Lately, (dahil palagi naman talaga akong late) ay nagtitipid ako. Tipid more than evah. As in, ultimo yung grams sa pagbili ng bar soap ikino-compare ko pa. Bawat sentimo na matitipid ko ay maari ko pang magamit sa ibang bagay. Gaya ng libro. Libro na naman? Sige, gaya ng sustento sa bahay. Yan, medyo accpeted by the society ang ganyang dahilan sa pagtitipid.
Pero seryoso, nagtitipid ako para maka-uwi. Tatlong daang piso rin kasi ang pa-Tiaong mula sa Maynila. Halos 1 day wage ko na yun. Kaya nga kapag umaabsent ako, ay feel na feel ko talaga ang kaltas sa sweldo ko. Kaya nga, iniiwasan ko na rin ang malate. Ma-late pala.
Kagabi, bertdey kasi ni Jhertell, kaibigan ko sa 'kumbento', kabatch na ma-employ, at kapatid sa pagbabasa ng libro; kaya nagkayaya-ang mag-sine. Shemperds, una, hindi maganda na mag-sine ako na may kasamang opposite sex. Labag sa aking moral standards 'yun. Kahit na kaibigan pa. Pangalawa, ay nagtitipid ako ng bunggang-bungga para nga sa pag-uwi ko'y may maiabot naman ako sa nanay ko at maging blessing din sa mga kaibigan. So, hindi talaga ako nakasama. Neks bertdey na lang tayo mag-sine, I mean magkape.
Kanina, nag-baon na'ko ng kanin. Wala akong baong ulam dahil medyo magaspang 'yung texture ng corned tuna na almusal kanina kaya hindi na'ko nagbaon. May budget naman ako na 20 pesos kada araw para sa pang-ulam, kaya lang siempre hangga't maiiwasang gumastos, iiwas ako. Bumili ako kanina ng:
maanghang na adobong baboy.
Isang order. 30 pesos.
At isang kanin.
10 piso.
Ang total ay 40 pesos din. Pero ok lang dahil yung isang order ng ulam ay pwede kong pagkasyahin sa dalawang kainan. Kaya yug binili kong kanin ay para sa merienda. Kesa bumili pa 'ko ng lumpia at palamig sa labas, nakaka-25 din ako. Magkakanin na lang ako at magtutubig sa opis.
Naalala ko pa dati noong nag-aaral pa'ko. Kain lang ng kain. Mas madalas pa kaming mag-Jolibee. At regular ang coffee sessions sa Mami-an ni Tiya Melods. Kasi nga, hindi ko pa alam ang hirap ng pagkita ng pera.
No comments:
Post a Comment