9:02. 'Yan yung log-in ko kanina. Hindi lang late kundi supah late na. Lagpas-lagpasan na sa grace period na 15 mins. Para talagang hinahamon ko na ang HR na sendan ako ng memo na hinding hindi ko pa nakukuha kahit marami na akong late. Alam ko lagpas na ang late ko sa 60 mins grace period kada buwan. Bakit binabawi ko kaya sa hapon, minsan 5:20 o 5:15 ako nag-a-out. Kahit na hindi ko naman na makakaltasan pa rin ako. Oks lang.
Lately, nakakita nga ako ng shortcut route di ba? Kaya lang sinarhan ang Ayala Bridge. Bawal na ring tumawid ang mga pedestrian sa bridge kasi nga delikado na. Last time noong tumawid ako 'ron, para naman talagang nakakabagabag nang maglakad doon habang dukdukang-dukdukan yung mga drills. Kapag bumagsak ang Ayala ay maiipit ako sa mabahong Ilog Pasig. Stinky death. Baka hindi pa nabubulok ang bangkay ko ay amoy zombie na 'ko. Kaya buti na lang sinarhan siya.
'Yun nga lang. Ayoko nang bumalik sa route ko na Quiapo to Intramuros via Quezon Bridge. Malayo at matagal. Tapos, kanina suot ko 'yung bago kong sapatos Combers, binili ko sa DV ng 350 pesos (from P 480 'yun), hindi ako sanay. Nanibago ako. Feeling ko parte na ng paa ko yung luma kong sapatos na nabili sa ukay for 210 pesos (from P 300 'yun). At dahil tingin ako ng tingin sa sapatos ko na kakaiba ang feels, e maling dyip ang nasakyan ko. Sumakay ako mula sa may Nagtahan, pagbaba ko ay Baste. Sumakay uli ako, pag baba ko ay sa may Nagtahan. Bumalik lang ako. Parang ni-rewind. E mag-aalas-otso na. Sakay uli.
Baste ulit ako bumaba. Tapos, hindi ko na pinapansin ang sapatos ko kaya nakasakay na 'ko ng tamang dyip, yung papuntang SM City Hall. Hindi siya nag-Quezon Bridge pero dumaan pa rin ng Quiapo sa may palengke tapos may inikutang rotonda. Si Manong naman hindi huminto sa may Intramuros, hindi dumaan doon sa may Lagusnilad underpass. Umikot pa tuloy ako ng City Hall at bumaba sa may SM. Sayang ang mahigit limang minuto. Pero hindi ako mababad trip. Hindi nito masisira ang araw ko kahit na nanakawan ako ng hundreds dahil sa kaltas nito sa sweldo ko.
Salamat pa rin dahil nagising ako noong umaga. May alamusal kami. May mga kaibigan ako sa Tiaong. May pamilya ako sa church at sa iba pang bahay. May savings ako sa banko. May mga aso ako. May nagpapahiram ng aso nila. May mga libro akong babasahin. May blog entry pa 'ko. At may bukas pa naman para makabawi. Lahat 'to ay ipinagpapasalamat ko. Hindi ako mababad trip ng dahil lang isinara ang Ayala Bridge at nadisrupt ang daily routine ko. No way, kokey!
Isa pa, Biyernes na! TGIF! Thank God It's Friday! Kahit na may pasok pa 'ko bukas. So, bukas, Thank God it's Saturday naman!
No comments:
Post a Comment