Ang morning talk show ay nagaganap ng 6:15-6:45 am sa kusina sa 'kumbento' (parsonage) kung saan kami nanunuluyan. Ito ay isang motivational talk kung saan nagkukwentuhan kami ng mga kung anek-anekdota sa trabaho, sa pagsakay papuntang trabaho, at sa mga tinatrabaho, bago kami pumunta sa aming mga trabaho.
Today's Cast:
Ako
Ate Joby - isang computer engineer na nasa I.T. company rin
Guest:
Ayie - isang criminology student sa PCCR
Isang sinisipag na Monday Morning. Naka-alis na sina Jhertell, Rica, at Philip.
Ako: Bumili kaya tayo ng punching bag. Ambagan tayo. (Suntok-suntok ako sa hangin)
Ate Joby: (tawa, tawa, kumakain kasi)
Ako: Para kapag stres tayo, pwede nating suntok-suntokin. Sabay-sabay pa tayo, pwede nating bug-bug-bug-bogin. Stress management lang ba. (Suntok-suntok w/ footwork)
Ate Joby: (tawa, tawa, kumakain kasi)
Ayie: Suntukan na lang kayo ni Ate Joby, kapag pareho kayong stress
Ako: So, dapat pala boxing gears! Kaya lang baka mapalayas tayo. Sabihin, advocate ng violence ang mga boarders ng bahay ni Kuya.
Ate Joby: (tawa, tawa, mukhang competitive)
Ako: "Yako rin pala. Baka matalo pa'ko ni Ate Joby.
Lesson: Kape na lang together kung stress management lang din naman.
At dito na nagtatapos ang maigsing morning talk show sa kusina namin.
No comments:
Post a Comment