Tuesday, March 10, 2015

"Sa Inyo Ka Matutulog Mamaya?"


"Sa inyo ka matutulog mamaya?"

Oo, kako.

"Ila-lock ko 'to,"

Ge, kako.


     Galing ako kena Ebs(E-boy/Jeuel) noong BIyernes ng gabi. Nag-research ako tungkol sa Sustainable Agriculture at Regional Volume of Production, pero siempre hindi ko natapos dahil limpak-limpak na imporasyon ang kailangan kong makalap. E, alas nuebe na ako nag-umpisa dahil tumugtog pa kami kahit hinding-hindi namin magtugma ang areglo namin ni Ebs. Nagtanong siya bago ko umuwi kung sa bahay nga raw ba 'ko matutulog para mai-lock ang pinto mamayang gabi. Kapag umuuwi kasi ako doon ng Sabado ay bandang alas-otso pa dahil sa praktis ng choir sa simbahan namin. Nasabi ko nang sa bahay muna ako matutulog tonight, kalimot na ata dahil siguro sa brain trauma.

     Sabi ko, sa bahay muna ako dahil parang kaya ko nang tapusin sa Linggo ng hapon lahat ng dapat i-resarch. Mas matagal pa kasi ang naititigil ko kena E-boy kaysa sa bahay namin kaya pinasya kong sa bahay matulog ng Sabado ng gabi ng makapag-spent naman ng quality time sa mga aso ko. Sa Linggo naman doon ako magbubuhat papuntang trabaho. 

     Pero sana pala, doon na'ko natulog noong Sabado ng gabi na 'yon.

     Konting balik-tanaw: 

Nakauwi ako ulit sa Tiaong. Pero bago 'yun katakot-takot na self-evaluation at strategy planning ang ginawa ko. Anong paraan ang gagawin ko para maka-uwi? Hindi na pwede ang absent at leave, wala ako noon. Wala na akong mapipigang istorya sa amin.Naisip ko 'yung isa kong project na directories, so kailangan kong i-visit yung tatlong agri institution sa amin. Sana pumayag ang exec.editor ko na nasa CDO.  
Nag-evaluate muna ako, nagtrabaho ba talaga ako ng mabuti, me' output ba'ko. Meron naman kahit papaano. Sabi ko sa kasama ko sa bahay, "Aba! Nagtrabaho ako ng dal'wang linggo sa kanila, pauwiin naman nila ako". Tsaka, kapag pinauwi nila ako, marerefresh ako, mas magiging emotionally stable ako 'pag balik, kaya mas magiging produktibo. Para rin sa kabutihan ng pahayagan. Tsaka, gusto ko lang din gampanan ang marami kong roles sa amin bilang mabuting (?) anak at mapagmalasakit (at mapang-abuso sa hapag-kainan) na kaibigan. 
Alam ko na mas mataas ang BOSS ko kaysa sa exec.editor ko. Kaya sa kanya ako aasa. Tinext ko ang editor ko ng "Sir, I was thinking if I can visit blahblahblah and also get blahblah for stroy development," in the back of my text ay uuwi ako at ipinapaalam ko po sa'y, basbasan mo para mapirmahan ang time card ko! Ganan, kung kaya kong isipin, kaya kong gawin. Sent! Ang problema, never pang nagreply sa'kin ito kapag tinetext ko, nagtetext lang siya kapag may iuutos na ipapacover pero reply sa mga queries ko wala. 
Nag-GM din ako sa mga kakilala ko na ipanalangin ang aking pagpapaalam. Mas maraming prayers, mas lalambot ang puso ng exec.editor ko. Hapon na at naka-uwi na'ko ng 'kumbento' pero hindi pa rin siya na-reply. Hindi ko tuloy alam kung mag-iimpake ako o hindi. Maya-maya pa'y may nagtext: si Jhertell sabi "I support johord!". Nagpasalamat ako sa kanya. Maya-maya may isa pang text: sabi "Go ahead," ang exec.editor ko. 
Para akong kunehong nakakain ng mayabong sampalok, nakangisi at tatalon-talon dahil uuwi ako. Uuwi ako. After the long 2 golden weeks, uuwi ako. Tinamad akong mag-impake. Nagtimpla ako ng kape.Umupo. Humigop. Nag-sip ng papasalubong kahit wala na sa budget ko.

     Mabalik tayo sa pagtulog ko sa bahay noong Sabado. Bandang alas-otso na'ko naka-uwi sa'min. Pagbungad ko pa lang sa may harapan ng bahay. Wala na, kumislot na ang demonyo ng kabadtripan. May nag-iinuman. Ang kapatid ko (na pariwara), ang kapitbahay na pariwara pero may trabaho, isang kapitbahay pa na bago at isang di ko kakilala. Naku! Payabangan lang ang usapan, mga wala-kayo-sa-lolo-ko-stories. Buti kung suite, e anthology e. Rinig na rinig ko kahit nasa loob na'ko ng bahay. Yero lang kasi at plastic na net(yung ginagamit sa mga bahay ng manok) ang ding-ding sa salas kung saan ako natutulog. Wala pang isang dipa ang layo sa inuman.

     Alas-nuebe na'y yabangang-yabanga't halakhakang-halakhakan pa ang mga lasing. Muntik-muntik pang mapa-away ang dayo. Ang umu-ok-ok sa puso kong demonyo ay nagiging ga-bulate na. Sobrang nakakairita ang tawanan ng mga lasing. Wala namang ka-humor-humor, wala ni katiting. May mga naririnig pa'kong "Mahal kita, e pinsan kita e,". Nuknukan ng mga kabaduyan talaga 'yung mga lasing. Sana pala kena E-boy na nga lang ako natulog. Linggo pa naman bukas. Linggong-linggo, e badtrip ako. Kailangan ko rin namang matulog ng maayos, kasi nga Linggo kinabukasan.

     Hinatid na ni Mama at ni Bernunang (kapatid ko) yung kaibigan niya. Bandang alas-diyes na 'yun. Yung dalawa kong kapitbahay na walang kasing humane ay patuloy sa pagyayabangan sa harapan ng aming bahay. Ang alam ko ay may municipal ordinance kaming bawal na ang mga lasingan sa gabi. Pero hindi rin naman sila maabot ng ordinansa dahil nasa looban kami. 'Yung tanod naman, tatay ng kapitbahay ko na 'yun. So, wala tiis. Tiis hanggang magwakas ang yabangan. 

     "e, kung inuman ay hindi mo ko matatalo d'yan insan,... Mas matanda ako sa iyo wag mo kong pangaralan,.. sa dami ko nang kalokohan sa buhay.." 

    Nakakapag-isp na'kong pakawalan 'yung tatlo kong aso. Mabangis pa naman sa maingay 'yung mga 'yun, lalo na si Tsaw-tsaw. Pero siyempre dahil ito sa ga-ahas nang demonyo bumubulong sa'kin. Hindi paawat kahit awatin na ng kapitbahay 'yung magpinsang nagyayabangan. Nagpapataasan pa ng ihi. Pero maya-maya...ito naman ang narinig ko

     "Ako'y magpapakumbaba na sa iyo insan"
     "Ako'y maninikluhod na sa'yo insan"

     Nagiging literary ang mga lasing pero in an extremely baduy way. Dumating na si Mama kasama ang kapatid ko na gusto kong tuktukan dahil doon pa naiisip mag-inuman sa harap ng bahay namin. Ang lawak naman ng harapan nila (ng kapitbahay). Sabi ni Mama, tumabi na lang daw ako sa kanila sa pagtulog at sa salas ako. Ayoko, kako. Sa salas talaga ako matutulog. Kahit na bad trip na bad trip ako, matatapos din itong mga lasing na'to.

     Kung sinulat ko 'tong entry na'to ng panahong ding 'yon malamang ito ang mga keywords na mababasa mo: impyerno, bwiset, peste, et. al. Sa sobrang nakakawasak ang kabadtripan ko, ayoko nang kumanta sa choir at tumugtog bukas sa simbahan. Sana pala talaga kena Ebs ako natulog. Test of patience, bagsak ako kapag kailangang-kailangan mong mamahinga tapos ganito. Parang bukas na bukas din ay gusto kong kausapin ang mga kapitbahay ko at sabihing "mga wala kayong delikadesa, kung gusto n'yong mag-express ng nararamdaman n'yo magsulat kayo, o mag-painting para hindi kayo nakakapuyat! Hirap sa inyo masyado kayong pa-macho, e nakakasalot na kayo. Nakakabugnot din".

     Kinabukasan, nawala naman lahat ng kabadtripan ko. Maliwanag,'singtingkad ng sikat ng araw ang pakiramdam ko. Inilakad ko si Tsaw-tsaw sa tabing riles doon s amay tubigan. Oks na rin palang sa bahay ako natulog. Nagkape. Naligo. Naglakad papuntang simbahan.

    Nandu'n din 'yung isa sa kapitbahay kong nag-inom. Nagpe-praise the Lord matapos magtungga ng kalis kagabi. *iling *iling

No comments: