Wednesday, March 4, 2015

3rd Monthsary



   Kaya ko pa ba? Tatlong buwan na pala. Bakit pakiramdam ko'y ilang taon na rin? Lumilipas ba ang araw ko ng hindi ko na namamalayan? Tila marami na'kong natutunan sa'yo? Paano ko ba masasabing dapat na kitang iwan? Kapag sapat na ang natutunan? Kapag ba hindi na'ko masaya? O kapag lubos na kitang napakinabangan at napagsawaan?


   Hindi ko talaga alam kung gusto kita o hindi. Para kasing hindi talaga kita deserve e. 'Yung feels na andyan ka lang pero pakiramdam ko ang layo-layo mo. Hindi rin ako akma sa sitwasyon natin. Kahit na komportable ako sa'yo parang mas gusto ko yung mahirap na sitwasyon. Siguro dahil sa mga nangyayari sa mga tao sa paligid ko kaya tinatiyaga lang kita. Pero alam mo, nasasakal na'ko. Nasasakal nga ba ako o baka napapagod lang? Kasi yung nasasakal pilit na kumakawala sa sumasakal sa kanya at 'yung napapagod, itinutulog lang at bukas oks na siya ulit. Alin nga ba ako doon?


   Kung ikaw lang ang tatanungin. Alam ko hindi mo ko kailangan. Alam ko na hindi rin naman kita mahal. Kailangan lang kita sa maikling panahon. Para matuto. Para makapaghanda. So, sapat na ba ang tatlong buwan? Ewan. 

   Isa lang ang alam ko, sa oras na iwanan kita, maaring manibago ako, pero hindi kita iiyakan.


No comments: