Si Kuya Joey ay galing sa Grace Bible Church, full-time worker siya ro'n, ang tawag yata nila ro'n ay grace ambassador. May mga ministries siya gaya ng bible studies sa Pandacan, sa Tiaong, at sa kanilang bahay sa Paco. 'Yan yung mga alam ko.
Naging kuya namin si Kuya Joey sa Tiaong, big bro kumbaga. Naalala kong nagturo siya ng mga doctrinal lessons, karne talaga. Tapos, may handle din siya na mga discipleship sa mga bago. Maraming beses, kumakanta kami. Mahilig kaming kumanta. Bakit parang memoirs ito ng yumao na? Buhay na buhay pa si Kuya Joey, kakabertdey niya nga lang noong March 12, kasabay na araw ng pagsilang kay Prik-prik.
Lumaki ako sa church na napapligiran ng mga ate. Si Ate Shin. Si Ate B-Anne. Si Ate Marines. Si Ate Beth. Puro Ate. Hindi ako sanay ng may kuya. Kaya hindi ako sanay magkwento kay Kuya Joey. Napaka-sensitive kasi nito. Alam niya kapag pagod ka. Ramdam niya kapag may dinadala ka, at napaka maalaga. Nars kasi siya by profession.

Dahil super effort ako, binati ko lang si Kuya Joey sa text. Magkikita naman kami bukas sa graduation niya sa bible school. Medyo, tipid din sa regalo, pag-iisahin ko na ang regalo ng graduation at bertdey. Napabili rin ako ng damit d'yan sa may underpass sa may City Hall para naman may maisuot ako sa graduation rites ni Kuya Joey. Halos P 300 din 'yun, tinawaran ko ng P 250, hanggang P280 lang daw. Kaya ko pa sana ng P 260 kaya lang bigla akong naawa. Tinablan ako ng awa sa manininda kaya binili ko na ng P 280.
Kinabukasan, lunch break ko, pumunta ko ng mall para bumili ng regalo. Tamang-tama dahil 3-day sale kako. 'Andaming tao. 'Andaming items. Hindi ako maka-isip ng panregalo. Hindi ko ata kilala talaga si Kuya Joey. Parang hindi naman napapasaya ng materyal 'yun. Ang hirap mag-isip, mauubos na ang lunch break ko kaka-ikot, kakatingin, kakasipat, kakasilip ng price. Dapat kasi sana 'yung magagamit ni Kuya Joey, 'yung maapreciate at pasok sa budget. Kaya lang wala talagang pumasok sa kokote ko. Napabili lang ako ng isang pantalon, sale kasi 499 lang dati ay 800+. E, wala na rin kasi akong magamit na pantalon. Ayun, napabili tuloy ng wala sa budget. Materialism is creeping...
Pagbalik ko sa opis, tinext ko si Kuya Joey na wala akong ma-isip na panregalo. Siyempre, sasabihin no'n na wag na 'kong magregalo. E, me' trabaho naman ako, it's my turn to be a blessing kahit papano. So naisip ko paglabas ko ng hapon na bumili na lang ng brownies. 'Yung palagi kong pinapasalubong, mura lang din naman 'yun. Binilhan ko rin ng maliit na hand sanitizer dahil palagi itong nag-aalcohol ng kamay. Pasok sa budget! Pagdaan ko sa isang tindahan ng damit, ang ganda noong kulay ng polo shirt, napabili ako ng isa, P 540 rin 'yun. Wasak na naman ang budget. Kaya nilakad ko na lang mula SM hanggang V. Mapa kung saan naroon ang bible school nina Kuya Joey.
Inabot yata ako ng isa't kalahating oras sa paglalakad, pawis na pawis rin 'yung binili kong polo. Pagdating ko do'n sa CR agad ako dumeretso para magpalit. Buti na lang bumili ako ng extrang polo shirt. O ha, justified! Sana pala 'yung pinambili ko ng coffee jelly na iniinom ko habang naglalakad ay ipinampasahe ko na lang sa dyip para hindi ako lulugo-lugo noong oras na ng preaching.
Nakaka-ewan sa pakiramdam yung makita mo yung gradweyt katabi ng magulang o di kaya ay asawa niya. Hindi talaga self-made man ang bawat nag-aaral. Palaging may nakasuporta sa kanila. Kaya kapag nagmartsa na yung gragweyt, parang dalawa silang nakatapos. Parehong may achievement. Oo na, medyo touching na kung 'yun lang yung word para dun. Sa tingin ko mahalaga pala ang ganitong mga seremonyas para na rin mabigyang pagkilala ang pagpapagal hindi lang noong mga nag-aral kundi noong mga nagpa-aral.
'Yung maka-gradweyt ka lang sa bible school, sobrang achievement na 'yon. Siyempre, bible school 'yun malamang subsob na subsob 'yun sa pag-aaral ng bible. 'Yung matapos mo lang basahin ang buong bibliya, achievement na kaya 'yun; 'yun pang pag-arala mo ito ng apat na taon sa isang seryosong paaralan? Ginintuang achievement. Ang nakaka-proud lang in a good sense ay dahil tinawag si Kuya Joey para sa Salutatorian Award! Whoa! Parang gusto kong sumigaw: Kuya ko 'yan! Kuya ko yan! Hindi nga lang biological, pero at least kuya ko yan!
May husay naman talagang magturo si Kuya Joey. Narinig ko. Nakikinig ako, mukha lang hindi. Masipag ding mag-aral, lately nga nagkasakit na kakapuyat para sa translation work niya sa Greek. Tapos, tinarangkaso pa noong final exam. Haggardo versoza na, hindi na kami magkamukha. Pero kahit pagod na pagod pa yan, pagkatapos ng prayer meeting, type-type, research-research pa yan. Kaya naman God rewarded Kuya what he somehow deserves. Nakakatuwa dahil meron pa siyang golden tali, para yung lubid sa mga tandang, at cash prize na P 750. Ito yung astig, isang OPEN Bible na KJV. Woooo. May ganito rin si Mrs. David, Salut din 'yun noong grumadweyt sa BS. Teacher namin siya sa BI (Bible Institute, mas lighter kesa BS).
Si Kuya Renan naman ang nakakuha ng Valedictorian, ka-church-mate ni Kuya Joey. Very scholarly naman talaga itong si Kuya Renan. Naririnig ko naman ito sa Sunday School kapag sa GBC ako nagchu-church. Ilang beses ko na ring narinig magdeliver ng message. 'Yung message niya, karne talaga. Karneng-karne. Malaman. Pang-scholar pala ang humor nito, dahil maraming natatawa sa mga jokes niya noong nag-speech siya sa ganoong kapormal na gathering.
Pagkatapos noong grad rites, kasama sina Ate Ev (gf ni Kuya Joey), Nanay&Tatay (ni Kuya Joey), Kuya ni Kuya Joey, Ate Lorie at Kuya Benj (churchmates nina Kuya Joey), Kuya Renan himself, Kuya Joey himself, at isang dentist (yata) at neuro (gf noong dentist) na kaibigan ni Kuya Renan; ay kumain kami sa Key-Ep-Si.
Sabi ni Kuya Joey, pagod daw ako sa trabaho. Hindi 'yun dahil sa pagod kaya ako'y tahimik. Nag-iisip kasi ako. Ng blogpost. Hindeee. Nag-iisip ako, paano kung sina Roy at Alquin na ang gagradweyt sa BS? Waw! Sana, I mean, dapat, dapat salutatorian din sila or best preachers award. hihi pri-shure. Tapos, yung cash prize nila, e iboblow-out nila ko. 'Yun yun e!
Pero isa sa mga seryoso ko talagang inisip-isip, e ang makapag-aral ulit. Gusto kong mag-Masters. Matagal na. Siyempre, kailangan ko pa ng karanasan sa industriya. Kailangan ko ng keridibilidad para ma-endorse para makapasok ng graduate school. Kailangan kong matutuong maging mapag-aral gaya nina Kuya Joey at Kuya Renan. Kailangan kong mag-manage ng time efficiently. Maging goal setter. Maging ganito. Maging ganyan. Maging fully prepared. Iba kasi talaga ang graduate school. Dapat magpakagiting ako for excellence.
Hindi pwedeng papasok lang ako kapag gusto ko. Hindi pwedeng kapag hindi na kaya ang pressure ay bibitawan. Hindi pwedeng 'pag may problema ay magkukulong. Naku, Dyord kailangan mo pang maging mature enough para makapaghandle ng mga ganitong kabigat na responsibilidad at oputunidad. Kaya dapat, habang maliit pa yung mga responsibilidad ko ay nagagampanan ko ng maayos. Dapat habang kakaunti at maliit pa yung mga inaaral ko at natututunan ko. Dapat maging epektibo sa pagju-juggle ng maraming aspeto ng buhay. 'Yon ang nakakahanga kay Kuya Joey. Marunong siyang mag-juggle habang nagbabalanse. Iba pala talaga kapag may tinitingala kang kuya. Sana mala-'Kuya Joey' ang mapangasawa ng mga ate ko sa church.
Na-inspire talaga akong mag-aral. Ng mabuti. At para makapag-aral muli ako ng mabuti, kailangan ko munang magtrabaho ng mabuti rin. Higit pa sa spicy chicken at gravy, higit pa sa cheesy na spaghetti, dobleng higit sa colslo, fries, at macaroni; ang magkaroon ng Kuya Joey. (ang baduy noong rhyming ko 'ron)
Maligayang bati! Kuya Joey! (para sa bertdey)
Maligayang bati! Kuya Joey! (para sa gradweysyon)
Meron ka pang isang award: Best Kuya ever!
Kay God, Salamuch! High-five! :D
JJJ

No comments:
Post a Comment