Sumuweldo ako noong Feb. 27, pero Feb. 28 na'ko nag-widro. Ngayon lang ulit umakayat sa P 5k ang sweldo ko since Jan. 2nd week dahil sa mga absences at leave(s) ko. May deductions pa sa late(s). Ngayon, may P 5, 200 ako na hahati-hatiin hanggang sa susunod na sweldo sa Mar. 13. Friday the 13th 'yun! Yey!
Sweldo: P 5, 200
Less:
Ambag: 400
TMP: 870
Survival
Fund: 500
Utang ni
Mama 1,
500
Pamasahe
Pauwi 300
P 3, 570
*All items above are subject to change
Pero dapat masunod ko yan ng mahigpit. Alam na alam ko na ngayon ang maghigpit ng sinturon. Hindi yan dapat magalaw or else magugulo ang balanse ng mundo. Mundo ko lang naman. Kapag nag-widro ako sa ATM Machine, ay 'yun na 'yun. Sa susunod na ulit na sweldo ang pagwiwidro sa ATM Machine. I mean ATM lang pala. Wala na yung machine. (Kasi nga, yung M sa ATM ay Machine na 'yun).
Dahil mistulang may kaluluwa ng taga-Commission on Audit na sumasapi sa'kin kada sweldo. Ito ang justification ng bawat paggagastusan:
Ambag - nabibigatan na kasi sa 'kumbento' pagdating sa usaping paggastos sa pagkain. Kaya para makatulong kay Kuya Caloy, ay napagpasyahan ng Council of Jobelle na mag-ambagan ng 400 bi-weekly para sa foods. Lima rin kami, so 4k din ang mamemenos ni Kuya Caloy.
TMP - no explanations available.
Survival Fund - pamasahe at pang-lunch sa loob ng dalawang linggo. Hanggang makasweldo ulit. Naisip ko nga, pwede ko kayang lakarin mula Intramuors hanggang Quiapo at sa loob ng sampung araw ay makakatipid ako ng tumataginting na P 75, kaya lang may risk na ma-hold up ako sa may Quezon Bridge at lalong mapamahal. Ipon lang muna ako ng lakas ng loob.
Utang ni Mama - Bigla na lang nangutang si Mama ng 1.5k sa'kin. Baka walang makuhaan ng pambayad sa mga loans na walang hanggan kaya ako na ang nabalingan. Dahil unang beses naman niyang mangutang ngayong may trabaho ako, sige go.
Pamasahe Pauwi - E di pamasahe pauwi. Mula Buendia hanggang Tiaong. Tapos, kasama na rin diyan yung pabalik. Sana lang talaga payagan akong umuwi.
Hindi ko maabot na makapag-save ng P 2.5 k muli. Wala pa nga akong budget para sa libro. Wala ring budget para sa pasalubong. Oks na yan, kahit papaano nakapag-Jolibee naman ako noong Sabado. Achievement na 'yun!
Teka, magbebertdey pa nga pala si Kuya Joey at graduation pa niya. Sige, kaya pang mag-adjust ng kaunti pa.
Pasasalamat:
Kay BOSS;
Salamuch po sa sweldo. Salamat dahil kahit na maraming lates, absences, at leaves ay umakyat pa ang sweldo. Oks lang kahit medyo humihigpit ang sinturon, senyales din 'yun ng pagdagdag ng kaunting taba. Dati nga, sulat ako ng sulat kahit salat na salat. Pero parang nami-miss ko 'yun. Nawa ay i-adya N'yo ako sa susunod pang mga araw. At ilayo sa mga sumusunod-sunod na holdapers. Wala na po akong budget sa kanila.
No comments:
Post a Comment