Minsan, dagdag pogi-points ata sa mga artista kapag may araw na bumibisita sila sa Quiapo. Lo-he! Araw-araw kaya akong dumadaan sa simbahan ng Quiapo?! Sasakay ako ng Quiapo-Echague, tapos doon sa may Hotel 99 ang baba ko, may underpass 'ron, labas ay sa may gilid ng Quiapo church, kailangan mo talaga pumasok sa loob para makapunta ka sa may kalsada kung saan dumadaan ang mga dyip papuntang Pier, Blumentritt, at SM City Hall. Kaya, araw-araw akong dumadaan doon. Daan lang talaga.
Ang kabuuan kong oras na nagagamit sa rutang ito ay 40-50 mins. Ang tagal no? Dahil 'yan sa congested na mga intersections sa may Legarda at Mendiola. Minsan, wala akong makitang nagtatrapik. Kahit pa may traffic lights, kailangan pa rin na may visibility ng enforcers para ma-encourage na sumunod ang mga motorista. Dahil palagi akong nale-late, kailangan ko nang baguhin ang aking ruta. Marami namang daan papuntang Intramuros.
Sumakay ako sa may daanan papuntang Bacood, d'yan sa may Estero de San Miguel na pinamamahayan ng ga-asong mga daga. Tapos, baba ako ng Baste ( San Sebastian Church), palit muna ako ng parokya. Then, sumakay naman ako ng San Miguel Ikot dahil dadaan ito ng SM City Hall. Alam mo ba ang natipid kong oras? 30 mins!
Hindi na'ko male-late ngayon. Pramis. Kasi pakiramdam ko nasa 300-400 nakakaltas sa'kin dahil lang sa late(s) ko. Kung maiiwasan ko yan, Aba! Pwede ko pang ilaan ang perang yan sa iba kong gastusin. Gaya na lang ng libro. Libro na naman?
No comments:
Post a Comment