Nagkukwento palagi ang nanay ko sa'kin tungkol sa mga mabili at hindi mabiling commodities sa puwesto namin sa palengke. Sabi niya, nadiskubre raw niya nito lang ang murang angkatan ng luyang dilaw. Marami nga raw kasing naghahanap nito sa palengke, lalo na ang mga thunderbolts at mga nag-aalternative medicine. Ayun, palagi raw nauubos ang tinda niyang luyang dilaw o turmeric.
Minsan, nagtext sa'kin si Mama na may nabili raw siyang luyang dilaw by-products o mga produckto mula sa luyang dilaw gaya ng juice, coffee, at jam. Oo, pati palaman na luyang dilaw. Sa isip-isip ko, e baka pati ako'y binebentahan ni Mama nito, wala akong budget para sa health-keeping. Baka sa hospitalization pa. Hindi ko lang pinansin ang text dahil hindi naman masarap ang luya. Lalo na kung ipapalaman sa tinapay. Pinaghalo-halo raw na luyang dilaw, malunggay, at calamansi ang mga produkto.
Pero kahit hindi masarap ay mayaman naman ito sa pangkalusugang pakinabang (health benefits). Ito ang ilan sa naidudulot ng luyang dilaw, malunggay, at calamansi sa ating kalusugan: (I-take notes mo at baka magamit mo sa hinaharap. Minsan lang magkaroon ng may saysay na content ang blog ko na ito)
Malunggay (Moringa oliefera)
Anti-cancer
Anti-bacterial
Anti-inflammatory
7x na mas maraming bitamina K (Vit. C) kaysa Kahel (oranges)
4x na mas maraming bitamina A kaysa Karot
4x na mas maraming calcium at 2x na mas maraming protina kaysa gatas
3x na mas maraming potassium kaysa saging
Kalamansi (Citrofortunella microcarpa)
Pampaputi
Panlinis ng katawan
Pantanggal amoy
Lightens freckles
Mahusay sa ubo at pantanggal plema
Iwas at gamot sa osteoathritis
Nagpapanatili ng kalusugan ng bato
Iwas diabetes
Nagpapababa ng kolesterol sa dugo
Luyang Dilaw (Curcuma xanthorrhiza Naves)
Anti-inflammatory
Antibiotic
Antiseptic
Analgesic
Mabilis magpahilom ng sugat
Maganda sa panunaw
Gamot sa ubo
Nakakatulong sa asthma
Nagtitibag ng kabag
Gamot sa Ulcer
Nag-aayos ng mga sakit s abalat (gaya ng psoriasis at Eczema)
Nagbabawas ng side effects ng chemotheraphy
Bisitahin ang iba pang pakinabang sa luyang dilaw dito:
stuartxchange.com
...at malamang ay marami pang iba na hindi nabanggit at hindi pa natutuklasan.
"I-cover mo cla," ang sundo n'yang text sa'kin. Oo nga no?I Hindi ko naisip 'yun. Naisip ko kagad na wala akong ipapambili. Isa pang dahilan ito para makauwi ulit ako. Para-paraan ulit nang makapag-field trip. Natawa naman ako dahil mas aware na sa pwedeng gawan ng istorya ang nanay ko.
Dahil hinanapan ako ng istorya ng nanay ko, hahanapan ko siya ng market. Bili-bili na kayo ng turmeric coffee, tea, juice, at jam. Oo, jam na luya! Lasang luya talaga na palaman sa tinapay pero matamis-tamis. Ayan, may istorya na, may market pa. Oh no! Nag-uumpisa na gang ma-commercialize ang blog ko?
No comments:
Post a Comment