakas pa ang (lamang) loob ko na mag-talk tungkol sa pagsusulat kahit na ambeybi-beybi ko pa sa larangang ito. Sa tingin ko naimbitahan ako dahil nasa *Philippine Daily Star (coded lang:) ako nagsusulat (ngayon) at galing ako sa parehong paaralan.

Gayunpaman, isinaalang-alang ko ‘yung opurtunidad para:
1.  Makapag-balik pasasalamat sa aking paaralan at makapagbahagi ng natutunan ko sa aking mga kalahi. Malaki kaya ang role ng school paper sa pag-uumpisa ko sa pagsusulat at ang school paper ay pinapatakbo ng pera ng mga mag-aaral. Natatandaan ko na umabot ng 500k ang pondo namin with a population of 1, 236 students noong 4th year ako kaya dapat lang ibalik ko ang mga knowledge acquired sa studentry para sa mga ginastos sa 'kin dati ng school. (Wala atang word na studentry)
2.  Ma-iangat ang morale ng mga kapatid sa propesyon. Alam mo naman na ang Agri ay minamata-mata palagi ng ibang propesyon. Para na rin iparating na “magsasaka tayo at kaya rin nating magsulat!” (With matching kamao at hampas sa pulpit para may diin-epek).
3.  Makapagpraktis muling humarap sa tao. Lalo na sa estudyante. Dalawang taon na rin ‘yung huli kong harap e, noong TintaKon. May pagdadrama pa’ko noon.
4.   Maka-uwi ulit ng Tiaong. (Haha.) Ito yata talaga ang pinaka-dahilan ko.


Dahil excited kahit wala pang pan-talk o manuscript ng topic ay umuwi na agad ako ng Huwebes ng gabi. Lahat ng idi-discuss ko ay nasa utak ko pa. Pagkalabas na pagkalabas ko ng opis, deretso na ng Buendia. AWOL ang Fri at Sat ko kahit na malamang 2.6k ang kaltas sa sweldo. Awts. Pero okey sa olrayt lang dahil alam ko namang masusulit ko ang pagliban. Kena Jul ko na lang raratratin ang manuscript at presentation ng talk, pagsasama-samahin ko na ang bonding, pahinga, at trabaho pagdating sa kanila. Pagdating ng bus sa SLEX, iba ang naramdaman kong saya ng makalaya mula sa mga kuko ng Maynila.

 Biyernes, isang araw bago ang araw ng talk. Ito ang mga ginawa ko:
1.   Nagwalk ng mga aso. Tapos, ako naman naligo ng maaga.
2.   Almusal ng kaunti kena Jul. Nag-almusal na kasi ako sa amin.
3.   Practice ng violin. Wala, basura pa rin ako. L
4.   Type. Type. Type ng manuscript para sa talk.
5.   Bandang 10 am, umalis na kami ni Jul papuntang iskul
6.   Lunch lang kasabay nina Roy at nag-BS kami nina Kuya Joey! (na-miss ko ‘to)
7.   Fellowship sa Kubo, the usual every Friday. (na-miss ko rin tio)
8.   Nakipag-meet kay Mam Hesh (instructor nina Mica sa Eff.Writ.)
9.   Umuwi, hindi sa bahay, kena Jul para magmerienda.
10. Konting harot-harot lang kasi pagod na at magta-type pa’ko.
*Harot = bugbugan with Roy at Alquin. Si Alquin lang talaga ‘yung binubugbog. Tipong, wala namang tumatama pero umaaray. What the F! Fun talaga.
11. Ito na, lamay mode na. Kayod kalabaw-kabayo (KKK) hybrid na for manuscript at powerpoint. Nagprepare na’ko ng manuscript ngayon, kasi before, may nag-appear na pic sa presentation, nablanko ako, “ano ‘to?” kako habang nakahawak sa microphone. Awkward moment kasi parang hindi ko napag-aralan ‘yung topic na ‘yun.
12.  Hapunan. Kwento konti. Dak...dak...dak...
13.  KKK-hybrid ulit hanggang antukin.
14.  Linis muna ng katawan tapos, latag na. Zzzzzz.
15.  Dumating si Jet-jet (kuya ni Jul) may dalang ice cream. Bangon at Yumum! Yum!
16.  Kwento ulit. Dak...dak...dak...
17.  Zzzzzz na talaga. As of 12 something.


Sabado, nagising ako sa isang sundot. Sundot sa forehead, sa may sintido. Hindi ‘yun sundot ng excitement dahil “it’s the big day!” kundi sundot ni Jul. Sabi ko raw gisingin ako kapag gising na sila. Maaga nga pala ang check-up niya sa Manila Doctors Hospital para sa kalagayan ng kanyang utak (i-pronounce ng parang sinapian ng daga). Nagpapagising nga pala ako para naman mag-review ng ito-talk ko mamaya at magpolish pa ng powerpoint presentation ko. KKK hybrid pa ulit bago pumuntang iskul. Alas-nuebe pa naman at alas-singko pa lang, mahaba pa ang oras.

Bago mag-alas otso ay nasa school na ko. Hindi naman ako excited. Wala akong dalang bag. Isang steno pad at bolpen lang dala ko kasama ang 6-pages na manuscript para mukhang matalino. Nasa tampipi ko lang ‘yung USB flashdrive kung saan nakalagay ang talk ko na ‘That Thing Called Writing’. Tumambay muna ako sa Kubo para humingi ng gabay sa May-Akda ng lahat. Nag-umpisa nang magdatingan ang mga BAT-3 students. Aba, bumibilis-bilis na ang tibok ng utak at sikmura ko. Baka naman dahil sa kape. Nag-umpisa nang maghakot ng armchairs sa covered court. Naku. Dugs. Dugs. Dugs. Kayak o kaya ito? Maya-maya ay lumapit na sa’kin si Queen Joy, (alam ko, siya ang palaging hostess sa mga agri-events) inabutan na ’ko ng program tapos binirief na chill lang muna dahil nag-aayos pa sila. Naku. Naku. Dugs. Dugs . Dugs. Ok lang kaya kahit i-postpone nyo na lang muna. ‘wag na nating ituloy. Ganan na ang mga iniisip ko, nega-star na ’ko.


Si Queen Joy, sinira ang stolen shot ko sana.
Kuha ni: Dyord

Asan naba kasi itong si Mica? Edi tineks ko na nga. Naliligo pa raw. Iba-iba sana kung me kasama akong kakilalang delegate e. Nakakahiya kasi noong sinubukan ko nang pumunta sa covered court ay parang sinisipat ako ng mga participants/delegates. Feeling ko, ito yung sinasabi ng kanilang mga mapanuring tingin:
a)  Totoo bang writer itong inimbayt?
b)  Parang wala namang ituturong matino.
c)  Hindi ata worth it ang ibabayad natin dito.
d)  E, ito ‘yung dugyot na pakalat-kalat lang d’yan. Mukha ngang utility/ outsider yan dati. Tapos ngayon, resource speaker?

Balik ulit ako sa Kubo, briefing muna ako with myself. Maraming beses na rin naman akong nakapag-talk, mostly tungkol sa campus journalism, madalas sa high schools at Educ students. Mga tatlong beses na, more than two is many na kaya. Tapos, may mga awards ka naman dati noong nasa campus journ ka pa. Nagyon, nasa isang malaking historical publishing corp. ka. Kaya mo ‘yan Dyord! Pero ito ang nagmumulto sa’kin, ang aking The Skeptic-side: E ang tanong: Marunong ka nga bang sumulat? Wiheeeeee..

Kaya mo ‘yan Dyord! Tutulungan ka ng May-akda ng Lahat! Nakita ko si Alvin (kasamahan ko rin sa Kubo). “Pagpray mo ko, kinakabahan (at nababaliw) ako,” sabi ko sa kanya. Pagkatapos noon ay dinibdiban ko ang sarili at inayos ang kuwelyo. Tinapik-tapik ang pisngi. Nagpalagutok ng buto sa daliri. Pumadyak.



   Simulan na natin ‘to. Bring it on!



Wednesday, March 18, 2015

Seaweeds x Langgam x Bato

 Ang morning talk show ay nagaganap ng 6:15-6:45 am sa kusina sa 'kumbento' (parsonage) kung saan kami nanunuluyan. Ito ay isang motivational talk kung saan nagkukwentuhan kami ng mga kung anek-anekdota sa trabaho, sa pagsakay papuntang trabaho, at sa mga tinatrabaho, bago kami pumunta sa aming mga trabaho.

Cast:
Ate Joby - isang computer engineer na nasa I.T. company.
Ako


Guest:
Ate Lala - gf ni Philip na nago-oofice sa may Makati.
                  (Bumisita siya para sa aming regular na pag-aaral Bibliya kapag Mondays)


Isang umaga, wala na naman sina Jhertell, Rica, at Philip. Nadiscover ko na hindi pala sila maaga. Kundi, late na pala kaming nagigising kaya lately kami na lang ni Ate Joby ang nagto-talk show. 

Ate Lala: Ang hilig mo sa nori (pinatuyong seaweeds)
Ate Joby: Masarap kaya.
Ate Lala: Anlansa kaya. (mukot mukha)
Ate Joby: (susubo ng nori) Hmmmm
                 Binuksan pa ang kanyang prinepare na maluto para ipakita ang baon niyang nori na nabasa na ng steam ng kanin. Wet seaweeds na siya.
Ate Joby: Look o! Basa na siya! Kadir, pero ganun pa rin ang lasa niya.
Ako: Ate Joby, baka isda ka noong past life mo.
         Hindi ko talaga alam kung kumakain ba ng seaweeds ang mga isda.
Ate Joby: Oo nga no? Reincarnation.
Ako: Ganun daw 'yon eh, kung anong activity mo o hilig mo noong past life mo nadadala mo sa present life mo. haha
Ate Lala: Di ba pag masama ka sa present life mo, ipapanganak ka sa lower life forms. Gaya ng animals.
Ate Joby: E paano 'yung animals na naging tao? Mabait sila noong hayop pa sila? e wala naman silang morality ano.
Ako: Kapag sobrang sama mo pa, sa next life mo ipapanganak ka na bato as in stone.
Ate Lala: Naku, e namamatay ba ang stone?
Ate Joby: Hindi, 
          So hindi na makakalipat? Titigil na ang cycle?
Ako: Pero may batong buhay, haha
Ate Joby: Tsaka pano kung butiki ka, tapos baby ka pa lang. Nahulog ka sa kisame, ano ba yun naging masama ka ba o mabuti? Ano ka sa next life?
Tsaka, paano kung maging langgam ka? Imagine.
Ako: Oo nga no, tapos di ba may level-level 'yun? Paano kung maging worker ka, so all your life you'll work hard for the queen.
Ate Lala: hahaha lalala
Ate Joby: Tsaka, kapag namatay ka ba, nagbaback to zero yung kasalanan mo.
Ate Lala: Ang hirap naman isipin, hindi talaga logical ang reincarnation.
Ako: Ang hirap nga parang walang hope. Walang kasiguraduhan.

     Naisip ko hindi rin naman logical ang maraming bagay sa Christianity pero naniniwala tayo. 

     Meron na pala kaming closing song pagkatapos, ito ang lyrics (kanatahin lang ng parang bibe):
WerkWerkWerkWerkWerkWerkWerkWerkWerkWerkWerkWerkWerkWerk... 

Disclaimer: Hindi po point ng manunulat na maniwala tayo sa reincarnation. Wala po siyang point dito. sinayang lang po niya ang oras niyo. Energizer lang po ito sa umaga.
 
               

Tuesday, March 17, 2015

Paano ba Mag-Move On?

Yo?

Hindi, Wa'zzup?!

Hey!

Hindi, maganda kung Men!

Aarggh..

Kung paanong hindi ko alam umpisahan 'to, hindi ko rin alam kung paano ko tatapusin ang trabaho ko. Tama, tatapusin ko na ang trabaho ko. Gusto ko nang mag-resign! Sa kaso ko kasi, masasabi kong mas madali 'yung mag-apply kaysa mag-resign. Mas kinakabahan ako ngayon. Mas takot. Takot na hindi ako payagan? Bakit me' magagawa ba sila?

Ang hirap lang kasi umalis sa trabaho lalo na kung hindi ka naman inaalipusta. Hindi ka naman pinag-oover-over time and time again. Hindi ka naman pinepressure sa deadlines. Hindi ka pinagbabawalang umabsent, mag-undertime, o umuwi sa probinsya. Hindi ka kukuwestyunin kung anong nangyari sa field assignments mo, kung nagtrabaho ka nga ba talaga. Hindi ka papansinin kahit dalawang oras ka pang nagla-lunch break. Hindi ka nabibigyan ng memo kahit mukhang may monthly period na ang timecard ko dahil sa lates. Hindi ka naman talo sa sweldo. Kapag nagresign ka, hindi mo tuloy pwedeng idahilan na "nahihirapan po ako sa work".

Ang hirap lang kasi talagang magdahilan. Kapag sinabi kong "career growth" ang dahilan, lalabas na ang yabang-yabang ko. "Oy, can I remind you na nasa Philippine Daily Standard (codename ng isang leading dyaryo sa bansa), anung growth pa ang hinahanap mo?," baka ganito ang sabihin sa'kin. Hindi kasi nila alam na hindi lang ako editorial staff, isa rin akong kaibigan to my friends, musician (kuno) to our church, butihing(?) son to my parents; andami ko pang roles bukod sa pagiging editorial staff.

Sa morning talk show namin sa kusina, napag-usapan namin ang resignation matters. Ang isa sa mga beterano sa'min pagdating sa work ay si Jhertell. Napaka-professional nito. Ang aga pumasok, time-conscious, nag-oovertime, at alam kung kailan dapat magpahinga. Isa pa, nasa HR kaya siya kaya alam niya ang hiring at resigning matters. Sabi niya rights naman daw ng empleyado ang magresign. Nasabi ko na mas madali kung bigla na lang akong mawawala. Speaking of biglang nawala, may ipinasok daw siya na applicant, maganda, makinis, at bigla na nga lang itong nawala. Hindi na pumasok. May sweldo pa nga raw ito na 1.8k na hindi na kinuha. Sayang naman. Tinatawagan, pero hindi sinasagot at eventually ay nalaman nilang buntis di umano ang bagong empleyado. 

E kung i-reason out ko na buntis ako? Hindi pwede. E kung nakabuntis? "So bakit ka magreresign? Dapat suportahan mo ang anak mo!," baka ito naman ang sabihin nila. Medyo naiingit ako doon sa empleyado nina Jhertell, kasi di ba, meron siyang ganung guts. 'Yung guts na 'wag nang magpakita sa trabaho. Pero nabura rin 'yung inggit kasi mahirap kaya magbuntis. Lalo na kung hindi mo ginustong mabuntis. Ang ending : malaya na siya sa trabaho pero hindi sa kontrobersya. 

"E kung gumawa kaya ako ng kontrobersya," sabi ko kay Alquin. Tinawagan niya ko sa opis isang araw, totpul naman kasi talaga 'tong si Alquin [di gaya nina..]. Sabi ko, gagawa ako ng kabalbalan para ma-fire ako. Parang gusto kong ma-experience masabihan ng "you're fired!". Mabilis. Walang kuskos balungus, ika nga nga ni Mommy D. Pero anung kabalbalan? Sabi ko kay Alquin, dapat unforgettable experience para sa publishing corp namin. Frontpage dapat. Nagbabagang balita-level. "Susunugin ko ang gusali namen!" (with evil grin) nagbabagang balita talaga 'yun. Tapos ako ang susulat ng article. Sabi ni Alquin, mas pangit naman daw 'yun, at magresign na nga lang ako. Paano nga? Paano mag-move on? Move on from working to non-working ha.

Noong nalaman kong kailangan ko nang magresign. 'Yung mismong oras na "ito na 'yun, ang takdang panahon-moment," ibang kalayaan ang nakamit ko. Pero noong naisip ko na "aba! paano kung-situations," hayun, tinablan na ako ng mga agam-agam. Pero buo na talaga ang loob ko magresign. Natatakot lang talaga ako. As in takot na parang mumulto sa'kin. Siguro may kaunting fear na wala na akong isa-swipe kapag kinsenas. Konting takot na mainitan pagbalik ko ng Tiaong, dahil walang erkon? Pero nag-aacount lang yan sa 2% ng takot ko. Malaking portion talaga nito ay takot na sabihing ako'y isang failure, loser, at quitter. Kasi naman, hindi ko man lang tinapos yung term ko. 'Ni hindi pa nga ko nareregular. 'Ni hindi ko pa natitikman magka-bonus. 'Ni hindi ko pa nga raw nararanasan ang baha d'yan sa may City Hall. 

Pero alam kong tama na. Sapat na. Husto na. Nakaipon na 'ko ng mga aklat. Nakapagsubi na rin para sa LEA review kahit hindi pa husto pero oks lang. Nakabili na 'ko ng violin kahit wala pang shoulder rest, ok lang to follow na lang. Nakapagpublish naman kahit iilang mga articles. Hindi naman sukatan ang mga napundar ko na mga bagay para masabing makabuluhan at sapat na ang itinagal ko sa serbisyo.  

E Bakit nga ba ako magreresign? Meron na kasi akong go signal para maghanda sa panibagong kabanata. Ganun talaga, para umusad ang kwento, kailangan matapos ng isang kabanata.



Monday, March 16, 2015

Parol, Kailan ka Darating?

   Malapit-lapit ko nang iwanan ang trabaho ko. Sa tingin ko ay konting panahon pa. Malapit ko nang matutunan ang mga dapat kong matututnan. Nakakasakal pala 8-to-5-Mon-to-Sat na trabaho sa opisina. Sa tingin ko, hindi talaga ako dinesenyo para rito at kahit ipilit ko pa na i-program ang sarili ko, lagi akong nale-late. Kailangan ko pang gumawa ng maraming kaparaanan para lang makapag-leave o umabsent. 

   Medyo pangit lang daw kasi sa resume kung hindi ka man lang tumagal ng 6 months sa trabaho mo kaya tatapusin ko lang ang kontrata ko (5 months nga lang 'yon). Konting sipa na lang naman at Mayo na. Sana bago 'ko lumabas ay masabi kong marami akong nagawa at natutunan sa loob ng limang buwang nakakabuang na pagkakabilanggo.

   Ito sana ang matutunan ko bago ako makalaya:
1. Alamin kung paano tumatakbo ang industriya at makagawa ng network of friends.
2. Pumasok ng maaga at magbihis ng maayos. (medyo hirap pa rin ako rito until now)
3. Mag-manage ng kayamanang natatanggap wise-fully.
4. Sumulat ng iba-ibang slant ng articles (mga anim).
5. Magtiis na 'wag umuwi kahit sa loob lang ng dalawang linggo para maka-ipon. (Hindi ko magawa)

   Ito naman sana ang mapundar ko:
1. Isang maleta at isang backpack. P 1.2k
2. Isang rubber shoes (kahit ukay) P 500
3. Isang black shoes (yung tig- P 280 lang sa may Quiapo)
4. Pang-review sa LEA (Licensure Examination for Agriculturists) P 8k (min.)
5. Kaunting kadamitan (casual & corpo) para sa next kong trabaho na kagalang-galang P 1k
6. Sleeping bag P 300
7. Aklat:
   Pilgrim's Progress                 P      125
   The Hobbit                                  150
   The Lord of the Rings (Trilogy)      400
   Chronicles of Narnia                     500
   Other C.S. Lewis Titles                 300
   Lualhati Bautista Titles                  300
   Non-fic Titles                               300
                                            Hindi ko muna lalagyan ng total dahil mababago pa ito.
8. Rosin at shoulder rest para sa violin ko. P 300

   Other goals:
1. Makabili ng panregalo kay Kuya Joey dahil graduation at bertdey niya sa 2nd week of March. Isang regalo na lang para tipid.
2. Makatapos ng 5 online courses. 
3. Maka-attend ng book fairs at writing seminars.
4. Makapunta ng museum at ng book stores (esp. Solidaridad ni F. Sionil)
5. Makapag-field trip sa Dangwa, sa UP (para kumain ng isaw), at kena Ate Bebang.
                      

Suntok x Stress x Sapak

   Ang morning talk show ay nagaganap ng 6:15-6:45 am sa kusina sa 'kumbento' (parsonage) kung saan kami nanunuluyan. Ito ay isang motivational talk kung saan nagkukwentuhan kami ng mga kung anek-anekdota sa trabaho, sa pagsakay papuntang trabaho, at sa mga tinatrabaho, bago kami pumunta sa aming mga trabaho. 

Today's Cast:
Ako
Ate Joby - isang computer engineer na nasa I.T. company rin

Guest:
Ayie - isang criminology student sa PCCR

Isang sinisipag na Monday Morning. Naka-alis na sina Jhertell, Rica, at Philip.

Ako: Bumili kaya tayo ng punching bag. Ambagan tayo. (Suntok-suntok ako sa hangin)
Ate Joby: (tawa, tawa, kumakain kasi)
Ako: Para kapag stres tayo, pwede nating suntok-suntokin. Sabay-sabay pa tayo, pwede nating bug-bug-bug-bogin. Stress management lang ba. (Suntok-suntok w/ footwork)
Ate Joby:  (tawa, tawa, kumakain kasi)
Ayie: Suntukan na lang kayo ni Ate Joby, kapag pareho kayong stress
Ako: So, dapat pala boxing gears! Kaya lang baka mapalayas tayo. Sabihin, advocate ng violence ang mga boarders ng bahay ni Kuya.
Ate Joby:  (tawa, tawa, mukhang competitive)
Ako: "Yako rin pala. Baka matalo pa'ko ni Ate Joby.

Lesson: Kape na lang together kung stress management lang din naman.

At dito na nagtatapos ang maigsing morning talk show sa kusina namin. 

            

Saturday, March 14, 2015

Maligayang Bati, Kuya Joey! Maligayang Bati, Kuya Joey!


     Si Kuya Joey ay galing sa Grace Bible Church, full-time worker siya ro'n, ang tawag yata nila ro'n ay grace ambassador. May mga ministries siya gaya ng bible studies sa Pandacan, sa Tiaong, at sa kanilang bahay sa Paco. 'Yan yung mga alam ko. 

     Naging kuya namin si Kuya Joey sa Tiaong, big bro kumbaga. Naalala kong nagturo siya ng mga doctrinal lessons, karne talaga. Tapos, may handle din siya na mga discipleship sa mga bago. Maraming beses, kumakanta kami. Mahilig kaming kumanta. Bakit parang memoirs ito ng yumao na? Buhay na buhay pa si Kuya Joey, kakabertdey niya nga lang noong March 12, kasabay na araw ng pagsilang kay Prik-prik. 

     Lumaki ako sa church na napapligiran ng mga ate. Si Ate Shin. Si Ate B-Anne. Si Ate Marines. Si Ate Beth. Puro Ate. Hindi ako sanay ng may kuya. Kaya hindi ako sanay magkwento kay Kuya Joey. Napaka-sensitive kasi nito. Alam niya kapag pagod ka. Ramdam niya kapag may dinadala ka, at napaka maalaga. Nars kasi siya by profession.

     Dahil super effort ako, binati ko lang si Kuya Joey sa text. Magkikita naman kami bukas sa graduation niya sa bible school. Medyo, tipid din sa regalo, pag-iisahin ko na ang regalo ng graduation at bertdey. Napabili rin ako ng damit d'yan sa may underpass sa may City Hall para naman may maisuot ako sa graduation rites ni Kuya Joey. Halos P 300 din 'yun, tinawaran ko ng P 250, hanggang P280 lang daw. Kaya ko pa sana  ng P 260 kaya lang bigla akong naawa. Tinablan ako ng awa sa manininda kaya binili ko na ng P 280.

     Kinabukasan, lunch break ko, pumunta ko ng mall para bumili ng regalo. Tamang-tama dahil 3-day sale kako. 'Andaming tao. 'Andaming items. Hindi ako maka-isip ng panregalo. Hindi ko ata kilala talaga si Kuya Joey. Parang hindi naman napapasaya ng materyal 'yun. Ang hirap mag-isip, mauubos na ang lunch break ko kaka-ikot, kakatingin, kakasipat, kakasilip ng price. Dapat kasi sana 'yung magagamit ni Kuya Joey, 'yung maapreciate at pasok sa budget. Kaya lang wala  talagang pumasok sa kokote ko. Napabili lang ako ng isang pantalon, sale kasi 499 lang dati ay 800+. E, wala na rin kasi akong magamit na pantalon. Ayun, napabili tuloy ng wala sa budget. Materialism is creeping...

     Pagbalik ko sa opis, tinext ko si Kuya Joey na wala akong ma-isip na panregalo. Siyempre, sasabihin no'n na wag na 'kong magregalo. E, me' trabaho naman ako, it's my turn to be a blessing kahit papano. So naisip ko paglabas ko ng hapon na bumili na lang ng brownies. 'Yung palagi kong pinapasalubong, mura lang din naman 'yun. Binilhan ko rin ng maliit na hand sanitizer dahil palagi itong nag-aalcohol ng kamay. Pasok sa budget! Pagdaan ko sa isang tindahan ng damit, ang ganda noong kulay ng polo shirt, napabili ako ng isa, P 540 rin 'yun. Wasak na naman ang budget. Kaya nilakad ko na lang mula SM hanggang V. Mapa kung saan naroon ang bible school nina Kuya Joey. 

     Inabot yata ako ng isa't kalahating oras sa paglalakad, pawis na pawis rin 'yung binili kong polo. Pagdating ko do'n sa CR agad ako dumeretso para magpalit. Buti na lang bumili ako ng extrang polo shirt. O ha, justified! Sana pala 'yung pinambili ko ng coffee jelly na iniinom ko habang naglalakad ay ipinampasahe ko na lang sa dyip para hindi ako lulugo-lugo noong oras na ng preaching.

JJJ

     Nakaka-ewan sa pakiramdam yung makita mo yung gradweyt katabi ng magulang o di kaya ay asawa niya. Hindi talaga self-made man ang bawat nag-aaral. Palaging may nakasuporta sa kanila.  Kaya kapag nagmartsa na yung gragweyt, parang dalawa silang nakatapos. Parehong may achievement. Oo na, medyo touching na kung 'yun lang yung word para dun. Sa tingin ko mahalaga pala ang ganitong mga seremonyas para na rin mabigyang pagkilala ang pagpapagal hindi lang noong mga nag-aral kundi noong mga nagpa-aral.

     'Yung maka-gradweyt ka lang sa bible school, sobrang achievement na 'yon. Siyempre, bible school 'yun malamang subsob na subsob 'yun sa pag-aaral ng bible. 'Yung matapos mo lang basahin ang buong bibliya, achievement na kaya 'yun; 'yun pang pag-arala mo ito ng apat na taon sa isang seryosong paaralan? Ginintuang achievement. Ang nakaka-proud lang in a good sense ay dahil tinawag si Kuya Joey para sa Salutatorian Award! Whoa! Parang gusto kong sumigaw: Kuya ko 'yan! Kuya ko yan! Hindi nga lang biological, pero at least kuya ko yan! 

     May husay naman talagang magturo si Kuya Joey. Narinig ko. Nakikinig ako, mukha lang hindi. Masipag ding mag-aral, lately nga nagkasakit na kakapuyat para sa translation work niya sa Greek. Tapos, tinarangkaso pa noong final exam. Haggardo versoza na, hindi na kami magkamukha. Pero kahit pagod na pagod pa yan, pagkatapos ng prayer meeting, type-type, research-research pa yan. Kaya naman God rewarded Kuya what he somehow deserves. Nakakatuwa dahil meron pa siyang golden tali, para yung lubid sa mga tandang, at cash prize na P 750. Ito yung astig, isang OPEN Bible na KJV. Woooo. May ganito rin si Mrs. David, Salut din 'yun noong grumadweyt sa BS. Teacher namin siya sa BI (Bible Institute, mas lighter kesa BS). 

     Si Kuya Renan naman ang nakakuha ng Valedictorian, ka-church-mate ni Kuya Joey. Very scholarly naman talaga itong si Kuya Renan. Naririnig ko naman ito sa Sunday School kapag sa GBC ako nagchu-church. Ilang beses ko na ring narinig magdeliver ng message. 'Yung message niya, karne talaga. Karneng-karne. Malaman. Pang-scholar pala ang humor nito, dahil maraming natatawa sa mga jokes niya noong nag-speech siya sa ganoong kapormal na gathering.

     Pagkatapos noong grad rites, kasama sina Ate Ev (gf ni Kuya Joey), Nanay&Tatay (ni Kuya Joey), Kuya ni Kuya Joey, Ate Lorie at Kuya Benj (churchmates nina Kuya Joey), Kuya Renan himself, Kuya Joey himself, at isang dentist (yata) at neuro (gf noong dentist) na kaibigan ni Kuya Renan; ay kumain kami sa Key-Ep-Si. 

     Sabi ni Kuya Joey, pagod daw ako sa trabaho. Hindi 'yun dahil sa pagod kaya ako'y tahimik. Nag-iisip kasi ako. Ng blogpost. Hindeee. Nag-iisip ako, paano kung sina Roy at Alquin na ang gagradweyt sa BS? Waw! Sana, I mean, dapat, dapat salutatorian din sila or best preachers award. hihi pri-shure. Tapos, yung cash prize nila, e iboblow-out nila ko. 'Yun yun e!

     Pero isa sa mga seryoso ko talagang inisip-isip, e ang makapag-aral ulit. Gusto kong mag-Masters. Matagal na. Siyempre, kailangan ko pa ng karanasan sa industriya. Kailangan ko ng keridibilidad para ma-endorse para makapasok ng graduate school. Kailangan kong matutuong maging mapag-aral gaya nina Kuya Joey at Kuya Renan. Kailangan kong mag-manage ng time efficiently. Maging goal setter. Maging ganito. Maging ganyan. Maging fully prepared. Iba kasi talaga ang graduate school. Dapat magpakagiting ako for excellence.

     Hindi pwedeng papasok lang ako kapag gusto ko. Hindi pwedeng kapag hindi na kaya ang pressure ay bibitawan. Hindi pwedeng 'pag may problema ay magkukulong. Naku, Dyord kailangan mo pang maging mature enough para makapaghandle ng mga ganitong kabigat na responsibilidad at oputunidad. Kaya dapat, habang maliit pa yung mga responsibilidad ko ay nagagampanan ko ng maayos. Dapat habang kakaunti at maliit pa yung mga inaaral ko at natututunan ko. Dapat maging epektibo sa pagju-juggle ng maraming aspeto ng buhay. 'Yon ang nakakahanga kay Kuya Joey. Marunong siyang mag-juggle habang nagbabalanse. Iba pala talaga kapag may tinitingala kang kuya. Sana mala-'Kuya Joey' ang mapangasawa ng mga ate ko sa church.

JJJ

     Na-inspire talaga akong mag-aral. Ng mabuti. At para makapag-aral muli ako ng mabuti, kailangan ko munang magtrabaho ng mabuti rin. Higit pa sa spicy chicken at gravy, higit pa sa cheesy na spaghetti, dobleng higit sa colslo, fries, at macaroni; ang magkaroon ng Kuya Joey. (ang baduy noong rhyming ko 'ron)

     Maligayang bati! Kuya Joey! (para sa bertdey)
     Maligayang bati! Kuya Joey! (para sa gradweysyon)
     Meron ka pang isang award: Best Kuya ever!


     Kay God, Salamuch! High-five! :D


      

     

     
     

Friday, March 13, 2015

Panaginip x Prinsipyo x Politika


   Isa ito sa mga morning talk show series na ipo-post ko. Ang morning talk show ay nagaganap ng 6:15-6:45 am sa kusina sa 'kumbento' (parsonage) kung saan kami nanunuluyan. Ito ay isang motivational talk kung saan nagkukwentuhan kami ng mga kung anek-anekdota sa trabaho, sa pagsakay papuntang trabaho, at sa mga tinatrabaho, bago kami pumunta sa aming mga trabaho. 

Cast:

Philip - isang computer engineer na nasa I.T. company
Rica - isang accountant
Jhertell - isang Pyscho(tic?) na nasa HR
Kuya Caloy - Pastor sa Grace Bible Church
Bun - isang batang viet (2 yrs old)
Ate Joby - isang computer engineer na nasa I.T. company rin.
                  (Magkaiba sila ng company ni Philip)

Ito ang regular cast, salit-salitan 'yan. Ako ang resident moderator.

Dahil special episode agad ang pilot episode natin, 2 lang muna ang mag-aappear on cam:

Ready.... Ac...shun!

Isang umagang mataas ang energy ng lahat dahil Monday.

Jhertell: Dyo-hord! Napanaginipan kita!
Ako: Ano?
Jhertell: Nagresign ka na raw...
Ako: Haha. Bakit daw?
Jhertell: Nagresign ka na daw dahil may pulitika sa office nyo.
Ako: Pa'nong pulitika?
Jhertell: May kinikilingan daw ang [dyaryo name] nyo, kaya nagresign ka.
Ako: Haha!

 Nakakatuwa naman ang panaginip ni Jhertell. Aba! akalain mo maprinsipyo akong tao ron. Pinagpalit ang trabaho para sa dignidad. As if namang gagawin ko nga 'yon sa totoong buhay? Paano nga kung dumating ang panahon na malagay ako sa balag ng pagkompromiso sa aking mga tinatayuang prinsipyo? Magdream come true nga ba si Jhertell na oks lang sa'king kumalam ang sikmura para sa prinsipyo. Malayo pa naman ang 2016.

Naku! Ito na ang sign na hinihintay ko. Haha. Hindi. Hindi pa. Konting ipon pa. Bago ako tuluyang kumawala sa trabahong ito. 

Thursday, March 12, 2015

Siyortkat 2 (SM City Hall - San Miguel)



      Pauwi galing trabaho. Ipit na ipit lagi ang dyip diyan sa may Quezon Bridge. Problema talaga ang rush hour. Wala pa nga raw baha ro'n ngayon e. Inaabot ako ng 30 mins. Hindi ko naman matangkang lakarin dahil delikado sa mga rugby-linggits. Tapos, pagdating ng Quiapo, sasakay naman ako ng biyaheng Pasig-Palengke, at halos trenta minutos ding naiipit d'yan sa may Recto. Mahigit isang oras din ang binabiyahe ko araw-araw at rinding-rindi pa 'ko sa mga BUSINA ng mga sasakyan. Alam mo 'yung wala namang kabusi-busina, makapag-ingay lang talaga.

     'Yun pala, pwede naman akong sumakay uli ng San Miguel Ikot, tapos bababa ako bago lumiko ng Baste. Dadaan ang dyip, imbis na sa Quezon Bridge, ay sa Ayala Bridge. Lakad konti, tapos akyat papuntang Mendiola. Tapos, from there, sasakay naman ako papuntang Bacood at bababa sa may 7-11 diyan sa may Estero de San Miguel. Nakakatipid ako ng 30-40 mins. Pwede ko pa 'yung itingin-tingin ng libro sa Book Sale sa SM. Libro na naman Dyord? Tingin lang naman, p'wera bili. Pampaalis lang ng sakit ng ulo.

     Matagal na 'tong tinuro sa'kin ni Pastor Jong. Baka magtatatlong buwan ko nang alam. Ngayon, ko lang sinubukan. Nakakatuwa, dahil iba yung dinadaanan ko. Iba yung feels e. Ang sarap sa utak na may mga bagong gusali kang nakikita. Iba sa mga karaniwang nakikita ko kapag dumadaan ako ng Quezon bridge. May mga dadaanang mga bahayan na may mga sari-sari istor at isawan sa labas. Tapos, malalanghap-langhap ko pa 'yung usok ng sinugbang isaw. May mga matataas ding condo unit bago mag-tulay ng Ayala. Iba. Bago. An' saya.
     
     Naisip ko lang, natatakot pala akong iwanan 'yung nakasanayan. Nag-aalangan lang na sumubok ng bago. Takot maligaw sa lugar na hindi ko alam. Pero sa oras pala na sumubok ako ng bagong daan, mas maraming isawan akong malalanghap, mas pahnang pwededeng buklatin, mas maraming mukhang makakasalamuha at mas maraming pinto akong makikita. 




...
Ito ay isang #hugotnahugot

Wednesday, March 11, 2015

Siyortkat (San Miguel - Intramuros)


     Minsan, dagdag pogi-points ata sa mga artista kapag may araw na bumibisita sila sa Quiapo. Lo-he! Araw-araw kaya akong dumadaan sa simbahan ng Quiapo?! Sasakay ako ng Quiapo-Echague, tapos doon sa may Hotel 99 ang baba ko, may underpass 'ron, labas ay sa may gilid ng Quiapo church, kailangan mo talaga pumasok sa loob para makapunta ka sa may kalsada kung saan dumadaan ang mga dyip papuntang Pier, Blumentritt, at SM City Hall. Kaya, araw-araw akong dumadaan doon. Daan lang talaga.

     Ang kabuuan kong oras na nagagamit sa rutang ito ay 40-50 mins. Ang tagal no? Dahil 'yan sa congested na mga intersections sa may Legarda at Mendiola. Minsan, wala akong makitang nagtatrapik. Kahit pa may traffic lights, kailangan pa rin na may visibility ng enforcers para ma-encourage na  sumunod ang mga motorista. Dahil palagi akong nale-late, kailangan ko nang baguhin ang aking ruta. Marami namang daan papuntang Intramuros.

     Sumakay ako sa may daanan papuntang Bacood, d'yan sa may Estero de San Miguel na pinamamahayan ng ga-asong mga daga. Tapos, baba ako ng Baste ( San Sebastian Church), palit muna ako ng parokya. Then, sumakay naman ako ng San Miguel Ikot dahil dadaan ito ng SM City Hall. Alam mo ba ang natipid kong oras? 30 mins! 

     Hindi na'ko male-late ngayon. Pramis. Kasi pakiramdam ko nasa 300-400 nakakaltas sa'kin dahil lang sa late(s) ko. Kung maiiwasan ko yan, Aba! Pwede ko pang ilaan ang perang yan sa iba kong gastusin. Gaya na lang ng libro. Libro na naman?

Tuesday, March 10, 2015

"Sa Inyo Ka Matutulog Mamaya?"


"Sa inyo ka matutulog mamaya?"

Oo, kako.

"Ila-lock ko 'to,"

Ge, kako.


     Galing ako kena Ebs(E-boy/Jeuel) noong BIyernes ng gabi. Nag-research ako tungkol sa Sustainable Agriculture at Regional Volume of Production, pero siempre hindi ko natapos dahil limpak-limpak na imporasyon ang kailangan kong makalap. E, alas nuebe na ako nag-umpisa dahil tumugtog pa kami kahit hinding-hindi namin magtugma ang areglo namin ni Ebs. Nagtanong siya bago ko umuwi kung sa bahay nga raw ba 'ko matutulog para mai-lock ang pinto mamayang gabi. Kapag umuuwi kasi ako doon ng Sabado ay bandang alas-otso pa dahil sa praktis ng choir sa simbahan namin. Nasabi ko nang sa bahay muna ako matutulog tonight, kalimot na ata dahil siguro sa brain trauma.

     Sabi ko, sa bahay muna ako dahil parang kaya ko nang tapusin sa Linggo ng hapon lahat ng dapat i-resarch. Mas matagal pa kasi ang naititigil ko kena E-boy kaysa sa bahay namin kaya pinasya kong sa bahay matulog ng Sabado ng gabi ng makapag-spent naman ng quality time sa mga aso ko. Sa Linggo naman doon ako magbubuhat papuntang trabaho. 

     Pero sana pala, doon na'ko natulog noong Sabado ng gabi na 'yon.

     Konting balik-tanaw: 

Nakauwi ako ulit sa Tiaong. Pero bago 'yun katakot-takot na self-evaluation at strategy planning ang ginawa ko. Anong paraan ang gagawin ko para maka-uwi? Hindi na pwede ang absent at leave, wala ako noon. Wala na akong mapipigang istorya sa amin.Naisip ko 'yung isa kong project na directories, so kailangan kong i-visit yung tatlong agri institution sa amin. Sana pumayag ang exec.editor ko na nasa CDO.  
Nag-evaluate muna ako, nagtrabaho ba talaga ako ng mabuti, me' output ba'ko. Meron naman kahit papaano. Sabi ko sa kasama ko sa bahay, "Aba! Nagtrabaho ako ng dal'wang linggo sa kanila, pauwiin naman nila ako". Tsaka, kapag pinauwi nila ako, marerefresh ako, mas magiging emotionally stable ako 'pag balik, kaya mas magiging produktibo. Para rin sa kabutihan ng pahayagan. Tsaka, gusto ko lang din gampanan ang marami kong roles sa amin bilang mabuting (?) anak at mapagmalasakit (at mapang-abuso sa hapag-kainan) na kaibigan. 
Alam ko na mas mataas ang BOSS ko kaysa sa exec.editor ko. Kaya sa kanya ako aasa. Tinext ko ang editor ko ng "Sir, I was thinking if I can visit blahblahblah and also get blahblah for stroy development," in the back of my text ay uuwi ako at ipinapaalam ko po sa'y, basbasan mo para mapirmahan ang time card ko! Ganan, kung kaya kong isipin, kaya kong gawin. Sent! Ang problema, never pang nagreply sa'kin ito kapag tinetext ko, nagtetext lang siya kapag may iuutos na ipapacover pero reply sa mga queries ko wala. 
Nag-GM din ako sa mga kakilala ko na ipanalangin ang aking pagpapaalam. Mas maraming prayers, mas lalambot ang puso ng exec.editor ko. Hapon na at naka-uwi na'ko ng 'kumbento' pero hindi pa rin siya na-reply. Hindi ko tuloy alam kung mag-iimpake ako o hindi. Maya-maya pa'y may nagtext: si Jhertell sabi "I support johord!". Nagpasalamat ako sa kanya. Maya-maya may isa pang text: sabi "Go ahead," ang exec.editor ko. 
Para akong kunehong nakakain ng mayabong sampalok, nakangisi at tatalon-talon dahil uuwi ako. Uuwi ako. After the long 2 golden weeks, uuwi ako. Tinamad akong mag-impake. Nagtimpla ako ng kape.Umupo. Humigop. Nag-sip ng papasalubong kahit wala na sa budget ko.

     Mabalik tayo sa pagtulog ko sa bahay noong Sabado. Bandang alas-otso na'ko naka-uwi sa'min. Pagbungad ko pa lang sa may harapan ng bahay. Wala na, kumislot na ang demonyo ng kabadtripan. May nag-iinuman. Ang kapatid ko (na pariwara), ang kapitbahay na pariwara pero may trabaho, isang kapitbahay pa na bago at isang di ko kakilala. Naku! Payabangan lang ang usapan, mga wala-kayo-sa-lolo-ko-stories. Buti kung suite, e anthology e. Rinig na rinig ko kahit nasa loob na'ko ng bahay. Yero lang kasi at plastic na net(yung ginagamit sa mga bahay ng manok) ang ding-ding sa salas kung saan ako natutulog. Wala pang isang dipa ang layo sa inuman.

     Alas-nuebe na'y yabangang-yabanga't halakhakang-halakhakan pa ang mga lasing. Muntik-muntik pang mapa-away ang dayo. Ang umu-ok-ok sa puso kong demonyo ay nagiging ga-bulate na. Sobrang nakakairita ang tawanan ng mga lasing. Wala namang ka-humor-humor, wala ni katiting. May mga naririnig pa'kong "Mahal kita, e pinsan kita e,". Nuknukan ng mga kabaduyan talaga 'yung mga lasing. Sana pala kena E-boy na nga lang ako natulog. Linggo pa naman bukas. Linggong-linggo, e badtrip ako. Kailangan ko rin namang matulog ng maayos, kasi nga Linggo kinabukasan.

     Hinatid na ni Mama at ni Bernunang (kapatid ko) yung kaibigan niya. Bandang alas-diyes na 'yun. Yung dalawa kong kapitbahay na walang kasing humane ay patuloy sa pagyayabangan sa harapan ng aming bahay. Ang alam ko ay may municipal ordinance kaming bawal na ang mga lasingan sa gabi. Pero hindi rin naman sila maabot ng ordinansa dahil nasa looban kami. 'Yung tanod naman, tatay ng kapitbahay ko na 'yun. So, wala tiis. Tiis hanggang magwakas ang yabangan. 

     "e, kung inuman ay hindi mo ko matatalo d'yan insan,... Mas matanda ako sa iyo wag mo kong pangaralan,.. sa dami ko nang kalokohan sa buhay.." 

    Nakakapag-isp na'kong pakawalan 'yung tatlo kong aso. Mabangis pa naman sa maingay 'yung mga 'yun, lalo na si Tsaw-tsaw. Pero siyempre dahil ito sa ga-ahas nang demonyo bumubulong sa'kin. Hindi paawat kahit awatin na ng kapitbahay 'yung magpinsang nagyayabangan. Nagpapataasan pa ng ihi. Pero maya-maya...ito naman ang narinig ko

     "Ako'y magpapakumbaba na sa iyo insan"
     "Ako'y maninikluhod na sa'yo insan"

     Nagiging literary ang mga lasing pero in an extremely baduy way. Dumating na si Mama kasama ang kapatid ko na gusto kong tuktukan dahil doon pa naiisip mag-inuman sa harap ng bahay namin. Ang lawak naman ng harapan nila (ng kapitbahay). Sabi ni Mama, tumabi na lang daw ako sa kanila sa pagtulog at sa salas ako. Ayoko, kako. Sa salas talaga ako matutulog. Kahit na bad trip na bad trip ako, matatapos din itong mga lasing na'to.

     Kung sinulat ko 'tong entry na'to ng panahong ding 'yon malamang ito ang mga keywords na mababasa mo: impyerno, bwiset, peste, et. al. Sa sobrang nakakawasak ang kabadtripan ko, ayoko nang kumanta sa choir at tumugtog bukas sa simbahan. Sana pala talaga kena Ebs ako natulog. Test of patience, bagsak ako kapag kailangang-kailangan mong mamahinga tapos ganito. Parang bukas na bukas din ay gusto kong kausapin ang mga kapitbahay ko at sabihing "mga wala kayong delikadesa, kung gusto n'yong mag-express ng nararamdaman n'yo magsulat kayo, o mag-painting para hindi kayo nakakapuyat! Hirap sa inyo masyado kayong pa-macho, e nakakasalot na kayo. Nakakabugnot din".

     Kinabukasan, nawala naman lahat ng kabadtripan ko. Maliwanag,'singtingkad ng sikat ng araw ang pakiramdam ko. Inilakad ko si Tsaw-tsaw sa tabing riles doon s amay tubigan. Oks na rin palang sa bahay ako natulog. Nagkape. Naligo. Naglakad papuntang simbahan.

    Nandu'n din 'yung isa sa kapitbahay kong nag-inom. Nagpe-praise the Lord matapos magtungga ng kalis kagabi. *iling *iling

Usaping Upuan

  Napansin kong may inilabas na upuan ang mga kalalakihan. Salamin na bubog lang naman kasi ang nagkukulong sa'kin mula sa outside world. Inilabas nila ang isang teybol at isang opis tseyr mula sa isang opisina. Mga ilang araw ko ring nadadaanan 'yun dahil nakabalandra ito sa makipot na daan papunta sa kulungan/opisina ko, lalong kumipot ang daan. Gusto ko nang idahilan na "makipot yung daan, ang hirap pumasok kaya aabsent muna (ulit) ako," pero siyempre hindi pwede.

     Ilang araw ko ring pinagnasaan ang upuan. Medyo maigsi kasi ang sandalan ng upuan ko, ansakit sa likod sa pagdaan ng maghapon. E yung nakabalandrang upuan ay lampas ulo ko ang sandalan at kutson na kutson pa. Paumbok-umbok dahil may mga botones na disenyo sa sandalan, haaay parang angsarap tulugan ng naka-upo. 'Yung teybol naman ang lawak-lawak, parang ansarap ub-uban kapag nahihilo-hilo na'ko sa pagsusulat. Yung teybol ko kasi pag-uubo-ob ako ay sa keyboard na agad dahil wala ng espasyo, Kapag nagsusulat nga ako ay sa nakabukas na drawer Hindi naman sa nagrereklamo ako sa muebles ko sa opis. Kuntento naman ako kaya lang mukhang hindi na ggamitin yung mga nilabas na muebles e. Akin na lang sana. 

     May nakasabay ako sa makipot na daan na dalawang babae. Pinag-usapan din nila yung opis tseyr at teybol. Ang ganda raw sabi ni girl1. "Sige, gamitin mo 'yan. Gamit 'yan nung namatay," sabi naman ni girl2. May namatay? Hindi ko man lang nabalitaan. Nasa dyaryuhan pa naman ako nagtatrabaho. Kaya pala gagawin nang library ang opisina na 'yon? Wala akong mapag-uriratan ng tungkol sa namatay na 'yon kung anung section ba siya nagsusulat o saang magasin.

    Lalo ko lang nagustuhan ang kanyang upuan. Sigurado akong masarap magbasa ng aklat habang nakasandig doon at nagkakape. Kaya lang alam ko na hindi nararapat sa'kin ang kahit kaunting kapanatagan habang naghihirap. Kasi hindi ko masasabing naghihirap ako habang panatag ang aking likod at nakasandig sa malambot na sandalan.

Monday, March 9, 2015

Palengkinitan





Palengkinitan

Hanggang kailan kaya
Mabubuhat ang kaban?
Pitong kilong nakadag-an
Wari'y di napaparam
Katal na. Kalos pa.


Nasa gitna ng maingay
Na palengke ngunit
Giniginaw mag-isa
Tila gulay na lanta
Tinubig na't di mabenta


Isang tilapia sa mababaw
Na labong tubig sa batya
Sisingap-singap ng hanging ginto
Matutuklap kaya ang pulang plastik?
Pagod nang magpanggap na sariwa


Nasa malambot na upuan
Ngunit ngalay na ngalay
Salami'y palaging inaaway
Buhok ay di tinatantanan
Binibilang-bilang, sapat na ga?


Sapat na nga ga?


Hinahanap ang palamigan
Panahon nang tumikim ng asukal
Tuwalyahin ang mga butil sa noo
Pigain at langgain ang pinagpawisan
Mas tumatamis pala, 
kapag galing sa  asim.





Tula ni: Dyord
Guhit ni: Jeuel