Isa ito sa mga morning talk show series na ipo-post ko. Ang morning talk show ay nagaganap ng 6:15-6:45 am sa kusina sa 'kumbento' (parsonage) kung saan kami nanunuluyan. Ito ay isang motivational talk kung saan nagkukwentuhan kami ng mga kung anek-anekdota sa trabaho, sa pagsakay papuntang trabaho, at sa mga tinatrabaho, bago kami pumunta sa aming mga trabaho.
Cast:
Philip - isang computer engineer na nasa I.T. company
Rica - isang accountant
Jhertell - isang Pyscho(tic?) na nasa HR
Kuya Caloy - Pastor sa Grace Bible Church
Bun - isang batang viet (2 yrs old)
Ate Joby - isang computer engineer na nasa I.T. company rin.
(Magkaiba sila ng company ni Philip)
Ito ang regular cast, salit-salitan 'yan. Ako ang resident moderator.
Dahil special episode agad ang pilot episode natin, 2 lang muna ang mag-aappear on cam:
Ready.... Ac...shun!
Isang umagang mataas ang energy ng lahat dahil Monday.
Jhertell: Dyo-hord! Napanaginipan kita!
Ako: Ano?
Jhertell: Nagresign ka na raw...
Ako: Haha. Bakit daw?
Jhertell: Nagresign ka na daw dahil may pulitika sa office nyo.
Ako: Pa'nong pulitika?
Jhertell: May kinikilingan daw ang [dyaryo name] nyo, kaya nagresign ka.
Ako: Haha!
Nakakatuwa naman ang panaginip ni Jhertell. Aba! akalain mo maprinsipyo akong tao ron. Pinagpalit ang trabaho para sa dignidad. As if namang gagawin ko nga 'yon sa totoong buhay? Paano nga kung dumating ang panahon na malagay ako sa balag ng pagkompromiso sa aking mga tinatayuang prinsipyo? Magdream come true nga ba si Jhertell na oks lang sa'king kumalam ang sikmura para sa prinsipyo. Malayo pa naman ang 2016.
Naku! Ito na ang sign na hinihintay ko. Haha. Hindi. Hindi pa. Konting ipon pa. Bago ako tuluyang kumawala sa trabahong ito.
No comments:
Post a Comment